You are on page 1of 3

Alamat ng Capiz

ni Antonio, Emilio Martinez

Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes, ang mga Kastila ay kumakalat na nang kumakalat sa iba’t-ibang pulo sa Kabisayaan. Bagama’t
napatay ni Lapu-lapu si Magallanes sa pulong Maktan ang gayon ay hindi naging hadlang upang ang mga Kastila ay magpalipat-lipat sa iba’t-ibang bayan at lalawigan.
May isang panahong ang maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa malalaking pulo ng Panay. Ang mga kawal na yaon ay pinamumunuan ng isang mabait na Heneral
na ang pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang mabait na Heneral at ang kanyang mga kawal ay nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Buhat dito ay gumawa sila ng mga
paglalakbay hanggang makarating sila sa isang pook na hindi nila alam kung ano ang pangalan ng pook na iyon.
Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni Heneral de la Cuesta ay natanaw sila ng isang babaing naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay may kasamang
dalawang anak na nang mga sandaling yao’y nagsisipaligo sa malinaw na batis.
Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang itanong kung ano ang pangalan ng bayang kanilang kinaroroonan. Nguni’t malayu-layo pa ang mga
kawal na Kastila ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dali-dali nitong tinungo ang dalawang anak na kambal na naliligo, kinilik ang isa at matapos akayin ang isa pa ay
tinangkang sumibad ng takbo.
Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na Kastila, kaya’t sa malaking takot ay sinikap nitong makatakas agad. Nguni’t nakaiilang
hakbang pa lamang siya, ay ubod galang na lumapit ang pinunong Kastila at mapitagang nagtanong;
- “Como se llama esta provincial?” na ang ibig sabihin ay “Ano ba ang pangalan ng lalawigang ito?”
Hindi naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, nguni’t nang makitang ang nagtatanong na pinunong Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang dalawang anak,
na noo’y nakakapit sa kaniyang mga hita, inakala ng natatakot na ina na ang itinatanong sa kanya ay kung bakit magkamukhang-magkamukha ang dalawang bata. Dahil sa
gayong akala ay nangangatal pa ang tinig na tumugon siya sa wikang Bisaya.
- Capid... Capid... an gang ibig sabihin, ang dalawa niyang anak ay KAMBAL, kaya magkamukha ang mga iyon.
Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa babaing iyon. Sa pag-aakalang ang isinagot nitong “Capid”, ay siyang katugunan sa kanilang
itinanong.
Noon din ay itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang “CAPID” at nagpapatuloy sila sa paglalakbay sa buong lalawigan. Subali’t nang sila’y nag-usap-usap na
tungkol sa pangalan ng lalawigang kanilang narating ay nahihirapan silang bigkasin ang salitang “Capid”, sapagka’t hindi angkop sa kanilang dila ang “d”. Kaya’t ang titik na ito
ay binago ni Heneral de la Cuesta at pinalitan ng titik na “s”.
Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa mga lalawigan sa malaking pulo ng Panay sa Kabisayahan, sa halip na maging “Capid” ay kinilala ngayon at tinatawag
na KAPIS. Ang pangalang ito ng lalawigan ng Kapis ay siyang naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang pinunong Kastila.
Alamat ng Capiz Alamat ng Capiz
ni Antonio, Emilio Martinez ni Antonio, Emilio Martinez

Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes, Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes,
ang mga Kastila ay kumakalat na nang kumakalat sa iba’t-ibang pulo sa ang mga Kastila ay kumakalat na nang kumakalat sa iba’t-ibang pulo sa
Kabisayaan. Bagama’t napatay ni Lapu-lapu si Magallanes sa pulong Maktan ang Kabisayaan. Bagama’t napatay ni Lapu-lapu si Magallanes sa pulong Maktan ang
gayon ay hindi naging hadlang upang ang mga Kastila ay magpalipat-lipat sa iba’t- gayon ay hindi naging hadlang upang ang mga Kastila ay magpalipat-lipat sa iba’t-
ibang bayan at lalawigan. ibang bayan at lalawigan.
May isang panahong ang maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa May isang panahong ang maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa
malalaking pulo ng Panay. Ang mga kawal na yaon ay pinamumunuan ng isang malalaking pulo ng Panay. Ang mga kawal na yaon ay pinamumunuan ng isang
mabait na Heneral na ang pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang mabait na mabait na Heneral na ang pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang mabait na
Heneral at ang kanyang mga kawal ay nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Buhat Heneral at ang kanyang mga kawal ay nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Buhat
dito ay gumawa sila ng mga paglalakbay hanggang makarating sila sa isang pook dito ay gumawa sila ng mga paglalakbay hanggang makarating sila sa isang pook
na hindi nila alam kung ano ang pangalan ng pook na iyon. na hindi nila alam kung ano ang pangalan ng pook na iyon.
Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni Heneral de la Cuesta Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni Heneral de la Cuesta
ay natanaw sila ng isang babaing naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay may ay natanaw sila ng isang babaing naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay may
kasamang dalawang anak na nang mga sandaling yao’y nagsisipaligo sa malinaw kasamang dalawang anak na nang mga sandaling yao’y nagsisipaligo sa malinaw
na batis. na batis.
Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang
itanong kung ano ang pangalan ng bayang kanilang kinaroroonan. Nguni’t malayu- itanong kung ano ang pangalan ng bayang kanilang kinaroroonan. Nguni’t malayu-
layo pa ang mga kawal na Kastila ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dali- layo pa ang mga kawal na Kastila ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dali-
dali nitong tinungo ang dalawang anak na kambal na naliligo, kinilik ang isa at dali nitong tinungo ang dalawang anak na kambal na naliligo, kinilik ang isa at
matapos akayin ang isa pa ay tinangkang sumibad ng takbo. matapos akayin ang isa pa ay tinangkang sumibad ng takbo.
Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na
Kastila, kaya’t sa malaking takot ay sinikap nitong makatakas agad. Nguni’t Kastila, kaya’t sa malaking takot ay sinikap nitong makatakas agad. Nguni’t
nakaiilang hakbang pa lamang siya, ay ubod galang na lumapit ang pinunong nakaiilang hakbang pa lamang siya, ay ubod galang na lumapit ang pinunong
Kastila at mapitagang nagtanong; Kastila at mapitagang nagtanong;
- “Como se llama esta provincial?” na ang ibig sabihin ay “Ano ba ang pangalan - “Como se llama esta provincial?” na ang ibig sabihin ay “Ano ba ang pangalan
ng lalawigang ito?” ng lalawigang ito?”
Hindi naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, nguni’t nang Hindi naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, nguni’t nang
makitang ang nagtatanong na pinunong Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang makitang ang nagtatanong na pinunong Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang
dalawang anak, na noo’y nakakapit sa kaniyang mga hita, inakala ng natatakot na dalawang anak, na noo’y nakakapit sa kaniyang mga hita, inakala ng natatakot na
ina na ang itinatanong sa kanya ay kung bakit magkamukhang-magkamukha ang ina na ang itinatanong sa kanya ay kung bakit magkamukhang-magkamukha ang
dalawang bata. Dahil sa gayong akala ay nangangatal pa ang tinig na tumugon dalawang bata. Dahil sa gayong akala ay nangangatal pa ang tinig na tumugon
siya sa wikang Bisaya. siya sa wikang Bisaya.
- Capid... Capid... an gang ibig sabihin, ang dalawa niyang anak ay KAMBAL, - Capid... Capid... an gang ibig sabihin, ang dalawa niyang anak ay KAMBAL,
kaya magkamukha ang mga iyon. kaya magkamukha ang mga iyon.
Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa
babaing iyon. Sa pag-aakalang ang isinagot nitong “Capid”, ay siyang katugunan babaing iyon. Sa pag-aakalang ang isinagot nitong “Capid”, ay siyang katugunan
sa kanilang itinanong. sa kanilang itinanong.
Noon din ay itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang “CAPID” at Noon din ay itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang “CAPID”
nagpapatuloy sila sa paglalakbay sa buong lalawigan. Subali’t nang sila’y nag- at nagpapatuloy sila sa paglalakbay sa buong lalawigan. Subali’t nang sila’y nag-
usap-usap na tungkol sa pangalan ng lalawigang kanilang narating ay nahihirapan usap-usap na tungkol sa pangalan ng lalawigang kanilang narating ay nahihirapan
silang bigkasin ang salitang “Capid”, sapagka’t hindi angkop sa kanilang dila ang silang bigkasin ang salitang “Capid”, sapagka’t hindi angkop sa kanilang dila ang
“d”. Kaya’t ang titik na ito ay binago ni Heneral de la Cuesta at pinalitan ng titik na “d”. Kaya’t ang titik na ito ay binago ni Heneral de la Cuesta at pinalitan ng titik na
“s”. “s”.
Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa mga lalawigan sa Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa mga lalawigan sa
malaking pulo ng Panay sa Kabisayahan, sa halip na maging “Capid” ay kinilala malaking pulo ng Panay sa Kabisayahan, sa halip na maging “Capid” ay kinilala
ngayon at tinatawag na KAPIS. Ang pangalang ito ng lalawigan ng Kapis ay siyang ngayon at tinatawag na KAPIS. Ang pangalang ito ng lalawigan ng Kapis ay siyang
naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang
pinunong Kastila. pinunong Kastila.

You might also like