You are on page 1of 2

Pandora

Uri: Si Pandora ay isang tauhang bilog sapagkat nang sinabi sakanya na huwag buksan ang
kahon, nagdesisyon pa rin siya na buksan ito. Sa huli nagbago ulit ang kanyang isip at isinara
niya ang kahon sapagkat nakita niya ang masamang epekto na naidulot nito ngunit huli na.

Katangian: Ubod ng ganda, mahusay umawit, may kapangyarihang mang-akit, mang-udyok,


kaibig-ibig, matigas ang ulo at hindi mapalagay.

Prinsipyo: Ang pagiging mausisa

Diyalogo: “Naging palaisip si Pandora. Araw-araw ay binubuhay niya kung ano ang laman ng
kahon.” , “ Buksan ang kahon!”

Epimitiyus
Uri: Si Epimitiyus ay isang tauhang bilog sapagkat kahit kailan hindi siya nakaranas ng
kalungkutan ngunit na sitwasyon na ito nakita niya na walang kibo si Pandora at bihira ng
ngumiti, at dahil dito nalungkot ang kanyang damdamin.

Katangian: Mapagmahal at maka-diyos

Prinsipyo: Sumunod lagi sa utos ng Diyos

Diyalogo : “Gawin ang isang bagay na ipinagbabawal ng mga diyos?” , “Hindi ko magagawa
iyan.”

Hepestus
Uri: Si Hepestus ay isang tauhang lapad sapagkat hindi nagbago ang kanyang desisyon sa
buong kwento. Bilang taga-buhay at taga-gawa kay Pandora, hindi sumunod si Pandora at
kaguluhan ang nagbunga sa kanyang ginawa ngunit walang binanggit sa kwento na naging
desisyon ni Hepestus sa naganap.

Katangian: Makapangyarihan at mapagbigay.

Prinsipyo: Maging bukas ang isip sa pananaw ng iba.

Diyalogo: “Hiniling nila sa diyos na manlililok na si Hepestus na humubog ng isang babae.


Sinunod naman ang kahilingan.”

Hermis
Uri: Si Hermis ay isang tauhang lapad sapagkat walang binanggit sa akda na nagbago ang
kanyang desisyon na kunin ang ibinigay niyang katangian kay Pandora na kapangyarihang
mang-akit at mang-udyok kahit mahigpit na pinagsabihan niya si Pandora na huwag buksan ang
kahon noong inihahatid niya ito sa kalupaan.

Katangian: Makapangyarihan at mapagalala


Prinsipyo: Bigyang pansin ang kapakanan ng iba.

Diyalogo: “Ito’y ang nauukol sa kahon na kasama niya nang siya’y ihatid ni Hermis sa lupa.
Mahigpit ang bilin ni Hermis na ang kahon ay huwag niyang bubuksan.”

Apollo, Aprodayte, at Prometiyus

Uri: Lahat sila ay tauhang lapad sapagkat hindi nagbago ang kanilang desisyon sa pagbibigay ng
kakayahan o katangian kay Pandora kahit nagkasala ito. Walang masyadong nabanggit sa akda
ukol sa mga karakter na ito kung hindi lamang ang pagbibigay nila ng kaugalian kay Pandora.

Katangian: Makapangyarihan

Prinsipyo: Magbigay ng maganda o positibong kakayahan o kaugalian.

Diyalogo: “Ibinigay sa kanya ni Apollo ang kahusayang umawit. Ibinigay sa kanya ni Hermis
ang kapangyarihang mang-akit at mang-udyok. Ginawa siyang kaibig-ibig ni Aprodayte.”

II. Tagpuan | Manunulat | Isyung Panlipunan

Tagpuan: Bundok ng Olimpo at kalupaan

Manunulat: Griyego. Ang Greece ay tinaguriang “Duyan ng Sibilisasyong Kanluranin” at


pinagmulan ng demokrasyang pamahalaan. Ang mitolohiyang Griyego ay bahagi ng modernong
relihiyon ng bansa.Tauhan

Isyung Panlipunan

Global: Maiuugnay ang isyung paninigarilyo sa akda sapagkat kagaya ni Pandora , ang mga
tao ay mausisa gumamit ng sigarilyo. Sa dami ng taong gumagamit nito mas lalong lumalaganap
ang sakit at ang kabataan na mag-isip gumamit nito.

Local: Maiuugnay ang isyung droga sa akda sa paraan na maraming kabataan at nakatatanda
sa Pilipinas ang umiisip o gumagamit na ng droga. Ito rin ay dahil sa makabagong henerasyon na
ang pag-iisip na ang ganitong bagay ay uso na hindi naman maganda ang epekto sa kalusugan.

You might also like