Professional Documents
Culture Documents
DLP-FILIPINO 9-Q2W3-Sanaysay
DLP-FILIPINO 9-Q2W3-Sanaysay
KAGAWARAN NG FILIPINO
H. Paglalahat 1. Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa paksa. Ito
ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring
tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari,
bagay, at guniguni.
2. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.
Kaya’t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na may malawak na
karanasan, mapagmasid sa kapaligiran at palabasa.
3. Paksa ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa sanaysay.
4. Kaisipan ang tawag sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa
tema.
5. Ilan sa mga layunin ng manunulat sa pagsusulat ng sanaysay ay upang
magturo, magpabatid, manghikayat, manuligsa, maglibang at magbigay-puri sa
isang individwal o gawain.
6. Ang paraan ng pagbubuo ng sanaysay ay maaaring nagsasalaysay,
naglalarawan, nakikipagtalo at nanghihikayat.
7. Mahalaga ring tandaan na ang uri ng antas ng wika at estilo sa paggamit nito ay
nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa kaya higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.
8. Ang ilang salita ay may di-lantad na kahulugan o ang kahulugan ay nasa
pagitan ng hanay ng mga salita sa pagbuo ng sanaysay
6. EVALUATION Gawin Mo Ako!
Pagtataya ng Aralin Sumulat ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa ng Silangang Asya buhat
sa mga balita, dokumentaryong pantelivisyon o vidyo sa youtube na maaaring
iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa akdang “Ang Kababaihan sa Taiwan: Ngayon
at sa Nakaraang 50 Taon”. Pagkatapos, ipaliwanag ang paksa, layunin, kaisipan at
paraan ng pagkabuo nito. Sundin ang format sa ibaba.
7. EXTEND Magsaliksik ng iba’t ibang halimbawa ng talumpati.
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng
75% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyon sa tulong ng
aking punong guro at
supervisor?
G. Anong inobasyon o
localized na kagamitan
ko o natuklasan na
gusto kong ibahagi sa
ibang mga guro?
H. Mga karagdagang
aktibidad para sa
aplikasyon o
remediation