You are on page 1of 3

GRADES 1 to 12 Paaralan: BAGUIO CENTRAL SCHOOL Baitang: IKALIMA

Pang-Araw-araw na Guro: KATRINA B. KEW-IS Asignatura: ARALING PANLIPUNAN


Tala sa Pagtuturo Petsa at oras ng IKA – 9 NG OKTUBRE 2023
Markahan: 4th QUARTER
pagtuturo: 11:10-11:50 (V- Masunurin)

I. LAYUNIN ANOTASYON
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga
teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/
pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino gamit ang
kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan
at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing
Pilipino.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino:
a. sosyo-kultural (e.g. pagsamba (animismo, anituismo, at iba pang ritwal, pagbabatok/pagbabatik,
paglilibing (mummification, primary/ secondary burial practices), paggawa ng bangka, pagpapalamuti
(kasuotan, alahas, tattoo, pusad/ halop)pagdaraos ng pagdiriwang. AP5PLP- Ig-8
II. NILALAMAN Sosyo-kultural na pamumuhay ng mga Pilipino: Pagsamba
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian K to 12 MELC-Araling Panlipunan, pahina 40
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang pang
mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang panturo
IV. PROCEDURES
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Magbigay ng isang halimbawa ng hanapbuhay ng mga sinaunang tao noong panahong pre-kolonyal. Araling Panlipunan
at/o pagsisimula ng bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ang pag-aaralan natin ngayong araw ay tungkol sa mga paraan ng pagsasamba ng mga sinaunang Pilipino.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Pagmasdan at suriin ang mga larawan.
sa bagong aralin

Sa inyong palagay, paano kaya ang paraan ng pagsamba ng ating mga ninuno noon?
D. Pagtatalakay ng bagong Animismo – ito ay ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na mayroong mga espiritung tulad ng anito,
konsepto at paglalahad ng bagong diwata o kaluluwa ng kanilang mga yumao na nananahan o nakatira sa mga bagay sa kalikasan (araw,
kasanayang #1 bundok, ilog) o sa kanilang kapaligiran.

Mga tagapamagitan sa mundo ng mga tao at mundo ng mga diyos/espiritu at yumao


 Mumbaki (sa mga Igorot)
 Katalonan (sa mga Tagalog)
 Babaylan (sa mga Bisaya)

Mga katawagan sa mga makapangyarihang panginoon ng mga sinaunang Pilipino


 Bathala ng mga Tagalog
 Kabunyan ng mga Ifugao, Kalinga, at Ibaloi
 Kaptan ng mga Hiligaynon
 Manana o Kalayagan ng mga Bagobo
 Bagatulayan ng mga Tinguian
 May-ari ng mga Zambal

Mga katawagan sa mga imahen ng mga sinasambang anito o diyos


 Bulul (bigkas: bul’ul) ng mga taga-Cordillera
Ang imahen na ito ay hugis tao na
 Likha ng mga Tagalog nililok sa kahoy at napapalamutian ng
 Tawa-tawa ng mga Bisaya ginto.

Bukod sa mga anito, sinasamba rin ng ating mga ninuno ang mga kaluluwa ng kanilang ninunong namatay
na. Nag-aalay sila ng pagkain upang humingi ng tulong sa papapalago ng ani, proteksyon sa mga kaaway o
sakit, at para sa paglalakbay. Naniniwala rin sila sa pagkakaroon ng kabilang buhay.
E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayang #2
F. Paglinang ng Kabihasaan Kumpletuhin ang concept map. Ilagay ang mga sumusunod na salita sa tamang kahon. Filipino
Mumbaki Katalonan Babaylan Bathala Kabunyan Kaptan
Manana Bagatulayan May-ari Bulul Likha Tawa-tawa

G. Paglalapat ng aralin sa pang Sa kasalukuyang panahon, sino ang pinaniniwalaan ninyong makapangyarihang nilalang na lumikha ng ESP
araw-araw na buhay sanlibutan at inyong sinasamba? Paano ninyo ipinakikita ang paraan ng pagsamba ninyo sa kanya?
H. Paglalahat ng aralin Ano ang tawag sa paniniwalang may mga espiritu o anitong nananahan o nakatira sa kalikasan o
kapaligiran?

Magbigay ng mga katawagan sa mga diyos na sinasamba ng mga sinaunang Pilipino?


I. Pagtataya ng aralin Isulat ang T kung pahayag ay wasto at M kung mali.
1. Animismo ang tawag sa mga espiritung nananahan sa kalikasan.
2. Ang babaylan ay isang tagapamagitan sa mundo ng mga tao at mundo ng mga diyos at yumao.
3. Ang mumbaki ay isang anito sa mga Igorot.
4. Kabunyan ang tawag sa diyos ng mga Ifugao, Kalinga at Ibaloi.
5. Bathala ang tawag ng mga Tagalog sa kanilang Panginoon.
J. Karagdagang Gawain para sa
Takdang-aralin at Remediation
Prepared by:

KATRINA B. KEW-IS
Teacher III

Observed by:

ELVIRA G. DAGUIO ELVIRA G. DAGUIO JACKSON T. CAYA-OS


Master Teacher II Master Teacher II Principal IV

You might also like