You are on page 1of 1

SHEERY LOU T.

ECLARINAL
G-SOSC001
ECO11
MR. GERIAL, ED RYAN

Bangang Manunggul at Ang Kosmolohiya ng mga


Sinaunang Tao

Lingid man sa ating kaalaman, malawak at malaki ang naging kaugnayan ng


kosmolohiya ng sinaunang Pilipino sa Bangang Manunggul na siyang binigyan natin ng
basehan sa ating kasaysayan at kasalukuyang paniniwala. Sa mga nakalipas na
dekada, marami na din ang mga natuklasang mga bagay, kagawian, at naipamalas
saatin ang ating mga ninuno noon sa iba’t ibang lugar na maaring magbigay ideya
saatin kung bakit hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy natin ang kanilang paniniwala
sa ating mahal na kasaysayan. Tumatalakay ang Bangang Manunggul bilang isang
unang panahon na naglalarawan ng sinaunang paniniwala at kaugalian ng mga
sinaunang Pilipino na nangngahulugang sa pagsasaayos ng mga taong namatay. Ang
kosmolohiya ay naging paksa ng pag-aaral at pagmamasid mula sa napakalayo na
mga oras na ang mga kalalakihan ng mga sinaunang sibilisasyon ay naghangad ng
mga sagot sa iba't ibang mga paksa na nakakaimpluwensya sa kanilang pang-araw-
araw na aktibidad tulad ng paggalaw ng buwan, mga bituin, mga eclips, at iba pa.

Isa sa halimbawa nito, ang pagkakaroon ng tatlong rehiyon sa mundo na kung saan
pinaniniwalaan hanggang ngayon na tayo ay may; langit, lupa, at ilalim ng lupa. Sa
tatlong rehiyon na ito pinaniniwalaan na nagmula ang mga naninirahang Diyos,
diwata, anito, tao, hayop, halaman, at iba pang di pangkaraniwang nilalang sa mga
rehiyong ito. Isa pang patunay na ginagawa parin natin ang nakaraan sa kasulukuyan
sa paglilibing o pagbuburol gaya ng pagkakaroon ng pagsusunog ng bangkay o mas
kilala bilang cremation na kung saan inilalagay rin ito sa isang banga at dadasalan muli
hanggang sa umabot na ng 40 days upang makatawid ng payapa ang kaluluwang
namatay papunta sa rehiyong langit kasama ang Diyos. Dagdag pa rito, naniniwala rin
ang mga tao na hindi lamang katawan ang mayroon sa mundo kundi ang mga
kaluluwa rin na ating pinaglalamayan taon taon sa libingan.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng kosmolohiya sa sinaunang panahon ay siyang


patunay na gawain at tinatahak parin natin ang mga napagdaanan ang kanilang mga
pinaniniwalaa noon. Sa kabuuan, hindi ibig sabihin nito na madaling mauto ang mga
tao kundi dahil may mga elemento ang bagong paniniwala na nasa dati nang
paniniwala, tulad ang mga santo, pinapahiran din ng panyo at dinadasalan tulad ng
mga anito. Hindi naman sinabing bumalik tayo sa diwa ng kultura ng ating mga ninuno
o maniwala tayo ulit sa anito o maglibing ulit tayo sa banga, ngunit gawin nating
huwaran at bigyang halaga ang sinaunang paniniwala sa kabilang buhay. Na ang
Pilipino ay nagbibigay pagpapahalaga sa mga puri bilang kalinisan at sa pagiging
ganap na makakalikasan.

You might also like