You are on page 1of 1

KAHON NI PANDORA

Ang Kahon ni Pandora Noong unang panahon, ang mga sinaunang Diyos ay
nagdesisyong gumawa ng isang obra maestra. Sila'y gumawa ng isang perpektong
babae na pinangalanan nilang Pandora.

Lahat ng mga naghahari doon ay nagbigay kay pandora ng regalo na


hahangaan ng iba: Kagandahan, katalinuhan, kaalaman at kakayahan sa lahat ng
bagay.

Sa wakas dinala na siya kay Hupiter, ang Diyos ng lahat ng mga hari, upang
ibigay ang kanyang natatanging regalo kay Pandora na hindi mahihigitan ng
anumang regalo ng iba, bago pa siya ipadala sa mundo.

Si Hupiter, na hindi papatalo sa mga regalong naibigay na sa kanya ng


ibang mga hari. Kaya't binigyan niya ito ng isang magandang kahon na may
disenyo. Binilin niya kay Pandora na huwag itong bubuksan kahit anong
mangyari. Ngunit hindi nakatiis si Pandora na malaman kung ano talaga ang
nilalaman ng kahong iyon.

Isang araw binuksan niya iyon, nagulat siya sa kanyang natuklasan,


naglabasan lahat ng masasamang elemento na magbibigay ng masamang epekto
sa mga tao: Pagkatanda, pagkakasakit, pagseselos, pagkasakim at poot. Bago pa
naisara ni pandora ng kahon nakalabas na ang mga ito at kumalat na sa buong
mundo.

Sa kabutihang palad, naiwan sa loob ang "Pag-asa" na siyang magpapatibay


ng loob sa mga taong dumadaan sa mga pagsubok sa kanilang buhay./.

You might also like