Panuto: Tukuyin kung NG o NANG ang tamang ipuno sa bawat patlang.
Sagot lamang ang isulat sa
sagutang papel o kwaderno.
1. Gusto kong magluto _____ sinigang.
2. Nasaktan _____ labis si Kate sa sinabi ni Leny. 3. Balik _____ balik si Fred sa kubeta. May LBM yata. 4. _____ natapos si Fred magbawas, nawalan _____ tubig. 5. Sira pala ang pinto _____ banyo. May biglang pumasok. 6. Magsindi _____ kandila _____ mawala ang kakaibang amoy. 7. Wala _____ pag-asa si Ben kay Allegra. 8. Nagsasara ang LRT tuwing ikasampu _____ gabi. 9. Aalis _____ hapon si Ben para habulin si Allegra. 10. Natapos _____ maaga ang pag-iibigang Ben at Allegra. 11. Alas kuwatro _____ hapon ang uwian nila. 12. Aral siya _____ aral kaya nakapasa sa UP. 13. Hamo, bibilhan kita _____maraming laruan sa bertdey mo. 14. Kapag bagyo, binubuksan ang mga bintana _____bahay kubo. 15. Luluwas ako _____Maynila kinabukasan. 16. Magbasa ka _____malaman mo ang kalagayan ng bansa. 17. Naghanda siya _____biskwit para sa bisita. 18. Nagsuot siya _____luma para ayos lang marumihan. 19. Natulala ako _____makita ko siya. 20. Tumalon siya _____mataas para maabot ang aratilis. 21. Wala _____bisita, ikaw na lang. 22. Sinabi ko _____tumahimik, maingay ka pa rin! 23. Ang ayoko sa lahat ay 'yong dada _____dada. 24. Gusto kong makakuha _____mataas sa Ensula para sa mga magulang ko. 25. Hugasan mong agad ang sugat _____hindi maimpeksyon. 26. Mayroon _____ilaw, tapos na ang brownout. 27. Naglaan sila _____oras para puntahan si lolo. 28. Nahimatay siya _____mabalitaan ang nangyari. 29. Nakakita ako _____napakaraming bundok na kulay-tsokolate. 30. Nginuya niya _____mabagal ang paborito niyang durian. 31. Nobymbre _____taong 1991 nang magkakilala sila. 32. Sabi _____nanay ko guwapo raw ako. 33. Ang Lungsod _______ Tacloban ang kabisera _______ Leyte. 34. Ang mga pagkaing de-lata ay ibibigay sa mga taong nasalanta _______ malakas na bagyo. 35. Tumigil ang iyak _______ sanggol _______ bumalik ang nanay. 36. Sino ang nagmamay-ari _______ itim na backpack sa silid? 37. Ang mga manonood _______ pelikula ni Robin Williams ay tawa _______ tawa. 38. Manood tayo _______ telebisyon _______ malaman natin ang mga bagong balita. 39. Nasa loob kami _______ bahay _______ tinamaan _______ kidlat ang punong niyog. 40. Ang artikulong ito ay isinulat _______ panganay na anak ni Erica. 41. Tumakbo _______ mabilis ang pusang hinahabol _______ aso. 42. Binantayan _______ lolo ang kanyang mga apo. 43. Hatinggabi na _______ umuwi ang mag-ama dahil inabutan sila _______ matinding trapik sa EDSA. 44. Kaluluto pa lamang ni Ate Wilma _______ masarap na arroz caldo. 45. Si Lara ang gumuhit _______ magandang larawan. 46. _______ lumabas ang guro, kinopya _______ mga mag-aaral ang nakasulat sa pisara. 47. Tumahol _______ tumahol ang aso hanggang umalis ang bisita _______ kanyang amo. 48. Ubod _____ asim ang sinigang na niluto niya. 49. Ang mamatay _____ dahil sa iyo. 50. Ayaw ko _____ mangarap.