You are on page 1of 9

Modyul 5 Bangang Manunggul at Ang Kosmolohiya ng mga Sinaunang Pilipino

Laman ng Aralin: Bangang Manunggul at Kosmolohiya ng mga Sinaunang


Pilipino

Ito ang Bangang Manunggul na nasa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Subukan mong
masdang mabuti ang larawan at pansinin ang hugis at disenyo nito. Ano ang masasabi mo tungkol sa
kakayahan ng mga sinaunang Pilipino?

Ang Bangang Manunggul ay kinikilala bilang isa sa


pinakamahusay na likhang sining ng sinaunang panahon. Ito ay
isa lamang sa maraming bangang natagpuan sa pagitan ng 1962
hanggang 1964 ng pangkat ng mga arkeyologo na
pinangunahan ni Dr. Robert Fox sa Tabon Cave Complex sa
Lipuun Point, Quezon, Palawan. Tinatayang ito ay nagawa sa
pagitan ng 890 – 710 B.K. Ang banga ay may taas na 66.5
sentimetro o di nalalayo sa dalawang talampakan. Natagpuan
sa loob ng banga ang mga buto ng isang tao.

Dalawa ang proseso ng paglilibing sa sinaunang panahon. Ang


una ay ang paglibing sa kamamatay pa lamang at ang
pangalawa ay ang paglibing sa mga buto ng tao pagkalipas ng
isang taon o higit pa. Dito sa pangalawang libing ginamit ang
Bangang Manunggul. Sa Kwebang Manunggul ay may mga natagpuang malalaking banga na halos doble
o higit pa ang taas kaysa sa Bangang Manunggul. Ito ay tinatayang ginamit para sa unang paglilibing.

Pagpapakahulugan sa Bangang Manunggul


Ang Bangang Manunggul ay nagpapahayag ng sinaunang paniniwala ng mga Pilipino sa kabilang buhay.
Inilalarawan nito ang paniniwala ng paglakbay ng mga kaluluwa sa tubig sakay sa isang bangka tungo sa
kabilang buhay.

1|Page
Tatlong Mukha sa Bangang Manunggul

Kung pagmamasdan ay may tatlong mukha na makikita sa takip ng Bangang Manunggul.


i. Una ay ang mukha ng tao na nakaekis ang mga kamay sa dibdib. Ganito inaayos ng mga sinaunang
Pilipino ang posisyon ng mga kamay ng mga taong namatay.
ii. Ang ikalawang mukha ay nasa bangkero na siyang nagmamaniobra sa tinatahak na daan sa gitna
ng mga along lalakbayin. Pansinin din sa dalawang imahen ng tao na tila nakatali ng bandana ang
ulo hanggang sa ilalim ng panga, ito ay isang kagawian sa pagsasaayos ng namatay.
iii. Ang ikatlong mukha ay matatagpuan sa bangka, isang pagpapakita ng paniniwala ng mga
sinaunang Pilipino sa pagkakaroon ng buhay at kaluluwa ng mga bagay sa kanilang paligid kung
kaya naman labis ang kanilang respeto sa anumang nasa kapaligiran nila
Ang bangang ito ang patunay ng panlahatang pamana ng ating mga ninunong Austronesyano sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng kultura ng mamamayang Pilipino. Marami sa ating mga epiko ay nagpapahayag ng
paniniwala sa paglalakbay ng kaluluwa patungo sa kabilang buhay sakay ng bangkang tatawid sa kailugan
at karagatan. Ito ay kaugnay ng paniniwala ng mga Austronesyano sa mga anito.

Paglilibing ng Sinaunang Pilipino

Isa sa naglarawan ng
pamamaraan ng paglilibing
sa mga sinaunang Pilipino ay
ang salaysay ng isang paring
Pransiskano na nanirahan sa
Katagalugan noong 1578
hanggang 1590.

Maaring sa kasalukuyan ay nabago na ang pagsasaayos sa ating mga namayapang kapamilya subalit
buhay pa rin ang kaugalian ng pagbuburol at paglilibing. Patuloy pa rin ang ating paniniwala na ang bawat
tao ay may kaluluwa at ang kaluluwang ito ay maglalakbay patungo sa kanyang hangganan batay sa kung
paano siya namuhay sa lupa.

2|Page
Kosmolohiya ng mga Sinaunang Pilipino

Sa pananaw ng mga sinaunang Pilipino, ang sandaigdigan ay isang kabuuan. Magkasaliw na umiiral sa
kabuuang ito ng sandaigdigan ang mga katangiang pisikal at espiritual. Gayundin mayroon itong iba’t
ibang sapin at rehiyon. Binubuo ito
ng tatlong sapin o rehiyon: ang
langit, lupa at ilalalim ng lupa
. May mga naninirahan na mga
Diyos, Diwata, Anito, Tao, Hayop,
Halaman at iba pang mga di
pangkaraniwang nilalang sa mga
rehiyong ito.

 Mahigpit ang ugnayan ng mga


nananahan sa mga sapin o
rehiyon. Maari silang makapagparoo’t parito sa anumang bahagi ng sandaigdigan sa
pamamagitan ng pagpapalit ng anyo ng anumang gamit sa pag-akyat at pagbaba at ng
kapangyarihan taglay nila. Bukod dito naiimpluwensiyahan ng mga Diwata, anito at ibang
nilalang ang buhay ng mga tao sa lupa kung kaya mayroong mahalagang papel ang mga
babaylan, ritwal at agimat sa buhay nila. Kasama sa mga rehiyon ang mga huling hantungan ng
mga kaluluwa na maaring alinman sa tatlong rehiyon ang magiging kabilang buhay.

Konsepto ng Langit
Sandaigdigan ng mga Sinaunang Pilipino

Langit
o Sa kabuuan ng arkipelago, iisa halos ang tawag ng mga katutubong Pilipino sa langit - langit din.
Ipinamalas nito ang sinaunang pagpansin at pagpapahalaga ng mga Pilipino sa langit bilang
bahagi ng kanilang kapaligiran. Isa itong batis ng mga biyaya lalo at dito nanggagaling ang
liwanag, tubig-ulan at hanging mahalaga sa buhay at pamumuhay. Maaga rin nilang naranasan
ang langit bilang batis ng paghihirap dahil dito nagmumula ang bagyo, malalakas na hangin,
kulog at kidlat na tila pagmamalas ng galit ng makapangyarihang anito o diwata. Sa
pangkalahatan, sa matayog na langit na tila di maabot ng tao, pinaniniwalaang nananahan si
Bathala, si Kabunian, si Apong Mallari, si Pamulak Manobo at anupamang pangalang itinatawag
sa pinakamataas nilang anito.

Apat na yugto sa pag-unlad o pagbabago ng pananaw ng mga Sinaunang Pilipino sa langit:


i. Ang langit na kayang abutin at marating ng mga nakatira sa lupa.
ii. Ang langit bilang amang langit na tirahan ng Diyos na Maylikha.
iii. Ang langit na pinagmulan ng tagapamagitan sa Amang Langit at sa kanyang mga nilalang
iv. Ang langit na pinagmulan ng tagapamagitan sa para makasama sa Diyos na wala nang ginagawa.

3|Page
Konsepto ng Lupa
Lupa
o Ang lupa ay tahanan hindi lamang ng mga tao, hayop at halaman kundi ng iba’t-ibang diwata,
anito at espiritu. May mga Diwata ang mga bundok at lambak, may mga Espiritu ang bukid at
halaman gayundin ang mga hayop. Bukod dito, may mga samut-saring anito na nananahan sa
lupa, kung hindi man sila bumababa sa langit o umaakyat mula sa ilalim ng lupa. Ano pa at hindi
solo ng tao ang lupa. Para mabuhay, kailangan nilang pakisamahan ang mga espiritung ito na
maaaring makapagdulot ng biyaya o kapahamakan.
o Sa madaling salita, ang buhay ng tao sa lupa ay hindi nila sarili, maraming puwersang
pangkalikasan at espiritwal na kailangan nilang pakisamahan. Sa mga pagkakataong ito nagiging
mahalaga ang mga babaylan o catalonan, ang iba’t ibang ritwal at ang mga anting-anting, agimat
o dasal sa kanilang pamumuhay. Sa paglipas ng panahon, habang nakakayanang kontrolin ng tao
ang pwersa ng kalikasan at maunawaan na nila ito, unti-unting umurong at nanatili sa mga liblib
na pook ang mga diwata at Espiritu bagaman ang iba ay nanatili kahit sa mismong pusod ng mga
lumilitaw na bayan o lungsod.

Konsepto ng Ilalim ng Lupa


Ilalim ng Lupa

o Ang pangatlong sapin ng sandaigdigan ay ang ilalaim ng lupa. Dito matatagpuan ang isa, apat o
limang poste na sumusuporta sa daigdig, pati ang ahas, igat at alimasag na sa paggalaw ay
nagiging sanhi ng mga lindol. Minsang gumalaw ang kasili (igat) na nakapulupot sa mundodahil
sa pagkagat o pagsipit ng kayumang ( higanteng alimasag) ay nagalaw din ang Baybulan, ang
higangteng baboy ng mga Mandaya, na nakahilis sa puno ng daigdig na siyang dahilan ng lindol.

Ang Kabilang Buhay


Nasaan ang hantungan ng kaluluwa? Iba-ibang lugar ang tinutukoy - ilalim ng lupa, langit, gitna ng langit
at lupa, gayundin ang bundok.
o Madalas na ang ilalim ng lupa ang itinuturing na hantungan ng mga kaluluwa, bagaman may
mga pagkakataon na nasa itaas ng mga bundok o nasa mga rehiyon sa pagitan ng langit at lupa
ang kabilang buhay. Ang malinaw, may tinutukoy na nakakababang rehiyon na pinamamahalaan
ng ilang piling diyos.

4|Page
Kahalagahan ng mga Babaylan Catalonan, Ritwal at Seremonya at Katangian
ng Katawan at Kaluluwa
o Kailangan ng tagapamagitan ng tao sa samu't saring nilalang na hindi nakikita at mga diwata.
Ang ginagampanang papel ng mga babaylan at catalonan, mga manggagamot sa pag-uugnay ng
tao sa mga Diyos at ibang nilalang. Ang mga babaylan ang laging nangunguna sa maraming
ritwal , seremonya ng panggagamot lalaong lalo na sa pagpapaalis ng masamang espiritu.
Ipinapahayag sa pamamagitan ng ating wika ang ating paniniwala sa iba't-ibang rehiyon at
sanlibutan kagaya ng pagsabi natin sa taong namatay ay "sumakabilang buhay" na.
Katangian ng Katawan at Kaluluwa
 Ang katawan ay may hininga, lakas, at pandamdam. Ang magandang kalagayan ng tatlong bagay
na ito ang nagdudulot ng ginhawa sa tao, na siyang pinakabuod ng mga katangian ng katawan. (
Abrera, p.85)
 Ang kaluluwa ay kusang umaalis . Isa sa mga halimbawa nito ang paglalakbay habang natutulog
ang tao. Tandaan natin na hindi lamang sa panaginip umaalis ang kaluluwa kundi kung may
hinahanap din.Kailangan manatili sa katawan ng tao ang kanyang kaluluwa dahil walang halaga
ang katawan kung wala ang kaluluwa.

ANG BABAYLAN NG SINAUNANG PAMAYANAN


Mga Batis o Sources na Pinagkunan ng Datos
i. Arkeolohiya
ii. Mito at alamat
iii. Salaysay ng mga prayleng Espanyol
iv. Folklore studies
v. Diksiyonaryo makikita sa:
“The Babaylan Historico-Cultural Context” ni Fe B. Mangahas (Centennial Crossings: Readings on
Babaylan Feminism in the Philippines) Fe B. Mangahas and Jenny R. Llaguno (eds.) Quezon City: C & E
Publishing Inc., 2006.
“Ang Heograpiyang Distribusyon ng Salitang Babaylan at Katalonan sa Tatlong Bansang
Austronesyano/Malay: Pilipinas, Indonesia, at Malaysia ni Fe B. Mangahas. ADHIKA (Tomo I, 1999) Nilo
S. Ocampo, pat. Taunang Jornal ng ADHIKA NG PILIPINAS, INC. 1999.

PANAHON AT POOK
Batay sa nahukay na Banga ng Manunggul noong 1964, sa kuweba ng Manunggul, Maitum, Palawan,
ang banga ay lalagyan ng buto ng namatay (burial jar) na may takip sa anyong bangka sakay ang
dalawang tao/kaluluwa patungo sa kabilang buhay. Tinatayang may edad 870 BK.
Implikasyon: Ang panahon at pook nito ay matanda at may mataas na antas ng kabihasnan.
i. May paggalang sa yumao
ii. May paniniwala sa kabilang buhay
iii. May ritwal ng paglilibing (na may namumuno)

5|Page
iv. May kaalaman sa pagpapalayok
v. Marunong gumawa ng Bangka
vi. Ang pamayanang ito ay nasa tabing ilog o baybaying dagat

o Maikokonekta o maiuugnay ang mga implikasyong ito sa mga ninuno nating Austronesyano na
dumating mula Formosa noong humigit-kumulang 2,500B.K.
o Bukod sa paggawa ng bangka at pagpapalayok, ang mga Austronesyano ay may kaalaman din sa
hortikultura, agrikultura, paghahayupan, pagpapanday, paglilok, at paghahabi.
o Narito na ang mga Austronesyano bago pa dumating ang Islam sa Kapuluan noong 1280.
Dinatnan naman ng mga kolonyalistang Kastila noong 1521, ang kabihasnang ito.

Narito ang mga ebidensiyang nabanggit bilang patunay ng isang mataas na antas ng kabihasnan natin
may humigit kumulang sa tatlo hanggang apat na libong taon na ang nakalipas:

 Sasakyang dagat / bangka


 Payaw – rice terraces
 Ikat – mga tela o habing katutubo
 Mga palamuting gawa sa ginto
 Mga palayok, tapayan, banga
 Kasuotan at pagtatatu
 Sistema ng Pagsusulat

Apat na pangunahing pinuno: ang datu, panday, bayani/bagani, at babaylan


Datu: taga-pamahala; tinatawag ding gat, lakan, hari, ginoo, puno.

o May tungkuling politikal: hukom, tagapayo; tagapag-ugnay sa ibang barangay; pinuno sa


digmaan
o May tungkuling pang-ekonomiko; tagasulong ng produksiyon ng pagkain sa barangay; ng
kalakalan sa loob at ibayong dagat.
o Matapang at handang ipamahagi ang kayamanan sa kanyang sakop sa oras ng kagipitan; may
karisma

Panday: Kasama rito ang manghahabi, manlililok, at magpapalayok

 May tungkuling kaugnay sa teknolohiya; paggawa ng kasangkapan para sa pagtatanim, ng


sandata sa digmaan, mga kagamitan sa bahay, pagriritwal, paglilibing.

Bayani/Bagani: ang mandirigma (warrior)

 Tagapagtanggol ng barangay mula sa pananalakay ng kaaway; matapang at handang maglingkod


ng walang inaasahang kapalit at handang ibigay ang buhay kung kinakailangan para sa
pamayanan.

6|Page
Ang Babaylan:

Tungkulin: Bilang Tagapamahala sa pananampalataya (pari), paggagamot (doktor), pag-aanito o ritwal,


epiko o salaysay ng pamayanan (historyador), pagbibigay babala tungkol sa mga kalamidad at epidemya
(propeta), tagapayo, bisionaryo, may angking gahum o anting-anting (avatar/shaman).

Mga katawagan nito:

 Babaylan sa Kabisayaan, Palawan, Tayabas, Laguna Catalona(n) sa Katagalugan, Bulacan,


Maynila, Nueva Ecija
 Baglan sa Abra, Pangasinan
 Pamallyan sa Pampanga
 Baliana sa Bicol
 Daitana o Baylana sa Samar, Leyte
 Baylan sa Mandaya
 Mabalian sa Manobo
 Mabunong sa Benguet
 Mensip-ok sa Sagada

ANG DAIGDIG NG BABAYLAN


 Mayaman ang kapuluan sa likas-yaman; lupain, ilog, dagat, kabundukan, kagubatan. Malawak
ang mapagtataniman ng palay at gulay. Maraming mapapangisdaan; mapagkukunan ng
bungang-kahoy at halamang-gamot. Gayon din ng ginto, pilak, at perlas. Ang kapuluan dahil
nasa tropiko at sa lugar na ma-bulkan madalas itong makaranas ng malalakas na bagyo at lindol.
Kayat ang kasaganaang mayroon dito ay maituturing na marupok o mabuway na kasaganaan.
 Dahil dito, may mahalagang papel ang babaylan. Siya ang inaasahang mamagitan sa isang
malupit na kalikasan sa kabuhayan ng tao. Siya ang magbababala kung may epidemiya, baha at
iba pang kalamidad; at gumagabay sa datu kung kailan dapat magtanim at mag-ani; kung kailan
sasalakay o makipagnegosasyon sa kaaway; at nagbibigay lakas-loob sa mandirigma;
nagpapagaling sa may-sakit o magtatawid sa namatay sa kabilang buhay.
 Kung tutuusin, nakahihigit ang babaylan sa datu, panday, at bayani sa lawak ng kanyang
impluwensiya sa barangay o estadong etniko. Sakop ng kanyang kaalaman, karanasan, at
kakayahan ang kaluluwa, buhay, at kalinangan ng buong pamayanan.

Karunungang Babaylan
Karamihan ng babaylan ay babae. Kinakailngan magsababae ang isang lalaki o tahasang isang
binabae/asog kung nais maging babaylan. Sa dokumento ng mga prayle noong ika 16-17 dantaon,
makikitang halos babae ang tinutukoy na babaylan (anitera, sacerdotista, babaylana, catalona, daitana
at nang nilalait na nila ay tinawag na aswang, mangkukulam, bruha, maldita, diabolica).
Karaniwang nagkakasakit muna nang malubha o nakaranas nang isang mabigat na problema
(trauma) na halos ikabaliw nito ang isang nagiging babaylan. Mula sa di-karaniwang karanasang ito na
halos ilagay sila sa bingit nang kamatayan ay nagkakaroon sila ng kakayahan ng isang may sapi o trance.

7|Page
Dito ay sinasabing sila’y nagkaroon ng karanasang makipag-ugnayan sa Maykapal o Lumikha at sa
mga ninunong namatay na mabubuting tao—ang mga anito. Dahil dito sila’y nakagagamot ng di-
karaniwang sakit, nakapaghuhula, at nakapagpapayo sa mga nangangailangan. Dahil sa eksperto sila sa
kaalaman tungkol sa kalikasan, sila’y magaling na manghihilot at manggagamot gamit ang iba’t-ibang
halaman at ugat.
Nakakausap nila ang mga anito at maari din silang maging medium ng mga ito, pati na rin ni Bathala
para makita ang nawawala, malaman ang kahihinatnan ng mga balakin o hinaharap. Napaalis nila ang
masamang 20 espiritu sa maysakit o sa isang lugar.

Ang Tatlong Antas ng Mundo o Buhay ayon sa Babaylan


i. Itaas Kalangitan
ii. Gitna Kalupaan
iii. Ilalim ng Lupa

Konsepto ng relasyon ng tao sa mundo at kay Bathala


- Sa babaylan ang tao ay di hiwalay sa kalangitan at sa kalikasan. Silang lahat ay nasa isang espasyo
na walang hanggan na pinag -uugnay ng iisang hininga.
Konsepto ng sakit
- Ang sakit na pisikal ay may kaugnayan sa kalagayan ng kaluluwa o espiritu ng maysakit
Magkakaugnay ang pisikal, emosyonal at espirituwal na sakit.

Dahil sa kakayahang magbago sa loob o magkaroon ng sapi (trance) kaya ng babaylan na pag -
ugnayin at ayusin ang relasyon ng tao sa kapwa tao sa mga yumao at kay Bathala.
Siya ay nagsisilbing medyum o daluyan ng mga mensahe mula sa itaas, gitna, at ilalim ng
mundo.
Para sa babaylan ang buhay ay walang hanggan. Nagbabago lang ang lugar at anyo (mode) ng
kairalan nito (existence).
Kahit na ang sanggol na namatay, sa paniniwala ng kaisipang ito ay may diwatang naghihintay
(si Mebuyen) na siyang magpapasuso sa kanila sa kabilang buhay.

Sa alamat o mito ni Sicalac at Sicavay, mababakas ang pagkakapantay-pantay ng katauhan ng lalaki at


babae. Ganun din sa mito o epiko ni Bathala. Repleksyon ito ng umiiral na pamayanan sa panahong ito.
o Hindi nakapagtataka na ang mga babaylan ang siyang naging mahigpit na kalaban ng mga prayle.
Dahil sa mga gawain at impluwensiya ng mga babaylan nahirapan ang mga prayle sa reduksyon
at Kristiyanisasyon.
o Madaling napasuko ng mga prayle ang mga datu, panday, asog, at lalaking babaylan dahil
nabigyan sila ng mga posisyon sa sistemang kolonyal.

8|Page
Narito ang naging reaksyon ng isang babaylan sa pananakop ng mga Kastila.
Dalit ni Cariapa, Bohol 1609
“Bayabarico ha nagbanua Balunco ha bagcabayon; Mega capucane ang cubayon; Mabual agra qui ring
lunson, Mabuen cagra quing cubayon. Narito ang naging reaksyon ng isang babaylan sa pananakop ng
mga Kastila. Ang lupang ito ay mababago, Sasakupin ito ng ibang lahi, Papalitan ng ibang kalinangan at
kaugalian Ang pamayanang ito’y lubhang mawawasak. Ang lalawigang ito at iba pang mga pulo ay
lulupigin.”
Dapat idagdag sa mga rebelyon nina Lakandula, Raja Sulayman ang mga rebelyon ng mga babaylan.
Ang mga rebelyon nina Lakundala na bilang pagbawi ng kanilang kaharian ay politikal, samantalang ang
sa mga babaylan ay may karakter na kultural at pangkabuuan.

REBELYONG BABAYLAN 1599


o 1599 - Silongan ng mga Moro
o 1599 - Dapungay (Cebu, Negros, Panay)
o 1607 – Caquenga (Cagayan)
o 1615 – Batabag, Bolo, Pilitan, and Abuatan (Cagayan) – dimapangalanang mga babaylan
o 1646 – Yga (Gapan, Nueva Ecija) – “Santa Maria”
o 1663 – Tapar (Oton, Iloilo) – “Santissima Trinidad”
o 1685 – Bolinao, Pangasinan (35 babaeng babaylan at 11 lalaking babaylan)

Paano napasuko ng mga prayle ang mga babaylan:


- Inihiwalay sila sa mga datu, panday, asog at babaylang lalaki bilang kaaway.
- Ginamit din ang mga bata na binigyan ng doktrina at ginamit na espiya laban sa babaylan.
- Nilusob ang kanilang mga sambahang -kuweba at pinagwawasak ang kanilang kagamitan at altar
bilang pagpapawala ng bisa ng kanilang kapangyarihan.
- Matapos nito’y sila’y pinagdadakip, pinaglalatigo, at ang iba’y pinagahasa. Mayroon ding tinuhog
sa kawayan, at ipinakain sa buwaya (si Tapar ng Oton, Iloilo).

Upang makaligtas at di lubusang malupig:

- tinanggap ng mga babaylan ang Kristiyanismo at naging deboto ng Sto. Niño at Birheng Maria
- Naging aktibo sa mga padasal, pa - Hesus at pag -awit ng pasyon. Nang lumaon ay naging hermana
at beata (nagtatag ng sarili nilang orden bilang mga madre).
- Sa makatuwid ang kaisapang babaylan nanatiling buhay ngunit tago at sa bagong anyo na makikita
sa larawang ito ng Pasyon at Rebolusyon noong 1896 hanggang 1903 panahon ng pananakop ng
Amerikano.

9|Page

You might also like