You are on page 1of 2

ng mga alamat tungkol sa pinagmulan ng daigdig ay

marami. Maaaring ito ay nagmula sa iba’t-ibang rehiyon ng


bansa. Gayon pa man, ang lahat ng ito ay kabilang sa unang
panahon ng kasaysayan ng ating lahi.
Noong unang panahon mayroon lamang langit at dagat. Ang
bathala ng langit ay si Kaptan. Ang bathala ng dagat ay si
Magwayen. May anak si Kaptan. Ang pangalan ay Lihangin. May
anak si Magwayen. Ang pangalan ay Lidagat. Ipinakasal nila ang
kanilang mga anak. Nagkaanak ang mag-asawa ng apat na
lalaki. Ang mga pangalan ay Likalibutan, Ladlaw, Libulan at
Lisuga.
Nang lumaki ang mga bata hinangad ni Likabutan na maging hari
ng sansinukob. Nahikayat niya si Ladlaw at Libulan na salakayin
ang langit. Pinilit nilang buksan ang pinto ng langit.
Galit na galit si Kaptan nang malaman ang ginawa ng
tatlo. Pinaalpasan niya ang mga kulog at ihinampas ito sa
magkakapatid. Naging bilog na parang bola sina Libulan at
Ladlaw. Ang katawan ni Likalibutan ay nagkadurog-durog at
kumalat sa karagatan.
Dumating si Lisuga at hinanap ang kanyang mga
kapatid. Nagpunta siya sa langit. Galit pa rin si Kaptan kaya pati
si Lisuga ay hinambalos din niya ng kulog. Ang katawan ni Lisuga
ay nahati at lumagapak sa ibabaw ng mga pira-pirasong katawan
ni Likalibutan.
Lumipas ang panahon pati na rin ang galit ni Kaptan. Kaya
binuhay niya ulit ang mga pinarusahan. Si Ladlaw ay ginawang
Adlaw (araw) si Libulan ay naging Bulan (buwan). Si Likalibulan
ay tinabuan ng mga halaman at naging sanlibutan. Si Sibulan ang
pinagmulan ng unang babae at lalaki na tinawag na si Lalak at si
Babay.
Ang iba namang alamat ng daigdig ay sinasabing nagmula sa mga
nandayuhang Indonesyo.
Noong unang panahon ay wala kundi langit, dagat at isang ibong
lipad ng lipad sa pagitan ng langit at dagat. Sa katagalan ay
napagod ang ibon ngunit wala siyang madapuan upang
makapagpahinga.
Naisipan ng ibon na pag-awayin ang langit at ibon. At natupad
nga ang kanyang plano. Nagalit ang langit at naglaglag ito ng
maraming bato sa dagat. Sa mga batong ito dumapo ang
ibon. Sa katagalan ang mga bato ay tinubuan ng mga puno at
halaman.
Isang araw habang lumilipad ang ibon, napansin niya ang
kapirasong kawayan na lulutang-lutang sa tubig. Tinuka nang
tinuka hanggang sa mabiyak. At sa isang bahagi ay lumitaw ang
unang babae na ang ngalan ay si Babay at sa kabila ay ang unang
lalaki na ang pangalan ay si Lalak.

You might also like