You are on page 1of 15

NATIONAL READING

PROGRAM
LITERACY:
MITO: ANG BAKUNAWA AT
ANG PITONG BUWAN
Prepared by:
Floriza C. Acupan
Filipino Teacher
Ano ang Mito?
Ito ay karaniwang tumatalakay sa
mga kuwentong may kinalaman sa
mga diyos, at diyosa, bathala, diwata,
at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN

Noong lumang panahon ang mundo ay nalalang na may


pitong buwan, pitong yaman na nagbibigay ganda at
linawag sa lahat ng nasa balat ng lupa at ibabaw ng
sangkatubigan tuwing gabi. Ang pitong buwan ay
kinakatawan ng pitong Dayaw, ang pitong diwata ng
buwan. Sila ay magkakapatid na babae at lalaki, na
maymagagandan at maamong mga mukha at mga
balingkinitang katawan.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN

Lahat ng nilalang ay nag aabang nabibighani sa kanila sa tuwing sila ay


lalabas pag kagat ng dilim. Ang kagandahan ng mga buwan ay sinamba at
pinapurihan ng lahat ng nilalang. Nang umawit ng papuri ang mga ibon at
sirena narinig ito ng mga Dayaw na diwata at sila ay natuwa. Nahikayat ng
mga awit ng papuri ang batang diwata na si Bulan, siya ay bumaba sa
katubigan. Sinalubung siya ng mga alitap-tap. Dahil sa napakaganda at napaka
amo ng kanyang mukha ni Bulan,nagsihulog mula sa pagkakalipad ang mga
ibon, at ang mga mababangis na sirena ay naging maamo. Gabi gabi ay
bumababa si Bulan sa katubigan, minsan ay kasama niya ang kanyang mga
kapatid, na sina Subang, Banolog at Haliya.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN

Ang liwanag at kariktan ng mga buwan ay nagbigay liwanag at


kaligayahan sa lahat ng nilalang, ang kanilang liwanag ay umabot
hangang sa pusod ng kailaliman, sa pinto ng Sulad. Kung saan
nanahan si Bakunawa.Ayon sa alamat si Bakunawa ay isang
napakagandang diwata. Lumangoy siya kung saan naroon ang mga
diwatang buwan. Doon siya ay nabighani sa taglay nilang liwanag at
ganda. Nakita niyang lumalangoy at nakikipaglaro sa mga sirena at
iba pang laman dagat, habang nagliliparan at nagsisisayaw ang mga
lambana para sa kanila.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN
Napuno ng panibugho si Bakunawa, Hindi napansin ng mga diwata
ng buwan ang kanyang pagdating. Hindi man lamang siya
pinagmasdan ni Bulan. Sa sobrang galit niya ay nangako siya sa
kanyang sarili na mapapasakanya ang mga ito. Si Bakunawa ay
minsan nang nabighani sa isang batang babae, mula sa isang banwa.
Ngunit ng siya ay dinalanganan ng dilag, ang dilag ay pinaslang ng
kanyang mga kaanak sa pagsamba sa ibang diyos, sa pagsamba sa
kanya. Nangako si Bakunawa na hindi na niya muling mararanasan
ang hapdi at sakit sa kanyang dibdib, sakit ng dulot ng hindi
maipaliwanag na nadarama.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN

Nang sumunod na gabi isang higanteng tila ba ahas at isa, may


mahabang dila sing pula ng dugo, may bibig na singlaki ng lawa at
mahabang katawan. Umahon mula sa kaibuturan ng karagatan ang
Bakunawa. Nilapa niya ang unang buwan, natuwa siya sa kanyang
ginawa, napasakanya na ang unang buwan, si Libulan. Bumalik si
Bakunawa sa kaibuturan. Naramdaman niyang natunaw sa loob ng
katawan niya ang buwan. Nang sumunod na gabi ay ginawa nya ulit
ito. Nilamon niya ang buwan, Napasakanya si Banilig, at muli ay
natunaw ito.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN

Ayon sa mga kwento ang ibang buwan ay nakaligtas gaya ni Bulan,


na kinuha at ginbukot ng diyos ng kamatayan na si Sidapa, Si Mayari
naman ay nakaligtas din nang siya ay bumaba sa kalupaan at nakita
niya ang isang lalaki namag-uunong o magpapatwakal pagkat wala
siyang batuk or palamuti sa balat na tanda ng kagitingan at pagiging
maisug. Ginawang asawa ni Mayari ang lalaki at itinuro sa kanya ang
mga lihim ng panggagamot at pag aanito.Siya ay ang naging unang
Asog.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN

Samantala ang natitirang buwan sa kalangitan ay nalumbay. siya ay nagalit at


kumuha siya ng sinag tala upang gawing sandata, isang kampilan pang laban
sa bakunawa, at mula rin sa sinagtala siya ay gumawa ng pantakip sa kanyang
mukha upang ipagluksa ang mga nawalang kapatid, Siya ay si Haliya.
Napagtanto ng Aba na nawala ang mga buwan sa langit. At ng makita niyang
lalamunin ng Bakunawa ang huling buwan, itoy kanyang pinigil at ginapi. At
pinagsabihang huwag gagalawin ang huling buwan. Si Bakunawa ay hindi na
muling naging isang magandang diwata, kung hindi siya ay mananatiling
isang halimaw, at pangit gaya ng kanyang ginawa at binalak sa mga buwan.
ANG BAKUNAWA AT ANG PITONG BUWAN

Sinasabing minsan minsan ay sinusuway ni


Bakunawa ang utos ni Bathala, at tinatangka parin
niyang lunukin ang buwan. At ang mga tao ay dapat
mag ingay upang iluwa ni Bakunawa ang Buwan.
WASTONG GAMIT ng KUNG
Answer the following:
1. What is/are the lesson/s that you can get
in reading the story, “Ang Bakunawa at ang
Pitong Buwan”?
2. Did the story end as you expected?
3. Relate/share personal experiences that
have connection to the story that you have
read.
ACTIVITY: REFLECTIVE JOURNAL

Express your
thoughts through
answering the
following questions.
REFLECTIVE JOURNAL

1. What is the first thing you remember about when you read
the story?
2. Is there anything in the story that you disagree with? State
your answer to why you agree or disagree.
3. What question would you like to ask the author?
4. If you will be given a chance to write the ending of the
story, how will you end story?

You might also like