You are on page 1of 3

Paksa: Ayos ng Pangungusap

A. Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang ayos ng pangungusap ay


karaniwan o tuwid. Isulat ang mga titik DK kung ang ayos ng pangungusap
ay di-karaniwan o kabalikan.
______ 1. Ang dating sirang kalsada ay inaspalto na.
______ 2. Masama sa katawan ang paninigarilyo.
______ 3. Madalas kumain ng kendi at tsokolate si Benny.
______ 4. Kami ay pupunta sa opisina ng koreo mamayang hapon.
______ 5. Ang barkada ni Ellen ay magmemeryenda sa bahay bukas.
______ 6. Si Tito Melchor ang maghahatid sa atin sa istasyon ng bus.
______ 7. Nakabihis na at handa nang umalis ang mga anak natin.
______ 8. Sina Finn at Jake ay naghahanap ng mga pambihirang karanasan.
______ 9. Tumulong sa paglinis ng bakuran sina Juan at Jose.
______ 10. Tumagal nang higit sa dalawang oras ang programa.
______ 11. Dadalo kami sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jessica.
______ 12. Tayo ay magbabakasyon sa isang magandang resort sa Batangas.
______ 13. May mga alagang aso at pusa ang pinsan ko sa probinsiya.
______ 14. Masyadong maasim ang manggang ibinigay sa akin.
______ 15. Gaganapin sa bahay ni Ollie ang munting salusalo.
______ 16. Si Ate Sheila ay gumigising nang maaga para magluto ng almusal.
______ 17. Nakatira ang kaibigan ko sa kabilang subdibisyon.
______ 18. Magluluto si Tita Nadia ng masarap na kare-kare.
______ 19. Ang mga lumang damit at sapatos ay ibibigay ko sa bunso namin.
______ 20. Sila ay sasama sa atin papunta sa Museo Pambata.
B. Panuto: Gawing di-karaniwan ang ayos ng bawat pangungusap.
Halimbawa:
1. Naglalaro sa bakuran ang magkakapatid.

Ang magkakapatid ay naglalaro sa bakuran.

1. Umiiyak nang malakas ang sanggol.

Ang sanggol ay umiiyak nang malakas.

2. Maghahanap ng trabaho si Ben.

3. Magsisimba mamaya sina Lolo at Lola.

____________________________________________________

4. Hindi nagbago ang presyo ng mga bilihin.

5. Tahimik na nagbabasa sila.


Panuto: Gawing Karaniwang ayos ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang mga bata ay masayang naligo sa ilog kahapon.

_________________________________________________________________
2. Sila ay magpapatayo ng isang malaking bahay sa susunod na taon.

_________________________________________________________________
3. Sina Jose at Ben ay mamamasyal sa tabing-ilog mamaya.

_________________________________________________________________
4. Ang mga manggagawa ay nagtatrabaho nang maayos sa kompanya.

_________________________________________________________________
5. Ang aking pamilya ay magbabakasyon sa Amerika sa susunod na
linggo.

_________________________________________________________________

You might also like