You are on page 1of 2

PAREF- Westbridge School, Inc.

Magsaysay Village, La Paz, Iloilo City

Filipino 7

Pangalan:_____________________________________ Iskor________=_________
Petsa:____________ Lagda ng Magulang________________
Unang Yunit na Pagsusulit - Ikatlong Markahan

I. TAMA o MALI
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang sinasaad ng pangungusap batay sa
nabasa at MALI naman kung hindi.

_______1. Ang Hinilawod ay natuklasan noong 1955 ni Felipe Landa Jocano.


_______2. Kauna-unahang itinanghal ng grupong Panayana ang pinaikling bersiyon ng
Hinilawod.
_______3. Ang Hinilawod ay binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi.
_______4. Si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa diyos na si Paubari.
_______5. Nagsilang ng apat na lalaking malulusog na sanggol si Alunsina.
_______6. Sa apat na magkakapatid si Humadapnon ang nagpakita ng interes sa magagandang
babae.
_______7. Parehong lalaki ang naging anak ni Labaw Donggon sa kanyang dalawang asawa.
_______8. Hindi nawala ang pagnanais ni Labaw Donggon sa magagandang babae.
_______9. Paghahalukay ng mga basura ang hanapbuhay ni Pinkaw.
_______10. Hindi maganda ang pakikitungo ni Pinkaw sa kanyang kapwa.
_______11. Masaya at kumpleto ang pamilya ni Pinkaw kahit sila’y mahirap lamang.
_______12. Tinulungan agad ng Intsik si Pinkaw nang nangailangan ito ng tulong.
_______13. Nagkasakit ang tatlong anak ni Pinkaw dahil sa pagkain ng panis na pagkain.
_______14. Wala ni isang kapitbahay ang tumulong kay Pinkaw nang nagkasakit ang kanyang
mga anak.
_______15. Nabaliw si Pinkaw dahil sa pagkamatay ng kanyang mga anak.

II. Talasalitaan
Panuto: Hanapin mula sa pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin.
Titik lamang ang isulat sa patlang.

A. Umaakit B. Nagsilang C. Hinaplos D. Nakatindig


E. Nakakita F. Sumangguni G. Nakasabit H. Suyuin
I. Nakapatong J. Palaso

_______1. Ang dalawang asawa ni Labaw Donggon ay kapwa nanganak ng mga sanggol na
lalaki.
_______2. Ang magkapatid ay nakatayo agad kahit mga sanggol pa lang.
_______3. Bumalik si Baranugon sa kanilang lola para humingi ng payo tungkol sa kanilang
problema.
_______4. Nagpunta si Labaw Donggon sa bayan ng Handug para ligawan ang magandang
dalagang si Anggoy Ginbitinan.
_______5. Gamit ang pana ay natalo ng magkapatid ang lalaking nagkulong sa kanilang ama.
_______6. Isang koronang gawa sa palara ang nakaputong sa ulo ng babae.
_______7. May ilang bagay na nakasukbit sa gilid ng kanyang kariton.
_______8. Ilang tao ang nakasaksi sa kaawa-awang kalagayan ng mag-iina.
_______9. Ang kanyang boses nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig.
_______10. Sinalat ng ina ang pisngi ng may sakit na anak.
III. Pagkilala sa Tayutay
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis
D. Pagbibigay-katauhan E. Pagtawag F. Pagpapalit-saklaw

_______1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.


_______2. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sa’yo.
_______3. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
_______4. O tukso! Layuan mo ako!
_______5. Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga sa mga magulang nito.
_______6. Maraming puso ang nadurog nang ang Pilipinas ay masakop.
_______7. Si Maria ay tulad ng isang bulaklak sa hardin.
_______8. Tila porselana ang kutis ni Celia.
_______9. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
_______10. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
_______11. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
_______12. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag napagalitan.
_______13. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.
_______14. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.
_______15. Siya’y isang diwata sa aking paningin.

IV. Uri ng Maikling Kwento


Panuto: Tukuyin kung anong uri ng maikling kwento ang mga sumusunod. Titik lamang
ang isulat sa patlang.

A. Kuwento ng Talino B. Kuwento ng Pampagkakataon C. Kuwento ng Pag-ibig


D. Kuwento ng Tauhan E. Kuwento ng Katutubong Kulay F. Kuwento ng Kababalaghan
H. Kuwento ng katatawann I. Kuwento ng Pakikipagsapalaran J. Kuwento ng Kapaligiran
K. Kuwento ng Kaisipan o Sikolohiko

_______1. Tampok sa uring ito ang kapaligiran, kaugalian at uri ng pamumuhay ng mga tauhan.
_______2. Ito’y tumutukoy sa pakikipagsapalaran at nakasasabik na mga pangyayari ang
binibigyang-diin.
_______3. Tumutukoy ito sa mga di-kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga
katatakutan ang siyang diin ng kuwentong ito.
_______4. Sa kuwentong ito, nangingibabaw ang diin sa pangunahing tauhan.
_______5. Ang diin ng kuwentong ito’y mga pangyayari at diyalogong nakapagpapatawa at
nakapagbibigay-aliw sa mga mambabasa.
_______6. Nangingibabaw sa kuwento ang pag-ibig na karaniwan sa pagitan ng pangunahing
tauhan at ng kanyang katambal.
_______7. Sa kuwentong ito sinisikap pasukin ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at
ilahad ito sa mga mambabasa.
_______8. Ang kuwentong ito ay punumpuno ng suliraning hamon sa katalinuhan ng babasa.
_______9. Ito’y tumutukoy sa kuwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari o
pagkakataon, gaya ng Pasko, Bagong Taon, at iba pa.
_______10. Ito’y tumutukoy sa kuwento na ang paksa ay ang mga pangyayaring mahalaga sa
lipunan.

V. Pagpapaliwanag
Panuto: Isulat sa likurang bahagi ng papel ang sagot.

1. Paano mo maipapakita ang pagdamay o pakikiisa sa isang kapamilyang dumaraan sa isang


pagsubok sa buhay?
2. Ano ang kahalagahan ng kultura sa ating bansa?

You might also like