You are on page 1of 2

Ang Kahon ni Pandora

Nang nilalang na ang lalaki, napagpasiyahan ni Jupiter na lumalang ng


babae upang ipadala sa daigdig. Tinawag niya ang mga diyos at diyosa
upang syay tulungan, at sila namay sumang-ayon.
Binigyan ni Venus ng kagandahan ang babae; binigyan ni Apollo ng
hilig sa musika; binigyan ni Minerba ng dunong at kakayahan sa
paghabi, at binigyan ni Merkuryo, nang mapaiba naman sa karamihan ng
kaunting pagka-usyoso.
Nang ang babae ay matapos, anong ganda!  Ipinagmalaki ng mga diyos
ang kanilang likha kaya siya’y pinangalang Pandora na ang
kahuluga’y alaala ng mga diyos.  Siya’y pinagkalooban ni Jupiter ng
munting kahong maganda ang pagkakalalik at may kasamang gintomg
susi bilang alaala.  Ipinagbilin sa kanyang piling at huwag bubuksan.
Pagkatapos, siya’y pinapunta sa daigdig upang magprisinta kay
Epimetheus.
Siya’y naging mabuting maybahay ni Epimetheus – mabuting magluto,
laging abala sa paglilinis ng bahay, mahusay humabi at higit sa lahat,
tumatalima sa bawat naisin ng asawa.
Hindi nawaglit sa kanyang gunita ang kahong yari sa garing na kanyang
dala.  Dumating ang oras na hindi niya mapaglabanan ang tuksong
malaman kung ano ang laman nito.  Kanyang tinangnan ang gintong susi
na nakabitin na may tatlong sedang sinulid at pagkuwa’y biglang
binuksan ang kahon.  Kanyang iniangat nang kaunti ang takip upang
sumilip.
Kaawa-awang Pandora!  Ilan lamang saglit at ang silid ay napuno ng
maliliit at nagliliparang kulisap, lumilipad na umuugong at palibot-libot
sa dingding hanggang makalabas ng bintana.  Ano ang kanyang nagawa?
Dagling isinara ang takip subalit huli na.  Nasa labas na ng kahon ang
mga impakto sa daigdig – Kasalaulaan, Katakawan, Kalupitan, Sakit at
iba pa.  Mula noo’y lumipana sila na siyang pinagmulan ng
kapahamakan, salot at lumbay.  Isang kamalian ang pagkapagpalaya sa
kanila.
Mabuti na lamang at kaagad na isinara ni Pandora ang takip ng kahon.
Kundi agad nasarhan pati ang Pag-asa ay nakalipad din na kasama ng
mga signos na may pakpak.  Kung nakawala ang Pag-asa, lalong
magiging kahambal-hambal ang kalagayan ng daigdig.  Sa kabutihang
palad, ito ay naiwan.  At ano kaya ang ating magagawa kung ito’y wala?

Ano ang PARABULA?


Amg salitang parabula ay nagmula sa salitang griyego na PARABOLE. Ang
salitang ito ay nagmula sa para na nangangahulugang “paghambingin” at sa ballo
na may literal na kahulugan na “batuhin o Makita”
Ang parabola ay ginagamit sa pagbibigay ng isa o prinsipyo sa buhay ng maaring
patalinghaga

PALAWAGIN MO:

1. Mahalagang paksa: nagdudulot ito ng kapakinabangan ng mambabasa


2. Wastong pagkakasunod: ng mga pangyayari may iba’t ibang estib sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari. Ang ilang manunulat ay gumagamit sa
“Flashback”. Magsisimula ang pagsasalaysay sa gitna o bahaging wakas ng
mga pangyayari.
3. Mabisang wakas: dapat ang salaysay ay magiiwan ng matagalang impresyon
sa isip ng bumabasa at nagpapakilala ng kanya upang umatisyon at
magpasya para sa sarili o para sa iba

PANDIWA BILANG AKSYON, PANGYAYARI AT KARANASAN:


A. Kilos, aksyon o gawa
B. Proseso, o pangyayaring karaniwang sadya o disadya, likas o di likas
C. Karanasan o damdamin

You might also like