You are on page 1of 27

KABANATA II

KATUTUBONG PANITIKAN BAGO


PUMASOK ANG IMPLUWENSYA NG
KANLURAN
MGA AWITING PANRELIHIYON
Mga Awiting Panrelihiyon

Sa matandang ritwal ng mga pagano, ang mga guro (pari) ay may


mga dalit (hymns) na kung awitin ay sinasaliwan ng sayaw at
tugtog ng agong at kumpiyang. Ang dalawang halimbawa rito ay
mula sa Kabisayaan. Ang mga baylan ay ang mga paring babae
(priestesses)
Halimbawa ng mga Awiting Panrelihiyon
• Dalit - awit na panrelihiyon o hino ng pagdakila sa Maykapal
• Balitaw – ito’y mga awit ng pag ibig na ginagamit sa paghaharana ng
mga bisaya.
• Kundiman – ito naman ang berisyon ng Tagalog sa awit ng pag ibig.
Isang uri ng pananaptan na parang harana sa kanyang liniligawan.
• Diyona – Awitin sa panahon ng pamamanhikan o kasal.
• Dung – aw – awit sa patay ng mga ilokano
• Panganhaluwa – awit sa araw ng mga patay sa Tagalog
• Kutang – kutang – mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan
a)
Pumanaog, pumanaog
Miminsad, miminsad,
Si Minsilatan
Si Minsilatan
Saka si Badla ay bababa –
Upod si Badla nga maga – Mamimigay ng lakas.
Dayao nang dunia Pasayawin ang mga Baylan,
Baylan, mangun sayao, Paligirin ang mga Baylan
Bathalang pinagmulan ng mga unang Mabangis na higit sa
nilikha Asong nahihibang
Nakatira ka sa mga bundok Sa dibdib mo lumalabas
Sa kamay mo nakalagay Ang manlilikhang Lulid;
Si maniliw, na magkukulam Amo
Matayog kang parang puno Siya ang nakakagawa
Ng niyog At nagbigay ng dilim
Matigas na parang bato Na higit sa gabi …..
Masiklab na parang apoy,
MGA KUWENTONG BAYAN
• Ang kuwentong bayan ay isang anyo ng panitikan na naging
bahagi ng ating katutubong panitikan bago pa man tayo
sakupin ng mga espanyol.

• Ito’y lumaganap at nagpasalin – salin sa iba’t ibang henerasyon


sa paraang PASALINDILA O PASALITA
• Ito’y naglalahad ng uri, kaugalian at tradisyon ng isang tao o
lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

• Masasalamin sa mga kuwentong bayan ang kaugalian,


pananampalataya, at mga suliraning panlipunan sa panahon kung
kalian ito naisulat.
MGA URI NG KUWENTONG BAYAN
• Alamat – ay ang mga kuwentong tungkol sa pinagmulan ng
isang bagay, pook, hayop o pangyayari.
2. Mito - o mitolohiya ay kumpol ng mga tradisyunal na kwento,
mga kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o
paniniwala.
3. Parabula – ang parabula ay kwento hango sa bibliya. Naglalaman
ito ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.
4. Pabula – ay may makabuluhang kwento na ang mga
karaniwang nagtatampok sa kuwento ay ang mga hayop bilang
tauhan
Mga Elemento ng Kuwentong Bayan

• Banghay
• Tagpuan
• Tauhan
• Tema
• Aral
Kuwentong Bayan ng mga Bagobo (Mindanaw)

ANG UNANG MAG-ASAWA – Ang unang lalaking nilikha ng bathala ay si Tuglay at ang unang babae
ay si Taglibong, na malimit tawaging Mona. Sila’y mayaman at
maunlad, sapagkat kau -kausap nila lagi ang bathala. Nang panahong yaon, ang langit ay malapit na
malapit sa lupa. Isang araw, si Mona ay nagbabayo, ngunit laging nasusukol ng kaniyang kamay ang
langit, “Lumayo ka” sabi niya sa langit. Tumaas ang langit at hanggang ngayong mataas pa. Ang
pinakamatandang anak na lalaki ni Mona ay si Malaki, at ang panganay na babae ay si Biya. Nakatira
sila sa gitna ng daigdig. May manunuksong ahas na minsa’y nag abot ng isang bungangkahoy kina
Tuglay at Taglibong at ang sabi’y “Kumain kayo at mabubuksan ang iyong mga mata”. Kumain ang
dalawa. Nagalit ang bathala. Mula noon ay hindi na uli nila nakita
ang bathala.
Kuwentong Bayan ng mga Manobo
ALAMAT NI ANGO, ANG MANOBONG NANIGAS – Si Ango ay nakatira noong unang
panahon sa isang mataas na bundok, na kasama ng kaniyang asawa at mga anak. Isang araw’y
nanghuli siya nang baboy-ramo sa gubat ngunit nabali ang kaniyang sibat. Naupo siya sa tabi ng
ilog upang gawin ito at sabi sa mga palakang nagkakaingay. “Tumahimik kayo. Lalong mabuti’y
tulungan ninyo ako”. Nang lumakad siyang pauwi, maraming bato maliliit ang gumulong na
kasunod siya. Siya’y tumakbo at lalong malalaking bato ang humahabol sa kanya. Inabot siya ng
ilan at ang mga ito’y kumapit sa kaniyang kamay. Nagpadalo si Ango sa kanyang asawa’t mga
anak. Pinalibutan siya ng mga ito ng apog ng ingkantado, ngunit wala ring nangyari at pati ang
mga anak niya’y napagbuhusan ng galit ng mga bato. Unti unting mula sa paa, pataas, ay naging
bato silang lahat. Kaya, hanggang ngayon, sa bundok ng Binawi sa Mindanaw ay makikita ang
mga katawang naging bato nina Ango at kaanak.
Sa Lanaw at Kotabato
ANG PAGLALAHO O EKLIPSE – kapag may paglalaho o eklipse, ang mga tao sa lanaw at
kotabato ay nangagsisigawan at hinahampas nila ang mga lata at bakal upang magkaingay.
Ito’y upang mawala raw agad ang eklipse. Ayon sa kanilang alamat, noon daw kauna unahang
panahon, ang buwan ay nilunok ng isang napakalaking ibon na kung tawagin ay minokawa.
Nang marinig ang sigawan ng mga tao, ang minokawa ay sumilip sa pagitan ng mga ulap at
binuka ang tuka. Sa pagbubuka niya ng tuka, ang buwan ay nakatanan. Sa kalakihan ng
minokawa, ang daigdig ay nagdidilim kapag nagdaraan siya sa paglipad. Ang kanyang tuka,
mga kuko at tahid ay pawing bakal. Ang mga mata ay mga salaming nagkikislapan. Ang bawat
pakpak ng bagwis niya ay malaking barong (espada) na napakatalas. Binabantayan ng
minokawa ang pagsikat ng buwan upang kaininNaniniwala ang mga tao na kapag nakain ng
minokawa ang buwan, ang isusunod na ay ang araw at pagkatapos ay ang daigdig.
Galing naman sa mga Igurot

ANG PAGKAKALIKHA SA TAO – Noon daw unang panahon na wala pang tao sa daigdig, si
Lumawig, ang dakilang hilagayo, ay nanaog mula sa langit, naputol ng mga damong malalaki at
dala- dalawang ikinalat sa iba’t ibang pook ng daigdig. “Magsalita kayo” ang sabi niya. Ang mga
damo ay naging tao, at sa bawat pares ng damo ay may lumabas na isang lalake at isang babae,
ngunit iba iba ang wika ng bawat pares. Ikinasal ni Lumawig ang bawat pares na siyang naging
simula ng maraming tao sa daigdig na may iba’’t ibang wika, ayon sa pinagmulan nilang pares.
Ang mga tao ay binigyan ni Lumawig ng asin, at itinuro ang paggamit. Pumili siya ng isang
pangkat na unang bibigyan, upang ito’y ipagbili naman sa ibang pangkat. Ngunit nang makaraan
ang isang panahon at dinalaw sila ni Lumawig ay natagpuang hindi man lamang hinipo ng mga
tao ang asin dahil sa hindi nila nauunawaan ang turo ni Lumawig.
Kinuha ni lumawig ang asin at ibinigay niya sa mga nakatira sa pook na kung
tawagi’y Mainit at ang mga ito ang naunang natutong gumamit ng asin. Tinuruan ni
Lumawig ang mga taga Bontok ng paggawa ng palayok, ngunit ang palayok na
kanilang niyari ay tabi tabingi, kaya’t ang mga taga Samoki naman ang tinuruan at
ang mga ito’y nakagawa ng magagandang palayok. Sa ganitong paraan ay nabigyan
ni Lumawig ng sari- sariling gawaing mahusay na nagaganap ang bawat isa sa mga
pangkat ng mga taong nanggaling sa unang pares ng damo.
Kuwentong Bayan ng mga Tinggiyan
ANG BUWAN AT ANG ARAW - Noon daw unang panahon, ang Araw ay may mga bituing anak na
katulad ng Buwan. Ang mga bituin ng Araw ay dilaw, makinang at mainit. Ang mga bituin ng Buwan ay
mapula at malamig. Natakot ang Buwan na baka matuyo o mamatay ang kanyang mga bituin sa
pakikipaglaro sa mga bituin ng Araw. Kaya, isang araw ay ipinasok ng Buwan sa pakikipagsalitaan sa
Araw ang paksang napakarami ang kanilang mgaanak na nagsisikip tuloy ang kalangitan. Nagkasundo
silang pagpapatayin nila ang kanilang mga bituin. Ngunit nang mapatay na ng Araw ang kanyang mga
bituin ay itinaboy lamang ng Buwan ang ganang kanya sa dilim at sa kabila ng mga ulap. Kapag gab I at
nahahawi ang ulap, ang mga bituin ng Buwan ay lumilitaw. Galit na galit ang Araw. Hinahagad niya ang
Buwan at kapag kaniyang nalalapitan ay nagkakaroon tayo ng eklipse o laho. Tuwing umaga ay pinapatay
ng Araw ang mga bituing kanyang maabutan. Hanggang ngayon, ang paghahabulang ito at pagpatay sa
mga bituin ay
nangyayari, ngunit hindi maubos ubos ang mga ito sapagkat anak nang anak ang Buwan ngmarami pang
bituin.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG !!!

You might also like