You are on page 1of 3

Dahil sa curious ang mga bata, maaaring paglaruan nila ang ilang mga gamit sa bahay na

pwedeng pagsimulan ng sunog tulad ng posporo, kalan, o lighter. Simula pagkabata, magandang
bigyan agad ang mga anak ng fire prevention lesson tulad ng hindi paglalaro ng mga bagay na ito
para hindi magkaroon ng sunog sa lugar ninyo. Ilagay rin hangga’t maaari ang mga bagay na ito
sa lugar na hindi nila maaabot.
j. Umattend sa mga fire safety lessons
Kadalasan na tuwing fire prevention month, may mga seminar at trainings ang mga
barangay tungkol sa fire prevention. Kung may idaraos na ganitong mga event sa inyong lugar,
daluhan ito. Ang isang oras na mailalaan mo upang matutunan ang fire safety ay walang
hangganang tulong sa’yo at sa iyong kumunidad.
k. Pag-aralan ang iba’t-ibang paraan kung paano aapulahin agad ang apoy
Meron ba kayong fire extinguisher sa bahay, opisina, o paaralan? Hindi sapat na meron
lang kayo nito para maapula ang apoy. Syempre, dapat alam niyo kung paano ito gamitin. Pwede
kang magpaturo sa mga bumbero sa inyong lugar para sa wastong paggamit ng fire extinguisher.
Tandaan ang PASS na acronym sa tamang paggamit ng fire extinguisher: Pull the pin,
Aim at the base, Squeeze trigger and Sweep from side to side.
Pwede ka ring magpaturo sa lokal na bumbero para sa iba pang paraan ng pag-apula ng
maliliit na apoy sa loob ng tahanan. Ang isa pang fire prevention lesson na dapat tandaan ay ito:
pwedeng maging daluyan ng kuryente ang tubig kaya huwag basta-bastang apulahin ang apoy
gamit ito.
l. Seryosohin ang mga fire drill na ginagawa sa paaralan, opisina, at barangay
Minsan hindi siniseryoso ng ilan ang fire drill na isinasagawa sa paaralan, opisina, o
barangay. Pero tandaan na ang mga drills na ito ay dinisenyo para turuan ang lahat na maging
kalmado at alerto sa anumang uri ng sakunang pwedeng mangyari. Kaya makinig nang mabuti at
sumunod sa mga tagubilin na sinasabi sa inyong fire drills at ituro din ito sa mga kapamilya mo.
m. Alamin ang mga fire hazards sa tahanan at sa palibot nito
Maglaan ng oras upang suriin ang loob at labas ng bahay ninyo para sa mga maaaring
pagmulan ng sunog tulad ng mga wirings. Pag-usapan bilang pamilya ang mga pagbabagong
dapat ninyong gawin sa loob at paligid ng tahanan para maiwasan ang mga fire hazards na ito.
n. Ayusin ang pag-iimbak ng flammable materials sa bahay
Ang mga flammable liquids tulad ng gaas, solvent, cleaning agents, thinners, pandikit,
pintura, at iba pang raw materials ay pwedeng sumabog o pagmulan ng sunog kung hindi maayos
ang pag-iimbak at pagtatabi ng mga ito. Huwag itago ang mga bagay na ito sa lugar na malapit
sa heating source. Mas maganda kung itatago ang mga ito sa lugar na may malamig na
bentilasyon o sa labas ng bahay.
o. Alamin ang mga first aid procedure para sa mga paso mula sa sunog
1
Kung napaso ka dahil sa apoy, buhusan ito ng malamig na tubig para gamutin ang mga
paso mo sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Takpan ito ng malinis at tuyong tela saka
humingi ng medikal na tulong mula sa ospital o ambulansya.
p. Maging alerto kapag nakaamoy ng gas leakage o usok
Kung sakaling may maamoy ka na gas leakage o usok sa bahay niyo o malapit dito,
hanapin agad ang pinagmumulan nito para malaman kung may nagsisimula na bang sunog sa
inyo. Maganda ring family safety lesson ang pagtuturo sa mga anak na magsabi agad sa mga
nakatatanda kung nakakaamoy sila ng usok sa loob ng tahanan o kapag may nakita silang nag-
overheat na appliance o gamit sa bahay o nag-spark na mga saksakan.
q. Huwag i-overload ang mga saksakan at extension cords at bunutin ang mga appliances
sa saksakan.
Minsan, hindi na natin napapansin na napakarami na palang mga gamit ang nakasaksak
sa mga saksakan o extension cords. Pwedeng mag-overload at sumabog ang mga saksakang ito
at pagmulan ng sunog. Ugaliing bunutin ang mga appliance na di na ginagamit, kasama na ang
mga charger ng cellphone, tablet, at laptop kung full charge na ang mga ito.
r. Alamin ang mga first aid procedure para sa mga paso mula sa sunog
Kung nasusunog ang isang high-rise building at nandoon ka, huwag gumamit ng elevator
para makababa agad; sa halip ay gumamit ng hagdan. Kapag may sunog, pwedeng magkaroon ng
electrical issues. Pwede kang makulong sa loob ng elevator o pwede itong magbukas sa floor na
nasusunog.
s. Huwag tangkaing apulahin ang apoy nang mag-isa
Kapag nagawa mo na ang mga pangunahing hakbang sa pag-apula ng maliliit na sunog
pero hindi pa rin ito namamatay, tumawag ka na agad ng tulong sa mga kapamilya mo at mga
bumbero. Kung hindi ka agad hihingi ng saklolo, mabilis na lalaki at kakalat agad ang apoy.
t. Huwag nang bumalik sa loob ng kuwarto o bahay na nasusunog
Maraming dahilan kung bakit gusto ng mga taong bumalik sa loob ng nasusunog na
bahay. Kung halimbawa ay may naiwan kayong alagang hayop sa loob ng bahay, sa halip na
pumasok ulit sa inyong bahay, agad itong ipaalam sa mga bumbero para sila ang magligtas sa
mga naiwan ninyong alagang hayop.
Kung babalikan ang mga naiwang gamit ninyo sa bahay, tandaan mo Suki na mas
mahalaga ang buhay mo kaysa sa mga gamit na iyon. Pero kung sakaling napakahalaga talaga ng
isang bagay na naiwan mo sa loob, sabihin agad ito sa mga bumbero para makuha nila ito.
u. Huwag ilipat ng lugar ang mga bagay na nasusunog para hindi kumalat
Karaniwan nang sa kusina nagsisimula ang sunog dahil sa mantika, init, at apoy na
pwedeng pagsimulan ng sunog. Kung masunog ang kawali na pinaglulutuan mo, tandaan ang fire
prevention lesson na ito: huwag ilipat ito papunta sa lababo para mabuhusan ng tubig.
2
Maaari kang magtamo ng second at third-degree burns kapag nagtalsikan ang mantika. Sa
halip, takpan ito at patayin ang kalan. Buhusan ito ng maraming baking soda o asin. Pwede rin
itong apulahin gamit ang fire extinguisher o basang tela.
v. Huwag maging pabayang maninigarilyo
Ang sigarilyo at paninigarilyo ay isa sa tatlong pangunahing sanhi ng sunog. Kung
maninigarilyo, iwasang gawin ito sa kama o sofa. Huwag iwanang nakasindi ang sigarilyo at wag
itapon agad ang mga laman ng ashtray sa basurahan. Kailangang lumamig muna o basain ng
tubig ang mga ashes at cigarette butts bago ito itapon.
w. Mag-avail ng insurance
Makakatulong din ng malaki sa pamilya ang pagkakaroon ng swak na insurance para
tiyak na proteksyon sa lahat anumang sakuna ang inyong harapin. Mahirap ang masunugan.
Masakit ito hindi lang sa damdamin, kundi maging sa bulsa.

You might also like