You are on page 1of 5

FILIPINO 4

Ikalawang Markahan
2019 – 2020

BLG: _______ PANGALAN: ________________________________________ PETSA: ________________


BAITANG 4 - ________

Ang pangngalan ay may iba't ibang gamit.


 Simuno o Paksa - Ang pinag-uusapan sa pangungusap ay ang paksa nito.
Halimbawa: Ang cellphone ay isang device na ginagamit pantawag.

 Kaganapang Pansimuno- Ang pangngalang kaganapang pansimuno ay nagsasabi


tungkol sa simuno.
Halimbawa: Ang Nokia 3310 ay isang cellphone.

 Layon ng pang-ukol - pangngalang matatagpuan pagkatapos ng isang pang-ukol.


Halimbawa: Ang lalagyan na ito ay para sa cellphone.

 Layon ng pandiwa- pangngalang tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos ng


pandiwa.
Halimbawa: Si Marisa ay bumili ng cellphone.

PANUTO: Isulat kung ano ang gamit ng pangngalan sa bawat pangungusap.

__________________ 1. Si Benjamin David ay isang Aleman.


___________________2. Napapagod na siyang bumiyahe papunta sa opisina dahil sa
trapik kaya napagdesisyunan niya na lumangoy papunta sa trabaho.
___________________3. Ang ilog ay malapit sa kanilang opisina.
___________________4. Siya ay nagdala ng waterproof bag kung saan iniligay niya ang
kanyang laptop, mobile phone, at damit.
___________________5. Ayon kay Ginoong David, bago lumangoy, tinitingnan muna niya kung
tama lang ang temperatura ng tubig sa ilog.

PANUTO: Piliin ang pangngalan sa pangungusap na tumutukoy sa gamit ng pangngalan na


nasa kahon.

__________________ 1. Siya ay bumili ng pandesal para sa almusal. (Layon ng pang-ukol)


__________________ 2. Si Aling Lucing ay nagtitinda sa palengke ng Pulo. (Simuno)
__________________ 3. Ang masipag na magsasaka ay si Mang Benito. (Kaganapang Pansimuno)
__________________ 4. Mahilig mag-alaga ng mga halaman si Ofelia. (Layon ng Pandiwa)
__________________ 5. Si nanay ay namili ng mga prutas. (Layon ng Pandiwa)
Ang panghalip ay salitang panghalili o pamalit sa pangngalan.

1. Panghalip Panao – ipinapalit sa ngalan ng tao.


a. Ako, ko, ikaw, siya, niya
b. Kami, kayo, sila
c. Tayo, amin, natin, atin
2. Panghalip Pamatlig – ipinapalit sa ngalan na tumutukoy sa lugar.
a. Ito, heto, dito, rito
b. Iyan, hayan, diyan, riyan
c. Iyon, hayun, doon, roon
3. Panghalip Pananong – panghalili sa tinatanong na pangngalan.
a. Sino, alin, ano, magkano, kanino
b. Sino-sino, alin-alin, ano-ano

PANUTO: Tukuyin kung ang Panghalip ay Panao (PO), Pamatlig (PM), o Pananong (PN).

______________ 1. sino ______________ 6. tayo


______________ 2. ko ______________ 7.anu-ano
______________ 3. kita ______________ 8. ikaw
______________ 4. ito ______________ 9. alin-alin
______________ 5.diyan ______________ 10. roon

PANUTO: Isulat ang tamang Panghalip sa patlang,


Sila ikaw alin ito kayo kami iyon siya saan anu-anong

1. ___________ sa mga libro ang nais mong basahin?


2. Dadalaw _________ kina Tito Lenny pagkatapos ng aming klase.
3. Marina, halika muna dito. Ngayong gabi, ________ ang maghuhugas ng pinggan.
4. Ikaw at si Martin ay kakausapin ni Gng. Cruz kaya ______ ay pinapapunta sa kanyang
opisina.
5. Hinahanap ko ang aking aklat. Nasaan na kaya _____?
6. Maagang gumising si Mang Andy. ______ ay bibili ng pandesal sa panaderya.
7. _____________ nabibili ang salakot?
8. _____________ ang sampalok na inilalagay sa sinigang.
9. _______________ mga prutas ang inihanda ni nanay?
10. __________ ang nanalo sa patimpalak. Nakuha nila ang premyong pera.
PANGHALIP PANAO

PANUTO: Isulat ang angkop na Panghalip sa patlang.

1. Ako at si Melay ay pupunta sa palengke. _____________ ay mamimili ng gulay.


2. Ikaw at si Del ba ay sasama? _____________ ay maghanda na.
3. Ikaw at ako ay gagwa ng proyekto pagkatapos ng klase. _____________ ay hihingi
muna ng pahintulot sa ating mga Magulang.
4. Si Natty ay nakikinig nang mabuti sa kanyang guro. _____________ ay isang mabait na
bata.
5. Jessa at Noel, _____________ ay magwawalis sa harap ng ating bahay.
6. Sina Flora, Lora, at ako ay magtatanim ng talong sa bukod. _____________ ay
sasamahan nina Tatay at nanay.
7. Ang pangalan ko ay Basti. _____________ ay ipinanganak noong Nobyembre.
8. Kinuha ko ang diyaryo at _____________ ay nagbasa.
9. Danny, _____________ ba ay handa na sa paligsahan?
10. Si Jack ay naglinis ng bahay buong araw. _____________ ay naglaro ng switch
pagkatapos maglinis.

PANUTO: Salungguhitan ang panghalip at isulat ang panauhan at kailanan nito.

Panauhan Kailanan
Ikatlo Maramihan
_______ _______ 1. Ang mga kalalakihan at kababaihan sa barangay ay tulung-tulong
sa paglalagay ng makukulay na banderitas sa plasa. Kaninang
umaga sila nagsimulang magtrabaho.
_______ _______ 2. Ito ang unang pagkakataon ni Jenny na dumalo sa piyesta.
Kasama niya ang kanyang pamilya na bumisita sa probinsya.
_______ _______ 3. Maraming tao ang pumunta sa plasa upang makita nila ang
makukulay na suot ng mga mananayaw.
_______ _______ 4. Sina Josefina at Laura ay nagtitinda ng palamig sa mga tao sa
plasa. Nagtitinda sila ng halo-halo, kakanin, at sago't gulaman.
_______ _______ 5. Bumili si Mang Ricardo ng lobo para kay Nina. Pinili niya ang kulay
dilaw na lobo.
PANGHALIP PAMATLIG

PANUTO: Piliian ang angkop na Panghalip Pamatlig na bubuo sa diwa ng bawat


pangungusap.

1. Hallika _________. May sasabihin ako sa iyong sikreto.


a. Roon b. Rito c. Riyan
2. Nakabukas pala ang pinto kaya hinahangin ang ating mga gamit. Pakisarado mo
nga _________.
a. Iyon b. Iyan c. Ito
3. Mabigat ba ang hawak mong mga gamit? _______ ang Gagamitin natin sa paggawa
ng ating proyekto.
a. Ito b. Iyan c. Iyon
4. May nakita akong puno ng sampaguita sa likod ng bahay natin. Ang tanim kong
rosas ay _________ din.
a. Naroon b. Nandiyan c. Nandito
5. Magkikita-kita raw tayo sa MOA. _________ daw tayo kakain ng tanghalian.
a. Diyan b. Dito c. Doon
6. Sabay na tayong lumakad papunta sa paradahan. _________ nakaparada ang aking
kotse.
a. Diyan b. Dito c. Doon
7. Ang mga kuwaderno ay iniwan ko sa tabi ng iyong mesa. _________ ay kailangan
natin bukas sa paaralan.
a. Iyan b. Riyan c. Hayan
8. Maganda ang suot mong kuwintas. Saan mo nabili _________?
a. Iyan b. Heto c. Iyon
9. Nakita mo ba ang kaparehas __________ nawawala kong sapatos?
a. Naroon b. Nitong c. Niyang
10. Luma na ang suot kong damit. Kailangan ko na _________ palitan ng bago.
a. Iyang b. Iyong c. Itong
PANGHALIP PANANONG AT PANAKLAW

PANUTO: Salungguhitan ang Panghalip Panaklaw.

1.Karamihan sa mga bata ay nagdala ng bulaklak at iba pang tanim para sa hardin ng
paaralan.
2.Lahat ng alaga kong pusa ay mahilig kumain ng tuna.
3.Saanman ka man makarating, huwag mong kalimutang magdasal sa Panginoon.
4.Kung anuman ang sinabi ni Luisa sa iyo, makinig ka pa rin sa akin.
5.Bibilhin natin alinmang gusto mo

PANUTO: Salungguhitan ang Panghalip Pananong.

1.Alin dito ang bag ni Emilia?


2.Kanino mo ibinigay ang mga suman?
3.Sino-sino ang sasali sa gagawing pagtitipon sa susunod na buwan?
4.Ano-ano ang laman ng mga kahon sa silid-aklatan?
5.Sino ang naglinis ng bakuran kaninang umaga?

You might also like