You are on page 1of 1

Ang Kahon ni Pandora

Ito ang pamagat dahil ang kahon ay sadyang inilaan para kay Pandora. Sinadya ni Zeus na
gumawa ng babaeng hindi kayang magtiis sa temtasyon na binibigay ng kahon bilang kaparusahan sa
magkapatid.

Mga Tauhan at Tagpuan


Ang mga tauhan sa kwentong Kahon ni Pandora ay sina Zeus, siya ang pinaka makapangyarihang Diyossa lahat. Si
Aphrodite, siya ang Diyos ng pag ibig at kagandahan. Hermes,ang tagapaghad-balita ngDiyos. Apollo, ang Diyos ng araw, musika,
pagpapana at panggagamot. Pandora, ang pinaka unang taona sinunuod ang anyo kay Aphrodite. Epimetheus, ang gumawa ng mga
hayop at apo ng Inang Kalikasan.Prometheus, siya ang nag bigay apoy sa mga tao
Ang tagpuan ay ginanap sa Mount Olympus at sa bahay ni Epimentheus sa mundo ng mga mortal(Earth)

Banghay
Sa mundo ng mga tao, noon ay puro kalalakihan lamang. Wala silang ginagawa magdamag kundi ang magkwentuhan, magpalakas ng katawan at
magkasiyahan. Isang araw ay hiniling nila kay Hepestus na padalhan sila ng isang babae. Sinunod naman ito ng dakilang manlililok. Binigyan ito ng mga Diyos ng
angking talento. Pinangalanan siyang Pandora na ang ibig sabihin ay "Kabuuan ng kahanga-hangang handog ng lahat ng  Diyos”. Inihatid siya ni Hermis sa bahay
ng magkapatid na sina Epimetheus at Prometheus. Bago siya tuluyang iwan ni Hermis sa mundo ng mga tao ay naghabilin ito ng isang kahon na hindi tukoy ng
dalaga kung ano ang laman. Pinaghihigpit na bilin ni Hermis ay huwag na huwag itong buksan. Labis ang kagalakan ng mga lalake ng makita si Pandora dahil
ngayon lamang sila nakakita ng napakagandang babae, napakatalentado at may kahanga hangang boses. Naging masaya ang lugar na iyon,  palagi nilang
inaabangan ang awit ni Pandora tuwing hapon. Ngunit biglang nasagi sa isip ni Pandora ang  kahon. Ang nasa isipan niya ay kung ano ang laman nito. Baka ito ay
dadagdag pa sa kanyang kagandahan o hindi kaya'y mga makikinang na hiyas katulad ng kay Aphrodite at mga magagarang damit tulad ng kay Hira. Nakita ni
Epimetheus na naging malungkot si Pandora, kahit kailan ay hindi niya ito nakitang malungkot. Ibinahagi ni Pandora ang kanyabng saloobin kay Epimetheus,
ngunit maging siya ay ayaw itong buksan dahil yun ang bilin ng mga Diyos. Isang araw, naiwang mag-isa si Pandora sa kanilang bahay at dun niya binuksan ang
kahon. Wala itong lamang mararangya kundi mga umuogong na mga putakte agad itong nag silabasan. At nagdala ng samu't saring problema, lagnata, ubo,
masamang gawain at mga bahid ng galit. Napalingon si Pandora sa nag iisang putakte na nasa loob ng kahon. Nung una ay ayaw niya itong buksan ngunit ang sabi
ng putakte ay siya ang pag-asa. Inilabas siya roon ni Pandora at tama nga ito. Naibalik niya sa dati ang lugar, ngunit doon nalaman ng mga kalalakihan na sa
mundo hindi lahat ay puro kasiyahan at ang lahat rin ng masasama ay kaya pa ring baguhin ng mabubuti.

Uri ng Bisang Taglay ng binasang Akda

Bisang pangkaisipan = dapat mismong pinagiisipan muna natin ang isang desisyon bago natin ito gawin dahil kung hindi kung hindi natin ito inisip ng maayos at mismong tuluyan
ng ginawa ay baka maaari ito magdala ng isang malaking problema ma kung saan ay mahihirapan tayong masolve ito ng mabilis ng dahil nga sa malaking problema ito na bunga
sa desisyon na mismong ginawa natin ng tuluyan ng hindi man pinagiisipan ng maigi at dahil dun ay halos pagsisishan din natin ng dahil nga sa hindi natin masolve ang
problemang iyon ng dahil sa Malaki sya . kaya halos dapat mismong pinagiisipan muna natin ang mga desisyon nagawa natin sa buhay bago paman ito gawin upang lang
maiwasan ang isang malaking problem na mismong hindi mo masosolve ng mabilisan at mismong pagsisihan din sa huli

Aral na napulot sa Akda

1. Masama ang maghangad ng kalabisan. 2. May dalang kapahamakan ang pagiging mausisa. 3. Ang labis na inggit ay nagdudulot ng sakit.

 4. Nasa huli ang pagsisisi. 5. May awa ang Diyos.

You might also like