You are on page 1of 1

COLEGIO DE LA INMACULADA CONCEPCION-CEBU

GRADE 9
PANUTO: Pumili ng tamang sagot . Punan nang maayo ang bawat katanungan. Isang sagot lang
ang hinahanap kaya stick-to-one tayo. Pakaisipin nang masyado ang sagot bago isulat dahil ang
kamalian ay kamalian. Maaring maitama ang kamalian ngunit itoy magmamarka na kaya iwasan
ang pagbubura. Huwag ipagtanggol ang maling sagot dahil sa huli ay masasaktan ka lang.
PAGBUTIHIN.
NANG at NG
1. Ang mga pagkaing de-lata ay ibibigay sa mga taong nasalanta _______ malakas na
bagyo.
2. Sino ang nagmamay-ari _______ itim na backpack sa silid?
3. Hatinggabi na _______ umuwi ang mag-ama dahil inabutan sila _______ matinding
trapik sa EDSA.
4. Kaluluto pa lamang ni Ate Wilma _______ masarap na arroz caldo.
6. Manood tayo _______ telebisyon _______ malaman natin ang mga bagong balita.
6. Unti-unti _______ nauubos ang pasensiya ko sa iyo.
7. Pumasok sa madilim na kuwarto ang bata _______ walang takot.
8. _______ iwan siya _______ kanyang ina, iyak _______ iyak ang bata.
9. Ibasura mo _______ mga nakakalat na balot _______ kendi sa sahig.
10. Sige, basahin mo _______ babala _______ malaman natin ang hindi dapat gawin.
11. Kinausap niya _______ mahinahon ang asawa _______ biktima.
12. Sobra _______ pagmamalupit _______ amo mo!
13. Hulihin _______ suspek na iyan at baka makatakas siya muli.
14. Matutulog ka _______ hindi pa tuyo ang buhok mo?
15. Tatapusin ko agad ang trabaho ko _______ sabay na tayong makauwi

II.
16. (subukin, subukan) Dahil sumakit ang ulo ni Jenn kaya _______ niya ang gamot
na binigay ng kaibigan.
17. (subukin, subukan) _____ mo ngang tumayo ng isang paa sa itaas ng mesa.
18. (subukin, subukan) Maari bang _______ ang iyong sapatos?
19. (rin, din) Hindi _____ mahilig si Carlo sa spaghetti.
20. (rin, din) Sagabal ka ____ sa pagtitinginan ng dalawang tao.
21. (rin, din) Bumili ____ ako ng sapatos ngunit tulad sa iyo, mahal ____ ito.
22. (hatiin, hatian) _____ natin si Lolo Marco ng niluto mong pizza.
23. (hatiin, hatian) _____ natin nang maayos ang perang ito nang hindi magkaroon
ng gulo.
24. (sundin, sundan) Malinaw na pinanukala ni Mayor Mansueto na _____ ang bawat
patakaran sa lungsod.
25. (sundin, sundan) Sinabi nina Garri na kailangan mong _____ si Gng.Arto sa
silid-aralan.
26. (daw, raw) Ikaw ___ ang magiging kinatawan ng paliksahan sa Buwan ng Wika.
27.(daw, raw) Nais ____ ni Dory na tapusin na ang kanilang relasyon ni Marlin.
28. (pahirin, pahiran) ____ mo ang tsokolate sa iyong pisngi.
29. (pahirin, pahiran) Utos ni Ka Lando na _____ ng langis ang sugat ni Lorna.
30. (pahirin, pahiran) Mahalaga na _____ ang pawis ng mga bata nang hindi sila
magkasakit.

You might also like