You are on page 1of 7

Queency Mariz H.

Dela Vega Pebrero 13, 2020

BS Architecture Panitikan

Ang Paglikha at Pag-iral

ayun sa Ibat-ibang lahi o lugar

Ayon sa kaalamang-bayan, ang mitolohiya ay sumasalaysay sa matatandang kuwentong

pabula na nasasalig sa pangyayari noong unang panahon at pangkaraniwang tumutukoy

patungkol sa diyos o bayani. Ito ay isang malaking uri ng literatura na kadalasan ay naka-ankla

ito sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Ito ay may layuning

magpaliwanag ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay. Halimbawa na nito ang

pinagmulan ng mga bagay-bagay tulad ng pag-iral ng mundo at ng tao. Layunin din nitong

ilarawan ang pagtanggap sa mapait na katotohanan ng buhay kung saan nakakaranas ng

kapahamakan, sakit, masamang kapalaran at maging ang kamatayan. Kadalasan, ang tinatahak

na tema ng mitolohiya ay mga kababalaghan at kathang-isip lamang ngunit malaki parin ang

naiaambag nito sa kasaysayan at maging sa mga modernong pag-aaral.

Sinasabi ng iilan na ang mitolohiya ay nag-iral na o nag-umpisa na bago pa naitaguyod

ang kaniya-kaniyang sekta ng relihiyon. Buhat dito, ang mga lugar na may matatag na pakikinig

sa mga mito at lumaking naniniwala dito ay tiningala ito bilang basehan ng relihiyon ng bawat

isa at upang gamitin bilang gabay sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay. Kung

oobserbahan, ang bawat pangkating-entiko o sibilisasyon ay may iba’t-ibang bersyon ng

pagsalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Dito sa Pilipinas, ang bawat lahi ay may

kaniya-kaniyang pinaniniwalaang kwento ng kasaysayan ng paglikha ng sangkatauhan.

1
Ang halimbawa ng mitolohiyang naglalarawan ng pinagmulan ng sanlibutan ay ang

kasaysayan ng paglikha na nagmula sa mga Tinguian. Sinasabi dito, na sa pasimula ay mayroon

lamang langit at dagat. Ngunit, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa kung kaya’t nagpaulan

ng maraming isla sa dagat at doon nagpasimula ang mga kalupaan. Ang pag-iral ng unang tao ay

iniuugnay sa kasaysayan ni makusog at magayon na lumabas mula sa kawayan. At dahil sa

pagkakaroon ng iba’t-ibang lahi sa mundo ay sapagkat nagalit ang ama kung kaya karamihan ay

nagsitago. Samantala, sa kasaysayan ng paglikha na mula sa mga Ifugao, sinasabi na ang lahat ay

dahil kay Maknongan, ang Pinakadakilang Diyos sa lahat. Ayon sa kwento, inilikha ni

Maknongan ang mundo at ang lugar ng mga namayapa na kung saan ito ay nahahati sa maraming

seksyon. Ang pinakaimportanteng seksyon ang ang Lagud at Daya kung saan ang Lagud ay lugar

lamang ng mga namayapang ang dahilan ay pagkaranas ng sakit samantala ang Daya naman ay

doon sa mga namatay na bayolente at masama. Sa pag-iral ng tao naman, inilikha ni Maknongan

si Uvigan bilang unang lalaki. Ngunit dahil sa kalungkutan, nailikha naman ang unang babaeng

nagngangalang Bugan. Sa kasamaang palad, nagkasala ang dalawang ito at noong naipanganak

ni Bugan ang kanilang mga anak, lumaki ito ng masama. At dahil dito, pinarusahan ang pamilya

at nawalan ito ng makakain. Ngunit dahil sa awa ni Maknongan, naibuhos muli nito ang mga

biyaya sa pamamagitan ng masaganang palayan. Bagama’t, noong naparusahan ang pamilyang

ito, c Bugan ang nagsakripisyo sa pamamagitan ng paglalabas ng gatas para sa mga anak

hanggang sa dugo na lamang ang lumabas. Kaya makikita sa palay, na ang puti ay ang gatas niya

at ang pula ay ang kaniyang dugo.

Ang paglikha naman ng mundo ayon sa mga Bikol, ay nagpasimula sa mga Diyos na sina

Languit at Tubigan. Dahil sa kasakiman at mataas na pangarap ni Daga na magkaroon ng

malakas na kapangyarihan, bumuo ito ng plano na atakehin ang kaharian ni Languit. Dahil sa

2
galit nito, nahikayat na umanib sina Aldao at Bulan sa binabalak ni Daga. Ngunit hindi

nagtagumpay ang tatlo, nagpadala ng tatlong kidlat si Languit kung kaya’t natunaw si Bulan at si

Aldao at naging bola ang mga ito. Ang katawan naman ni Daga ay nahulog sa dagat at iyon ay

nagporma bilang kalupaan. Si Bitoon na kapatid ng tatlo ay pinatamaan din ni Languit ng isa

pang kidlat kung kaya’t nahati ito sa pagkapira-piraso. Si Bulan ay naging Buwan, si Aldao

naman ay naging araw at si bitoon ay naging mga bituin samantala hindi naman nabigyan ng

liwanag si Daga dahil ginawa itong sangkalupaan. Ang paglikha naman sa mga unang tao ay

dahil sa pagtanim ni Tubigan ng buto ng kawayan. Nang lumaki ang puno, nailabas ang mga

nang tao mula sa kawayan, ito ay si Maisog at si Magayon na syang unang naging magulang ng

sangkatauhan. Ngunit dahil sa pagsamba ni Maisog sa nakuha nyang malaking balyena at

magpilit nito na paglingkuran ay pinarusahan siya ni Languit sa pamamagitan ng isang kidlat.

Ang katawan ni Maisog ay kumalat sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ang maitim na piraso ng

katawan nya ay ang sinasabing maiitim samantala ang unang anak na lalake ni Maisog ay

naipadala sa hilaga at naging magulang ng mga mapuputi. Ang ibang anak nya naman ay

naipadala sa timog kung saan ang araw ay sobrang init kaya ang sinasakupan nito ay may

kayumangging kulay. Ang iba din naman ay naipadala sa silanganan kung saan malaki ang

kakulangan sa pagkain kaya ito ay may dilaw na kulay ng balat.

Ang paglikha naman ng mundo ayon sa mga Jarayas, Jiguenas, Igneines ay dahil sa isang

hari na nagngangalang Haring Manaul. Dahil sa pagod, naisipan niyang pag-awayin ang

kalupaan at kalangitan. Ngunit hindi niya wari kung kailan magtatagal ang alitan kung kaya sya

na lamang ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ng paglusong sa ilalim ng karagatan at

kumuha ng mga malalaking bato at doon nabuo ang Isla ng Iraya. Naisipan nya din na

magkaroon ng maayos na mapagpapahingaan kaya inutusan niya si Maguayan, ang kaniyang

3
heneral na magtapon ng isang pirasong kawayan at ito ay naanod sa iba’t-ibang parte. Sa isang

banda, sa pagpapahinga ng hari ay nakarinig sya ng boses na mula sa kawayan kaya tinuka nya

ito at doon lumabas ang unang lalake na pinangalanan nyang Sikalak at sumunod ang paglabas

ng unang babae na pinangalanan din nya bilang Sikabay. At mula sa dalawang ito, dumami pa

ang mga tao.

Ayon naman sa paglikha na mula sa mga Mangians at mga Negritos, ang lahat ay

nagpasimula sa isang malawak na karagatan. Matapos makatakas mula sa madugong labanan sa

pagitan nina Haring Manaul at Haring Tubluck Lawi, ay naisipan niyang magpahinga muna.

Ngunit sinabi niya na sya ay magiging kalaban ng kalupaan at ng kalangitan. Ngunit humingi

parin sya ng liwanag at makakain mula dito. Ngunit dahil sa galit sa ibang ibon dahil kinakain

nito ang kaniyang mga pagkain, inutusan nya ang isang kwago na magbantay. Nais nyang

lakihan nito ang mga mata at hindi matulog sa gabe.

Ayon naman sa kwento nina Tungkung Langit at Alunsina na mula sa Panay-Visayan,

nalikha ang lahat dahil sa pagmamahalan ng dalawa na nauwi sa away at pagkawala. Dahil din sa

selos ni Alunsina na baka may ibang iniibig si Tungkung Langit ay naging rason upang magalit

ng husto si Tungkung Langit. Dahil dito umalis si Alunsina at hindi na muling nagpakita pa kaya

naging malungkot si Tungkung Langit. Kinuha niya ang mga alahas ni Alunsina at inihagis ito sa

kalangitan. Ang kwentas ay naging bituin, ang suklay ay naging buwan at ang kaniyang corona

ay naging araw. Mula noon panay na ang iyak ni Tungkung Langit at sinasabi ng mg taga-Panay

na ang ulan ay ang luha niya at ang kulog ay ang iyak at sigaw niya na pabalikin ang mahal

nyang si Alunsina.

4
Ang paglikha naman ayon sa mga Bagobo ay dahil kay Diwata na syang naglikha ng

dagat at lupa. Sya rin ang nagtanim at nag-alaga sa mga halaman at puno. Ang paglikha sa tao ay

sa pamamagitan ng pagkuha nya ng dalawang bahagi ng lupa at inihugis bilang tao. Mula doon

nabuo ang unang lalake na nagngangalang Tuglay at ang unang babae na nagngangalang

Tuglibung. Naging mag-asawa ang dalawa at namuhay ng matiwasay. Nilikha din ni diwata ang

araw, buwan, butuin at mga ilog. Una nya ring ginwa ang tinatawag na kasili (great eel), na tulad

ng ahas sa ilog. Nilikha nya rin ang kayumang (great crab). Pinagtabi niya ang dalawa kung

kaya’t kapag kinakagat ng kayumang ang kasili ay doon nalilikha ang lindol. Kapag umuulan

naman, itinatapon niya ang tubig mula sa Langit. Ang araw ay lumulikha ng dilaw na ulap at ang

ulap na ito ay lumilikha naman ng bahaghari ngunit ang putting ulap ay tulad ng usok mula sa

apoy ng mga diyos.

Ang paglikha ayon sa Bilaan, ay dahil sa pasimula ng apat na nilalang na sina Melu,

Fiuweigh, Diwata at Saweigh. Noong inutusan nila ang isang buswit o ibon ay nakapagdla ito ng

pirasong rattan at mga prutas. Ang pag-iral ng tao ay dahil sa unang paglikha ni Melu mula sa

lupa at inihugis sa pigura ng babae at noong sya ay natapos ginawa nya ang mundo. Ngunit,

naiisip nila na ano naman ang halaga ng mga bagay kung wala namang taong manginginabang.

Kaya gumawa sila ng tao gamit ang “wax”´ngunit nakita nilang ito ay natunaw kapag ginamitan

ng apoy. Kaya napag-isipan nilang gumamit na lamang ng alikabok o lupa. Noong ginagawa na

ang ilong ay aksidenteng na pindot ni Melu ang kaliwang bahagi ng ilong na makikita sa mukha

ng mga tao.

Ayon naman sa kasaysayan ng pinagmulan ng mundo ng Maranao, ang lahat ay dahil sa

paglikha ng pinakadakilang manlalalang. Maraming panahon ang kaniyang ginugol upang

likhain ang mundo kung saan ito ay nahahati sa pitong bahagi. Ang bawat bahagi ng mundo ay

5
pinaninirahan ng iba't-ibang nilalang. Halimbawa, sa pinakataas ay pinaninirahan ng mga tao,

ang ikalawa ay sa mga duwende na tinatawag na karibanga, ang ikatlo ay sa mga nimpa. Nalikha

din ang langit kung saan ito rin ay nahahati sa pitong bahagi. Bawat bahagi ay may pinto na

binabantayan ng isang mahiwagang ibon na tinawag na garoda. Gayundin, ito ay pinaninirahan

ng mga anghel. Sa bahagi ng langit kung saan napupunta ang kaluluwa ng tao ay binabantayan

din ng isang halimaw na may libo libong mga mata at walong mabubuhok na ulo na tinawag na

Walo.

Panghuli, ang paglikha naman ng mundo ayon sa Tiruray ay dahil sa natatangi at

makapangyarihang nilalang na si Sualla kasama ang kaniyang kapatid. Dahil sa

makapangyarihan ang mga ito, nakapaglilikha at nakapagpapabago sila ng kahit anong bagay.

Ang pag-iral naman ng unang tao ay dahil sa pagpunta ni Sualla sa palasyo ng bukang liwayway

upang bisitahin ang walong Khnenentaos o statwa. Dahil sa paghawak niya sa isang statwa ay

nalikha ang unang tao. Ang nahawakan niya statwa ay may kakayahang maglikha ng buhay.

Dahil sa kalungkutan ng unang lalake, nilikha ni Sualla ang unang babae at sila ay naging mag-

asawa. Naisilang naman ang batang lalake ngunit hindi ito tumitigil sa pag-iyak at pagkalaon ay

ito ay namatay. Noong pumunta si Sualla sa Colina, nagtanim sya ng lupa at ito ay dumami

hanggang makarating sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Dahil dito, sa lupang ito nailibing si

Mentalan. Nagkaroon ng maraming pagkaing panglupa dahil sa katawan ni Mentalan. Ang unang

mais ay nagmula sa mga ngipin niya at doon nagmula ang unang palay. Ang kamay ang naging

puno ng saging. Mapagmahal talaga si Sualla kaya niya nilikha ang lagat ng ito ngunit dahil sa

inggit ng kapatid, nung itinapon niya ang kaniyang suklay, ito ay naging unang babot. Ginawa

niya ito sa layuning sirain ang mga halaman at puno doon. Hinagis din niya ang kaniyang buyo

at iyon ay naging mga daga. Kinain ng daga ang lahat ng pananim tulad ng palay at mais.

6
Sinasabing ang pinagmulan ng daigdig ay dahil sa selos at inggit ng kapatid ni Sualla at dahil na

din sa pagmamahal ni Sualla. Ngunit sa kabilang banda, sinasabi din dahil dib sa pagmamahal ni

Sinonggol, kapatid ni Sualla kaya nya nalikha ang mga insekto at panganib dahil nais nya lang

na may mapaglalagyan sa Bonggo, kaharian ng mga patay.

Iba-iba man ang kasaysayan ng pinagmulan ng daigdig ng bawat lahi o lugar, sa kabilang

banda, ito naman ay may pagkakapare-pareho. Kung papansinin, ang karamihan sa mga mitong

nabanggit ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng mundo na nilikha ng pinakadakilang manlilikha.

Pareho-pareho din itong dahil sa pagmamahal ng malilikha kaya nagawa nya ang lahat. Ang iba

din ay dahil sa galit, inggit, selos, kasakiman, pighati, dalamhati at kalungkutang nararanasan

kaya nalikha ang mga bagay-bagay. Bagaman ang bawat isa ay may pagkakatulad at pagkakaiba-

iba ngunit ang mga ito ay may malaking kontribusyon sa larangan ng literatura at maging sa

pagkakaroon ng mga tao noon ng matibay na pananampalataya at relihiyong masasandalan kaya

mas naging matiwasay ang pamumuhay ng mga sinaunang mamamayan.

You might also like