Professional Documents
Culture Documents
1 KASAYSAYAN NG PABULA
Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kasaysayan ng mga pabula,
paano ito naimbento at iba pa. Ipinilagay na nagsimula ang pabula kay Aesop, isang
aliping Grigoryo sa taong 400 B.C. Tinipon ni Aesop ang mga sinaunang pabula at
sumulat din siya ng mga pabula tungkol sa buhay at kalikasan ng tao at sa kalagayan
ng lipunan. Ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga sinusulat.
Tinatayang nakalika si Aesop nang higit sa 200 na pabula bago siya namatay.
Pagkatapos ni Aesop, maraming manunulat ng pabula ang nakilala. Sila ay sina
Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus, at Planudes. Samantala,
ang mga pabula naman ay nakarating sa Pilipinas bago paman tayo nasakop ng mga
Espanyol. Tulad lamang ng ibang kwentong-bayan, ang mga pabula ay nagsimula sa
pagsalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno ng kanilang mga kwento. Pero, nang
natuklasan na nila ang sistema ng panunulat, ang mga pabula ay natuklasan ring
naiukit sa malalaking bato, balat ng punong kahoy, talukap ng niyok, at mga malalaking
dahon ng iba’t-ibang halaman. Pagkatapos nito, mayroon na ring mga naisulat sa papel
at na imprentang pabula hanggang ito ay laganap na sa kasalukuyan nating panahon.
(Ki, 2020)
Isa ang pabula sa mga pinakamatatandang uri ng panitikan at dahil rito nakikita
ang mga pabula sa halos lahat ng bansa sa buong mundo. Sinasabing nagsimula ang
kasaysayan ng pabula sa kanluraning kultura, partikular na sa mga Griyego, sa
katauhan ni Aesop. (Nadunza, 2017)
Ang pabula o fable ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ng
kuwento ay mga hayop o mga bagay na walang buhay. Sila ay kumikilos, nagsasalita,
at nag-aasal na parang mga tao. Ang panitikang ito ay patok sa mga kabataan dahil ito
ay nagbibigay ng moral na aral sa mga mambabasa. (France, 2018)
Ito ay tumutukoy sa mga kwento kung saan ang mga tauhan ay mga hayop o
mga bagay na walang-buhay. Sa mga kwentong ito, nakakapagsalita ang mga baboy,
kambing, mesa, kutsara, at iba pa. Ang layunin ng mga kwentong ito ay magbigay na
mga moral na aral sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga maliliit na bata. Sa Ingles,
ito ay “fables”. Sa Filipino, tinatawag rin itong “Kathang kuwentong nagbibigay-aral”.
(Garzon, 2019)
Fabel o fable sa Ingles ay isang uri ng kuwento kung saan ang pangunahing mga
karakter ay mga hayop, halaman, o mga nilalang sa mitolohiya na nagpapakilos tulad
ng tao. Ang fabel ay kabilang sa mga kuwentong piksiyon o kathang-isip na hindi ganap
na totoo. Sa ilang mga pagkakataon, ang mga tao ay maaring kasama bilang mga
karakter pangalawa sa kuwento. Ang fabel ay karaniwang puno ng mga aral na moral
na bahagi ng kwento. Karaniwan, ang kuwento sa fabel ay nagsisimula sa gitna ng
kuwento at agad na sumasalungat sa pangunahing kuwento na hindi na kailangan pang
ipakilala ang mga karakter nang detalyado. Ito ay dahil ang mga kuwento na inilalahad
ay karaniwang simple at madaling maunawaan. Kaya, upang maunawaan ang isang
fabel, hindi kinakailangan na malaman ang lahat ng mga karakter. Sa isang karakter
lamang, maaaring masunod ang daloy ng kuwento. Ito ang dahilan kung bakit ang mga
hayop ang madalas na ginagamit sa fabel dahil mas madaling maunawaan ang
kanilang mga karakter. Bukod dito, ang mga karakter ng hayop ay may parehong mga
katangian sa lahat ng mga kuwento. (Larissa, 2023)
Si Jose Protasio Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.
Siya ay isang doktor sa mata, manunulat, at ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.
Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876
na may mataas na karangalan. Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 18851. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. Ang kanyang
dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-
aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta) dahil sa pagpapakita ng paglaban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang
katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa
mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
(https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/)
4.4 AKDA
PAMAGAT
TAGPUAN
- Sa Kagubatan
TAUHAN
BUOD
TUNGGALIAN
- Ang tunggalian sa kwento ng "Ang Matsing at ang Pagong" ay nagmula sa di-
pagkakaintindihan at kasakiman. Nagsimula ito nang magkaruon ng pag-aaway
ang dalawang kaibigan dahil sa hindi pagpapahatian ng saging na kanilang
natagpuan. Ang di-pagkakaintindihan na ito ang nagdulot ng pagtatapos ng
pagkakaibigan at nag-udyok sa kanilang dalawa sa mga kilos ng paghihiganti
KASUKDULAN
- Ang kasukdulan ng kwento ng "Ang Matsing at ang Pagong" ay ang bahagi kung
saan nagtagumpay si Pagong sa kanyang paghihiganti laban kay Matsing.
Pinatunayan ni Pagong ang kanyang katalinuhan at pagiging maingat sa
pamamagitan ng paggamit ng siksik na dahilan upang linlangin si Matsing.
Nagresulta ito sa komplikadong sitwasyon para kay Matsing, at sa huli,
natutunan niyang maging mapanagot at magpatawad.
WAKAS
TEMA
4.8 REPLEKSYON