You are on page 1of 4

Ano ang Pabula

Ang pabula o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa


pinakamatandang anyo ng panitikan. Ito ay karaniwang isinasalaysay o
ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o mapamulat sa kanila ang
magagandang asal. Kahit sa kabila nito, ang pabula ay likha lamang ng guniguni ng
isang manunulat. Hindi totoong nangyari at hindi maaring mangyari. Piniling mga
tauhan ang mga hayop dahil dito mas lalong maiintindihan o maisasalarawan ang
aral na nais maipabatid sa mga bata. Giliw sila at interesado sa mga hayop kaya
ito ang mga pangunahing ginagamit na tauhan. Ang pabula ay karaniwang
nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.

Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop.


Mayroon ding pabula kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng “Ang Batang
Sumigaw ng Lobo” at “Ang Babaing Maggagatas” o magkahalong hayop at tao na
katulad ng “Ang Mabait at Masungit na Buwaya”.

Bakit mga hayop ang pangunahing tauhan sa pabula?

Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na katangian na
madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento.
Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa), mabagsik (lobo), masipag
(langgam), tuso (alamid) at marami pang iba.

Ang isa pang dahilan ay noong unang panahon ay magkakasama ang mga tao
bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa pamamagitan ng
paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay naiiwasan ang
pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala
na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,

Sino si Aesop?

Si Aesop ang itinuturing na ama ng ancient fables dahil sa kanyang isinulat na mga
pabula na naging bantog sa buong mundo. Si Aesop ay isang Griego (Greek) na
namuhay noong panahong 620-560 BC. Siya ay isinilang na kuba at may
kapansanan sa pandinig. Siya ay unang lumaki na isang alipin subalit sa kanyang
ipinakitang sipag, katapatan, at talino ay pinagkalooban siya ng kalayaan ng
kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilos pambayan. Dito
lumabas at nakilala ang kanyang talino at pagiging makatarungan. Siya ay lumikha
ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa
kapwa. Tinataya na siya ay sumulat ng mahigit sa 200 pabula na isinalin sa iba't-
ibang wika.

Ano ang kahalagahan ng mga pabula?

Noong unang panahon, nang ang pamumuhay ng mga tao ay simple pa lamang,
ang pabula ay ginagamit upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa. Sa paglipas nang panahon ang pabula ay ginawang
kuwentong pambata na karaniwang isinasalaysay sa mga bata bago sila patulugin
ng kanilang mga magulang.

Sa ngayon ang pabula ay muling binabalikan at sumisikat dahil eto ay ginagamit sa


ibang paraan upang kapulutang ng mga aral sa makabgong pamamaraan.
Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang pabula ay ginagamit ng pamunuan ng
mga kumpanya upang turuan ang kanilang mga manggagawa sa wasto at karapat-
dapat na pakikitungo sa kanilang mga kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at
maging sa kanilang mga katunggali sa negosyo.
Gumuhit at magdesinyo ng sariling damit
sa isang short bondpaper.
Ipaliwag kung bakit ito pili.

Nilalaman-50
Pagkamalikhain- 20
Kalinisan-20
Tiyak na Oras-10

Submission is on December 06,2019 @


8:00am

You might also like