You are on page 1of 4

ESP 3

3rd Quarter Examination - School Year 2023-2024

Name:____________________________________ Date: ___________________________

I. Piliin sa loob ng kahon ang mga magandang kaugalian na kukumpleto sa pangungusap.

pagmamano ate at kuya po at opo


paalam po magandang umaga/hapon po

1. Ang pagsasabi ng ________________ sa lahat ng oras ay isang magandang kaugalian na dapat

ipagpatuloy.

2. Ang __________________sa mga nakakatanda kilala mo man o hindi ay hindi dapat ikahiya.

3. Kung ikaw ay aalis laging magsabi ng ___________________.

4. Ugaliing tawagin ng ________________ ang nakakatandang kapatid.

5. Ang pagbati ng __________________sa mga taong iyong nasasalubong ay nagdudulot ng kasiyahan

sa kanilang puso.

II. Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod sa tagubilin at M kung
hindi.

_____ 6. Nagpupunta muna si Ron sa bahay ng kaibigan niya bago umuwi sa kanila.

_____7. Kapag may bisita sina nanay at tatay, hindi ako nakikisali sa kanilang usapan o kwentuhan.

_____8. Laging nagpapasalamat si Lulu sa mga bagay na binibigay sa kaniya.

_____9. Putlang-putla na si Mike sa kakapuyat niya sa paglalaro ng iba’tibang games sa cellphone.

_____10. Hindi umaalis ng tahanan si Biboy ng hindi nagpapaalam sa m


ga nakatatanda sa kanilang
pamilya.

III. Lagyan ng tsek ( / ) kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis (X) kung mali.

_____11. Ang mga pinuno ay maaaring makatulong sa pagpatupad ng alituntunin sa komunidad.

_____12. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.


_____13. Dapat suportahan ang mga ordinansang ipinatutupad sa komunidad.

_____14. Magtapon ng basura kahit saan kung walang nakalagay na basurahan.

_____15. Maaaring pumitas ng mga magagandang bulaklak sa bakuran ng kapitbahay upang dalhin sa
simbahan.

IV. Buuin ang mga pangungusap. Piliin ang wastong salita sa loob ng kahon. Isulat ang
sagot sa patlang.

Mahalaga ang pagpapanatili ng (16.) ________________ at kaayusan ng tahanan at

(17.) ________________. Makatutulong ito upang makamit ang magandang

(18.)________________ at kaligtasan ng (19.) ________________. Ang pamilyang may malinis na

tahanan at kapaligiran ay may disiplina at (20.) ________________.

V. Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at Mali kung hindi.

________21. Paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok na basura.

________22. Pagtatapon ng patay na hayop sa malapit na ilog.

________23. Pakikilahok sa pagtatanim ng halaman sa barangay.

________24. Paglilinis ng kanal o daluyan ng tubig.

________25.Paglabag sa mga alituntunin ng barangay na may kinalaman sa pagpapanatili ng kalinisan at


kaayusan.

VI. Iguhit ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntuning may

kinalaman sa kaligtasan at malungkot na mukha naman kung hindi.

________26. Tinitingnan ni Edna ang nilalakaran at nag-iingat sa pag-akyat sa hagdan ng munisipyo.


________27. Tumatawid si Roy kahit saan niya gusto kapag siya ay nagmamadali.

________28. Hindi pinansin ni Mang Ben ang babala na “Madulas ang kalsada” dahil mahusay naman
daw siyang magmaneho ng dyip.

________29. Iniwasan ni Carla ang may nakapaskil na “Basa ang Sahig” at saka siya maingat na
naglakad.

________30. Nagpaunang magpaandar ng motor si Mang Lito nang magkulay dilaw ang ilaw trapiko para
makaiwas sa mabigat na traffic.

ANSWER KEY

1 po at opo
2 pagmamano
3 Paalam po
4 Ate at kuya
5 magandang umaga/hapon po
6 M
7 T
8 T
9 M
10 T
11 √
12 √
13 √
14 X
15 X
16 Kalinisan
17 kapaligiran
18 Kalusugan
19 pamilya
20 pagkakaisa
21 Tama
22 Mali
23 Tama
24 Tama
25 Mali
26 Masaya
27 malungkot
28 malungkot
29 masaya
30 malungkot

You might also like