You are on page 1of 1

Noli M. Fuaso Jr.

Ang Masalimuot Kong Buhay

Ang buhay ko ay talagang masalimuot. Na tila binagsakan ka ng langit at lupa. Nung akala ko
makakaranas na ako ng kaginhawaan pero hindi pala. Lunes ng umagang iyon sa petsang Ika-27 ng Mayo
taong kasalukuyan, ay sabik na akong makita ang resulta ng Ranking sa Deped. May halong kaba at
pananabik ang bumaon sa aking katawan. Nung nakarating na ako sa lugar ng pagpupulongan ay tila
nabuhusan ako ng tuwa at pagkaba.

Marami rin pala akong makakasama lalo na ang matagal kong kaibigan at batchmate ko na si
Merialyn. Nung natawag na ang kanyang pangalan ay pumunta na siya sa mesa, habang tinitingnan niya
ang kanyang resulta ay di ako umimik at parang tulala. Napatingin na lang ako na sinabi niya sakin na
nakapasa siya. ‘’Uy, congrats nakapasa ka!’’ bati ko sa kanya. ‘’Salamat ha, wag kang magaalala
makakapasa ka rin.’’ Sagot ni Merialyn. Kahit anong gawin ko hindi parin ako umiimik. Na parang may
bumabagabag sa isipan ko. Ilang saglit ay ako na ang tinawag. Habang tinitingnan ko ang aking resulta ay
bigla akong nagulat na tila mahihimatay ako. Hindi ako nakapasa sa exam. Isa ito sa mga pinaka masidhing
pangyayari na bumagsak sa buhay ko. Hindi ko alam ang aking gagawin. Ginawa ko naman ang lahat ng
aking makakaya pero hindi naging sapat. Sa pangyayaring ito, tila nasayang ang mga paghihirap ko at
pagtitiwala nila sakin. Hindi na ako lumalabas ng bahay, hindi na kumakain dahil sa nangyari. Sa sobrang
pagdalamhati, inisip kong magpatiwakal ngunit di ko magawa. Gulong-gulo ang isipan ko kung ito ba ang
sumpa na binigay sakin ng Panginoon o pagsubok.

Sabi nga nila hindi pa ito para sakin, kung hindi ito para sakin dapat hindi ako naging LET Passer,
hindi na ako nagtapos ng kolehiyo, oo hindi biro ang pagpasa ng pagsusulit pero bakit ayaw ibigay sakin
nang buong-buo. Habang tumatagal, lalong bumababa ang pagkakataon kong makapagturo, at lalong
natutunaw ang bisa ng aking lisensya. Hanggang sa pangarap nalang ba ito, o hindi?

Kahit na masakit, sinisikap ko parin na lumaban upang maabot ang aking hinahangad sa buhay.
Darating ang araw ay maabot ko ang tuktok ng aking tagumpay. Hindi masama na mabigo sa halip
magsimula ulit at unting aakyat sa puno ng tagumpay. Hindi ko parin itatapon sa tabi ang mga itinuro nila
sa akin. At magagamit ko rin ito upang ibahagi sa susunod pang henerasyon.

You might also like