You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN/DLP

KAGAWARAN NG FILIPINO

Name of Nobyembre 21, 2023


Catmon Integrated School Date: Nobyembre 20, 2023 (Lunes)
School (Martes)
1:40 – 2:40 Confidence; 4:00 3:00 – 4:00 Generosity
Grade Level &
Teacher MARY L. TONGCO – 5:00 Patience; 5:00 – 6:00
Section:
Kindness; 6:00 – 7:00 Love
Checked JOEY D. TABUENA Quarter Ikalawang Markahan – Modyul 2

Inaasahan ang mga mag-aaral na:


 Naiuugnay ang kwentong napakinggan sa konsepto ng pabula;
I. LAYUNIN  Nagbibigay puna ang kabisaan ng paggamit ng mga tauhan na parang mga
(OBJECTIVE) taong nagsasalita at kumikilos;
 Natutukoy ang pinagmulan ng pabula sa bansang Korea;
 Naisusulat ang paglalarawan ng mga hayop na ginamit sa pabula.
A.
PAMANTAYANG
PANGNILALAMA  Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyunal
N (CONTENT ng Silangang Asya
STANDARD)
B. PAMANTAYAN
SA PAGGANAP  Naisusulat ng mag-aaral ang sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
(PERFORMANCE pagiging Asyano
STANDARD)
C. MGA
KASANAYAN SA  Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan
PAGKATUTO (F9PN-IIc-46)
(MELCS)
II. NILALAMAN
 Modyul 2: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula / Pagpapasidhi ng Damdamin
(CONTENT)
III. KAGAMITANG
PANTURO
 Powerpoint Presentation
(LEARNING
RESOURCES)
A. SANGGUNIAN
 CO_Q2_Filipino 9_Modyul 2, Panitikang Asyano pahina 112-116
(REFERENCES)
B. IBA PANG
KAGAMITANG  Laptop, mga larawan, blackboard, panulat, papel
PANTURO
PAMAMARAAN
1. ELICIT
 Sagutin ang mga tanong:
A. Pagbabalik
1. Ano ang pamagat ng 2 kwento na ating tinalakay?
Aral / Pagsimula
2. Ano ang mga aral na nakuha mula sa dalawang kwento?
ng Bagong Aralin
2. ENGAGE  Pagmasdan ang mga lupon ng mga salita sa kahon, ano ang inyong napapansin?
A. Pagganyak  sigaw • galit • pangamba
B. Paglalahad  hiyaw • poot • kaba
 bulong • suklam • takot
3. EXPLORE
D. Pag-uugnay ng
 BAKIT HAYOP ANG GINAMIT NA TAUHAN SA KWENTO?
mga halimbawa
sa bagong aralin
4. EXPLAIN  Pagtalakay sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
E. Pagtalakay ng Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at
Bagong konsepto kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga
sa paglalahad ng mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang
bagong mitolohiya at kuwentong bayan . Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang
kasanayan panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa
lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang
tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang
dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay
sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad
ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng
100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae
ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa
diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng
diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at
ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay
naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop
ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
5. ELABORATE  Ano ang pabula?
F. Paglinang ng  Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na
Kabihasaan siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga- India. Ang
karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang
tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.
 Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang
“Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s
Fable.
 Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang
isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral.
 Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan
o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay
karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad.
Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso.
Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga
bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa
isang mapaglarong manliligaw.
 Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at
pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang
aral sa buhay na ibinibigay nito.

 Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o


emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo. Isa ito sa ginagamit ng mga
manunulat upang mabibigyang diin ang bawat karakter ng mga hayop na
sumisimbolo rin sa pag-uugali ng tao.
Halimbawa:
Mga salitang nagpapahayag ng damdamin na magkakatulad ngunit may
pagkakaiba sa antas
1.lungkot, pighati , hinagpis
2.damot, ganid , sakim
G. Paglalapat ng
Aralin sa Pang-
araw-araw na
buhay
H. Paglalahat

6. EVALUATION 1.”Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako.”


Pagtataya ng Aralin A. tiyak na damdamin ng tao C. pandamdam
B. patalinghagang pahayag D. maikling sambitla
2. Tila labis ng nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang
tulungan ito.
A. paghanga C. pagtulong
B. pagmamakaawa D. pagkagalit
3. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang Tigre.
A. patalinghaga C. paglalarawan
B. di tiyak na pagpapahayag D. Padamdam
4. “Sa ganang akin, walang duda sa kung anong dapat gawin”, wika ng baka.
A. pagmamakaawa C. isang sambitla
B. paglalarawan D. hindi diretsahang pagpapahayag ng damdamin
5. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng pino.
“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit
ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga pagkain?
A. pagpapahayag ng paghanga C. pagpapahayag ng galit
B. pagpapahayag ng pagmamahal D. pagpapahayag ng panunumbat
7. EXTEND  Basahin at unawain ang pabulang “Nagkamali ng Utos”.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 75%
sa pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
solusyon sa tulong
ng aking punong
guro at supervisor?
G. Anong inobasyon
o localized na
kagamitan ko o
natuklasan na gusto
kong ibahagi sa
ibang mga guro?
H. Mga karagdagang
aktibidad para sa
aplikasyon o
remediation

Pangkat 75% at pataas 75% at pababa Mastery Level


Confidence
Generosity
Patience
Kindness
Love

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

MARY L. TONGCO JOEY D. TABUENA


GURO SA FILIPINO 9 FILIPINO KOORDINEYTOR

You might also like