You are on page 1of 2

Pabula

Ang pabula o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa


pinakamatandang anyo ng panitikan. Ito ay karaniwang isinasalaysay o
ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o mapamulat sa kanila ang
magagandang asal. Kahit sa kabila nito, ang pabula ay likha lamang ng
guniguni ng isang manunulat. Hindi totoong nangyari at hindi maaring
mangyari. Piniling mga tauhan ang mga hayop dahil dito mas lalong
maiintindihan o maisasalarawan ang aral na nais maipabatid sa mga bata.
Giliw sila at interesado sa mga hayop kaya ito ang mga pangunahing
ginagamit na tauhan. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang
mabuting aral o salawikain.

Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop.


Mayroon ding pabula kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng Ang
Batang Sumigaw ng Lobo at Ang Babaing Maggagatas o magkahalong
hayop at tao na katulad ng Ang Mabait at Masungit na Buwaya.

Bakit mga hayop ang pangunahing tauhan sa pabula?

Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na


katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang
paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa),
mabagsik (lobo), masipag (langgam), tuso (alamid) at marami pang iba.

Ang isa pang dahilan ay noong unang panahon ay magkakasama ang mga
tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa
pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa
maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan,
ang tinatalakay at pinupuna pabula,

Sino si Aesop?

Si Aesop ang itinuturing na ama ng ancient fables dahil sa kanyang isinulat


na mga pabula na naging bantog sa buong mundo. Si Aesop ay isang Griego
(Greek) na namuhay noong panahong 620-560 BC. Siya ay isinilang na kuba
at may kapansanan sa pandinig. Siya ay unang lumaki na isang alipin subalit
sa kanyang ipinakitang sipag, katapatan, at talino ay pinagkalooban siya ng
kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga
kilos pambayan. Dito lumabas at nakilala ang kanyang talino at pagiging
makatarungan. Siya ay lumikha ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa
tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Tinataya na siya ay sumulat ng
mahigit sa 200 pabula na isinalin sa iba't-ibang wika.

Ano ang kahalagahan ng mga pabula?

Noong unang panahon, nang ang pamumuhay ng mga tao ay simple pa


lamang, ang pabula ay ginagamit upang turuan ang mga tao sa tamang pag-
uugali at pakikitungo sa kapwa. Sa paglipas nang panahon ang pabula ay
ginawang kuwentong pambata na karaniwang isinasalaysay sa mga bata
bago sila patulugin ng kanilang mga magulang.

Sa ngayon ang pabula ay muling binabalikan at sumisikat dahil eto ay


ginagamit sa ibang paraan upang kapulutang ng mga aral sa makabgong
pamamaraan. Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang pabula ay ginagamit
ng pamunuan ng mga kumpanya upang turuan ang kanilang mga
manggagawa sa wasto at karapat-dapat na pakikitungo sa kanilang mga
kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa kanilang mga
katunggali sa negosyo.

You might also like