You are on page 1of 9

Pagbabagong

Morpoponemiko
Aralin 6
Ano ba ang pagbabagong
morpoponemiko?

Anumang pagbabago ng morpema ay


taglay ng kanyang kapaligiran at ito ay
tinatawag na pagbabagong
morpoponemiko. Ang anumang
maliit na salitang ikakabit nito ay
nakaimpluwensiya sa pagbabagong
anyo ng morpema.
ASIMILASYON
Ang mga tunog ng isang salita ay umaayon sa
katabing tunog nito. Makikita ang pagbabagong ito
sa mga morpemang unlaping nagtatapos sa –ng
gaya ng pang-, mang-, mapang-, sing-, kasing-,
magkasing-, at iba pa.

a) Asimilisayong Parsyal o di-ganap - kung ang pagbabagong namalas o


naganap sa anyo ng salita, maliban na lamang sa pagbabago ng ponemang /ng/
sa pinal na posisiyon ng panlapi at nagiging /n/ o /m/ dahil sa kasunod na
tunog.
Halimbawa:
sing- + puti = simputi
pang- + dakot = pandakot
ASIMILASYON
Ang mga tunog ng isang salita ay umaayon sa
katabing tunog nito. Makikita ang pagbabagong ito
sa mga morpemang unlaping nagtatapos sa –ng
gaya ng pang-, mang-, mapang-, sing-, kasing-,
magkasing-, at iba pa.

b) Asimilasyong Ganap – kung bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang


/ng/ dahil sa pakikiangkop nito sa kasunod na tunog ay nawawala o naaasimila
na rin ang ponema sa inisyal na posisyon ng nilapiang salitang-ugat at sa halip ay
nananatili na lamang ang mga tunog na /n/ o /m/.
Halimbawa:
mang + sita = man + sita = manita
pang + punas = pam + punas = pamunas
PAGPAPALIT Halimbawa:
NG PONEMA a. /o/ at /u/
bago + bago = bagong-bago
b. /e/ at /i/
ka + babae + han = kababaehan = kababaihan

c. /d/ at /r/
ma + dunong = madunong = marunong
May mga ponemang nababago o
napapalitan sa pagbubuo ng salita. d. /h/ at /n/
Kung minsan, ang ganitong talo + -han = talunan
pagbabago ay nasasabayan ng
pagpapalit ng diin. e. /l/ at /g/
halik + -an = halkan = hagkan
Pagkakaltas ng Ponema
May nawawalang ponema sa salita.

Halimbawa:
tupad + in = tupadin = tupdin
lagay + an = lagayan = lagyan
Paglilipat o Metatesis
Nagkakapalitan ng posisyon ang mga
ponema at kung minsan ay may
nawawala pa.

Halimbawa:
tanim + an = taniman = tamnan
lakad + -in- = linakad = nilakad
PAGLALAPAT
Ipakita ang pagbabagong morpoponemiko sa mga sumusunod na mga salita:

1. pambayad 6. kunin
2. manunulat 7. nilimot
3. karagatan 8. dakpin
4. sidlan 9. panakip
5. pamasko 10. mandirigma

You might also like