You are on page 1of 1

Panuto: Piliin sa panaklong ang wastong salita na babagay sa pangungusap at isulat ito sa

bahagi ng papel.
1) (Bitiwan, Bitawan) mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
(Nabitiwan, Nabitawan) ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot.
2) Umuuwi siya sa probinsiya (kapag, kung) araw ng Sabado.
Hindi niya masabi (kung, kapag) Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.
3) Hindi siya nakapasok kahapon (dahil, dahil sa, dahilan) sumakit ang ulo niya.
Hindi ko alam kung ano ang (dahilan, dahil sa, dahilan) ng kanyang pagkakasakit.
Hindi siya nakapasok kahapon (dahil, dahil sa, dahilan) sa sakit ng ulo.
4) Kailangang matutong umasa (habang, samantalang) nabubuhay.
5) Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang ( habang, samantalang) wala

pa akong trabaho.
6) (May, Mayroon) anay sa dingding na ito.
7) (May, Mayroon) kumakatok sa pinto.
8) (May, Mayroon) dalawang araw pa bago ang tinakdang araw ng programa.
9) (Pahirin, Pahiran) mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
10) (Pahirin, Pahiran) mo ng mantikilya ang aking tinapay.
11) Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng (pintuan, pinto).
12) Tayo nang pumasok sa bakal na (pintuan, pinto).
13) Ibig kong (subukan, subukin) kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako
sa bahay.
14) (Subukan, Subukin) mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
15) (Taga, Tiga) -Negros ang napangasawa ni Norma.
16) Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay (ooperahin, ooperahan) mamaya.
17) Si Luis ay (ooperahin, ooperahan) sa Martes.
18) Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga (hagdan, hagdanan).
19) Ilagay mo ang (hagdan, hagdanan) sa tapat ng bintana.
20) Nakatatlong (ikit, ikot) muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob
ng kuweba.
21) Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. (Umiikit-ikit, Umikut-ikot) muna
sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.
22) (Sundin, Sundan) mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin
iyon sa iyong kabutihan.
23) (Sundin, Sundan) mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.
24) (Iniwan, Iniwanan) ni Arnie ang kotse sa garahe.
25)
(Iniwan, Iniwanan) ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

You might also like