You are on page 1of 47

Sosyo-Kultural

Sosyo-Kultural
at Pamumuhay
at Pamumuhay
ng mga
ng mga
Sinaunang Filipino
Sinaunang Filipino
Bago pa man dumating ang mga
Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga
sinaunang Filipino ang isang mayamang
kulturang maipagmamalaki hanggang sa
kasalukuyan. Tumutukoy ang KULTURA
sa paraan ng pamumuhay ng tao.

Kabilang dito ang:


 Paniniwala
 Kaugalian
 Relihiyon
 Pagpapahalaga
Mga Kaugalian ng mga Sinaunang Filipino

 Pananamit at Palamuti

 Kaugalian sa Pagpapangalan

 Kaugalian sa Paglilibing
Pananamit at Palamuti
PUTONG
Piraso ng tela na binabalot sa ulo
Ang pulang putong ay isinusuot kung
nakapaslang na ng isang tao.
Burdadong putong pag nakapaslang ng may
pitong tao.
KANGGAN
Isang tsaleko na walang kwelyo o manggas.
Pulang Kanggan para sa datu.
Itim o asul para sa may mababang katayuan
BAHAG
Piraso ng telang nakabalot sa baywang at
may habang hanggang hita.
Pananamit at Palamuti

BARO
Damit na ipinapatong na may
manggas

TAPIS
Telang karaniwang binabalot sa baywang

SAYA/PATADYONG
Maluwag na palda
Pananamit at Palamuti
POMARAS
Isang alahas na hugis
rosas

GANBANES
Isang uri ng gintong
pulseras na isinusuot nila
sa braso at binti
Pananamit at Palamuti
TATO
Isang permanenteng
disenyo at marka sa
balat.
Pintados ang tawag ng
mga Espanyol sa
katutubong puno ng tato
ang katawan.
Kaugalian sa Pagpapangalan
Ina ang karaniwang nagbibigay ng pangalan sa
kaniyang anak noong sinaunang panahon sa
Pilipinas. Ang pagpapangalan ay batay sa isang
partikular na pangyayari.

Wala silang apelyido. Idinudugtong ang “in” sa


pangalan kung ito ay babae.

Halimbawa:
Lalaki Babae
Ilog - Iloguin
Kaugalian sa Paglilibing
Inihanda ng mga sinaunang tao ang
kanilang yumao para sa kabilang
buhay sa pamamagitan ng paglilinis,
paglalangis, at pagbibihis ng magarang
kasuotan sa bangkay.
DALAWANG BAHAGI NG PAGLILIBING
Una – Inililibing nila ang yumao sa
lupa kasama ang ilang kasangkapan at
palamuti.
Pangalawa – Pag natuyo na ang mga
labi, hinahango ito mula sa libingan at
isinisilid sa loob ng banga.
Kaugalian sa Paglilibing
BANGANG MANUNGGUL
Isang halimbawa ng tapayan na
ginamit ng mga sinaunang Filipino sa
paglilibing. Natagpuan ito ng pangkat
ni ROBERT FOX noong 1962 malapit
sa labi ng Taong Tabon.

Ang dalawang pigura ng tao sa


ibabaw ng takip ay sumisimbolo sa
paghahatid ng yumao sa kabilang
buhay.
Sistema ng Paniniwala ng mga
Sinaunang Filipino
Animismo

Islam
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
Naniniwala ang mga sinaunang
Filipino na may mga espiritung
nananahan sa kanilang kapaligiran.
Tinawag nila itong ANITO sa Tagalog
at DIWATA sa Bisaya.

Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang


Filipino na ang mga bagay sa
kalikasan tulad ng araw, bundok, at
ilog ay tirahan ng kanilang yumaong
ninuno.
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
Animismo
Mula sa salitang Latin na anima na
nangangahulugang “kaluluwa”. Ito ay
isang paniniwala na nagsasabing
mayroong puwersang hindi materyal na
nagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi
rin dito na may kani-kaniaya o angking
kaluluwa ang mga bagay-bagay. Bukod
dito, isa itong paniniwala sa
kapangyarihan at lakas ng kaluluwa
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
Paganismo
Mula sa salitang Latin na paganus na
nangangahulugang “naninirahan sa
nayon”. Ito ay isang pangkalahatang
katawagang ginagamit upang tukuyin
ang sari-saring mga pananampalatayang
maraming diyos.
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
KATALONAN / BABAYLAN
Gumagawa ng ritwal bago simulan ang
anumang gawain tulad ng pagtatanim at
paglalakbay ay humihingi muna sila ng
gabay at pahintulot mula sa espiritu ng
kalikasan. Sinasabing sila ang
tagapamagitan ng mundo ng tao at
mundo ng diyos at yumao.
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
Iba’t ibang tawag sa Dakilang Nilalang
Bathala - Tagalog

Abba - Cebuano

Kabunyian - Ifugao

Laon - Bisaya
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
Halimbawa ng mga diyos
Dallang - diyos ng Kagandahan (Ilokano)

Sidapa – diyos ng kamatayan (Bisaya)

Apolaki – diyos ng digmaan (Pangasinan)


Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan Mga taong may kapangyarihang magbigay at
ALAKAWAT
mag-alis ng sumpa, magdulot ng sakit at
BARANGAN
paghihirap sa kaaway o manakit ng kapwa.
DALONDONGAN

ASWANG
MANGANGAWAY
MANGKUKULAM
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
MUMBAKI
Pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na
nagsisilbing tagapamagitan ng tao sa mga
esperitu. Itinuring din manggagamot ng
kaluluwa.

Ipinagpatuloy nila ang tradisyong ito upang


mapanatili nila ang kanilang ugnayan sa
kalikasan (bilang pasasalamat at paghingi ng
pabor o gabay) para matiyak nila ang
masaganang ani.
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
BUL-OL
Ito ay isa sa pinakatanyag nna eskultura
ng Hilagang Luzon, lalo na sa Cordillera, na
nagpapatunay sa pananampalataya ng mga
sinaunang Filipino sa espiritu ng
kalikasan.

Kadalasang inuukit ito sa punong kahoy na


narra, yakal, at ipil, at nilalagay sa loob ng
tahanan o imbakan ng palay sa paniniwala
na dadami ang ani.
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
PAMAHIIN
Ito’y nasasalamin sa paniniwalang animismo.
Ito din ay paniniwala batay sa kutob,
kagawian, tradisyon, at relihiyon ng isang
pamayanan. Nagsisilbi itong gabay ng mga
katutubo sa pagbuo ng desisyon, o paliwanag
sa mga pangyayari sa kanilang kapaligiran.
Halimbawa ng pamahiin:
 May masamang mangyayari sa iyo pag may
pusang itim na dadaan sa harap mo.
 Ang pagpatay ng pusa ay may kaakibat na
kamalasan.
Paniniwala sa mga espiritu at diyos ng
Kalikasan
PANINIWALA SA PANGITAIN, PALATANDAAN , AT
BABALA NG KALIKASAN
Pagsulpot ng uwak o buwaya.

May paparating na delubyo, epidemya, o


digmaan paglumabas ang bulalakaw.

Pag-alulong ng aso ay isang pagbabadya sa


kamatayan ng isang malapit sa buhay.
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
ISLAM
 Isa sa mahalagang impluwensyang
umambag sa mayamang kultura ng mga
Filipino.

 Isang relihiyong may paniniwala sa


iisang diyos, si ALLAH.

 Itinatag ni propetang MUHAMMAD


bandang 600 C.E.
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
MOHAMMAD
Ang nagtatag ng relihiyong Islam.

QUR’AN
Banal na tipan o aklat ng Islam.
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
1210
Pagdating ng Arabong mangangalakal sa
katimugang bahagi ng kapuluan.

1280
Dumating sa Sulu si Tuan Masha’ika,
Itinuring na kauna-unahang nagpakilala sa
Islam sa Pilipinas. Nakipag-isang dibdib siya
sa anak ni Rajah Sipad at nagsimulang
magtatag ng mga pamayanang Muslim sa
Sulu.
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
1380
Mula Malacca ay dumating si Karim-Ul-
Makdum sa Sulu at nangaral ng Islam.

1390
Dumating si Rajah Baginda ng Palembang sa
Sulu. Matagumpay niyang nahikayat ang
ilang Katutubo na lumipat sa relihiyong
Muslim.
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
1450
Dumating si Abu Bakr mula sa Palembang.
Siya ang kinikilalang nagpalaganap ng Islam
sa Sulu. Pinagkalooban siya ng pangalang
Sharif ul-Hashim nang maging kauna-
unahang sutltan na itinatag niyang
pamahalaang batay sa Sultanato ng Arabia.
Sa panahong ito din mabilis na lumaganap
ang Islam sa Sulu.
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
1500
Nanguna sa pagpapalaganap ng Islam sa
Mindanao si Sharif Kabungsuan mula Jokor,
Malaysia. Siya rin ang nagtatag at naging
unang sultan ng pamahalaang itinatag niya
sa Mindanao.
Sa kabila ng mabilis na paglaganap ng Islam ay
tinuldukan ito ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo.
Nagsarili sila mula sa Espanyol at nagtungo sa Katimugang
bahagi ng Pilipinas. Patuloy pa rin sa pangunahing
paniniwala ang mga Muslim sa kabila nag hangarin ng
Espanyol na mabinyagan sila sa Kristyanismo.
Wika, Sistema ng Pagsulat, at Edukasyon
Dahil sa pagkakapangkat-pangkat
ng sinaunang Filipino ay marami at
iba’t ibang wika ang nabuo sa
Pilipinas.

Sinasabing may 87 wika ang mga


sinaunang Filipino. Hango ang mga
ito sa wikang Malayo-Polynesian.
Ilan sa mga wikang ito ang Tagalog,
Ilocano, Bicolano, Pampango, at
Pangasinense.
Wika at Sistema ng Pagsulat
BAYBAYIN
Tawag sa alpabeto ng mga sinaunang
Filipino. Binubuo ito ng 17 titik na
may tatlong patinig at 14 na katinig.

Balat ng kahoy at dahon ng saging ang


kanilang papel.

Matalim at matulis na bakal at kahoy


ang kanilang panulat.

Dagta ng halaman ang kanilang


tintang panulat.
Edukasyon
Hindi pormal ang uri ng edukasyong
ginagamit noong sinaunang panahon. Sa
loob ng tahanan nagsimula ang
edukasyon at dito at isinalin ng mga
magulang sa kanilang mga anak ang iba’t
ibang kaalaman.

Bahagi ng edukasyon ang kasanayan sa


pagtatangol sa sarili at ang
pangkabuhayang gawain tulad ng
pangangaso at pangigisda.
Pagsasalin ng Kultura
Musika at Sayaw

Panitikan

Sining
Instrumento
GANGSA
Isang tansong gong na ginagamit ng mga
katutubong taga-Cordillera.
KALELENG
Instrumento ng mga Bontok at pinatutunog gamit
ang ilong.

TAMBULI
Instrumento ng mga Tagalog na yari sa sungay ng
kalabaw.
Sayaw sa Pagdiriwang at Gawain
DALLOT
Isang mahabang bersyon ng binibigkas nang
paawit – hinaharana ng mga sinaunang Ilocano
ang kanilang iniirog.

AYEG-KLU
Katumbas ng dallot, isang sayaw ng mga Igorot.
Sayaw na Inspirasyon ng Kalikasan
TINIKLING
Sayaw na hango sa galaw ng ibong tikling.

PAGDIWATA
Sayaw ng pasasalamat para sa maganndang ani,
ng mga Tagbanwa sa Palawan.
Sayaw na Bahagi ng Ritwal
PAGTATANIM AT PAGGAPAS
Sayaw ng mga magsasaka sa Katagalugan.

PAMULAD ISDA
Sayaw ng pagpapatuyo ng isda ng mga taga-
Negros.
Sayaw na Bahagi ng Ritwal
SALIDSID
Sayaw sa panliligaw ng mga Kalinga.

BANGIBANG
Isang sayaw para sa paglilibing ng yumaong
nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga
Ifugao..
Anyo ng Panitikan
Pasalita

Pasulat
Pasalitang Panitikan
 SAWIKAIN

 BUGTONG

 SULIRANIN

 INDULANIN (URI NG AWITING KALYE)

 TALINDAW (AWIT SA BANGKA)

 UYAYI AT HELE

 TIGPASIN (AWIT SA PAGSASAGWAN)


Pasulat na Panitikan
 DARANGAN-
epiko ng mga Maranao
 IBALON-
epiko ng mga Bicolano
 TARSILA-
nakasalaysay ng pinagmulan ng
mga taga-Sulu/Muslim
 BIAG NI LAM-ANG-
epiko ng mga Ilocano
Sining
Yari sa ginto ang mga kasangkapan
at palamuti na ginawa ng mga
sinaunang Filipino.

Ito ay patunay na malikhain ang


mga Filipino sa metallurgy o
paraan ng paglusaw at paghubog ng
ginto.

Nahukay ang mga kasangkapan at


palamuti na may ibat ibang desinyo
sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Panahanan ng mga Sinaunang Filipino
YUNGIB
Unang tirahan ng mga sinaunang Filipino

Mga Yungib na Tirahan ng mga


Sinaunang Filipino

 Yungib ng Callao sa Penablanca

 Bato sa Sorosgon

 Puyong at Tabon sa Palawan


Panahanan ng mga Sinaunang Filipino
BAHAY - KUBO
Ang katutubong tirahan ng mga Filipino.
Yari sa materyales na madaling
matagpuan sa kalikasan na mainam sa
mainit na panahon. Gawa sa kugon at
nipa ang bobong habang gawa naman sa
pawid at kawayan ang mga dingding. Ito’y
hugis parisukat na may isa o dalawang
silid sa loob.
Panahanan ng mga Sinaunang Filipino
FAYU O FALE
Tahanan ng mga katutubong naniniahan
sa hilagang bahagi ng Pilipinas, partikular
sa Cordillera. Hugis globo ang loob nito na
may malawak na silid kung saan
isinasagawa ang lahat ng gawaing-bahay
at pagsasalo-salo ng pamilya. Hugis
piramide ang bobong may may
pinagpatong patong na makapal na
kugon kung kaya’t madilim ang loon nito.
Proteksyon ito sa matinding sikat ng araw
at malakas na pag-ulan sa rehiyon.
Panahanan ng mga Sinaunang Filipino
TOROGAN
Tirahan ng mga taga-Mindanao na may
impluwensiya ng Islam ang arkitektura.
Hindi pangkaraniwang tahanan dahil
para ito sa datu. May malawak na sahig
at malaki ang istruktura. May desinyong
okir o geometric ang bintana at hindi
makukumpleto ang estrukura nito kung
wala ang maalamat na ibon ng mga
Maranao- ang Sarimanok.
Panahanan ng mga Sinaunang Filipino
TRADISYONAL NA BAHAY NG MGA
BADJAO
Makikita sa Mindanao patikular sa mga
baybayin ng Sulu Sea at Celebes Sea. Ito
ay may mga tiyakad na nakaangat sa
katubigan sa baybaying-dagat. Ang
tiyakad ay maingat na ipinupuwesto sa
pagitan ng mga coastal rock at koral
upang maiwasan ang pagkasira nito.
Panahanan ng mga Sinaunang Filipino
BAHAY NA BATO
Bahay ng mga Ivatan sa Batanes.
Binubuo ito ng dalawang silid: ang rakuh
(sala at tulugan) at ang kusina. Ito ay
walang tiyakad at nakatayo sa mismong
lupa upang matiyak ang katatagan nito
sa malakas na pag-ihip ng hangin sa
lalawigan. Ang bahay ay yari sa lime at
bato. Matatagpuan ang pinto at bintana
ng bahay sa direksyon na hindi
pinakamalakas na umihip ang hangin.

You might also like