You are on page 1of 6

AKLASAN NI MANIAGO SA PAMPANGA NUONG 1660

‘Magbayad Kayo Ng Utang!’


Job Action in Pampanga in 1660

Nuong unang pasok ng mga Español, natuklas nilang mahigit 10 baranggay at nayon ang nasa
mga pampang ng ilog Pampanga... Pagkaraan ng bandang 40 taon, sapat na ang dami ng mga
‘Capampangan’ upang maka-abot sa mga sapa paakyat sa Porac at sa Masicu, tinawag
pagtagal na Mexico. Sa gayon, lalong lumawak ang kanilang sakop hanggang sa mataas, at
hindi gaanong maputik, na bahagi ng malawak na kapatagan...

SUMUGOD sa Macabebe si Gobernador general Sabiano Manrique de Lara at 300


sundalong Español at Mexicano, may dalang 4 kanyon sa 11 sampans, upang harapin ang mga
naghihimagsik na mga Kapampangan. Halos 100 taon na ang kahariang itinatag
sa Manila ni Miguel Lopez de Legazpi at sukdulan na ang lupit at paglilinlang ng mga Español.
Nag-aklas ang mahigit 1,000 Kapampangan sa mga gubat ng Malasinglo at Boco-
Boco, sinunog ang kanilang mga bahay at isinumpa, ‘Hindi kami tutugot hanggang hindi
napapalayas ang mga dayuhan!’

Mabilis na kumalat ang aklasan, ginatungan ng isang Kapampangan, si Jose Celis, na natuto ng
galaw at batas ng mga Español nuong nagsilbi siya kay Francisco Samaniego y Cuesta,
isang auditor sa Audiencia Real sa Manila. Nagtipon ang maraming nag-aklas sa malaking
nayon ng Lubao, at hinirang na pinuno ang isang magiting na taga-Masicu (tinatawag
ngayong Mexico) sa Pampanga, si Francisco Maniago.

Maraming bumalik sa kanilang bara-baranggay upang ibalita ang simula ng himagsikan. Ilan
daang Kapampangan ang nagkumpol sa Bacolor. Upang mapipilan ang pagsugod ng mga
Español, nagtusok ng mga kawayan sa bukana ng mga ilog. Sumulat sila sa mga kaibigan
sa Pangasinan at sa Ilocos.

‘Mag-aklas din kayo! Patayin natin lahat ng Español!’

Kaskas sa Manila ang frayleng Dominican, si Pedro Camacho, upang magsumbong


kay governador general De Lara. Nagsumbong din si Juan Gomez de Payva, ang alcalde
mayor(katumbas ng provincial governor ngayon) ng Pampanga. Subalit wala nang salapi, at
iilan na lamang ang mga sundalo ng hukbo ng kaharian sa Manila. Naubos dahil panay ang
padala sa mga kuta ng Español sa Maluku (Moluccas, spice islands, bahagi ngayon
ng Indonesia) na patuloy na dinidigma ng mga tagaruon. May dumating na tulong mula
sa Nueva España (New Spain, Mexicoang tawag ngayon),

pinamunuan ni almirante (admiral) Manuel de Alarcon, subalit maliit na


barkong patachelamang, ang San Damian, at napilitan pang sa Lampon dumaong, halos 500
kilometro ang layo sa Manila.

Kaya pinabalik ni De Lara si Camacho sa Pampanga upang awatin ang mga Kapampangan.
Sinulatan din niya sina Jose Duque, ang frayle sa Sexmoan, at Isidro Rodriguez, ang frayle
sa Baua, subalit patuloy na lumaganap ang aklasan hanggang nakarating sa mga barangay at
nayon
ng Bacolor, Betis, Porac, Minalin, Macabebe, Apalit, Candava, Arayat, Magalang, Gapan a
t Santor.

At hindi lamang mga Kapampangan.

Nagsimula na ring gumilas ang mga taga-bundok, ang mga Italon, Abacai, Calonasa at ang
mga Ituri, na pilit inilipat ng mga frayle sa mga reduccion, mga baranggay na itinatag upang
gawing catholico ang mga taga-bundok.

Napilitan na si De Lara na hakutin lahat ng sundalo sa Manila upang supilin ang


aklasan. Veterano ng digmaan, alam niyang magagapi siya sa harapang salpukan ng mga
batikang mandirigmang Kapampangan kaya binalak ni De Lara na patalikod sila sabakan, at
paisa-isa, hindi sabay-sabay. At ang ginamit niyang panlaban ay sindak, utak at laway.

Sa bahagi ng ilog Pampanga (Rio grande de Pampanga), maraming susô (caracoles, snails)
at tulya (almejas, clams) na mahilig kainin ng mga bibi (patos, ducks). Kaya yumaman at
dumami ang mga Kapampangan sa nayong tinawag
na Maykabibi (naging Macabebe pagtagal) sa pag-alaga ng mga bibi.

Sa dalas ng luwas nila sa Manila at dami at ng kalakal nilang balut, penoy at itlog na pula, pati
na mga susô, tulya at mga bibi na mismo, nakaibigan

nila nang matalik ang mga Español. Sila ang naging pinaka-tapat na kabig ng mga Español sa
buong pulo ng Luzon. Sila, ang mga Maykabibi, ang pinili ni De Lara nuong Octobre 1660 sa
kanyang salakay patalikod sa lalawigang tinawag nilang ‘Capanpanga.’

Kasama ng governor-general ang kanyang 12 pinunong militar, kabilang sina Alferez Francisco
de Roa, General Felipe de Ugalde, General Juan Enrique de Miranda at General Juan de
Vergara. Inabot halos 2 araw ang layag nila mula sa Manila dahil sa pag-alis sa
maraming patibong (traps) na kawayan na nakatuhog paharang sa mga ilog at sapa. Ika-6 na
ng hapon nang datnan nila ang mga Maykabibi, na nataong naghahanda pala nuon ng
mga sandata upang sumanib sa aklasan kinabukasan.

Hindi lumusob ang mga Español.

MULA pa nuong panahon ni Legazpi, tapat na nagsilbi ang mga Kapampangan sa Español.
Bakit sila naghimagsik ngayon? Dahil kulang ang kahoy. Maraming barko ang ginagawa.

Sa nakaraang 8 buwan, mula Febrero 1660, hinakot ng mga Español ang


1,000 Kapampangan mula sa iba’t ibang baranggay upang mag-trabajo bilang ‘buwis’
(repartimientos). Walong buwan pumutol at humakot sila sa gubat ng mga punong kahoy na
gagawing mga barko sa Cavite. Tapos na sana ang paglingkod ng mga Kapampangan nang
pabalikin sila sa gubat ni Juan de Corteberria, ang Español na kapatas nila. Nang umangal ang
mga Kapampangan - matagal nang hindi nakita ang mga familia - malupit ang ginawang
pagpilit ni Corteberria at ng mga alalay niya. At dahil nasa gubat, hindi sila nakapag-kalakal o
nakapag-tanim kaya nagutom ang mga familianila, kahit tinulungan ng mga kapit-bahay. Lalo
pa’t hinakot ng mga Español ang mga palay (arroz, rice) mula sa kanilang mga baranggay.
Babayaran daw subalit 200,000 pesos na ang utang sa palay, ayaw pa ring bayaran ng Español.
Kaya nag-aklas ang mga Kapampangan.

Hindi lumusob ang mga Español dahil sinigawan ni De Lara ang kanyang mga sundalo,
‘Maging matino kayong lahat! Huwag kayong mag-loco at ako ang sasabak sa inyo!’

Pinahinahon niya ang mga ito, inutos na igalang ang mga taga-Maykabibi. Maraming kaibigan
ang mga taga-nayon sa mga sundalong kasama ni De Lara. Nakangiti at mapayapa, nakipag-
kaibigan ang gobernador nang salubungin ni Francisco Salonga, ang pinuno ng Maykabibi,
upang yayain si De Lara na sa bahay niya magtuloy. Sumama si De Lara kay Salonga, hindi
pinansin ang convento ni Enrique de Castro, frayle ng Maykabibi, na abala at magdamag
lumigid, pinagtago lahat ng mga dalaga upang hindi matukso ang mga sundalong Español at
baka magkaroon pa ng bakbakan.

Nakiusap si De Lara kina Salonga na huwag nang mag-aklas, at pumayag ang mga Maykabibi.
Nabatid ito ng mga karatig baranggay at, dahil mataas ang tayo ng mga Maykabibi nuon,
nakipag-payapa na rin sila sa mga Español. Si Agustin Pamintuan ng Apalit sana ang
magdadala ng

liham sa Pangasinan at Ilocos, niyaya ang mga tagaruon na mag-aklas din, subalit binawi ng
mga taga-Apalit ang kanilang liham. Baka maharang pa ito ng mga Español at lalo silang
malintikan.

Samantala, tiniyak ni De Lara, sanay at mautak sa digmaan, na mawalan ng kakampi ang mga
nag-aklas. Ipinatawag niya ang pinuno ng Arayat.

Kilala si Juan Macapagal, maraming kabig na mandirigma sa malaking nayon ng Arayat, sa


tabi ng bundok na nilipana nuon ng mga kakampi niyang mga Aeta na mabangis sa labanan.
Kung hindi lamang siya natakpan ng mas matikas na Francisco Maniago, malamang
si Macapagal ang hinirang na pinuno ng mga nag-aklas na Kapampangan.

Walang takot, sumunod sa patawag si Macapagal. Dinaanan niya ang mga kumpol ng mga nag-
aklas at humarap kay De Lara. Yayamang hindi siya ang hinirang na pinuno ng aklasan, hinayag
niya ngayon, Hindi ako nag-aaklas!

Tuwang-tuwa si De Lara sa narinig dahil sa Arayat ang daan ng anumang tulong sa aklasan
mula sa Pangasinan. Mapipigil kung kampi sa Español ang mga taga-Arayat. Pinuri ni De
Lara at pinarangalan si Macapagal, hinirang na maestro de campo (master-of-camp), kanang-
kamay ng governador sa lahat ng Kapampangan. Ipinangako niyang bibigyan niya ng marami
pang gantimpala si Macapagal.

Sa ganitong paraan, nasukol ang mga Kapampangan na nawalan ng mga kakampi.


Upang mapagtibay ang pagkampi ng mga taga-Arayat, ‘niyaya’ ni De Lara ang asawa at mga
anak ni Macapagal na maging ‘panauhin’ (guests) ni General Francisco de Figueroa,
ang alcalde mayor ng Tondo. Dahil sa parangal na ito, at sa dami ng mga pabuya na iginawad
kay Macapagal, humanga ang mga Kapampangan at na-inggit ang mga pinuno ng mga
baranggay na nag-aklas. Humupa ang alab ng aklasan. Isa-isa, nagsimulang nasindak ang mga
pinuno at naghanap sila ng ‘lusot.’

Isang frayle, si Andres de Salazar, ang pinili nilang sugo upang mangatwiran

kay De Lara. Hinayag nilang nag-aklas sila dahil malupit ang turing sa kanila ng mga Español
ni Juan de Corteberria sa pagkahoy sa gubat. Hindi pa sila binayaran sa inutang na palay at
mga gamit ng mga sundalo sa hukbo, umabot sa halagang 200,000 peso. Kahit walang salapi
sa Manila, pumayag si De Lara na bayaran ang bahagi ng utang - 14,000 pesos - matigil na
lamang ang aklasan. Inasahan niyang pambayad ang salaping dala mula Mexico ng
barkong San Damian, nasa Pilipinas na at palapit sa Manila.

Isinugo niya si General Sebastian Rayo Doria kina General Juan Enriquez de
Miranda at General Felipe de Ugalde upang makipag-payapa sa mga Maykabibi. Pagkatapos
isulat ang kasunduan, ipinahayag ito sa Kapampangan upang maunawaan ng mga nag-aklas.
Subalit iniba ng tagapagsalita (interpreter), si Amang Uensis, ang laman ng kasunduan. Sa
halip na sabihin,

‘Sa ngalan ng mahal na hari, pinapatawad ang lahat upang maiwasan ang pagdanak ng dugo,’

ang kabaligtaran ang inihayag.

Umikot pa si Amang Uensis sa mga nag-aklas at ikinalat na silang lahat ay paparusahan ng


Español. Gimbal, naghimagsik uli ang mga Kapampangan. Binihag nila ang mga
sugong generalat hinirang na pinuno si Nicolas Maniago (hindi alam kung may ugnay
kay Francisco Maniago) na agad sumigaw, ‘Maghanda kayong lahat! Lulusob tayo bukas!’

Sinamantala ng mga frayle ang isang araw na palugit. Lumigid sila sa mga naghihimagsik,
ibinunyag ang sinungaling ni Amang Uensis at ihinayag ang pagpatawad sa lahat (general
amnesty) at ang kasunduan ng payapa (peace agreement).

Nang nalaman ni De Lara na binihag ang mga general, inutos niyang agad

hambalusin ang mga tambol habang naghahanda ang kanyang hukbo upang lusubin ang
mga Kapampangan. Pina-una ni De Lara ang mga sundalong naka-kabayo (cavalry),
pinamunuan nina Capitan Luis de Aduna at Sebastian Villareal, pina-ikot sa tabi ng bundok
upang harangin ang sinumang umurong duon. Pinabalik naman niya
si Macapagal sa Arayat upang harangin ang sinumang tumakas papunta sa Pangasinan.

Malapit lamang ang campo nina De Lara at narinig ng mga nag-aaklas sa Maykabibi ang
dagundong ng mga tambol ng papalapit na hukbong Español. Namataan din nila na napaligiran
sila ng mga Español at, dahil sa mga baril at cañon ng mga ito, malamang mapatay silang lahat.
Ipinasiya nilang itigil ang binabalak na paghimagsik muli.

Paglubog ng araw, inutusan ng mga Maykabibi si General Rayo Doria na dalhin kay De
Laraang kanilang sulat ng pakikipag-payapa. Nagpadala rin ng sugo si De Lara, kailangang
isuko agad ang kanyang mga general at ang mga ari-arian ng mga ito, o susugod ang kanyang
hukbo. Pinakawalan ng mga Maykabibi ang mga general bilang pahiwatig ng pagsuko, at
ipinatigil naman ni De Lara paglusob ng mga Español.

Inutusan ni De Lara si Juan Gomez, ang alcalde mayor ng Pampanga, na dalhin kinabukasan
ang mga pinuno ng aklasan upang sumuko nang harapan. Nangamba ang magkabilang panig -
ang mga Español dahil marami pang mandirigmang nakapaligid sa mga pinuno at mahirap silang
mapasuko sa utos lamang, at ang mga pinunong Maykabibi dahil baka sila parusahan ni De
Lara.

Nagparinig nuong gabing iyon ang mga pinuno, tunay ang kanilang pagsuko at nag-aklas
lamang sila dahil pinilit ng kanilang mga tauhan. Ipina-alam naman ni De Lara na naniwala siya
sa katwiran ng mga pinuno at wala silang

dapat ikatakot na parusa. Pagkarinig nito, hindi na naghintay ng umaga o ng patawag


ni Gomezang mga Maykabibi. Sakay sa 80 bangka, nagtungo silang lahat kay De Lara.

Nabulabog ang buong campo ng Español sa dami ng mga Maykabibi at sa alanganing oras ng
pagdating nila. Inakala na lumulusob ang mga Kapampangan, lalo na’t dala-dala lahat ng
sandata, subalit hindi natinag si De Lara. Sinabi lamang sa mga Maykabibi na sa umaga sila
mag-uusap. Tapos, natulog na si De Lara.

Kinabukasan, hindi pinansin ni De Lara ang mga sandatang dala ng mga Maykabibi at
tinatawag silang lahat upang makipag-usap. Ibinigay niya sa mga pinuno
ang kasulatan (document) ng patawad sa lahat ng nag-aklas, at ng pangako na babayaran ang
bahagi ng utang sa palay, ayon sa una nilang napag-kasunduan. Pagkatapos, inutos ni De
Lara kay Gomez na tiyaking matuwid ang gagawing paghati-hati sa 14,000 peso na ibabayad
sa mga Kapampangan.

Sinabi ni De Lara sa mga pinuno na pauwiin na muna ang mga tao upang makapaghanap-buhay
sila habang patuloy ang kanilang pag-uusap. Inamin niyang makatarungan ang hiling ng mga
tao, subalit pinagalitan niya ang mga pinuno, mali ang ginawa nilang pag-aklas na muntik nang
ikinasawi ng marami - Kapampangan at Español.

Kailangang pabalikin ang mga tao, sabi ni De Lara, upang pumutol ng mga punong kahoy na
ginagawang mga barkong ginagamit sa kalakal sa Nueva España, at panlaban sa maraming
kaaway na lumulusob nuon sa Pilipinas.

Humingi ang mga pinuno ng panahon upang magawa ng mga tao ang kanilang
mga bahay na sinunog, at magsaka muna sa kanilang mga bukid, upang hindi magutom ang
mga familia nila habang nagpuputol sila sa gubat.
Pumayag si De Lara at sa pag-alis ng mga pinuno, natapos ang isa sa 2 aklasan sa Pampanga.
Upang matiyak na hindi na maulit ito, isinama niya sa

Manila sa Francisco Maniago at binigyan ng tungkulin na alagaan ang


mga Kapampanganduon. Ang iba pang mga pinuno ng aklasan ay pinalipat niya
sa Manila upang mabantayan at madaling masupil, kung saka-sakali.

Pinagbitiw ni De Lara ng tungkulin sa pamahalaan ang isang Español, si Juan Camacho dela
Pena, hindi inulat kung bakit. Hinirang niya si General Francisco de Atienza y
Bañez, veteranolaban sa mga Muslim sa Caraga at Zamboanga, bilang bagong alcalde
mayor ng Pampanga.

Hindi nagtagal, ang mga Kapampangan na rin ang humiling kay De Lara na magpatayo
ng garrison ng mga sundalong Español sa Lubao upang harangin ang salakay ng mga Aeta mula
sa Zambales, pati sa Arayat laban naman ang mga taga-Pangasinan na bantog sa bangis ng
pagsalakay. Pinapunta ni De Lara si Capitan Nicolas Coronado, kasama ang 25 sundalo, upang
magtayo ng kuta (fuerza, fort) sa Arayat. Si Capitan Juan Gimenez de Escolastica ang
pinapunta niya sa Lubao.

You might also like