You are on page 1of 11

PANG-ABAY

Kasanayang Pangwika
Basahin at Pag-isipan:
Umihip nang banayad ang hangin upang maginhawahan si
Bathala.

Masarap matulog sa ilalim ng puno.

Anu-anong mga salita ang inilalarawan ng


mga salitang banayad at masarap?
Kasanayang Pangwika

Masasabi mo ba kung anong bahagi ng


pananalita ang mga salitang ito? Ang
salitang banayad ay nagbibigay-turing
sa pandiwang umihip. Ang salitang
masarap ay nagbibigay-turing sa
pandiwang matulog.
Kasanayang Pangwika

Ang mga salitang nagbibigay-


turing sa mga pandiwa ay mga
pang-abay. Ang mga pang-abay ay
nagbibigay-turing din sa isang
pang-uri at sa kapwa pang-abay.
Isaisip Natin
Pang-abay
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang
nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay.
Halimbawa:
pang-abay pandiwa

Maingat na niluto ni Bathala ang


lahing kayumanggi.
Ang pang-abay na maingat ay
nagbibigay-turing sa pandiwang niluto.
Isaisip Natin

pang-abay pang-uri

Totoong mapalad ang ating lahi.


Ang pang-abay na totoo ay nagbibigay-turing sa
pang-uring mapalad.
Isaisip Natin
pang-abay pang-abay pang-uri

Talagang masakit sa butihing bathala ang


pagkakasunog ng kanyang niluto.
Ang pang-abay na talagang ay
nagbibigay-turing sa pang-abay na
masakit. Ang pang-abay na masakit
naman ay nagbibigay turing sa pang-
uring butihin.
Madali Lang Iyan
A. Guhitan ang mga pang-abay sa mga
sumusunod na pangungusap.
1. Mabilis uunlad ang bansa kung
tayong lahat ay tutulong.
2. Tunay na masarap ang pakiramdam
kapag nakatutulong.
3. Ang mga kabataan ay maraming
magagawa para sa bayan.
4. Talagang tutulong kami sa bayan.
Madali Lang Iyan
5. Mahirap magsimula subalit kailangan

nating gawin.
6. Mabilis na lumilipas ang panahon.
7. Maraming magagawa sa bawat oras.
8. Masarap magtrabaho kasama ang
mga kaibigan.
9. Tawagin mo agad ang barkada.
10. Malugod na tumulong ang lahat.
B. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa
unang patlang ang mga pang-abay at sa ikalawang patlang
ay ang mga salitang binibigyang-turing.
Salitang
Pang-abay
Binibigyang-Turing
1. Masamang magtapon ng
basura sa labas ng sasakyan.
2. Talagang magbabaha
kung pababayaan natin ang
ating kapaligiran.
Pang-abay Salitang
Binibigyang-
Turing
3. Mga Pilipino tayong tunay
na masisipag.
4. Maraming masisipag na
kabataan sa ating paligid.
5. Aasahan naming totoo ang
aktibong pagtulong ninyo sa
kampanyang ito.

You might also like