You are on page 1of 38

Ang Hatol ng Kuneho

Pabula – Korea
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Modal (Gamit bilang malapandiwa,


bilang panuring); mga uri nito:
(nagsasaad ng pagnanasa, sapilitang
pagpapatupad, hinihinging mangyari,
at nagsasaad ng posibilidad)
Iguhit Mo
Mula sa mga tauhan ng mga pabulang nabasa
mo gumuhit ng isang hayop na sumisimbolo sa
iyong pagkatao. Ipaliwanag kung bakit ito ang
napili mong hayop. Gawin ito sa sagutangpapel.
Gawain 2. Iugnay Mo
• Pakinggan ang pabulang babasahin ng iyong
guro na pinamagatang “Ang Pasaway na
Palaka”mula sa Korea na isinalin sa Filipino ni
Vilma C. Ambat at isagawa ang sumusunod na
gawain:
1. Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa salitang
pabula batay sa pabulang napakinggan.Kopyahin ang
pormat sa sagutang papel.

PABULA

2. Bakit hayop ang ginamit na tauhan sa kuwento?


Basahin ang Pabula:

Ang Hatol ng Kuneho


Isinalin sa Filipino ni
Vilma C. Ambat
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang
gumagala sa kapatagan at kabundukan.Ang mga ito ay
may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga
mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang
ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at
kuwentong bayan. Ayon sa kanilang paniniwala, noong
unang panahon daw ay may isang tigre at oso na
nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang
diyos na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling
ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni
Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob
ng 100 araw.
• Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay
sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas
lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre
subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas
ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang
lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang
itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamat siya
sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya
ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak
na si Hwanung (anakng diyos ng kalangitan) at
ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang
Dangun.Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang
dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop
ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ano ang pabula?

Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa


daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si
Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-
India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay
tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao
ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.Lalong
napatanyag ang mga ganitong kuwento sa
Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang
aklat, ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-
isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga
kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng
pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang
mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o
sumasagisag sa mga katangian o paguugali ng tao.
Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang
nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong,
makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka,
mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang
aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang
pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas
ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang
bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw.
Itinuturo ng pabula ang tama, patas,
makatarungan, at makataong ugali at
pakikitungo sa ating kapuwa. Ang mga pabula ay
lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay
na ibinibigay nito.
Gawain 3. Tukuyin ang Ipinahihiwatig
Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng sumusunod na pahayag
batay sa pagkakagamit sa binasang pabula. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

1. Kinabukasan ipinagpatuloy ng tigre ang paghingi ng tulong


hanggang siya’y mapagaw. Nang walang tulong na
dumarating lumupasay siya sa lupa.
2. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
3. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre subalit
nangibabaw ang kaniyang pangamba.
4. “Mga taon ang binibilang namin upang lumaki pagkatapos
puputulin lang ng mga tao!” sumbat ng puno ng Pino.
5. “Dapat kainin ng tigre ang tao,” ang hatol ng punong Pino
at baka.
Gawain 4. Ikuwento Mong Muli
a. Ayusin ang mga larawan batay sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
pabula. Gamitin ang bilang 1-5. Isulat sa
sagutang papel ang iyong mga sagot.

You might also like