You are on page 1of 2

SW sa Filipino 5 I

Pangalan:
Petsa:

Pang-uri o pang-abay
Panuto: Sa bawat bilang, isulat sa patlang/espasyo bago ang numero ang salitang pang-uri kung ang salitang
may salungguhit ay ginagamit sa pangungusap bilang pang-uri. Isulat ang salitang pang-abay kung ito ay
ginagamit bilang pang-abay.

_________1. Ang mga mag-aaral ay tahimik.

_________ Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa.

_________2. Mahirap ang trabahong ito.

_________ Mahirap maghanap ng trabaho dito.

_________3. Mahimbing na natulog ang sanggol.

_________ Natutulog nang mahimbing ang sanggol.

_________4. Mabagal tumakbo ang dyip na ito.

_________ Ang takbo ng dyip ay mabagal.

_________5. Nag-isip siya nang malalim.

_________ Malalim ang iniisip niya.

_________6. Maliwanag ang sinabi ng guro.

_________ Maliwanag na nagsalita ang guro.

_________7. Ang anak ni Henry ay magalang.

_________ Magalang sumagot ang anak ni Henry.

_________8. Si Julio ay masipag magtrabaho.

_________ Masipag na manggagawa si Julio.

_________9. Ang mga kilos ng matandang babae ay marahan.

_________ Kumilos nang marahan ang matandang babae.

_________10. Ang puting ibon ay malayang lumilipad.

_________ Ang puting ibon ay malaya.

2013 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com


SW sa Filipino 5 II
Pangalan:
Petsa:

Pagkilala sa pang-abay

Panuto: Ang pang-abay (adverb) ay salitang naglalarawan ng pandiwa (verb), pang-uri

(adjective), o kapuwa pang-abay. Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap at ilagay ang uri nito sa
patlang bago ang bawat bilang o numero.

Hal: 1.Baka ininom niya ang kaniyang gamot. Sagot: Pang-agam 1. Baka ininom niya ang kaniyang gamut.

_________1. Sadyang matigas ang ulo ng bata.

_________2. Nakilala ng bata ang kaniyang kalaro noong gabi na.

_________3. Ang magnanakaw ay tumakbo nang mabilis.

_________4. Dumaan si JM kina lolo at lola para mangumusta.

_________5. Nagdiwang ng kaarawan si Bea sa isang hotel.

_________6. Si Mang Teodoro ay maingat na nagmamaneho ng dyip.

_________7. Magiliw na sinalubong ng Ginoong Garcia ang mga panauhin.

_________8. Mainit nang kaunti ang tubig mula sa bukal na ito.

_________9. Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan.

_________10. Tunay na kapani-paniwala ang mga kuwento ni Mang Pabling.

_________11. Naglalaro ng badminton sina Kylie at Myra tuwing Linggo.

_________12. Nagluluto si Ina ng Bicol Express sa kusina.

_________13. Hindi naniniwala si JP sa marking nakuha ni Jessi.

_________14. Ang mga karanasan ni Gregorio ay talagang nakalulungkot.

_________15. Ang mga aklat ay maayos na ibinalik ng mga bata.

_________16. Si Jake ay mabagal kumilos lalo na’t siya ay tinatamad.

_________17. Ibibigay mamaya ni Marvin ang dokumentong hinihingi ng kaniyang boss.

_________18. Tumingin sa itaas si Lori at piang-isipan ang isasagot.

_________19. Tumayo nang tuwid kapag inaawit ang Lupang Hinirang.

_________20. Laging mahigpit na ipinatutupad ang mga patakaran sa Ninoy Aquino International Airport.

2013 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

You might also like