You are on page 1of 14

I.

Panimula
A. Kasaysayan/Kaligiran
Ang disorder na ito ay kombinasyon ng abilidad at mga kahirapan sa pag-proseso
na nakakaapekto sa pag-aaral sa pagbabasa o maging sa pagbabaybay at pagsusulat.
Kasama sa kahinaan na ito ay kinikilala sa bilis ng proseso, panandaliang memorya,
sequencing, pandinig at/o visual na pandama, ginagamit na wika at mga motor skills.
Ang dyslexia ay tumutukoy sa isang developmental disability/disorder. Ito ay isa
sa maraming termino na ginagamit upang ilarawan ang mga batang hirap sa pagbabasa.
Noong 19th century nagsimula ang pag-aaral at pananaliksik sa disorder na ito. Pinagaralan ng isang dalubhasa mula sa bansang Germany na si Dr. Kussmaul noong 1878 ang
isang lalaking hirap sa pagbabasa na kung saan ang lalaking ito ay normal ang pag-iisip
at may kaukulang edukasyon. Inilarawan niya ang problemang ito bilang reading
blindness at ilang taon ang nakalipas tinawag naman niya itong dyslexia na nagmula sa
salitang Greek na dys na ang ibig sabihin ay absence at lexia na ang ibig sabihin
naman ay language na sa kabuuan ang ibig sabihin ay absence of language. Isang
Amerikanong dalubhasa sa pag-aaral sa utak naman na si Dr. Samuel Orton ang nagtatag
ng unang teorya tungkol sa pagkakaroon ng problema sa pagbabasa ba kung saan
binigyan niyang diin na mas dominante ang isang parte ng utak ng tao (Stewart, 2014).
Ang dyslexia ay isang disabilidad sa pagbabasa dahil sa depekto ng utak sa
pagpoproseso ng mga simbolo. Ito ay isang disabilidad sa pagkatuto kung saan binabago
ang pamamaraan ng utak na magproseso ng mga bagay na nakasulat. Ito ay nailalarawan
sa hirap ng pagkilala sa mga salita, pagbaybay pagdedekowd. Ang mga tao na may
dyslexia ay may problema sa pagbabasa. Ayon sa National Center for Learning

Disabilities na ang dyslexia ay isang neurological at kadalasang genetic condition, at


hindi resulta ng maling pagtuturo o pag-aalaga. Ang dyslexia ay hindi pagkukulang ng
katalinuhan. Ang mga tao na may malalang dyslexia ay maaring maging napakatalino.
Ang epekto ng dyslexia ay mag-kakaiba sa bawat tao. Ang tanging pagkakapareho ng
mga tao na may dyslexia ay mabagal silang magbasa kumpara sa mga kaedad nila. Ang
dyslexia ay iba sa mental retardation.
Ayon sa University of Michigan Health System, ang dyslexia ang pinakakaraniwang problema sa pagkatuto. Walumpong pursyento ng estudyante na may
disabilidad sa pagkatuto ay may dyslexia. Tinantya naman ng International Dyslexia
Association na labing limang pursyento hangang dalawangpung pursyento ng populasyon
ng America ay may sintomas ng dyslexia, kasama na ang mali at mabagal sa pagbabasa,
mahina sa pagbaybay, mahina sa pagsusulat at paghahalo ng mga magkakaparehong
salita. Ang Dyslexia Association sa Australia ay nagsabi A dyslexic individual can be
successful because of their abilities not in spite of. A dyslexic may struggle to succeed
because of their negative experiences in the learning environment and not because if
dyslexia (Nordqvist, 2014).
B. Depinisyon
Dyslexia Ito ang terminong ginagamit para sa disorder na kung saan nahihirapan
na matuto magbasa o bigyang-kahulugan ang mga salita, letra at mga iba pang
simbolo, ngunit iyon ay hindi nakakaapekto sa pangkalahatang katalinuhan.

II. Nilalaman
A. Mga teorya
Sa ilang taong pananaliksik tungkol sa dyslexia, ang mga dalubhasa sa agham ay
nagtala ng limang magkakaibang teorya ng mga sanhi ng dyslexia (BrightStar Learning,
2015).
1. Magnocellular Impairment Theory
Ito ang teorya na kung saan ang isyu sa visual, learning at mga proseso ng mga
dyslexics ay dahil sa kakulangan sa magnocellular pathway. Ito ang area sa utak na kung
saan ay sensitibo sa visual motion at tumutulong sa direksyon ng tingin bilang tugon sa
bawat galaw.
2. Cerebellar Impairment Theory
Sa teoryang ito paniniwalaan na merong konting dysfunction sa cerebellum.
Kailangan ang cerebellum sa pagcontrol ng timing ng paggalaw. Ang paghina ng
cerebellum ay pwedeng humantong sa kawalan ng kakayahan para sa timing ng paggalaw
ng mata na kinakailangan sa pagbabasa. Ang cerebellum rin ay kinakailangan rin para sa
fluid interpretation ng mga letra sa tunog (grapheme-phoneme relationships) na
mahalaga sa pagbabasa.
3. Phonological Disorder Theory
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang dyslexia ay resulta ng direktang paghina ng
abilidad na magproseso at kumatawan sa tunog ng pagsasalita. Marami sa mga dalabhasa
sa agham ang pabor sa teoryang na kung saan inihahayag nito na upang malaman ang
isang sistema sa pagsulat batay sa alpabeto, ang utak ay kailangang maiugnay ang letra sa
tunog nito. Minumungkahi ditto na ang mga dyslexics ay hirap sa pagrerepresenta o pag-

uulit ng mga tunog. Marami rin sa kanila ang nahihirapan sa panatilihin ang mga salita sa
panandaliang memorya o ang paghiwahiwalay ng mga salita sa isang maikli segment ng
mga tunog. Ang dyslexia ay hindi direkta ang ipekto sa pagbabasa pero pinababagal nito
ang development ng mga linguahe na kailangan sa pagtamo ng kasanayan sa pagbabasa.
4. Auditory Processing Disorder Theory
Ito ang terminong ginagamit para ilarawan ang mga disorders na nakakaapekto sa
abilidad ng utak na magproseso ng impormasyon sa pandinig. Ang mga taong may ADP
ay may gawi na magkaroon ng kakayahan na magkaroon ng normal na pandinig pero
nahihirapan rin silang magproseso ng mga impormasyon na kanilang naririnig. Ito ang
nagpapahirap sa kanila na matukoy kung ano ang kanilang naririnig. Ang teoryang ito ay
nagsasabing ang mga dyslexic ay nahihirapan magproseso at bigyang kahulugan ang
maiikling bahagi ng mga tunog sa maikling oras.
5. Visual Processing Disorder
Ayon sa teoryang ito ay sinasabing ang dyslexia ay isang visual processing
disorder. Ang teoryang ito ay naniniwala na ang dyslexia ay resulta ng visual impairment
na kung saan nahihirapan ang mga dyslexic na magproseso ng impormasyon mula sa mga
nakasulat na letra at mga salita.

B. Mga uri
Ayon kay Karey Hope (2015), merong tatlong uri ng dyslexia. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Primary dyslexia
Ito ay genetic ang mga taong meron nito ay kadalasan nakakaranas ng problema
sa pagtukoy ng letra at numero, sa pagbabaybay, sa pagbabasa, sa aritmetika, sa sukat, sa
oras, sa pagsunod sa instraksyon and iba pang kakayanan na nagagawa ng kaliwang
bahagi ng utak.
2. Secondary dyslexia o developmental dyslexia
Ito ay sanhi ng problema sa pagdedevelop ng utak ng isang fetus na nagiging
sanhi ng pagkakaroon ng problema sa nuerological abilities ng isang tao sa
pagrerecognize ng mga salita at spelling ng mga ito. Ang bigat or tindi ng kundisyon nito
ay nagiimprove habang tumatanda o nagkakaedad ng taong may ganitong disorder.
Sinasabi rin na ang batang nakakaranas ng sintomas ng dyslexia ay maaaring
makapagperform ng ayus pagdating niya ng kolehiyo kung bibigyan sila ng maayus at
malinaw ng instraksyon ukol sa kanilang ginagawa o gagawin.
3. Trauma dyslexia
Ito ay sanhi ng matinding sakit or injury sa utak na nakakaapekto sa abilidad nila
para makabuo ng salita. Ang maaring magkaroon ng trauma dyslexia ay mga matatanda
na marunong magsulat, magbasa at magbabaybay ng mga salita bago ang trauma na
nangyari.

C. Katangian/Sintomas/Senyales
Ayon sa WebMD (2014), ang senyales ng kondisyong dyslexia ay maaaring iba-iba
depende sa tao. Ang mga batang mayroon nito ay may nga sumusunod na sintomas:

mabagal na pagsasalita
nagkakaroon ng problema sa pagbibigkas
nahihirapan matutunan ang basics tulad ng alpabeto, mga kulay at mga numero
nagkakaroon ng problema sa pagsusulat at sa iba pang fine motor skills
nalilito sa mga letrang "b" at "d" pati na rin sa pagkasunud-sunod ng mga letra sa salita
naguguluhan sa pagkatuto ng koneksyon sa letra at sa tunog nito
Tinatantiyang 25% ng may dyslexia ay nagpapakita ng sintoman ng Attention Deficit

Hyperactivity Disorder (ADHD). Sa mga nakatatanda na may dyslexia, ang mga sumusunod ang
sintomas:

nagkakaroon ng problema sa pagsusulat, pagbabasa at pagbabaybay


nagkakaroon ng problema sa mga gawain sa paaralan
nahihirapang matuto ng ibang lenggwahe
magulo ang pagsusulat
nahihirapan alalahanin ang mga numero
nagkakaroon ng problema sa sunud-sunod na direksyon at sa pag-sabi kung ano ang
kaliwa sa kanan.

D. Pandiagnose
Ayon sa website na Medicenet (2015), ang dyslexia ay isang sakit na napakahirap suriin.
May iba't ibang salik ang sikologo upang suriin ang karamdaman na ito. Ang pagsusuri ay
makatutulong malaman ang lebel ng pagbabasa ng isang bata at maikumpara ito sa potensyal ba
pagbabasa na karaniwang sinusuri sa pamamagitan ng intelligent test. Lahat ng aspekto sa
6

proseso ng pagbabasa ay sinusuri upang alamin kung saan nagaganap ang breakdown. Ang
pagsusuri ay tinatantiya kung paano prumuseso ng impormasyon ang isang bata at kung ano ang
kaniyang gagawin sa impormasyong kanyang nasagap.
Ang pagsusuri ay paraan upang malaman kung saan mas madaling matututo ang bata, kung
sa auditory, visual o sa kinesthetic ba. Sinusuri rin ng sikologo kung saan mas madaling
gumanap ang isang bata sa pagbibigay ng impormasyon, sa pamamagitan ba ng oral o tactilekinesthetic. Sinusuri rin kung paano ang mga sensory systems ay nakapagtatrabaho kalakip ng
iba pa
Ang mga Standard Battery Test na ginagamit:

Wechsler Intelligence Scale for Children-Third Edition (WISC-III)


Kaufman Assessment Battery for Children (KABC)
Stanford-Binet Intelligence Scale
Woodcock-Johnson Psycho-Educational Battery
Peabody Individual Achievement Tests-Revised (PIAT)
Wechsler Individual Achievement Tests (WIAT)
Kaufman Tests of Educational Achievement (KTEA)
Bender Gestalt Test of Visual Motor Perception
Beery Developmental Test of Visual-Motor Integration
Motor-Free Visual Perception Test
Visual Aural Digit Span Test (VADS)
Test of Auditory Perception (TAPS)
Test of Visual Perception (TVPS)
Peabody Picture Vocabulary Test-Revised
Expressive One-Word Picture Vocabulary Test
Test for Auditory Comprehension of Language

E. Komplikasyon
Ang mga batang may dyslexia ay maaaring magkaroon ng problemang emosyonal hindi
dahil sa kondisyon ngunit dahil sa araw-araw na kabiguan sa kapiligiran sa paaralan. Isinaad sa
isang pagaaral na ang panahon na nagkakaroon ng emosyonal na problema ang mga batang may

problema ay ang panahon sa mga unang taon nila sa paaralan dahil dito na nahahalata ang mga
isyu sa kanilang pagbabasa. Kung hindi napagalaman ang kondisyon ng mga batang may
dyslexia, mayroong posibilidad na bumagsak ang mga ito sa paaralan. Maaaring isipin ng mga
guro at magulang na hindi gumagawa ang mga batang ito ng paraan upang matuto at maaaring
parusahan nila ang mga batang ito. Dahil sa problemang ito, maaaring bumaba ang selfconfidence ng mga batang may dyslexia. Hindi na kagulat-gulat na ang mga batang may dyslexia
ay nanganaganib na magkaroon ng mataas na bilang ng kasong may behavorial problems at
depresyon.
Sa makatuwid, ang dyslexia ngayon ay hindi na katulad na noon na hindi pa ganoon
naiintindihan. Kung nagkakaroon ng problema sa pagbabasa o pagsusulat ang isang bata, maaari
ng bigyan ito ng tulong ng magulang at guro. May mga magagamit na upang matulungan ang
mga batang may dyslexia at iba pang learning disabilities. (WebMD, 2014).
F. Lunas o Treatment
Ayon kay Gerd Schulte-Korne (2010), ang lunas ay binubuo ng pagtukoy sa
disorder, payuhan ang mga magulang at mga guro at ang dalas ng treatment ay depende sa lubha
ng dyslexia. Ang pag-inom ng gamot ay hindi nakakatulong sa may dyslexia ngunit kung ang
taong may dyslexia ay meroon ding attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) maari silang
gumamit ng gamot para sa may mga ADHD para mapabuti ang kanilang abilidad sa pag-aaral sa
loob man o labas ng eskwelahan. Madalas malaking kaluwagan sa mga magulang and pagtukoy
sa disorder, sanhi at mga pagpipilian sa paggamot. Madalas tumatatagal ang diagnosis ng mga
ilang buwan hanggang ilang taon na kung saan sa mga panahon na ito, ang mga magulang,
kadalasan and mga ina ay sinusubukang suportahan ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng
pang araw-araw na pagsasanay sa bahay. Oras ang ginugugol araw-araw sa paggawa ng takdang-

aralin, regular na pagdidikta ng pagsasanay, ang mga bata ay ayaw na mag-aral, pagkakamali sa
mga spelling at pagsusulit kahit pa nag-eensayo ng mabuti ay nauuwi sa depresyon sa bata at
damdamin na kabiguan sa mga magulang. Ang paggamot ng dyslexia ay may dalawang bahagi:
ang paggamot ng mga problema sa pagbabasa at spelling, at ng anumang sikolohikal na
karamdaman ng isang bata. Dahil sa madalas na ganito ang nangyayari pinapayuhan ang mga
magulang magkaroon ng madalas na pagbabasa, isang beses sa isang lingo sa loob ng isang taon
para mas mapabuti ang kakayahan ng bata na makapagbasa. Ang pagtuturo ng pagbabaybay ay
ibinibigay hiwalay sa pagtuturo ng pagbabasa. Ang mga bata ay natututo sa pagbabaybay sa
pamamagitan ng pagsisimula ng pagtuturo gamit ang phonics (spelling individual sounds).
Ngunit, kahit sa pagkakaroon ng regular at intensive na supporta sa mga batang may dyslexia
para lang makamit ang bahagyang pagpapabuti sa kanilang pagbabasa at pagbabaybay. Ang mga
dahilan sa mga ito ay hindi rin maintindihan. Itinatala ang neurobiological correlates kasabay ng
paggamot sa dyslexia. Ang essential na parte ng paggagamot ay ang psychotherapy. Ang mga
batang nakakaranas ng depresyon at anxiety ay maaaring matulungan ng nasabing paraan ng
paggamot. At kung ang isang bata ay meroon ring ADHD, ang pag-inom ng gamot ay kailangan
kung ang disorder ay malala, kasabay ng psychotherapy.
Ayun din kay Scifert Hoffnug (1997), dahil ang kapansanan sa pag-aaral ay nagging
pangunahing problema sa mga eskwelahan, dahil dito ang mga guro mas pinaigting ang kanilang
responsibilidad sa pagtulong sa mga batang may ganitong problema. Ayon sa kanya ang mga
batang may problema sa perceptual masking ay maaring bigyan ng mga pagsusulit na kung saan
magagawa nila na mapabuti ang kanilang kakayanan. Maaring magkaroon sila ng hiwalay na
trabaho na pwede nilang gawin sa regular na clase, pero ang iba dito ay kailangan ng individual
na pagtuturo upang matutukan at matulungan ang bata sa kanyang pag-iisip. Depende rin sa

pangangailangan ng bata, pwedeng maging tutor ang mga regular na guro, mga magulang or mga
guro na nagtuturo talaga sa mga batang may ganitong problema. Sinasabi rin ni Hoffnug na may
mga bata rin na sapat na ang edad na may problema sa pag-aaral na makaramdam at
makapagbigay ng opinion tungkol sa kanilang problema. Kung tutuusin, ang pangunahing
problema sa ibang may ganitong pinadadadaan ay nagiging self-conscious sila na hindi sila
natututo. Ang batang hindi makapagbasa ay nagkakaroon ng masakit na kamalayan tungkol sa
kanyang pinagdadaan and nangangamba sa magiging tingin ng mga guro, magulang at mga
kaibigan nila tungkol sa kanya. Makakatulong ang mga matatanda sa ganitong problema kung
magiging optimistic tungkol sa kakanyanan ng bata na matuto sa mga akademikong kasanayan at
turuan na maging aware ang ibang mag-aaral at ibang bata tungkol sa nararanasan ng mga batang
may ganitong problema.

III. Konklusyon
Ang dyslexia ay tumutukoy sa isang developmental disability/disorder. Nagmula ito sa
salitang Greek na dys na ang ibig sabihin ay absence at lexia na ang ibig sabihin naman ay
language na sa kabuuan ang ibig sabihin ay absence of language. Ito ay isa sa maraming
termino na ginagamit upang ilarawan ang mga batang hirap sa pagbabasa. Ito ay inilalarawan
bilang reading blindness. Ang dyslexia ay isang disabilidad sa pagbabasa dahil sa depekto ng
utak sa pagpoproseso ng mga simbolo. Ito ay isang disabilidad sa pagkatuto kung saan binabago
ang pamamaraan ng utak na magproseso ng mga bagay na nakasulat. Ito ay nailalarawan sa hirap
ng pagkilala sa mga salita, pagbaybay pagdedekowd. Ang mga nilalang na may dyslexia ay may
problema sa pagbabasa.

10

Nagkakaroon ang isang nilalang ng dyslexia sa dulot ng genetic. Natatamo din ang sakit
na ito kapag nagkaproblema sa pagdedevelop ng utak ng isang fetus na nagiging sanhi ng
pagkakaroon ng problema sa neurological abilities ng isang tao sa pag rerecognize ng mga salita
at spelling ng mga ito. Kapag ang isang tao naman ay nagkaroon ng isang matinding sakit or
injury sa utak na nakakaapekto sa abilidad nila para makabuo ng isang salita. Ang trauma rin ang
maaring maging sanhi ng dyslexia.
Mabagal na pagsasalita, pagkakaroon ng problema sa pagbibigkas, nahihirapan
matutunan ang basics tulad ng alpabeto, kulay at numero, pagkakaroon ng problema sa pagsulat
at iba pang fine motor skills, pagkalito sa mga letrang b at d pati na rin sa pagkakasunod
sunod ng mga letra sa salita at naguguluhan sa pagkatuto ng koneksyon sa letra at sa tunog nito.
Ito ang mga senyales o sintomas ng dyslexia.

Ang lunas ay binubuo ng pagtukoy sa disorder, payuhan ang mga magulang at mga guro
at ang dalas ng treatment ay depende sa lubha ng dyslexia. Ang pag-inom ng gamot ay hindi
nakakatulong sa may dyslexia ngunit kung ang taong may dyslexia ay meroon ding attention
deficit hyperactivity disorder (ADHD) maari silang gumamit ng gamot para sa may mga ADHD
para mapabuti ang kanilang abilidad sa pag-aaral sa loob man o labas ng eskwelahan. Ang
essential na parte ng paggagamot ay ang psychotherapy. Ang mga batang may problema sa
perceptual masking ay maaring bigyan ng mga pagsusulit na kung saan magagawa nila na
mapabuti ang kanilang kakayanan.

11

Bibliography
BrightStar Learning (2015) Five causal theories. http://brightstar-learning.com/dyslexia
Hoffnug, S. (1997) Child and Adolescent Development, 4th Edition. Berkeley Street, MA.
Houghton Mifflin Company.
Hope, K. (2015) Types of dyslexia. http://www.dyslexiavictoriaonline.com/types-of-dyslexia
Medicinet (1996-2015) How is dyslexia diagnosed?
http://www.medicinenet.com/script/main/mobileart.asp?articlekey=348&page=6
Nordqvist, C., (2014) What is dyslexia? What causes dyslexia?." Medical News Today.
MediLexicon, Intl.
12

http://www.medicalnewstoday.com/articles/186787.php
Schulte-Korne, Gerd (2010). The Prevention, Diagnosis, and Treatment of Dyslexia
http://ncbi.nlm.nih.gov
Stewart, C. B. (2014). History of Dyslexia
http://blogs.psychcentral.com/humor/2014/07/the-history-of-dyslexia/
WebMD (2014) http://www.webmd.com/children/helping-children-with-dyslexia

Profile
Diana Cazandra L. Griego, labingpitong taong gulang. Ikalawang taon sa kursong
Bachelor of Science in Accountancy sa La Consolacion College Manila. Nakapagtapos ng
primarya at sekondaryang edukasyon sa St. Scholastica's Academy sa Marikina. Panganay sa
tatlong anak nina Veronica at Rafael Griego. Isang atleta sa isport na volleyball sa La

13

Consolacion College Manila. Pinangarap na talaga ni Diana na maging isang accountant sa


kanyang pag-laki.
Mira Camille S. Dizon, dalawamput limang taong gulang. Ipinanganak noong August 6,
1990. Ika-apat na taon sa kursong Bachelor of Arts in Psychology sa La Consolacion College
Manila. Panganay sa dalawang magkapatid nina Concepcion Dizon at Mario Dizon. Pangarap ni
Mira na makapagtapos sa kursong kanyang kinukuha at makapagtrabaho.
Jeanlanz S. Camba, dalawangpung taong gulang. Ipinanganak noong December 6, 1994.
Nakatira sa 515 Baltazar St. Tondo, Manila.

14

You might also like