You are on page 1of 19

 Ang sunog ay mapangwasak na uri ng

kalamidad. Di tulad ng bagyo, lindol at iba


pang kalamidad, ang sunog ay walang iniiwang
gamit, at ang masaklap pa nga ay pati buhay ng
isa o maraming tao. Wika nga “di bale nang
manakawan, huwag lang masunugan” sa
paniniwalang mayroon pang matitirang gamit
kapag ninakawan ka, kumpara sa kung ikaw ay
nasunugan bagaman ayaw nating mangyari ang
manakawan, pero kung ihahambing sa sunog,
ay mas pipiliin pa nating manakawan kaysa
masunugan.
 Madaling kumakalat ang apoy; walang oras para humakot
ng mga gamit o tumawag sa telepono. Sa loob lang ng
dalawang minuto, maaaring maging nakamamatay ang
isang sunog. Sa loob ng limang minuto, maaaring lamunin
ng apoy ang isang tinitirahan.

• Ang init at usok mula sa sunog ay maaaring
maging mas mapanganib pa kaysa sa apoy.
Ang paglanghap sa hangin na sobrang init
ay makapapaso sa iyong mga baga. Ang
apoy ay gumagawa ng mga nakalalasong gas
na nagpapalito at nagpapaantok sa iyo. Sa
halip na magising dahil sa apoy, maaaring
lalo pang lumalim ang iyong pagtulog.
• Asphyxiation ang tawag sa kakulangan sa
hangin at ito ang nangungunang dahilan ng
pagkamatay sa sunog.
 Upos ng sigarilyo
 Apoy mula sa kalan
 Faulty electrical connections
 Kandila
 Naiwang niluluto
 Pag-overheat ng mga appliances
 Pagsabog ng LPG
 Pagsabog
 Pagkapaso
 Pamumula ng mata
 Suffocation at Asphyxiation
 Pagkasira ng mga ari-arian
 Paghihirap ng mga biktima
 Pagkasawi ng ilan sa mga biktima
 Idinaraos tuwing Marso, isa sa mga pinakamainit na
buwan sa bansa, ang Fire Prevention Month dahil
karamihan ng mga insidente ng sunog ay nangyayari
sa buwang ito.
 Tinatawag na "triangle of fire" ang modelo na binubuo
ng tatlong sangkap na kinakailangang maghalo para
magdulot ng sunog. Kabilang dito ang fuel, oxygen, at
init.
 Isa sa mga halimbawang ibinigay ng BFP ay ang
pagkasunog ng tangke ng liquefied petroleum gas o
LPG.
 "Ang LPG kasi huwag tayong matakot na ito'y basta
basta sasabog. Matagal na proseso at napakatinding
init bago sumabog ang LPG tank," ani Fire Officer 3
Veronica Vicente.
 Para mapatay ang apoy sa main valve ng LPG, isara ang
regulator. Kung mainit at sira ang regulator ay gamitan
ito ng basang basahan.
 Kung nasa hose ng LPG ang apoy, gamitin ang
hinlalaki para takpan ang butas at patayin ang gas
source.
 Dapat ay may bentilasyon kaya mahalagang buksan
ang pinto o bintana kapag sumingaw ang LPG.
 Huwag umanong magbukas ng ilaw o huwag itong
patayin kapag nakasindi na.
 Kung ibang appliance o kagamitan ang nasusunog,
huwag agad isaksak o huwag bunutin.
 Huwag ring gumamit ng tubig sa pagpatay ng mga
electrical-related fire. Sa halip ay patayin ang circuit
breaker at tanggalin sa saksakan ang kagamitan.
 Dahil may mga pagkakataong sa kusina nangyayari
ang sunog habang nagluluto, huwag umanong
buhusan ng tubig ang umaapoy na mantika.
 Sa halip ay gumamit ng basahan na walang butas,
takpan ang kawali, at patayin ang gas source.
 Kapag umabot sa puntong nasusunog ang parte ng
tao, dumapa sa sahig, takpan ang mukha, at
gumulong-gulong hanggang sa mawala ang apoy.
 Maaari ring dumapa, lagyan ng kumot, at tapik-
tapikin ang bahagi ng katawan na nasusunog
hanggang sa mawala ito.
 Tinuro rin ng BFP kung paano gumawa ng improvised
fire extinguisher para sa mga maliliit na sunog.
 Gumamit ng plastic bottle at lagyan ito ng
pinaghalong 50 porsiyentong suka, 30 porsiyentong
tubig, at 20 porsiyentong liquid detergent.
 Butasin ang takip nito at isuksok ang tissue na may
lamang baking soda.
 Tiyaking hindi tatama ang tissue sa acid solution.
 Alugin lamang ito kapag gagamitin.
 Huwag itatapon ang upos ng sigarilyo sa basurahan.
Ugaliing maglagay ng ashtray sa inyong tahanan kung
may naninigarilyo. Ugaliin ding patayin ang upos ng
sigarilyo bago ito itapon.
 Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot
ng bata.
 Tanggalin ang mga delikadong bagay na maaaring
pagsimulan ng sunog sa loob ng inyong tahanan
katulad ng mga basura at iba pang flammable
materials.
 Huwag ilagay ang kandila, oil o gas lamps sa malapit sa
kurtina o mga bagay na madaling magliyab.
Siguraduhin ding hindi ito mapaglalaruan ng bata o
masasagi ng alagang hayop. Patayin ang nakasinding
kandila bago matulog.
 •Iwasan ang pagsasaksak ng maraming appliances sa
isang outlet o octopus connection.
 Magkaroon ng fire extinguisher.
 Maging alerto at mapagmasid.

You might also like