You are on page 1of 46

Martín Cabágnot

(-namatay 24 Setyembrre 1971)


Isa sa mga pinunò ng hukbong Boholano laban sa mga Amerikano si Kap-
itan Martín Cabágnot at kinikilálang bayani ng Labanang Pasong Ka-
bantian.

Walang karanasang militar si Martin ngunit isa siyáng edukado. Mahusay


din siyá ng arnis, lalo na ang tinatawag na “dose pares” sa Bohol, at mara-
hil ito ang pinagkukunan ng kaniyang husay sa taktika sa pakikipaglaban.
Sa rekord ng Digmaang Filipino-Amerikano, unang nabanggit siyá sa lis-
tahan ng mga nagpulong upang magtanggol sa mga Amerikano noong 10
Agosto 1900 sa bahay ni Fernando Reyes. Sa listahan, kasáma siyá ni
Koronel Pedro Samson, Medyor Miguel Balmoria, Medyor Pantaleon del
Rosario, atbp at may ranggong Kapitan. Napatunayan ang kaniyang pamu-
munò sa Labanáng Pásong Kabantìan noong 15 Setyembre 1900.

Noong umaga ng 14 Setyembre, nakatanggap ng mensahe si Kapitan


Cabagnot na aalis ng Jagna papuntang Ubay ang isang pangkat ng mga
Amerikano sa ilalim ni Kapitan Andres S. Rowan. Naisip ni Kapitan Ca-
bagnot, magdadaan ang mga kaaway sa Pasong Kabantian, isang makitid
na daang 100 metro ang habà, tatlong metro ang luwang, at nababakod ng
matataas na talampas. Umaga pa lámang ng 15 Setyembre ay nag-abang
na sa Pasong Kabantian ang 200 pulutong ni Kapitan Cabagnot. Nag-en-
sayo pa silá kung paano lulukso sa talampas. Naglagay din silá ng lubid na
ipaghaharang sa mga kaaway.

Dumating ang mga Amerikano sa bandang ikatlo ng hápon. Tulad ng


plano, pinapasok ang mga kaaway sa páso at saká lumitaw ang tatlong
Boholano bilang pain. Nang magpaputok ang mga Amerikano ay hinatak
ni Kapitan Cabagnot ang lubid. Nabigla ang mga Amerikano pagdagsa
ng mga lumuksong Boholano at may mga hawak na tabak. Natapos ang
labanan bandang ikapitó ng gabi nang iwan ng mga Boholano ang mga
patay o sugatang mga Amerikano. Labing-anim sa pangkat ni Kapitan Ca-
bagnot ang namatay, 76 ang sugatan, ngunit nakasamsam silá ng 25 baril Nagtira siyá sa Sevilla at nagsaka. Di-nagtagal, lumuwas siyá ng Maynila
at mga kahon ng punglo. Ang Labanang Pasong Kabantian ang ikalawang upang mag-aral ng abogasya. Hindi siyá nakatapos. Sa halip, nagpunta
matinding pagkatálo ng mga Amerikano bago napasuko ang mga gerily- siyá sa India, nag-aral ng pagmamasahe at hipnotismo, at nagbukás ng
ang Boholano. klinika sa Bohol. Hindi kumita ang kaniyang klinika kayâ nagpotograpo
naman siyá. Namatay siyá noong 24 Setyembre 1971 sa Tagbilaran at ini-
Sumuko si Kapitan Cabagnot kasáma ni Koronel Samson noong 1901. libing sa Sevilla. (GVS)
Federico Caballero
Ipinagkaloob kay Federico Caballero (Fe·de·rí·ko Ka·bal·yé·ro) ng
Calinog, Iloilo ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong taong 2000 dahil
sa kaniyang pagsusumikap na mapanatili ang mga paniniwala, tradisyon,
at panitikang Panay-Bukidnon sa pamamagitan ng paghimok sa mga
mananaliksik at tagapagtaguyod ng kultura na isulat ang mga ito upang
maituro sa mga nakababatang miyembro ng kanilang komunidad.

Sampu ang pangunahing epikong-bayan ng Gitnang Panay na tinatangkang


isalba ni Caballero. Kabilang dito ang Humadapnon at Labaw Dunggon
na binibigkas sa wikang Ligboc, ang lengguwaheng nalalapit sa Kinaray-a
ngunit hindi na ginagamit.

Ang mga epikong-bayan ang nagsilbing pampatulog nilang magkakapatid


habang lumalaki. Tuwing gabi, inaawit ng kanilang ina o ng kanilang lola
sa talampakan na si Anggoy Omil ang mga epiko ng kanilang mga ninuno.
Sa kanilang magkakapatid, tanging siya ang nagpatuloy sa pagpapalaganap
ng kanilang panitikan.

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho bilang kawani ng Bureau of Nonformal


Education si Caballero. Dumadalaw siya sa iba’t ibang barangay at
hinihikayat ang mga nakatatandang mag-aral na magsulat at magbasá.
Bagaman kinikilala siyá bílang isang manughusay o tagapamagitan sa
mga hidwaan at isang bantugan o iginagálang na indibidwal sa kanilang
komunidad, hindi pa rin madali para sa kaniya ang himukin ang mga
nakatatanda. Sa kabila nitó, ipinaaalala pa rin niya ang tungkulin ng kanilang
henerasyon na isalin sa mga nakababatàng miyembro ng komunidad ang
panitikan at kulturang ipinamana rin sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Nagbubunga naman ang kaniyang mga pagsisikap. Bukod sa mga iskolar,


akademiko, at mga tagapagtaguyod ng kultura, kinikilala na rin ng kaniyang
pamilya, lalo na ng kaniyang tatlong anak ang kagandahan at kahalagahan
ng isinusulong niyang adhikain. (GB) (ed GSZ)
cabeza de barangay
Ang cabeza de barangay (kabésa de ba·ra·ngáy) ang pinuno ng baryo
noong panahon ng Espanyol na humalili sa mga pinunòng datu at
katumbas ngayon ng posisyong kapitan ng barangay. Ang pinunòng ito ay
maaari lámang magmula sa mga prinsipalya o mag-anak ng mga datu at
mayayamang pamilyang mestisong Tsino at Espanyol.

Ang mga cabeza de barangay ang pangunahing tagapamahala sa mga


nayon, tagakolekta ng mga buwis at tributo, at tagatipon ng mga polista o
trabahador mula sa mga karaniwang tao para sa pamahalaang Espanyol.
Siya rin ang tanging nakalalahok sa paghalal ng gobernadorsilyo o pinunò
ng bayan noong siglo 19.

Bilang kapalit sa kaniyang katapatan at paninilbihan sa pamahalaang


Espanyol, binibigyan ang cabeza de barangay ng mga pribilehiyo gaya
ng paggamit ng titulong “Don,” ang hindi pagbabayad ng tributo o buwis
ng kaniyang pamilya, at ang pagiging malaya niyá at ng kaniyang mga
anak na lalaki sa sapilitang paggawâ o polo y servicio. Ang termino ng
isang cabeza de barangay ay hindi bababa sa tatlong taon ngunit maaari
niyang matamasa nang panghabambuhay ang mga nasabing pribilehiyo
kung siyá ay makapagsisilbi sa pamahalaang Espanyol nang hindi bababa
sa sampung taon. (MBL) (ed GSZ)
Benedicto R. Cabrera (Bencab)
(10 Abril 1942—)
Itinanghal si Benedicto R. Cabrera (be·ne·dík·to ka·bré·ra) na Pambansang
Alagad ng Sining sa Pintura noong 2006. Mas kilala siya bilang Bencab na
siya ring lumilitaw na lagda sa kaniyang mga pintura.
Natatangi ang kaniyang sining sa larangang ng pinturang Filipino dahil
sa pagbibigay niya ng diin sa pagguhit kaysa kulay. Kinakatawan ng mga
pintor na sina Leonardo da Vinci at Michelangelo ng Italya ang ganitong
estilo ng pagpipinta. Ang Filipino, noon at ngayon, gamit ang iba’t ibang
hulagway, ang pinakatampok na paksa sa mga obra ni Bencab. Sinasabing
ang kakulangan ng kulay sa kaniyang mga obra ay napupunuan ng karakter
ng kaniyang mga paksa.
Unang eksibit niya sa gulang na 24 anyos ang ginawa sa Indigo Gallery
noong 1966. Mula sa isang larawan ng isang marungis na babaeng kinunan
ng retrato mismo ng pintor noong dekada 1960, iniluwal ang hulagway na
tinawag niyang Sabel. Sinisimbolo ng hulagway ng Sabel ang hikahos na
kalagayan ng maraming Filipino. Ang Larawan Series naman ay nagmula
sa mga larawan ng mga Filipino na hango sa mga mapang antigo at mga
librong kinolekta ng mag-asawang Bencab at Caroline noong sila ay nasa
London. Sa mga pinturang Larawan, nahuli ng pintura ni Bencab nang
buhay na buhay ang mga pigura sa mga retrato na animo’y reproduksiyon
nito. Subalit dahil sa husay at kasiningan ng pintor, nagmimistulang mga
bagong larawan ang pintura.
Noong 1986, bumalik sa Filipinas ang pintor matapos ang diborsiyo. Muling
sinalamin ng kaniyang pintura ang panibagong yugto ng kasaysayan ng
bansa sa kaniyang ikalawang bersiyon ng Two Filipinas—ang EDSA Event.
Sa Baguio City na namalagi si Bencab kapiling ang iba pang manlilikha
ng sining na bumubuo sa Baguio Arts Guild gaya nina Kidlat Tahimik at
Santiago Bose.
Ipinanganak si Bencab noong 10 Abril 1942 kina Democrito Cabrera,
isang empleado ng gobyerno at Isabel Reyes. Sa kaniyang mga naunang
likha makikita ang mga imahen ng lugar na kinalakhan niya sa Bambang
at Mayhaligue sa Tundo. Napangasawa niya si Caroline Kennedy, isang
manunulat na British. Nag-aral siya ng Fine Arts, major sa Commercial
Arts sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1959-1963. Naging ilustrador siya
ng Liwayway at Sunday Times Magazine ng Manila Times noong 1965-
1968. Pagkaraan, iniukol na niya ang buo niyang panahon sa pagpipinta.
(RVR) (ed GSZ)
Cagsáwa
Cagsáwa ang popular na itawag sa Guhòng Cagsáwa na matatagpuan sa
Barangay Busay, Cagsawa, Daraga, Albay. Ang guho ay ang natirang tore
at ilang bato ng Simbahang Cagsawa na natabunan ng lava nang pumutok
ang Bulkang Mayon noong 1 Pebrero 1814. Naliligid ito ngayon ng isang
halaman at tindahan ng sobenir at orkidya at isang ipinahayag noong 1954
na makasaysayang parke ng National Historical Institute. Ito rin ang isa sa
pinakapopular na destinasyon ng mga turista sa Albay.

Ang simbahang Cagsawa ay nagsimula sa ilalim ng parokya ng Camalig


noong 1587-1595. Ang unang simbahan ay nasunog noong 25 Hulyo 1636
sa pagsalakay ng mga piratang Olandes. Ang Guhong Cagsawa ay mula sa
simbahang ipinatayô ng mga Pransiskano sa pangunguna ni Fray Francisco
Blanco noong 1724 at ginamitan ng korales. Simbolo ito ngayon sa mga
panganib ng pamumuhay malapit sa Bulkang Mayon, na mga 11 kilometro
lámang ang layò. Sa pagsabog ng Mayon noong 1814 ay tinatayang 1,200
mamamayan ang namatay at lumubog sa abo at putik ang buong Cagsawa.
Daan-daan ang nagtago sa simbahan at kasámang nasawi sa dumanak
na lahar at payroklastik. May natira pa sa patsada ng simbahan ngunit
pinabagsak ng mga lindol noong mga taóng 1950.

Dahil sa trahedya noong 1814, ipinasiyang isáma ang Cagsawa sa


munisipalidad ng Daraga. Sa harap ng guho ay itinayô noong 1992 ang
Cagsawa National Museum, at itinuturing na ikatlong pinakamalaki
sa mga sangay ng Pambansang Museo. Naglalaman ito ng mga retrato
ng pagsabog ng Mayon at makabuluhang mga artifact na heolohiko o
arkeolohiko mula sa rehiyon. Muling nanganib ang Guhong Cagsawa
noong 2006 dahil sa Super Typhoon Reming. Ngunit nakaligtas ito sa
kabilâ ng malaking pagbahâ ng putik at bato sa paligid at pumuksa ng
1,266 katao. (VSA)
Juan Cailles
(10 Nobyembre 1871-21 Hunyo 1951)
Si Juan Cailles (Hu·wán Ka·íl·yes) ay isang guro, politiko, at pinunò
ng mga Filipino noong Himagsikang 1896 at noong Digmaang Filipino-
Amerikano.
Isinilang siyá 10 Nobyembre 1871 sa Nasugbu, Batangas kina Hippolyte
Cailles, isang Pranses, at Maria Kauppama. Ikaanim siyá sa pitóng
magkakapatid. Ang una niyang edukasyon ay sa bahay ni Ovidio Caballero.
Nagtapos siyá sa Escuela Normal na pinatatakbo noon ng mga Heswita sa
Maynila. Naging guro siyá nang limang taón sa pampublikong paaralan sa
Amaya, Tanza at sa Rosario, Cavite.
Nag-organisa siya ng puwersa na kinabibilangan ng mga ama ng kaniyang
mga estudyante noong nagsisimula ang rebolusyon. Para sa kanila, nanatili
siyá bilang Maestrong Cailles, kahit sa sunod-sunod niyang promosyon
sa militar. Naging bahagi siyá ng maraming engkuwentro laban sa mga
Espanyol, tulad ng engkuwentro na nagresulta ng kamatayan ng kaniyang
mga nakatataas na sina Hen. Candido Tria Tirona, Edilberto Evangelista,
at Crispulo Aguinaldo.
Noong 17 Setyembre 1900, nanalo ang grupo ni Cailles sa Mabitac, Laguna
laban kay Colonel Cheetham. Pinayagan niya si Cheetham na kuhanin ang
mga katawan ng walong sundalong Amerikano kasáma ang kanilang mga
personal na gamit. Isang salungat na halimbawa ito sa ginawang masamâng
trato ng mga Amerikano sa bangkay ni Hen. Gregorio del Pilar sa Pasong
Tirad noong 2 Disyembre 1899.
Matapos maglingkod bilang pansamantalang hepe ng mga operasyon sa
unang sona ng Maynila noong Digmaang Filipino-Amerikano, ginawa
siyang gobernador militar ng Laguna at Tayabas. Ang pagkakadakip kay
Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 ay nagkumbinse sa
kaniya na sumuko sa mga Amerikano noong 20 Hunyo 1901.
Naging gobernador siyá ng Laguna mula 1901 hanggang 1910, at 1916
hanggang 1925. Naging representante naman siyá ng Mountain Province
sa Philippine Assembly noong 1925-1928. Noong 1931-1934 ay naging
gobernador siyáng muli ng Laguna. Noong 2 Mayo 1935 at mag-alsa ang
Sakdal, nagawa niyang pigilan ang mga ito dahil sa kaniyang administratibo
at rebolusyonaryong karanasan. Nahuli rin niya ang kilaláng Kilabot ng
Sierra Madre na si Teodoro Asedillo. Namatay siyá noong 21 Hunyo 1951
sa sakit sa puso. (KLL) Si Cailles (nakaupo) at ang kaniyang ayudante
Felípe Cálderón
(4 Abril 1868-6 Hulyo 1908)
Si Felípe Cálderón ay isang abogado, manunulat, at edukador na sumulat
ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Filipinas (Konstitusyon ng
Malolos).
Pagkaraang magtapos ng abogasya, pumasok siyá sa law office ni Cayetano
Arellano, ang unang punòng mahistrado ng Korte Suprema. Pagkaraan ng
Unang Sigaw sa Balintawak, isa si Calderon sa mga dinakip at ikinulong
sa Fuerza Santiago. Nang magbalik si Heneral Emilio Aguinaldo mula sa
Hong Kong noong 1898, itinalaga niya si Calderon bilang delegado sa
Kongresong Malolos. Sinulat ng abogado ang borador ng Konstitusyon at
isinumite sa Kongreso, na siyáng nagpatibay dito.
Noong 1899, nagkaroon si Calderon ng ambag sa larang ng edukasyon sa
kaniyang pagkakatatag ng dalawang pamantasan, ang Escuela de Derecho
at Colegio de Abogados de Manila. Nagturo siyá dito at pati na rin sa
Liceo de Manila at Instituto de Mujeres. Bilang manunulat, nagsulat siyá
ng talambuhay ng mga kaibigang tulad nina Jose Ma. Basa at Lorenzo
Guerrero, at ng mga sanaysay pangkasaysayan tulad ng Documentos para
Historia Filipinas, Los Ultimos Dia del Regimen Español en Filipinas,
El Mas de Agosto en la Historia Patria, at Mis Memorias Sabre la
Revolucion.
Noong 1904, itinatag niya ang Samahan ng mga Mananagalog sa tulong
ng mga kilaláng rnanunulat na Tagalog. Sa taóng din nito siyá itinalaga
bilang kasapi ng komisyon na nagsusulat ng Kodigo Penal. Sinundan ito
noong 1905 sa kaniyang pagtatatag ng Assosacion Historia de Filipinas, at
ang pahayagang Revista Historica de Filipinas. Sa taóng din iyon, itinatag
niya ang isang samahan para sa pangangalaga ng mga sanggol, ang La
Proteccion de la Infancia.
Isinilang siyá noong 4 Abril 1868 sa Santa Cruz de Malabon (ngayon ay
Tanza), Cavite kina José Gonzáles Calderón at Manuela Roca. Kapatid
niya si Fernando Calderon, na siyáng naging unang Filipinong direktor ng
Philippine General Hospital. Nag-aral siyá ng elementarya at sekundarya
bilang iskolar sa Ateneo Municipal de Manila. Pumasok siyá sa Unibersidad
ng Santo Tomas at nagtapos noong 1893. Nagtrabaho siyá para sa ilang
pahayagan habang tinatapos ang pag-aaral. Yumao siyá noong 6 Hulyo
1908 sa St. Paul’s Hospital sa Maynila. (PKJ) ed VSA
Pédro Calungsód
(s1654-2 Abril 1672)
Si Pédro Calungsód ang ikalawang santong Filipino sa Simbahang
Katolika at opisyal na naging kanonisado nitóng 21 Oktubre 2012.
Walang tiyak na ulat sa petsa at pook ng kaniyang kapanganakan, bagaman
higit na malakas ang pag-ankin sa kaniya ng Ginatilan, Cebu. Wala ring
alaala hinggil sa kaniyang anyo, ngunit inilalarawan siyáng nakasuot ng
kamisa tsino, may hawak na palaspas ng martir o isang krusipiho, aklat ng
katekismo o rosaryo upang katawanin ang kaniyang gawaing misyonero.
Edad 14 taón si Pedro nang mahirang kasáma ng ibang kabataan na
akompanyahan ang mga Heswita sa pamumunò ni Fray Diego Luis de
San Vitores sa misyon sa Islas Ladrones (naging Marianas, sa karangalan
ni Reyna Maria Ana ng Austria na nagtaguyod sa misyon). Mahirap ang
búhay sa Ladrones bukod sa malimit dumaan ang bagyo. Dumating sa
Guam, ang pinakamalaking isla, sina San Vitores noong 15 Hunyo 1668
kasáma ng 30 sundalo. Mapayapa naman ang panimulang pakikipag-
ugnayan nilá sa mga katutubong Chamorro. Ngunit nagbago ito dahil sa
panunulsol ng isang arbularyong Tsino at ginulo ng mga bumaligtad ng
pananampalataya ang mga misyonero.
Isa sa mga bumaligtad si Matapang na nagsiklab dahil bininyagan ni Fray
Diego ang kaniyang anak. Sinugod ni Matapang at isang katulong ang
magkasámang sina Pedro at Fray Diego at hinagisan ng mga sibat. Maliksi
namang nailagan ni Pedro ang mga unang sibat. Sinasabing maaari sanang
tumakas ang si Pedro ngunit hindi nitó iniwan si Fray Diego hanggang
tamaan ng isang sibat sa dibdib. Sinalakay siyá ng kasabwat ni Matapang
at tinaga. Walang nagawa si Fray Diego kundi bigyan ng huling sakramento
si Pedro bago siyá pinaslang nina Matapang. Hinubdan ang mga biktima,
kinaladkad sa dalampasigan, tinalian ng pabigat na bato ang mga paa, at
inihagis sa dagat.
Isang taón makaraan, nagsimula ang proseso ng beatipikasyon nina
Fray Diego at Pedro. Natigil ito dahil sa sari-saring sanhi. Noong 1981,
nahalungkat ang mga dokumento ng kanilang martiryo. Naganap ang
beatipikasyon ni San Vitores noong 1985 at dahil dito’y nagbalik sa
alaala ng lahat si Pedro. Inumpisahan noong 1994 ang kampanya para sa
beatipikasyon at kanonisasyon ni Pedro Calungsod. Naging beatipikado
si Pedro noong 2000. Noong Pebrero 2012, pormal na ipinahayag ni Papa
Benedict XVI ang kanonisasyon ni Pedro na ginanap noong 21 Oktubre
2012 sa Roma. Ang pista ni San Pedro Calungsod kasabay ni San Diego
Luis de San Vitores ay itinakda tuwing Abril 2. (VSA)
Cláro Calúya
(22 Hunyo 1868-14 Disyembre 1914)
Binansagan si Claro Caluya (Klá·ro Ka·lú·ya) na “Prinsipe ng mga
Makatang Ilokano” noong nabubúhay pa dahil sa paghanga sa kaniyang
pagtula. Sumulat siyá ng mga tula at dula sa wikang Iluko at isinalin ang
Ultimo Adios ni Rizal.

Isinilang siyá sa Piddig, Ilocos Norte noong 22 Hunyo 1868 kina Rafael
Caluya, na isang tenyente, at Norberta Pasion, na isang guro. Nakapag-aral
at noong 1884 ay naglingkod bilang eskribano sa hukuman pambayan.
Napangasawa niya si Sabina Aquino noong Mayo 1886. Nahirang siyáng
cabeza de barangay noong 1890 at gobernadorsilyo noong 1893. Noong
1896, isa siyáng boluntaryo sa hukbong Espanyol laban sa Himagsikang
Filipino ngunit hindi nagtagal at sumapi sa hukbong rebolusyonaryo
hanggang 1897. Nabihag siyá sa panahon ng Digmaang Filipino-
Amerikano, ipiniit sa bilangguan ng probinsiya, at sakâ inilipat sa Maynila
hanggang 1902.

Nagbalik siyá sa Piddig nang palayain at nahirang na president eng bayan


noong1902-1905. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan nabuksan ang
mga paaralan, naorganisa ang mga industriyang lokal kasama ang paggawa
ng arpa, at naitayô ang unang palengkeng publiko sa bayan.

Marami siyang sinulat na tula at dula ngunit hindi pa nalalathala ang


karamihan. Kabilang sa mga tula niya ng pag-ibig ang “Ken Barang,”
“Pinagpinnakada,” “Luluac ti di Agsarday,” “Dinaccad Dil-dilawen,”
at “Barocongcot marupsan Agayat Laeng.” Sinulat din niya ang mga
komedyang Aldeana at La Aventurera at mga sarsuwelang Pateg ti Umma
a Cari at Napatpateg ti Ayat ti Ili. Siyá rin ang kompositor ng awit na
“Bannatiran, isangg awit hinggil sa isang ibong napakaganda. Bilang
parangal, isang monumento ang inialay sa kaniya sa harap ng munisipyo
ng Piddig. Sa logo ng St Anne Academy sa Piddig ay may arpa upang
isagisag ang yamang pangkultura ng bayan at ipagunita sa mga mag-aaral
ang talino ni Caluya. (VSA)
Camiguin
Ang Camiguin (Ka·mí·gin) ay isang pulông bulubundukin sa dakong
timog ng Dagat Mindanao. Matatagpuan ito sa hilaga ng Misamis Oriental
at sa timog ng pulô ng Bohol. Karatig nitó ang mga look ng Macalajar at
Gingoog sa Mindanao. Ito ang pangalawa sa pinakamaliit na lalawigan
batay sa populasyon at kalupaan. Mayroon lámang itong limang bayan:
Guinsiliban, Catarman, Sagay, Mahinog, at Mambajao. Ang pinakama-
laking bayan ay ang Mambajao na siyá ring kabisera ng lalawigan.

Ang pangalang Camiguin ay nagmula diumano sa katutubong salitâng


“kamagong”, isang maitim at matigas na punongkahoy. Ang mga unang
nanirahan dito ay ang mga Manobo. Ang isla ay nabuo mula sa pagsabog ng
mga bulkan. Ang Bulkang Hibok-Hibok ang huling bulkang pumutok dito
noong 1953, na nananatiling isang aktibong bulkan. Makikita rin sa pulo
ang iba pang mga bulkan, gaya ng Bundok Vulcan na may 671 metrong taas
sa hilagang-kanluran ng Bulkang Hibok-Hibok., ang Bulkang Mambajao
(1,552 metro) na nása gitnang Camiguin, ang Bulkang Guinsiliban (581
metro) sa dulong timog ng pulo, at ang Bullkang Butay na nása hilaga ng
Bulkang Guinsiliban. Makikita rin dito ang mga simboryo ng Campana
Hill, Minokol Hill, Tres Marias Hill, Bulkang Carling, Bulkang Tibane, at
ang Piyakong Hill. Ang mga mamamayan dito ay nabubuhay sa pangingisda
at pagsasaka. Kopra ang pangunahing pinanggagalingan ng malaking kita
ng lalawigan, ngunit kilalá rin ito sa mga produktong abaka, mangga, at
lansones.

Kabilang sa mga tanawing panturismo na makikita dito ay ang matandang


simbahan ng Santo Rosario sa bayan ng Sagay, ang simbahan ng Baylao,
at ang simbahan ng Gui-ob sa bayan ng Catarman, na natabunan nang
pumutok ang Vulcan mula 1871 hanggang 1875. Tanging ang nasirang
simbahan at kampanaryo nitó ang natira sa bayan ng Catarman. Ang mga
sinauna at matatandang bahay na mula pa sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol at Amerikano ay nanatiling nakatayô at makikita sa kahabaan ng
mga kalsada ng Camiguin. May dalawang magandang maliit na pulo dito,
ang White Island at Mantigue Island. Magandang pasyalan din ang Talong
Katibawasan at Talong Tuasan. Makikita naman sa bayan ng Bonbon
ang itinayông malaking krus noong 1982 bilang pag-alala sa lumubog na
sementeryo ng bayan, ang Sunken Cemetery. (AMP) (ed VSA)
Camp John Hay
Ang Camp John Hay (Kamp Jan Hey) ay isang 690-ektaryang kampo sa
Lungsod Baguio sa kabundukang Cordillera. Itinayô ito ng mga Amerikano
noong 1903 bilang pahingahan at pook-libangan ng kanilang mga sundalo
at empleado. Sa kasalukuyan, popular ang kampo sa mga turistang gustong
maranasan ang malamig na klima at mga punòng pino ng tinaguriang
“Summer Capital” ng bansa; matatagpuan dito ang isang golf course at
ilang pamilihan, kainan, bulwagang-pulungan, hardin, at hotel.

Itinatag ni Theodore Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos, ang John Hay


Air Station (o John Hay Air Base) bilang military reservation ng Amerika.
Ipinangalan ito sa kaniyang Kalihim ng Estado, si John Milton Hay.
Kabilang sa mga itinayông gusali ang tahanan ng Gobernador-Heneral ng
Filipinas para sa tag-init, na kilalá ngayon bilang The American Residence,
ang tirahan ng embahador ng Amerika sa Filipinas.

Binomba ng mga Hapon ang kampo sa pagbubukás ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Ginamit din nilá ito bilang piitan ng mga sundalo at sibilyan;
ginamit naman ni Heneral Tomoyuki Yamashita ang American Residence
bilang headquarters at opisyal ng tirahan. Pinalaya ng mga Filipino at
Amerikano ang kampo noong 1945, at sumuko si Yamashita kay Heneral
Jonathan Wainwright sa American Residence.

Sa pagwawakas ng RP-US Bases Agreement, isinuko ng Estados


Unidos ang kampo sa pamahalaan ng Filipinas noong 1991. Nauna itong
pinangasiwaan ng Philippine Tourism Authority bago ibinigay sa Bases
Conversion Development Authority (BCDA). Sa kasalukyan, pinatatakbo
ang kampo ng isang pribadong kompanya sa pahintulot ng BCDA, ngunit
nananatili sa kamay ng pamahalaan ng Filipinas ang ilang bahagi ng
lupain. (PKJ)
Paulo C. Campos
(27 Hulyo 1921-2 Hunyo 2007)
Pambansang Alagad ng Agham, si Paulo Campos (Pá·u·ló Kám·pos)
ang kinikilálang “Ama ng Medisinang Nuklear sa Filipinas.”  Malaki
ang kaniyang naging kontribusyon sa pagsisimula at pagpapalakas ng
komprehensibong programang pangkalusugan para sa mga komunidad.
Dahil sa mga natatangi at makabuluhang ambag niya sa larangan ng
siyensiyang pangkalusugan, iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng
Agham noong 1989.

Si Campos ang namunò sa pagtatatag ng kauna-unahang Radioisotope


Laboratory sa Filipinas. Siya rin ang pundador ng unang Medical
Research Laboratory sa bansa. Bukod sa mga pasilidad na ito, itinayô rin
niya ang unang Thyroid Clinic sa Philippine General Hospital. Subalit
napansin ni Campos ang sobrang pagbibigay pansin ng pamahalaan sa
paghahanap ng lunas sa sakit samantalang nagkukulang ng atensiyon
ang pagpapahalaga sa pag-iwas sa sakit at pagpapataas ng kalidad ng
kalusugan ng mamamayan. Pinasimulan niya, katulong ng Unibersidad
ng Pilipinas at ng Departamento sa Kalusugan, ang pagtatayô ng unang
Comprehensive Community Health Program (CCHP) sa Bai, Laguna. Ang
programa ay tumugon sa mga batayang pangangailangang pangkalusugan
ng mamamayan ng Bai at karatig munisipyo.

Si Campos ay isa sa mga pundador ng National Academy of Science in the


Philippines (NAST) at nagsilbing tagapangulo nitó mula 1978 hanggang
1989.

Si Campos ay isa ring masipag na mananaliksik. Ang kaniyang mga pag-


aaral hinggil sa paghahanap ng lunas sa bosyo (goiter) ay nakatulong nang
malaki hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong daigdig. Kasama ang iba
pang mananaliksik, sinimulan ni Campos ang pagtuturok ng iodized oil
sa mga pasyenteng may bosyo. Ang bagong prosesong ito ay pinagtibay
ng World Health Organization bilang batayang paraan upang labanan ang
sakít na bosyo. (SMP) (ed VSA)
CámSur
Ang “CámSur” ay isang palayaw para sa lalawigan ng Camarines Sur sa
rehiyong Bikol. Ang CamSur ang isa sa pinakapopular na destinasyong
panturista sa Filipinas, at ginagamit ang palayaw nitó bilang bahagi ng
kampanya upang makaakit ng mas marami pang bisita. Ang munisipalidad
ng Pili ang nagsisilbing kabisera ng lalawigan, at ang Lungsod Naga ang
pinakamalaki at pangunahing bayan ng CamSur.
Tanyag sa buong mundo ang bayan ng Caramoan at ang mga pampang, isla,
at dagat nitó. Dinadayo ito ng mga turista mula sa iba’t ibang bahagi ng
Filipinas at daigdig para mag-beach, scuba diving, kayaking, at snorkeling.
Ilang ulit na itong itinampok at ginawang lunan ng popular na palabas
sa telebisyon, ang Survivor (ang mga season na Survivor: Philippines
at Survivor: Caramoan para sa Amerika, at ilang season ng edisyon ng
palabas sa Pransiya, India, Serbia, Israel, Bulgaria, at Sweden).
Nitóng mga hulíng taon ay sumikat ang CamSur Watersports Complex
(CWC) sa Pili. Isa itong resort at parke para sa palakasang pantubig
(watersports) tulad ng wakeboarding, wakeskating, at waterskiing. Hindi
madalang ang makakita sa CWC ng mga dayuhang mahihilig sa ganitong
uri ng palakasan.
Matatagpuan ang Lawang Buhi malapit sa CWC. Tanyag ang lawa para
sa sinarapan, ang pinakamaliit na inaaning isda sa buong mundo. Ang
Bundok Isarog sa labas ng Naga ay isang bulkang dinadayo ng mga
mountaineer at kahit mga regular na bisitang nais magbanat ng buto at
magpahinga sa piling ang kalikasan. Matatagpuan sa paanan ng bundok
ang Panicuason Hot Springs, isa ring destinasyon ng mga turista.
Bilang sentro ng kalakaran at kalinangan ng CamSur, dinadayo din ng mga
tao ang Lungsod Naga. Pangunahing atraksiyon ang Pista ng Nuestra
Señora de Peñafrancia, o Peñafrancia Festival, na isa sa pinakapopular na
okasyong pangrelihiyon sa Filipinas. Libo-libo ang dumadagsang deboto
at turista mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa tinaguriang pinakamalaking
pagdiriwang para kay Birheng Maria sa buong Asia. Nakaugat din sa
relihiyon ang ibang panturistang destinasyon sa Naga, ang Our Lady of
Peñafrancia Shrine, Peñafrancia Basilica Minore, San Francisco Church,
at ang Katedral ng Naga kasáma ang arkong Porta Mariae na nakatirik sa
harap nitó. (PKJ) ed VSA
Candaba Viaduct
Limang kilometrong tulay ang Candaba Viaduct (Kan·dá·ba Va·yá·dak)
na tumatawid sa pinak (marshland) ng Candaba, isa sa mga pangunahing
pinak ng bansa at may lawak na 32,000 ektarya. Ang viaduct ay uri ng
mahabàng tulay o serye ng mga tulay. Isa ang Candaba Viaduct sa mga
pinakamahabàng tulay sa Filipinas at bahagi ng North Luzon Expressway
(NLEX) na nagdurugtong ng Kamaynilaan at mga lalawigan ng Gitnang
Luzon. Tinatahak nitó ang daan sa pagitan ng mga interchange ng Pulilan,
Bulacan at ng San Simon, Pampanga.

Pinananatili nitóng nakabukás ang daloy ng trapiko sa NLEX kahit


binabahâ ang latian tuwing panahon ng tag-ulan. Mayroon itong apat
na lane (dalawang pahilaga at dalawang patimog) at gawa sa aspalto at
kongkreto. Idinisenyo ang Candaba Viaduct ng kompanyang Aas-Jakobsen
ng Norway at pinangangalagaan ng Manila North Tollways Corporation,
ang gumawa at concessionaire ng NLEX. (PKJ) (ed VSA)
Fernando Canon
(8 Agosto 1860-18 Hulyo 1938)
Isang ilustradong may iba’t ibang talino, si Fernando Canon (Fer·nán·do
Ká·non) ay isang manunulat, musiko, imbentor, at naging heneral ng huk-
bo sa Nueva Vizcaya sa ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Isini-
lang siyá noong 8 Agosto 1860 kina Fernando Canon at Blasa Aluma. Isa
ring imbentor ang kaniyang ama. Kaeskuwela niya si Rizal sa Ateneo de
Manila at karibal sa husay sa klase at karangalan sa pagsulat. Nagtapos
siyá ng batsilyer nang may matataas na karangalan, nagpunta sa Espanya,
at nag-aral ng medisina. Gayunman, sa ikalimang taón ay naghinto siya
sa Universidad Central de Madrid at nagtuon sa inhenyeriya, musika, es-
krima, at ahedres.
Eksperto siyá sa paghawak ng espada at pistola. Sina Rizal at Antonio
Luna lámang ang nakatatálo sa kaniya sa eskrima at pagbrail. Pero walang
dumaig sa kaniya sa ahedres. Nagwagi siyá sa mga kampeonato sa ahedres
sa Cataluña at maging sa unang chess tournament sa Maynila noong 1909.
Siya ang unang pambansang kampeon ng ahedres sa Filipinas. Mahusay
din siyáng tumugtog ng gitara, kudyapi, at ibang instrumento at kinikilála
ni Rizal na mas magalíng siyáng makata. Naging aktibo siyá sa Kilusang
Propaganda at namahala sa pagpupuslit ng mga kopya ng Noli me tangere
na ipinadalá sa kaniyang kasintahang si Teresita Batle, na naging asawa
niya.
Ngunit higit na interesado si Fernando sa gawaing inhinyero. Isang im-
bensiyon niya ang baril na kalibre 12 sa loob ng isang kahang bakal na
naititiklop at naibubulsa. Pagbalik sa Filipinas, naging kinatawan siyá sa
Kongresong Malolos at hinirang na heneral sa puwersang inhenyeriya.
Siyá ang nag-instala ng koryente at telepono sa Malolos. Marami pa si-
yáng proyektong hindi natuloy dahil sa Digmaang Filipino-Amerikano.
Nagtayô siyá ng mga tanggulan sa Bulacan, Nueva Ecija, Camarines, at
Ilocos. Pagkuwan, naging heneral siyá ng hukbo sa Nueva Vizcaya.
Pagkatapos ng digmaan, kasáma siyáng nagtatag ng Liceo de Manila at
nagturo ng electrodynamics. Pagkuwan, naglakbay siyá sa Europa at nag-
turo sa Barcelona. Tulad ni Rizal, isa siyáng lingguwista at nakapagsasal-
itâ ng Espanyol, Ingles, French, German, at Italyano. Pagbalik sa Maynila,
ibinuhos niya ang panahon sa pagsusulat at saliksik na siyentipiko. Noong
1921, inilabas niya ang aklat ng mga tula, ang A la Laguna de Bay. Nag-
tagumpay din siyáng makuhanan ng langis ang tangantangan. Namatay si-
yáng pobre noong 18 Hulyo 1938. Inalok siyá ng Komonwelt ng pensiyon
ngunit tinanggihan niya sa pagsasabing, “Lahat ng beterano ng Himagsi-
kan ay dapat bigyan ng pensiyon, hindi ang iilan lámang.” (GVS) mula sa Museong Ayala
Nicolas Capistrano
(7 Enero 1864-?)
Si Nicolas Capistrano (Ni·ko·lás Ka·pis·trá·no) ay isang heneral sa
Cagayan de Oro ng Rebolusyong Filipino at pinunò ng pakikipaglaban
sa mga Amerikano noong 1899-1901. Pagkatapos ng Digmaang Filipino-
Amerikano, nahalal siyáng diputado sa 1909 Philippine Assembly at naging
senador ng distritong Surigao, Misamis Oriental, Misamis Occidental, at
Bohol.
Ipinanganak si Capistrano noong 7 Enero 1864 sa baryong Marungko,
Angat, Bulacan kina Francisco Capistrano at Juana Fernandez. Nagtapos
siyá ng batsilyer nang may matataas na karangalan sa San Juan de Letran.
Pumasok siyá sa seminaryo ngunit sa ikatlong taón ay lumabas at nag-aral
ng abogasya sa Unibersidad de Santo Tomas. Nagturo siyá habang nag-
aaral at napalahok sa kilusan para sa kalayaan. Sa panahong ito niya nakilala
si Cecilia Trinidad ng Sta. Cruz, Maynila na pinakasalan magkatapos ng
abogasya noong 1895. Dahil sa pag-igting ng kilusang reblusyonaryo,
inimbita siláng manirahan sa Cagayan de Misamis (Lungsod Cagayan de
Oro ngayon). Naging matagumpay na abogado si Capitrano sa Cagayan de
Misamis. Nang kusang umalis noong Disyembre 1898 ang mga Espanyol,
ipinagdiwang ng pook ang Unang Republika ng Filipinas noong 10 Enero
1899. Ngunit di-nagtagal at dumating ang mga Amerikano. Humandang
magtanggol ang Cagayan de Misamis at hinirang si Capistrano na heneral
ng hukbong tagapagtanggol.
Ang pagsuko nina Nicolas Capistrano at mga tauhan
Umiwas ang hukbo ni Capistrano nang pumaok sa Cagayan de Misamis
ang mga Amerikano. Gayunman, naganap ang Labanang Cagayan de
Misamis noong 7 Abril 1900. Sinalakay nina Capistrano ang baraks ng
mga Amerikano sa plasa (Gaston Park ngayon). Mas malakas ang mga
dayuhan at umatras sina Capistrano. Maraming namatay sa pangkat na
Filipino ngunit nag-iwan din silá ng apat na patay at siyam na sugatan sa
mga mananakop. (VSA)
Carlos Palanca Awards
Ang buong pangalan ng timpalak pampanitikang ito ay Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature na binuksan noong 1950 bilang pag-
alaala ng mga tagapagmana ni Don Carlos Palanda Sr. May layunin itong
tumulong sa pagpapaunlad ng panitikan ng Filipinas sa pamamagitan ng
pagbibigay ng premyo sa mga manunulat para sa pagpapahusay nilá ng
kanilang mga akda; at maging tagapag-ingat ng mga hiyas pampanitikan
ng Filipinas at tumulong sa pagpapalaganap ng mga ito, lalo na sa hanay
ng mga mag-aaral.

Nagsimula ang timpalak para sa maikling katha sa mga wikang Ingles at


Filipino na iginawad noong 1951. Naging matagumpay ang timpalak, kayâ
nagdagdag ito ng mga kategorya: dulang may isang yugto noong 1953,
tula noong 1963, sanaysay noong 1979, nobela noong 1980, maikling
kuwentong pambatà noong 1989, dulang pantelebisyon noong 1990 iskrip
pampelikula noong 1994. Noong 1997, idinagdag ang mga dibisyon sa
wikang rehiyonal at nagkaroon ng timpalak sa maikling kuwentong Iluko,
Sebwano, at Hiligaynon. Marami pang ibang kategoryang binuksan sa
paglipas ng panahon bukod sa tumaas ang salaping gantimpala para sa
nagwagi.

Sa kasalukuyan, may koleksiyon ang Palanca ng daan-daang nagwaging


akda. Nalathala ang mga nagwagi hanggang dekada 80 sa mga antolohiya
na ipinamudmod sa mga aklatan. May mga pansariling koleksiyon ng may-
akda ang nalimbag na. Marami rin sa mga nagwaging dula ang naitanghal
sa entablado. Ang Foundation Library ay nakabukas sa mga mag-aaral at
iskolar na nais magsaliksik. Noong 1995, binuksan ang Palanca Hall of
Fame na kumikilala sa sinumang limang ulit nagwagi ng unang gantimpala.
May 22 awtor nang nagawaran ng Palanca Hall of Fame. Nagsimula rin ng
palihan sa malikhaing pagsulat ang Palanca noong 1996. (VSA)
Francisco Carreon
(1868-- )
Lider manghihimagsik, matalik na kasáma ni Bonifacio sa Katipunan, at
pangalawang pangulo ng Republikang Tagalog ni Macario Sakay, ipinan-
ganak si Francisco Carreon (Fran·sís·ko Kar·re·ón) noong 1869 kina
Espiridion Carreon, isang sanidad militar na nakadestino sa Zamboanga,
at Jacinta Marcos. Nag-aral siyá sa isang eskuwelahang Heswita sa Zam-
boanga, ngunit ipinagtuloy sa Tundo dahil sa gulo sa Jolo.
Sari-saring trabaho ang pinasok niya bago nahirang noong 1886 sa Casa
Moneda sa Intramuros na ari ng kaniyang tiyo. Pagkaraan ng dalawang
taón, nagpalista siyá sa Cuerpo Carabinero. Sa panahong ito niya napanga-
sawa si Bibiana Bastida. Noong 1892, kasáma ng kapatid na si Nicomedes
ay sumapi siyá sa Katipunan at ginamit na pangalang pandigma ang “F.C.
Silanganan.” Pinsan siyá ni Emilio Jacinto. Naging punò siyá ng sangay na
“Silanganan” na ingat-yaman si Nicomedes at piskal ang pinsan niyang si
Mariano Carreon. Noong 1896, pinunò na siyá ng konsehong “Dapitan” sa
Trozo, Maynila na may sangay na “Silanganan” at “Alapaap. Sa taón ding
iyon, lumipat siyá mulang karabinero tungong guwardiya sibil. Naging
miyembro din siyá ng Kataas-taasang Pamunuan ng Katipunan, kasáma
sina Pantaleon Torres, Briccio Pantas, Aguedo del Rosario, Teodoro Plata,
at Vicente Molina.

Kasáma siláng magkapatid sa pulong ng Katipunan sa bahay ni Juan Ra-
mos noong 24 Agosto 1896 at inatasan siyá ni Bonifacio na bumalik sa
Maynila at tipunin ang mga Katipunero doon. Lumahok siyá sa Labanang
Tulay ng Zapote noong 7 Pebrero 1897 at muling sumáma kay Bonifacio
sa Imus hanggang sa dakpin ang Supremo at litisin. Sumáma siyá sa hukbo
ni Aguinaldo noong Hunyo 1896 hanggang sa Digmaang Filipino-Ameri-
kano. Kasáma siyá ni Macario Sakay nang itatag ang Partido Nacionalista,
at nang mabigo ito, nang itatag ang Republikang Tagalog upang ipagpatu-
loy ang pakikibáka. Siyá ang naging pangalawang pangulo sa naturang
pamahalaang mapanghimagsik.
Kasáma siyá ni Sakay nang pataksil na dakpin ito at ibang lider ng Re-
publikang Tagalog at litisin siláng “bandido.” Noong 6 Agosto 1907, hi-
natulan siláng nagkasala ni Hukom Ignacio Villamor ngunit pinarusahan
lámang siyá ng pagkabilanggo. Binitay sina Sakay at Koronel Lucio de
Vega noong 13 Setyembre 1907. Hindi nagtagal, nabigyan siyá ng indulto
o pardon at naglingkod sa Bureau of Labor. Isa siyá sa mga bayaning nal-
imot ng bayan ang mga pangalan. (GVS)
Carriedo
Kilalá lámang ang Carriedo (Kar·yé·do) sa kasalukuyan bilang isa sa mga
estasyon ng Light Rail Transit o LRT-1. Ngunit bago pa man takpan ng
mataas na daanan ng nasabing tren ang Carriedo, ito ay dáting maningning
na lugar sa distrito ng Sta. Cruz, Maynila na paboritong pasyalan ng mga
tao. Dito, ang maykaya at karaniwang tao ay nagkakasalamuha sa isa’t isa
upang mamili o kahit mamasyal lámang. Ang Carriedo ay bahagi ng dating
sentro ng kalakalan sa Maynila. Sa paligid nitó, matatagpuan ang simbahan
ng Quiapo na kilalá sa selebrasyon ng pista ng Itim na Nazareno, ang
Escolta na dating sentro ng negosyo, at ang Ongpin na para sa mga kalakal
ng mga negosyanteng Tsino. Bago pa man nagsulputan ang naglalakihang
malls, ang Carriedo ay nauna nang tahanan ng mga department stores na
tulad ng ShoeMart, Plaza Fair, Fair Mart, at Isetann.

Ang Carriedo ay ipinangalan kay Don Francisco Carriedo y Peredo, isang


Espanyol mula Santander na nanirahan sa Filipinas noong ika-18 siglo at
naging bantog sa kaniyang kawanggawa o obras pias. Sa kaniyang hulíng
habilin at testamento, iniwan niya ang malaking halaga para sa pagtatayô
ng sistema ng gawaing-pantubig sa Maynila. Ang inisyatibang ito ay kilalá
bilang “Carriedo Legacy.”

Bago ang taóng 1878, walang sistema ng gawaing-pantubig sa siyudad. Ang Carriedo sa Balara, Lungsod Quezon
Ang mga estero at ilog ang pinagkukunan ng tubig para inumin, ipanlaba,
at ipanligo. Mula sa pondong iniwan ni Don Francisco, itinatag ng noo’y
gobernador na si Domingo Moriones ang sistema ng patubig nitong ika-
20 siglo na tinawag na Manila Waterworks. Bilang pag-alala dito, isang
puwente o fountain ang itinayô sa panulukan ng kalye Legarda, Nagtahan,
at Magsaysay sa Sampaloc. Noong hulíng bahagi ng dekada sitenta,
inilipat ang puwente sa Balara, Lungsod Quezon kasabay ng paglilipat ng
tanggapan ng Manila Waterworks and Sewerage Authority. Sa panahon
ng panunungkulan ni Alfredo Lim bilang alkalde, naibalik ang puwente
sa Maynila at kasalukuyang nakatayô sa harap ng simbahan ng Sta. Cruz.
(LN) (ed VSA)
Casa Gorordo
Báhay-na-bató ang Casa Gorordo (Ká·sa Go·rór·do) na itinayô noong
kalagitnaan ng siglo 19 at matatagpuan sa Kalye Lopez Jaena, Barangay
Parian sa Lungsod Cebu. Sa kasalukuyan, nagsisilbi itong museo at isa sa
mga tampok na lugar panturista ng lungsod. Tulad ng ibang bahay-na-bato
na itinayô noong panahon ng Espanyol, gawa ang Casa Gorordo sa mga
tipak ng batong korales, sahig na mulawin, bubong na yari sa tisang terra-
cotta, at mga bintanang yari sa kapis. Makikita sa museo ang mga antigong
muwebles, kasangkapan sa pagluluto, pananamit, pintura, at aklat.

Ipinagawa ni Alejandro Reynes y Rosales ang bahay sa makasaysayang


distrito ng Parian, tirahan ng mga tanyag at maykayang angkan ng Cebu.
Binili ito ni Juan Isidro de Gorordo, mangangalakal na Espanyol noong
1863. Mula 1863 hanggang 1979, apat na henerasyon ng pamilya Gorordo
ang nanirahan sa bahay. Kabilang sa kanila si Juan Bautista Perfecto
Gorordo (mas kilala bilang Juan Gorordo) na siyáng nagsilbing unang
obispong Filipino ng Cebu mula 1910 hanggang 1932. Binili ang bahay ng
Ramon Aboitiz Foundation, Inc. noong 1980 at sumailalim sa restorasyon
bago buksan sa publiko bilang museo. Noong 1991, itinanghal ang Casa
Gorordo bilang Pambansang Palatandaang Makasaysayan (National
Historical Landmark). (PKJ) (ed VSA)s
Gelia T. Castillo
(3 Marso 1928—)
Pambansang Alagad ng Agham, si Gelia T. Castillo (Gél·ya Ti Kas·tíl·yo)
ay isang tanyag na sosyologo ng kanayunan. Ang kaniyang mga
pananaliksik ay nakaimpluwensiya nang malaki sa pagpapatupad ng mga
programang pangkaunlaran sa kanayunan dito sa Filipinas at sa ibang
panig ng daigdig. Bilang pagkilala sa mga natatangi niyang kontribusyon
sa larangan ng sosyolohiya lalo na sa pagsisikap na maitaas ang kalidad ng
teorya at praktika ng kaunlarang pampamayanan, iginawad sa kaniya ang
Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist) noong 1999.
Naniniwala si Castillo na ang agham ay dapat magsilbi sa sangkatauhan
lalo na sa mas nakararaming mahihirap. Sa librong All in a Grain of Rice,
sinuri ni Castillo ang sosyolohikong epekto ng bagong teknolohiyang
pansakahan sa pag-unlad ng pamayanan at kung paano nakatutugon
ang Filipinong magsasaka sa mga pagbabago. Kinilala naman ng mga
dalubhasa ang Beyond Manila: Philippine Rural Problems in Perspective
bilang isa sa pinakamahalagang literatura na tumatalakay sa dinamismo ng
pag-unlad sa kanayunan.
Isinasabúhay ni Castillo ang kaniyang isinusulat sa pamamagitan ng
pagtuturo at pangangasiwa ng iba’t ibang ahensiya at institusyong
nagpapatupad ng kagalingang panlipunan. Mahigit apatnapung taon siyáng
nagturo ng sosyolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas. Gumanap siyá ng
mahahalagang tungkulin sa Kagawaran ng Agrikultura, National Economic
Development Authority, Philippine Rice Research Institute, Development
Academy of the Philippines, Philippine Institute for Development Studies,
at naglingkod ding tagapangulo o tagapayo sa mga internasyonal na
ahensiyang pangkaunlarang kagaya ng International Potato Center, World
Health Organization, International Development Research Center, at
International Fund for Agricultural Development.
Isinilang si Castillo noong 3 Marso 1928 sa Pagsanjan, Laguna at anak nina
Antonio Castillo at Constancia Tagumpay. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa
Sikolohiya sa UP noong 1948. Nagtungo siyá sa Estados Unidos upang
magpakadalubhasa sa Sosyolohiyang Pangkanayunan. Nakapagtapos siyá
ng master sa Siyensiya sa Pennsylvania State University noong 1958 at
doktorado sa Sosyolohiya sa Cornell University noong 1960. Ipinagkaloob
sa kaniya ang Rizal Pro-patria Award noong 1976, Distinguished Alumnus
Award ng UP noong 1975, at isa sa Ten Outstanding Filipinos noong taóng
2004. (SMP) (ed VSA)
Jose Luna Castro
(4 Marso 1914-18 Hunyo 1986)
Kinikilálang “peryodista ng mga peryodista,” at mahusay na editor, si
Jose Luna Castro (Ho·sé Lú·na Kás·tro) ay isinilang noong 4 Marso
1914 sa Maynila ngunit lumaki sa Lubao, Pampanga kina Faustino Rivera
Castro at Claudia de Luna. Pagkatapos sa Pampanga High School noong
1932, pumasok siyá sa Union Theological College sa Maynila at naging
ebanghelista na may AB digri. Sa Philippines Herald siyá unang nagdi-
yaryo at nadestinong war korespondent sa Tsina. Noong 1939 at hábang
staff member ng Weekly Graphic, isang artikulo niya ang muling inilathala
ni Mencken sa The American Language, Supplement II.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumáma siyá sa The Ma-


nila Times at naging editor nitó noong 1959. Pagtagal, nahirang siyáng
executive editor ng buong Manila Times Publishing Company. Nagling-
kod siyá hanggang 1972 at ipasara ito dahil sa Batas Militar. Nalipat siyá
sa Times Journal at naging punòng editor nitó. Noong 1976, nagsimula
siyáng press konsultant sa embahada ng Filipinas sa Tsina, at pagkaraan,
noong 1982 sa Washington D.C. Kasal siyá kay Rosalina Icban at nagka-
roon silá ng apat na anak.

Iginagálang ang husay ni Jose sa pagsulat at pagiging editor sa Ingles.


Ang kaniyang pagsisikap na sumulat nang malinis at epektibo ay ibinuhos
niya sa pagbuo ng stylebook ng Manila Times noong 1960 at ng manwal
sa peryodismo ng Times Journal noong 1973. Ang mga naturang gabay ay
una sa Filipinas at naging sanggunian ng mga peryodista’t editor. Isa rin
siyá sa mga tagapagtatag at naging pangulo ng Asian Institute of Journal-
ism. Namatay siyá noong 18 Hunyo 1986. (GVS)

Servando Castro
(23 Oktubre 1861-6 Disyembre 1946)
Isang delegado sa kumbensiyon ng 1935 Konstitusyon at ikalawang
Obispo Supremo ng Simbahang Independiyente ng Filipinas, isinilang si
Servando Castro (Ser·ván·do Kás·tro) noong 23 Oktubre 1861 sa Batac,
Ilocos Norte kina Celedonio Castro at Lucia Guatlo.

Nagtapos siyá ng pilosopiya at teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas


ngunit sa seminaryo ng Vigan niya tinapos noong 1890 ang teolohiya. Nag-
ing pari siyá sa taón ding iyon at naglingkod na guro sa seminaryo bago
nadestino sa Nueva Segovia. May 12 taón siyáng paring Katoliko. Sumá-
ma si Servando sa Simbahang Independiyente ng Filipinas nang itatag ito
ni Gregorio Aglipay noong 1902. Naging gobernador eklesiyastiko siyá ng
Laguna, sakâ nadestinong Obispo ng Rehiyong Ilocos. Nang maglakbay si
Aglipay sa Estados Unidos noong 1931, nahirang siyáng nanunungkulang
Obispo Supremo.

Noong 1934, nahalal siyáng kinatawan ng Ilocos Norte sa Kumbensiyong


Konstitusyonal. Naging aktibo siyá sa mga usapin hinggil sa edukasyong
pampubliko at sa mga tungkulin ng mamamayan.

Noong Setyembre 1940, pagkamatay ni Aglipay, muli siyáng nanungku-


lang Obispo Supremo. Kumandidato siyá nang ihayag ang eleksiyon para
sa naturang tungkulin, ngunit umatras nang maisip ang kaniyang gulang
na 79 taón. Gayunman, pinarangalan siyáng Obispo Maximo Emeritus y
Decano de los Obispos dahil sa kaniyang matagal at matapat na pagliling-
kod sa simbahan. Namatay siyá noong 6 Disyembre 1946. (GVS)
Levi Celerio
(30 Abril 1910-2 Abril 2002)
Isang pambihirang manunulat ng lirika ng mga awit, tula, at palindromo
si Levi Celerio (Lé·vi Se·lér·yo) kayâ tinaguriang “makata ng musikang
Filipino.” Ang kaniyang mahigit sa 4,000 obra na pumapaksa sa halos
lahat ng aspekto ng buhay ng Filipino ay patunay sa kaniyang sining at
kahusayan bilang isang premyadong lyricist. Iginawad sa kaniya ang
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan at Musika noong 1997.
Ang mga obra ni Celerio ay tumalakay sa masaklaw na mga paksa ng pag-
ibig: “Saan Ka man Naroroon” (Restie Umali), “Lagi Kitang Naaalala” at
“Dahil sa Isang Bulaklak” (Leopoldo Silos), at “Ikaw” (Tony Maiquez);
kalikasan: “Ang Pipit” (R. Alinsod), “Bulaklak at Paru-paro” (S. Suarez),
“Masaganang Kabukiran” (J.Cenizal); at karaniwang bagay: “Batya’t
Palo-palo” (J.Silos Jr.) at “Kalesa” (E. Cuenco). Marami ring awit para
sa pelikula ang kaniyang nilikha na umani ng papuri mula sa mga kritiko:
“Sapagkat Kami’y Tao Lamang” (T. Maiquez); “Diligin mo ng Hamog
ang Uhaw ng Lupa” (E. Cuenco); “Kahit Konting Pagtingin” (Gomez-
Hammond); at “Kapag Puso’y Sinugatan” (T. Maiquez).

Ang isa sa pinakapopular na likha ni Celerio at bahagi na ng tradisyong


Filipino ay ang “Ang Pasko ay Sumapit” (ang musika ay sa isang di
nakilalang Sebwanong kompositor). Bukod sa mga lirika para sa orihinal
na komposisyon, may mga isinalin at naisulat rin si Celerio na para sa
maraming katutubong himig. May nailathala ring dalawang libro si Celerio,
ang Filipino Palindromes, kalipunan ng mga salita o parirala na pabalik
mang basahin ang mga titik ay nanatili ang ispeling, at Take it from Levi,
koleksiyon ng kaniyang mga tula.

Ipinanganak siyá noong 30 Abril 1910 sa Tundo, Maynila kina Cornelio


Cruz at Juliana Celerio. Sa edad na 11, nag-aral siyá ng biyolin sa isang
kagawad ng Philippine Constabulary Band at kalaunan ay naging miyembro Umani ng mga pagkilala at parangal ang prolipikong si Celerio: Humanities
siyá nitó. Napansin siya ni Alexander Lippay at inirekomendang iskolar sa doctorate, honoris causa, Unibersidad ng Pilipinas (1991); Gawad Urian
Academy of Music sa Maynila. Subalit maagang naudlot ang pangarap mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino (1993); Film Academy of the
niyang maging mahusay na violinist nang mapilay ang kamay dahil sa Philippines Lifetime Achievement Award; Gawad CCP para sa Sining.
pagkahulog sa punongkahoy. Si Celerio ay nagkaroon ng 12 anak mula Nakatala rin si Celerio sa Guiness Book of World Records para sa kaniyang
sa apat na naging karelasyon. Namatay si Celerio noong 2 Abril 2002 sa natatanging kakayahan na lumikha ng musika mula sa dahon. (RVR) (ed
edad na 91. GSZ)
Central Luzon State University
Ang Central Luzon State University (Sén·tral Lu·zón Is·téyt
Yu·ni·ver·si·tí) o CLASU ay isa sa bantog na unibersidad ng pamahalaan
na matatagpuan sa Muñoz, Nueva Ecija. Nagsimula ito bilang Central
Luzon Agricultural School sa pamamagitan ng Executive Order No. 10
ng gobernador ng Nueva Ecija James F. Smith noong 12 Abril 1907.
Pangunahing layunin nitó ang pagtuturo ng bagong kaalaman sa agrikultura
para sa pangangailangan ng bukirin sa Gitnang Luzon. Naging kolehiyo
ang paaralan noong 31 Disyembre 1950 sa atas ni Pangulong Elpidio
Quirino. Naging unibersidad ng estado (“state university”) ito sa bisà ng
Republic Act No. 4067 noong 18 Hunyo 1964.

Noong pang itatag ito ay kinilála sa kombinasyon ng gawaing akademiko


at praktikum sa pagtuturo ng agrikultura at sining mekanika. Tinawag itong
“ina ng mga paaralang bokasyonal sa agrikultura” sa buong bansa. Bilang
kolehiyo, ipinagmamalaki nitó ang pagiging unang kolehiyo ng estado
para sa edukasyong pang-agrikultura, inhinyeriyang pang-agrikultura, at
ekonomiyang pantahanan.

Ang CLSU ay may malawak na kampus at umaabot sa 658 ektarya. Narito


ang Carabao Center na itinatag ni Pangulong Joseph Estrada para sa
pagpapalago ng kaalaman tungkol sa kalabaw. Noong 2001, ang CLSU
ang ginamit na Model Agri-Tourism Site for Luzon ng magkasamang
Kagawaran ng Agrikultura at Kagawaran ng Turismo. (VSA)
Centro Escolar University
Ang Centro Escolar University (Sén·tro Es·ko·lár Yu·ni·vér·si·tí) o
CEU ay isang pribadong unibersidad na ang pangunahing kampus ay
matatagpuan sa Lungsod Maynila. Itinatag ito noong 3 Hunyo 1907 nina
Librada Avelino at Carmen de Luna bilang Centro Escolar de Señoritas.
Hangad ng dalawa ang paglago ng isang paaralan para sa lahat ng larang
ng sining at agham, isang paaralan para sa makabayang edukasyon ng mga
babaeng Filipino.

Unang itinatag ang kolehiyo ng parmasya, na sinundan ng sining liberal,


edukasyon, at dentistri. Naging ganap na unibersidad ang CEU noong 1933.
Sa kasalukuyan, kilalá ang CEU para sa kalakasan ng mga programa nitóng
may kinalaman sa kalusugan. Mayroon itong mga kampus sa Mendiola,
Maynila; Malolos, Bulacan; at Gil Puyat at Legazpi Village sa Makati.

Ilan sa mga natatanging nagtapos sa CEU ay sina Concepcion Aguila


(Master of Laws 1926), ang unang babaeng nagkamit ng doktorado sa
Georgetown University; Minerva G. Laudico (Bachelor of Science in Social
Work s. 1930), ang unang kinatawan ng sektor ng kababaihan sa Kongreso
ng Filipinas; Carmen Velasquez (hay-iskul 1931), Pambansang Alagad ng
Agham; at Fidel V. Ramos (hays-ikul 1930), Pangulo ng Filipinas. (PKJ)
ed VSA
Chavacano
Ang Chavacano (Tsa•va•ká•no) o Chabacano ay isang wika sa Zamboanga
at ilang bahagi ng Filipinas na may malakas na halòng Espanyol. Sa buong
Asia, ito ang nag-iisang wikang creole—isang wikang natural na nabuo sa
paghahalò ng mga magulang na wika—na nakabatay sa Espanyol. Ito rin
ang isa sa pinakamatandang wikang creole sa buong mundo; nananatili
itong buháy at malakas pagkatapos ng mahigit apat na dantaon. Ito rin ang
nag-iisang wika na nabuo sa Filipinas na hindi kabilang sa pamilya ng mga
wikang Austronesiano.

Nanggáling ang pangalan ng wika sa salitang Espanyol na “chabacano,”


na nangangahulugang “mababàng kalidad,” “mababàng uri,” o “payak.”
Sa panahon ng Espanyol, itinuturing itong “lenguaje del calle” (wika ng
lansangan) o “lenguaje de cocina” (wika ng kusina) ng mga mamamayang
nagsasalita ng Espanyol (peninsulares, insulares, mestizos, at ilustrados)
bilang pagbubukod nitó sa itinuturing na totoong Espanyol niláng wika.

Mayroong anim na diyalekto ng Chavacano:


• Zamboangueño (o Chabacano de Zamboanga) sa Lungsod
Zamboanga at mga karatig na lugar sa kanlurang Mindanao. Aabot
sa halos 700,000 ang nagsasalita nitó. Ito ang pinakakilaláng uri
ng Chavacano sa kulturang Filipino. Sa katunayan, marami sa mga
taga-Zamboanga ang tinatawag ang sarili bilang “Chavacano.”
• Caviteño (o Chabacano di Nisos at Chabacano de Cavite) sa
Lungsod Cavite. Mahigit-kumulang 200,000 ang nagsasalita nitó.
• Cotabateño (o Chabacano de Cotabato) sa Lungsod Cotabato.
Mahigit-kumulang 20,000 ang nagsasalita nitó.
• Davaoeño (o Castellano Abakay at Chabacano de Davao) sa lungsod
at rehiyong Davao. Mahigit-kumulang 18,000 ang nagsasalita
nitó.
• Ternateño (o Chabacano de Ternate at Bahra) sa bayan ng Ternate, Lungsod Zamboanga
lalawigan ng Cavite. Mahigit-kumulang 7,000 ang nagsasalita
nitó. wika ng mga Aztec) at sari-saring katutubong wika sa Filipinas, tulad
• Ermiteño (o Chabacano de Ermita) sa distrito ng Ermita sa Maynila. ng Tagalog, Hiligaynon, Sebwano, Ilokano, Subanon, at Tausug. Mas
Wala nang nagsasalita nitó. ginagamit ito bilang wikang sinasalita kaysa wikang isinusulat, kung
kaya’t hindi ganoon karami ang panitikang nakasulat sa Chavacano kung
Ang mga wikang Chavacano ay pinaghalòng Espanyol (mula sa Espanya ihahambing sa iba pang pangunahing katutubong wika ng bansa. (PKJ) ed
at mula sa Mexico, na may impluwensiya ng Nahuatl, ang katutubong VSA
Chichay
Si Chichay (Tsí·tsay), o Amparo R. Custodio sa totoong búhay, ay isang
Filipinang komedyante na sumikat dahil sa kaniyang maliit at pandak na
tindig, nakalilibang na boses, at kulang na mga ngipin.

Si Chichay ay isinilang sa Tondo, Maynila noong 21 Enero 1918. Pinasok


niya ang mundo ng show business noong siyá ay tinedyer pa lamang.
Nagsimula siyá bilang mang-aawit ng “Samahang Antonieta” kasáma
ang kaniyang kapatid na si Iluminada. Naging parte din siyá ng mga
bodabil na pagtatanghal bilang mananayaw. Nang siyá ay naging regular
sa bodabil, dito niya nakuha ang kaniyang stage name na Chichay mula
kay Atang de la Rama. Ito ay hinango sa salitang Hapones na “Chiisai” na
nangangahulugang maliit.

Noong 1949, ipanakilála si Chichay bilang contract star ng Sampaguita


Pictures at lumabas sa kaniyang unang pelikula dito na Huwag Ka Nang
Magtampo. Matapos ito, ilan pang pelikula ang kaniyang ginampanan
ngunit mas nakilála siyá nang maging bida siyá katambal si Tolindoy sa
pelikulang Gorio at Tekla. Tumabò sa takilya ang nasabing pelikula na
naging dahilan upang maging popular ang tambalang Chichay at Tolindoy
sa mga pelikula. Hindi rin makakalimutan ang pagganap ni Chichay bilang
mapagprotektang lola sa pelikulang Bondying noong 1954. Matapos ang
mahigit tatlong dekada, kinuha siyá ng Viva Films upang gampanan ang
dáting papel sa muling pagsasapelikula ng Bondying.

Aktibo pa rin si Chichay sa pagganap sa mga pelikula bago siyá pumanaw


noong 31 Mayo 1993. Isa sa mga huling papel na ginampanan niya ay ang
papel ni Lola Basyang sa pelikulang Mga Kuwento ni Lola Basyang ng
Regal Films noong 1986. (MJ) ed VSA
Chinatown
Ang Chinatown (Tsáy·na·tawn) ay tawag sa mga pamayanang Tsino
sa maraming lugar, gaya sa Maynila. Nakasentro ito sa mga distrito ng
Binondo at San Nicolas. Hinango ang pangalang Binondo sa salitâng
Tagalog na “binundok,” na tumutukoy sa dáting maburól na kalupaan ng
lugar. Noong panahon ng Espanyol, isla ang Binondo sa gawing hilaga ng
Ilog Pasig. Dati namang nakatira ang mga Tsino sa Parian (ngayo’y Mehan
Garden); pero sa pagdami nila at ibang dahilang politikal, inilipat sila sa
Binondo noong 1594, sa kautusan ni Gobernador Luis Perez Dasmarinas
bilang permanenteng pamayanan ng mga dayuhang Tsino na nagpabinyag
sa relihiyong Katoliko. Ang tawag ng mga Espanyol sa mga Tsinong ito
ay “sangleys.” Kinikilala rin ito bilang pinakamatandang Chinatown sa
buong mundo.
Kalye Rosario ang pangunahing kalye noon sa Binondo. Tinutumbok nito
ang Plaza Calderon de la Barca at ang matandang Simbahang Binondo na
itinayo noong 1596. Nakahanay ngayon sa Rosario ang pinakamalalaking
bangko sa Filipinas. Sa gawing kaliwa ng Plaza Calderon ang Kalye San
Fernando. Dito itinayo ang Alcaiceria de Binondo, dating lugar ng adwana
at mga tindahan ng pakyaw. Sa kasalukuyan, ang Alcaiceria ay museo at
aklatan.
Nasa púsod ng Chinatown ang Kalye Ongpin. Nakahilera rito ang mga
tindahan ng alahas, talyer ng platero, mga puwesto ng ipinagbibiling
halamang-gamot, prutas, alagang-hayop, panregalo, restoran ng pagkaing
Tsino, at iba pang panindang hindi makikita sa ibang lugar sa Maynila.
Nasa tapat ng kalyeng Ongpin ang Simbahan ng Santa Cruz na itinayo
noong 1608.
Dinarayo rin sa Chinatown ang Templo ng Sampung Libong Buddha at
ang mga pistang Tsino. Isang pagdiriwang ang Bagong Taon ng mga Tsino,
ginaganap sa pagitan ng Enero 21 at Pebrero 19 at tinatampukan ng mga
sayaw-dragon, tula, at handaan. Isa pa ang Pista ng Buwang Agosto na
tinatampukan din ng sayaw, nakaugaliang parada, at eksibisyon ng kung
fu.
Noong dekada 80 nang magkaroon ng krisis pampinansiya sa bansa,
binansagan itong “Binondo Central Bank” dahil malakihang nagpapalit
dito ng dolyar ang mga Tsinong negosyante na siyang nakapagdidikta ng
presyo ng piso sa dolyar. (AMP) (ed GSZ)
Chocolate Hills
Ang Chocolate Hills (Tsó·ko·léyt Hils) ay isang pambihira at kamangha-
manghang likás na pormasyong heolohiko at matatagpuan sa lalawigan
ng Bohol. Binubuo ito ng may 1,268 hanggang 1776 hugis apang burol
na may magkakahawig na anyo at simetrikong agwat sa pagitan ng bawat
isa na waring sinadya. Nasa 30 hanggang 120 metro ang taas ng bawat
burol nito. Ang mga burol ay nababalutan ng damong kulay berde tuwing
tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman kapag panahon ng tagtuyot.
Ang anyo ng mga burol tuwing tag-init ay inihahalintulad sa tanyag na
tsokolateng “Chocolate Kiss” na pinaghalawan ng pangalan nito. Ang
Chocolate Hills ay nasasakop ng tatlong bayan sa Bohol: ang Batuan,
Carmen at Sagbayan. Sinasakop nito ang may 50 kilometro kuwadradong
lawak ng lupain.

May ilang paliwanag tungkol sa pagkabuo ng mga burol na ito. May


nagsasabi na resulta ito ng paggalaw ng bulkan na nasa ilalim ng lupa
o sa mga pagsabog maraming taon na ang nakalilipas. Subalit ayon sa
mga heologo, maaaring nagmula ito sa mga naipong deposito ng coral
limestone na umangat mula sa dagat bunsod ng malawakang pagbabago
ng kalupaan at nahubog ang mga burol mula sa libo-libong taóng erosyon
ng lupa.

Bukod sa mga siyentipikong paliwanag na ito, ipinanganak din ang mga


alamat na nagsasalaysay ng pagkabuo ng mga burol. May nagsasabing
ginawa ito ng mga nilalang na galing sa ibang planeta. Ayon naman sa
kuwento ng matatanda sa lugar, ang mga burol ay nabuo mula sa mga luha
ni Arogo, isang higanteng binata na umibig sa isang mortal na babaeng si
Aloya. Nang mamatay si Aloya, lubos na namighati ang higante at umiyak
nang umiyak, Ang mga pumatak nitong luha sa lupa ang siyang naging
dahilan ng pagtubo ng maliliit na burol.

Ang Chocolate Hills ay idineklara ng National Committee on Geological


Sciences bilang Ikatlong Pambansang Monumentong Heolohiko noong 18
Hunyo 1988, bilang pagkilala sa pambihirang katangian nito, kahalagahan
sa siyentipikong pananaliksik, at potensiyal sa larangan ng turismo. At
dahil dito, ang Chocolate Hills ay nabibilang na rin sa mga protektadong
lugar sa Filipinas. (AMP) (ed GSZ)
Manuel C. Colayco
(29 Mayo 1906-10 Pebrero 1945)
Isang aktibong peryodista sa Ingles at gerilya noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, itinuturing siyáng “bayaning liberasyon” dahil nasabugan ng
granada at namatay hábang nangunguna sa pagsagip sa mga bilanggo sa
Unibersidad ng Santo Tomas.

Ipinanganak si Manuel C. Colayco (Man·wél Si Ko·láy·ko) noong 29


Mayo 1906 sa Lungsod Pasay kina Rufo Colayco at Petrona Carlos. Nag-
aral siyá sa Mabini Elementary School sa Ermita, sa Manila High School
sa Intramuros, at Ateneo de Manila. Sa Ateneo pa lámang ay lumitaw na
ang hilig niyang manunulat. Naging unang editor siyá ng Guidon, ang di-
yaryo ng mga estudyante, at ng anwal na Aegis. Pagkatapos noong 1930,
nagturo siyá sa UST. Naturo din siyá sa ibang paaralan hábang nag-aaral
ng abogasya sa UST na natapos niya noong 1934.

Naging editor siyá ng seksiyong Ingles ng La Defensa at naging unang


editor ng Philippine Commonweal. Noong 1939, nahirang siyang punò ng
delegasyon sa International Eucharistic Congress sa Budapest. Nagbiyahe
din siyá sa Estados Unidos.

Pagsiklab ng digmaang Pasipiko, nagpalista siyá sa hukbo at nagbolun-


taryo sa tanggulan ng Bataan. Nakasáma sa Death March, ngunit pinalaya
ng mga Hapones sa Tarlac.

Kaagad siyáng sumapi sa kilusang gerilya at naging pinunò ng 7th Ma-


nila Unit ng Allied Intelligence Bureau. Naglathala din siyá ng Freedom,
isang diyaryong gerilya. Sa liberasyon ng Maynila, nagboluntaryo siyáng
pinunò ng pangkat ng sundalo para sagipin ang mga bilanggo sa Unibersi-
dad ng Santo Tomas. Pumosisyon siyá sa main gate ng UST at itinuturo sa
mga kasáma ang mga dapat lusubin nang lumagpak sa harap nilá ang isang
granada. Isa siyá sa mga nasawi noong 10 Pebrero 1945. May marker na
pang-alaala sa kaniya ngayon sa Darham Plaza, Lungsod Pasay. (GVS)
Comelec
Ang Commission on Elections (Kom·mís·yon on E·lék·syons), o
pinaikling Comelec (Kom·e·lék) ang opisina ng pamahalaan na naatasang
magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos,
at malayang halalan. Kasáma ang Komisyon sa Awdit at Komisyon sa
Serbisyo Sibil, isa ito sa tatlong komisyong konstitusyonal ng Filipinas.
Ayon sa Saligang Batas ng bansa, ang Comelec ay malaya mula sa mga
sangay Ehekutibo, Legislatibo, at Hudikatura ng pamahalaan.

Bago nagkaroon ng Comelec, ang Kalihim Panloob (Secretary of the


Interior) ng bansa ang nangangasiwa sa mga halalan. Ngunit dahil na rin
sa malapit na ugnayan ng kalihim at Pangulo ng Filipinas, isang bagay
na maaaring makapagpabago sa halalan, nirepaso ang Saligang Batas
noong 1940 upang gumawa ng malayang komisyon na hahawak sa
tungkuling pamahalaan ang eleksiyon ng mga opisyal ng Filipinas. Sina
Pedro Concepcion (tagapangulo), Jose C. Abreu, at Rufino Luna ang mga
nagsilbing unang komisyoner.

Dahil ang mga halalan at kampanya, lalo sa pambansang antas, ay


maituturing ang mga ito na matatagal na pista na sumisigid sa mga
lansangan, pahayagan, radyo, at TV. Malimit laman ng mga balita ang
mga isyu at kontrobersiya sa Comelec. Kahit maliit ang ahensiyang ito
kung ihahambing sa mga kagawaran ng pamahalaan, masasabing bihira
ang mamamayan ng isang lungsod na hindi nakababatid sa pangalan nitó
at sa halaga nitó sa pambansang politika.

Sa kasalukuyan, matatagpuan ang punòng tanggapan ng Comelec sa


Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila. (PKJ)
Mercedes B. Concepcion
(10 Hunyo 1928—)
Pambansang alagad ng Agham, si Mercedes Concepcion (Mer·sé·des
Kon·sep·syón) ang tinaguriang “Ina ng Demograpiya sa Asia.” Kinilála
siyá ng Philippine American Foundation bilang kauna-unahang demograpo
sa Filipinas. Ang kaniyang mga gawa, publikasyon, at pananaliksik ay
nakatulong sa pagpapaunlad ng mga patakaran at paraan sa pagpaplano ng
pamilya sa Asia at ibang panig ng daigdig. Malaki ang naging kontribusyon
niya sa pagsisikap na gawing mas moderno at masinop ang pag-aaral ng
demograpiya sa Filipinas. Iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng
Agham noong 14 Enero 2010.

Siyá ang unang Filipino na naging kagawad ng United Nations Statistical


Training Center noong 1955 at unang direktor ng Population Institute sa
Unibersidad ng Pilipinas na itinatatag noong 1965. Siyá rin ang tanging
naging kinatawan ng bansa sa UN Population Commission at unang
babae sa buong Asia na naging tagapangulo ng International Union for
the Scientific Study of Population. Malaki ang naitulong ni Concepcion
sa pagbabalangkas ng Population Act of 1971. Ang batas na ito ang
nagtakda ng pambansang patakaran sa populasyon at nagbigay direksiyon
sa pagpapatupad ng mga programa para sa pagpaplano ng pamilya.
Pinangunahan din niya ang pagrepaso sa sistemang pang-estadistika ng
Filipinas at nagbigay daan upang itatag ang National Statistical Coordination
Board, National Statistics Office, Bureau of Agricultural Statistics, Bureau
of Labor and Employment Statistics, at Statistical Research and Training
Center.

Si Concepcion ay isinilang noong 10 Hunyo 1928. Nagtapos siyá ng


Batsilyer sa Agham sa Kemistri sa UP noong 1951. Nakatanggap siyá
ng Colombo Plan Fellowship noong 1953 upang makapag-aral sa
University of Sydney ng Biyoestadistika. Natapos niya ang doktorado sa
Demograpiya sa University of Chicago noong 1963. Nagturo si Concepcion
ng estadistika at demograpiya sa UP habang gumaganap ng tungkuling
pang-administrasyon sa Population Institute at iba’t ibang ahensiya ng
UN. Naglilingkod siya ngayon bilang kasapi ng lupon ng Komisyon sa
Populasyon at tagapangulo ng Committee on Population and Housing
Statistics ng NSCB. (SMP) (ed VSA)
Manuel Conde
(9 Oktubre 1915-11 Agosto 1985)
Manuel Pabustan Urbano ang buong pangalan, si Manuel Conde
(Man·wél Kón·de) ay isang aktor, manunulat ng iskrip, direktor, at
prodyuser ng pelikula. Iniangat niya ang kalidad ng pelikulang Filipino
sa pandaigdigang nibel. Natatangi siyá sa kaniyang mga likha na inaliw,
kiniliti, at niliwanagan ang mga manonood habang pinauunlad ang sining
ng paggawa ng pelikula. Tampok na mga katha ni Conde ang Genghis
Khan at seryeng Juan Tamad. Nominado siyáng maging Pambansang
Alagad ng Sining para sa Pelikula noong 2009.

Ang Genghis Khan ang kauna-unahang pelikulang Filipino na ipinamahagi


sa buong mundo ng United Artists. Lahok din ito ng Filipinas sa 1952
Venice Film Festival at doon ay umani ng atensiyon at papuri ng mga
kritiko.

Testimonya sa pagiging auteur ni Conde ang kaniyang seryeng Juan Tamad


na epektibong satira sa lipunan at politikang Filipino. Limang pelikula ang
bumubuo sa seryeng ito: Si Juan Tamad (1947); Juan Daldal: Anak ni
Juan Tamad (1948?); Juan Goes to Congress (1959); Juan Tamad Goes
to Society (1960); at, Juan Tamad at Juan Masipag sa Pulitikang Walang
Hanggan (1963). Si Conde ang direktor, sumulat at gumanap na rin bilang
Juan Tamad.

Sa mga pelikulang Maginoong Takas (1940) at Villa Hermosa (1941), sa


ilalim ng LVN Studio, una niyang inihasa bilang direktor ang talim at lalim
ng kaniyang komedya na malayò at taliwas sa nakagawiang slapstick.
Nagsimula siyáng magdirihe sa pelikulang Sawing Gantingpala (1940) para
sa LVN Picture, nang pumalya si direktor Carlos Vander Tolosa na tapusin
ang pelikula. Tagapanguna rin si Conde sa mga pelikulang aksiyon, gaya
ng Prinsipe Paris (1949) na iprinodyus na niya mismo sa pamamagitan ng
kaniyang itinayông Manuel Conde Productions. Nananatili sa kolektibong
memorya ng manonood na Filipino ang mga isinapelikula niyang mga awit
at korido: Ibong Adarna (1941), Prinsipe Teñoso (1942), at Siete Infantes
de Lara (1950). Ang mga nakaaaliw na Pilipino Kostum, No Touch (1955); at nagkaroon silá ng pitóng anak. Nag-aral siyá sa Adamson University
Ikaw Kasi (1955); Handang Matodas (1956); at Bahala Na (1956). ng kursong heolohiya at nagtrabaho sa kompanya sa pagmimina. Marahil
isang laro ng tadhana o sadyang angkop lámang na isang minerong naging
Ipinanganak siyá noong 9 Oktubre 1915 sa Daet, Camarines Sur kina direktor ang maglinang ng mga ituturing na diyamante sa pinilakang-
Dionisio Urbano at Lucia Pabustan. Napangasawa niya si Julita Salayan tabing. (RVR) (ed GSZ)
Tomas Confesor
(2 Marso 1891-6 Hunyo 1951)
Si Tomás Confesór ay politiko, mambabatas, lider ng mga gerilya, at
patriyota. Nagsulong siyá ng mga batas para sa mga magsasaka at naging
mahalagang tinig laban sa nagaganap na anomalya sa pamahalaan.
Ipinagtanggol niya ang Iloilo sa pananakop ng mga Hapon.
Isinilang siyá 2 Marso 1891sa Cabatuan, Iloilo kina Julian Confesor at
Prospera Valenzuela. Nag-aral siyá sa Iloilo High School noong 1908.
Nagpunta siyá sa Estados Unidos at namasukan bilang janitor upang
matustusan ang sarili para sa kolehiyo. Nakatapos siyá ng mga batsilyer
sa Komersiyo sa University of California at Pilosopiya ng Ekonomiya sa
University of Chicago.
Nang magbalik sa bansa, itinalaga siyá ng mga awtoridad na Amerikano
bilang school supervisor sa Jaro, Iloilo. Noong 1922 naging kinatawan
siya ng ikatlong distrito ng Iloilo sa Philippine Assembly. Kilalá siyá sa
kaniyang pagpuna sa nagaganap na anomalya sa administrasyon. Dahil
dito, nakuha niya ang tiwala ng mga Ilonggo at muling nahalal sa puwesto.
Bilang mambabatas, naging isponsor siyá ng Act 3425 o ang Cooperatives
Marketing Law na naglalayong payabungin ang kooperatiba sa Filipinas,
partikular ang kooperatiba ng mga magsasaka.
Noong 1933, itinalaga siyá ni Gob. Hen. Theodore Roosevelt Jr bilang unang
Filipino na direktor ng komersiyo. Sa administrasyon ni Presidente Manuel
Quezon, ginawa siyáng pinunò ng National Cooperatives Administration.
Pinasimulan niya ang pagbuo ng mga grupong tutulong sa pinansiya ng
mga magsasaka upang hindi umasa ang mga ito sa mapagmalabis na mga
negosyante at usurero.
Nasa ikalawang termino siya bilang gobernador ng Iloilo nang sumiklab
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hinikayat siyáng magsilbi sa
gobyernong papet ngunit tinanggihan niya ito. Umalis siyá sa Maynila at
bumalik sa kaniyang bayan. Bumuo siya ng isang lihim na kilusan laban
sa mga Hapon at naging lider ng mga gerilya.
Pinarangalan siya ni Presidente Sergio Osmeña ng legion of honor,
degree of commander noong 1945 dahil sa kaniyang kabayanihan noong
digmaan. Nang maibalik ang kaayusan sa bansa, ginawa siyang Kalihim
Panloob noong 8 Abril 1945. Nahalal din siyá bilang senador noong 1946.
Sa kasamaang palad, hindi niya natapos ang kaniyang termino dahil sa
atake sa puso noong 6 Hunyo 1951. (KLL)
Cordillera Administrative Region (CAR)
Ang pangalang “Cordillera” ay gáling sa salitâng Espanyol na cuerda na
may kahulugang “tanikala.” Ang Kabundukang Cordillera ay tila tanikala
ng mga bundok at kayâ tinaguriang “spinal cord” o gulugod ng Hilagang
Luzon.
Noong 15 Hulyo 1987, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Atas
ng Pangulo Blg. 220 na lumilikha sa Cordillera Administrative Region
(Kor·dil·yé·ra Ad·mi·nís·tra·tív Rí·dyon) o CAR mula sa tinatawag noong
mga Lalawigang Bulubundukin sa Kabundukang Cordillera. Binubuo ito
ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isináma ang
Abra. Bahagi ito ng programa sa pagbibigay ng awtonomiyang political sa
rehiyon at sagot sa kahilingan ng rebeldeng Cordillera People’s Liberation
Army. Noong 14 Pebrero 1995, ang Kalinga-Apayao ay pinaghiwalay
bilang dalawang lalawigan.
Ang probinsiya ng Benguet ang kabisera ng CAR. Dito matatagpuan ang
Lungsod Baguio, ang tinaguriang Summer Capital of the Philippines, at
La Trinidad na mga sentrong pang-industriya ng rehiyon. Ang CAR ay
binubuo ng mga kulturang katutubo na pangkalahatang tinatawag na Igorot.
Ang malalaking grupo ng kulturang Igorot ay ang mga sumusunod: Ibaloy
(Benguet), Kankanaey (Mountain Province at ilang bahagi ng Benguet),
Isneg (Apayao), Tinggian (Abra), Ifugaw (Ifugao) at Kalinga (Kalinga). Ito
rin ang mga pangalan ng kanilang mga katutubong wika. Ipinagmamalaki
ng mga ito ang kanilang tradisyonal na kultura, lalo na ang mga kasuotan,
sayaw, panitikang-bayan, awit, at instrumento pangmusika.
Sagana ang rehiyon sa mga reserbang minahan, bagaman nakasentro ang
pagmimina sa Benguet. Nawala halos ang kahoy dahil sa malaganap na
kaingin. Apektado ng pangyayaring ito ang malakas at tradisyonal na sining
na paglililok sa kahoy. Malakas ang produksiyon ng gulay sa Benguet,
pagsasaka ng palay sa Ifugaw at Abra, at mais sa Mountain Province at
Kalinga.
Malakas ang turismo sa rehiyon. Pangunahing pang-akit ng pandaigdigang
turismo ang mga payyo, lalo na ang nása Banaue at deklaradong UNESCO pinakamataas sa buong bansa. Kabílang sa mga pistang dinadayo ng turista
World Heritage Site. Mga likás na atraksiyon ang Yungib Sumaguing ang Panagbenga o Bauio Flower Festival tuwing Pebrero, ang Adivay
ng Sagada at mga yungib ng mummies sa Benguet at Mt. Povince. Mga ng Benguet tuwing Nobyembre na isang peryang agro-industriyal, ang
Pambansang Parke ang Burol Cassamata, Bundok Data, Balbalsang- Ullalim tuwing Pebrero 14 na pagdiriwang sa anibersaryo ng pagkatatag
Balbasan, at Bundok Pulag na pinakamataas sa Luzon at ikalawa sa ng Kalinga. (PGD)
Corón
Ang Corón ay isang popular na pook bakasyunan sa hilagang Palawan.
Sinasakop nitó ang silangang bahagi ng isla ng Busuanga, ang kabuuan
ng karatig na isla ng Coron, at 50 maliliit na pulo. Bahagi ang mga islang
ito ng Kapuluang Calamian, ang bahagi ng Palawan na pinakamalapit sa
Mindoro. Binubuo ang bayan ng 23 barangay.

Tanyag ang Coron bilang isang pook sisiran (dive spot), at dinadayo
ng mga scuba diver at snorkeler mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Pinangalanan ito ng Forbes Traveler Magazine bilang isa sa sampung
pinakamagandang scuba diving site sa buong mundo. May masisisid
na isang dosenang lumubog na sasakyang pandigma ng mga Hapon sa
dagat ng Coron at mga karatig na bayan. Malinis at malinaw ang tubig;
sa katunayan, matatagpuan dito ang sinasabing pinakamalinis na lawa sa
Filipinas ay maaaring sa buong Asia, ang Lawa ng Kayangan. Bukod sa
tubig, dinadayo din ang magagandang beach at yungib ng Coron. Maaari
ding galugarin ang gubat ng bakawan, mag-trek sa kagubatan, sumakay ng
kabayo, at mag-camping. (PKJ) ed VSA
Onofre D. Corpuz
(1 Disyembre 1926—)
Pambansang Alagad ng Agham, kinikilála si Onofre D. Corpuz (O·nóf·re
Di Kór·pus) sa kaniyang makabuluhang ambag sa larangan ng ekonomiyang
pampolitika, historyograpiya, agham panlipunan, at at pampublikong
pamamahala. Siyá ang may-akda ng librong An Economic History of the
Philippines na naging batayang sanggunian sa pag-aaral ng ebolusyon ng
ekonomiya ng bansa at pag-usbong ng makabagong lipunang Filipino.
Nagsilbi si Corpuz bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at pangulo
ng Unibersidad ng Pilipinas. Dahil sa lalim ng impluwensiya niya sa
larangan ng agham panlipunan at pag-aaral ng kasaysayan ng Filipinas,
iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist)
noong 2004.

Kabilang sa kaniyang natatanging mga akda ang The Roots of Filipino


Nation, Saga and Triumph: The Filipino Revolution Against Spain, The
Events of 1872, at ang The Bureaucracy in the Philippines: Studies in
Public Administration. Ang mga sulating ito ay nagpalawak ng kaalaman
ng mga Filipino at nagpalalim sa pag-unawa ng kakayahan ng Filipinas
bilang nagsasariling lipunan.

Bilang administrador sa Kagawaran ng Edukasyon at sa UP, nag-ambag


din si Corpuz sa pagpapaunlad ng pampublikong pamamahala. Sa ilalim ng
kaniyang pamamahala, itinalaga ang UP Manila at UP Visayas bilang mga
nagsasariling yunit. Naitatag rin sa panahon ng kaniyang panunungkulan
ang Asian Institute of Tourism, Third World Studies Center, Creative
Writing Center, National Engineering Center, UP Extension Program in
San Fernando, at ang National Center for Transportation Studies.

Isinilang si Corpuz noong 1 Disyembre 1926 sa Camiling, Tarlac. Nagtapos


siyá ng Batsilyer sa Arte sa UP noong 1950 at Master sa Arte sa University
of Illinois noong 1953. Nag-aral siyá ng Master sa Pampublikong
Pangangasiwa sa Harvard University at nakapagtapos noong 1955. Sa
Harvard niya rin tinapos ang doktorado sa Ekonomiyang Pampolitika
at Pamamahala noong 1956. Ginawaran siya ng doktorado ng Royal
Chulalongkorn University (honoris causa) noong 1976 at Doktorado sa
Batas (honoris causa) sa UP Diliman noong 27 Enero 2004. (SMP) (ed
VSA)
Corregidor
Ang Corregidor (Ko·re·hi·dór) ay isang makasaysayang isla sa bukana
ng Look Maynila, sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon. Sakop ito ng
Lungsod Cavite. May habà itong 6.5 km, lapad na 2.0 km, at lawak na
mahigit-kumulang 900 ektarya. Nahahati ito sa apat na bahagi, ang
Topside, Middleside, Bottomside, at Tailside. Gáling ang pangalan ng
pulo sa salitang Espanyol na corregir, na nangangahulugang “iwasto.”
Binansagan din itong “The Rock” (“Ang Bato”) dahil sa mabatong lupain
at matitibay na portipikasyon.

Naging mahalaga ang isla sa kasaysayan dahil sa lokasyon nitó bilang


bantay ng pangunahing look at daungan ng Filipinas at ng kabisera ng
bansa. Ginawa itong moog na armado ng mga kanyon at malalaking
baril bilang proteksiyon laban sa mga katunggaling sasakyang pandigma.
Naging bantog ang Corregidor sa buong mundo noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ito ang naging huling tanggulan ng mga Filipino
at Amerikano sa Luzon laban sa mga Hapon at naging pansamantalang
tahanan ng Pamahalaan ng Komonwelt ng Filipinas. Ang Labanan sa
Corregidor (Mayo 1942) ang hulíng organisadong laban ng USAFFE
bago ito sumuko sa mga Hapon. Namutawi ang pangalan ng isla sa mga
islogang pandigma (“Remember Bataan and Corregidor!”). Nabawi ang
pulo mula sa mga Hapon pagkatapos ng ikalawang Labanan sa Corregidor
(Pebrero 1945).

Ngunit bago pa man ang WWII, naging mahalaga na ang Corregidor


sa mga labanan para sa hinaharap ng Maynila at ng buong kapuluang
Filipinas. Ginamit ito bilang pook pansuporta ng mga barkong Espanyol
para sa kampanya ni Miguel Lopez de Legazpi upang makuha ang lumang
kaharian ng Maynila. Sa pamahalaang Espanyol, nagsilbi itong moog, hulíng tanggulan ng USAFFE sa isla, na ngayon ay nagtatampok ng isang
kulungan, at estasyon ng Adwana. Sa gitna ng Corregidor at Mariveles, obra ng direktor at Pambansang Alagad ng Sining na si Lamberto V. Avellana.
Bataan, umangkla ang mga sasakyang pandigma ni Limahong, ang piratang Ang Corregidor ang isa sa pinakamahalagang pook pangkasaysayan at
Tsino na sumalakay sa Maynila. Nakubkob din ang isla pansamantala ng panturista ng bansa.
mga Olandes at Briton. Naging saksi ang isla sa labanan ng mga Espanyol
at ng mga Amerikano noong 1898. Ang Corregidor ang pinakamalaki sa mga islang nagbabantay sa bukana
ng Look Maynila, kasáma ang Caballo, Carabao, at El Fraile. Bahagi
Sa kasalukuyan, matatagpuan sa mga guho ng Corregidor ang ilang ang Corregidor at Caballo ng mga labí ng isang bunganga ng bulkan,
memoryal at pananda sa kabayanihan ng mga mandirigmang Filipino at ang Kaldera ng Corregidor. Sinasabi ng PHIVOLCS na maaari pa ring
Amerikano noong WWII. Kabilang sa mga ito ang Malinta Tunnel, ang sumabog ang bulkang ito. (PKJ) ed VSA
Cortés
Ang Cortés o Cortes Generales ang batasan ng Espanya. Binubuo ito
ng dalawang kapulungan: ang Congreso de los Diputados na mababàng
kapulungan at Senado de España na mataas na kapulungan. Mayroon
itong kapangyarihang gumawa ng batas at baguhin ang konstitusyon. May
kapangyarihan ang mababàng kapulungan na kumpirmahin o alisin sa
puwesto ang Punòng Ministro.
Nagsimula ang sistema ng Cortes noong Edad Medya bilang bahagi ng
feudalismo. Naging tagapayo ito ng hari at binubuo ng mga panginoong
malalapit sa kaniya. Ang Cortes ng Leon noong 1188 AD ang unang
parlamentong grupo sa Europa. May kapangyarihan ang hari na buuin at
buwagin ang Cortes ngunit mas napapasailalim siyá sa kapangyarihan ng
Cortes dahil hawak nitó ang hukbo at salapi ng kaharian. Noong siglo 12,
naging makapangyarihan ang negosyo ng mga burgesya o panggitnang uri
kayâ ginawa siláng kinatawan ng mga lungsod sa Cortes upang makakuha
ng salapi para maipagpatuloy ng monarka ang Reconquista o pananakop.
Dahil dito, mas lumakas ang kapangyarihan ng Cortes na salungatin ang
mga desisyon ng hari.
Noong siglo 15, ginawang makapangyarihan muli nina Isabella I ng Castilla
at Fernando II ng Aragon ang monarka. Noong panahon ng imperyalismo,
bagaman naging sunod-sunuran ang Cortes sa mga desisyon ng hari, hawak
pa rin nitó ang kapangyarihan ng pananalapi. Naitatag ang Cadiz Cortes
bilang gobyernong destiyero nang sakupin ni Napoleon Bonaparte ng
Pransiya ang Espanya noong Digmaang Peninsular mula 1808 hanggang
1814. Matapos patalsikin ang monarkiya noong 1873, nagkaroon ng
Restorasyon noong 1874. Naging monarkiyang konstitusyunal ang
Espanya at naging sunod-sunuran ang hari sa Cortes.
Noong 1810, pinahintulutan ng pamahalaang Espanya ang Filipinas na
magkaroon ng upuan sa Cortes. Sa ilalim ng Cadiz Cortes, naging kaugalian
na ang magkaroon ng representasyon ng Filipinas dito. Sina Pedro Perez
de Tagle at Dr. Jose Manuel Couto ang naging kinatawan ng Filipinas sa
Cortes noong 1810. Si Don Ventura de los Reyes, isang insular, naman ay Retrato ni Don Ventura de los Reyes
naging kinatawan noong 1811. Isa siyá sa mga pumirma ng Konstitusyong
Cadiz ng 1812 na nagwakas ng Kalakalang Galeon at ng malupit na representasyon at idineklarang magkakaroon ng espesyal na batas ang mga
pamamalakad nitó sa Filipinas noong 14 Setyembre 1813. Tatlong beses kolonya ng Espanya. Ang nawalang representasyon ang ipinaglaban ng
nairepresenta ang Filipinas sa Cortes noong 1810-1813, 1820-1823, at grupong La Solidaridad sa Espanya simula noong 13 Disyembre 1888.
1833-1837. Subalit noong 1837, sa ilalim ng Liberal Cortes, inalis ang (KLL)
Rafaél Cráme
(2 Oktubre 1863-1 Enero 1927)
Si Rafaél Cráme ang unang Filipino na namunò ng kapulisan ng bansa,
na tinatawag noong Philippine Constabulary (Hukbong Kostabularya
ng Filipinas). Ipinangalan sa kaniya ang Kampo Crame na nagsisilbing
tahanan sa kasalukuyan ng Philippine National Police (PNP, Pambansang
Pulisya ng Filipinas).

Pagkaraang magtapos sa akademya militar ng Espanya, naglingkod siyá


sa Negociado de Contrebucion Territorial bago pumasok bilang opisyal
sa Administracion de Hacienda Publica. Noong Himagsikang Filipino,
naglingkod si Crame sa batalyon ng mga boluntaryong inorganisa ng
hukbong Espanyol bilang private, corporal, at sarhento mula 1896
hanggang 1898. Tumaas siyá hanggang ranggo ng kapitan. Nang binalasa
ang kapulisan ng Maynila, isa siyá sa sandosenang opisyal na nawalan ng
trabaho; apat na kapitan lamang ang itinira ng pamahalaang kolonyal.

Nang binuo ng mga Amerikano ang Philippine Constabulary (PC) noong


1902, inanyayahan ng isang Kapitan Alkinson si Crame na sumapi.
Nagsimula siyá sa ranggong fourth-class inspector ngunit mabilis na
umakyat bilang tenyente noong 1903, kapitan noong 1905, tenyente koronel
at katuwang na direktor noong 1907, at ganap na koronel at katuwang
na pinunò noong 1914. Noong Disyembre 1917, gumawa si Crame nang
kasaysayan nang hirangin siyá bilang pinunò ng kostabularya. Nagkamit
din siyá ng ranggong brigadier general. Nakilala si Crame sa buong bansa
dahil sa kaniyang mahusay na pamumunò ng PC. Isa sa mga nagpatingkad
ng kaniyang karera bilang lider ng pulisya ay ang matagumpay na kampanya
laban sa mga samahang kriminal sa mga lalawigan at tulong sa pagsupil ng
isang pag-aaklas sa Maynila noong 1921.

Isinilang siyá sa Malabon noong 2 Oktubre 1863 kina Rafael Ma. de


Crame y Gonzales Calderon, isang opisyal sa artileriya ng hukbong
Espanyol sa Filipinas, at Maria Perez de Tagle. Pumasok siyá sa Ateneo
Municipal de Manila bago mag-aral sa akademya militar ng Espanya mula ng hukbong sandatahan ng Filipinas. Isa sa mga sangay nitó ang dating
1879 hanggang 1881. Tatlong beses siyáng nagpakasal. Pumanaw siyá Philippine Constabulary. Ang lupain ang nagsilbing pook ng kasalukuyang
noong 1 Enero 1927 at inilibing sa Sementeryong La Loma sa Maynila. Kampo Aguinaldo (dating Kampo Murphy) at Kampo Crame, na siyáng
Noong 1935, bumili ang pamahalaan ng lupa sa New Manila Heights ipinangalan bilang pagkilála sa unang Filipinong namunò ng kapulisan.
(na magiging bahagi ng Lungsod Quezon sa hinaharap), at pagkaraan ng Noong 2003, inilipat ang kaniyang mga labí mula sa La Loma at inilagak
ilang taon ay naging tahanan ito ng mga gusali at pasilidad ng mga sangay sa Libingan ng mga Bayani sa Lungsod Taguig. (PKJ) ed VSA
criollo
Sa pangkalahatan, tinatawag na criollo (kri·ól·yo) ang isang tao na may
mga magulang na purong dugong Espanyol ngunit isinilang sa isa sa mga
kolonya ng Espanya. Tinatawag din siyang insulár o isinilang sa kolonya
at upang maibukod sa peninsulár na isinilang sa peninsula ng Iberia (ang
isang tawag sa Espanya). Bilang isang grupo, ang criollos o insuláres ay
itinuturing na higit na mababàng saray kaysa peninsulares.
Gayunman, binubuo ng mga criollo ang kalakhan ng makapangyarihang
aristokrasya ng Filipinas sa panahon ng Espanyol. Silá ang may hawak
ng karamihan sa mga posisyon sa pamahalaan at Simbahan, maliban
sa pinakamatataas na mga puwesto (tulad ng Gobernador-Heneral at
Arsobispo ng Maynila) na kailangang hawak ng mga peninsular na
pinadadala mulang Espanya. Nasa ilalim ng peninsulares at insulares ang
mga mestisong Espanyol, mga Tsino at Tsinong mestiso, at pinakamababà
ang mga Indio o mga purong katutubo.
Hindi maiiwasang magkaroon ng hidwaan kahit sa dalawang pang-itaas
na saray ng lipunang kolonyal. Sinasabing ang taguring ”Filipino” ay
unang ginamit para sa insulares, at sa kanila nag-ugat ang nasyonalismo at
kamalayang Filipino. Tatlong halimbawa ng mga criollo na nakipaglaban
para sa karapatan ng mga ”Filipino” ay sina Luis Rodriguez Varela, Andres
Novales, at Pedro Pelaez. Noong simula ng ika-19 siglo, inilimbag ni Varela
ang ilang aklat na nagsusulong ng pagbabago sa lipunan ng Filipinas.
Isa siyáng ilustrado na nag-aral sa liberal na Pransiya. Ginawa siyáng
kabalyero ni Haring Carlos III, at tinawag niya ang sarili bilang ”El Conde
Filipino.” Noong 1823, isang pag-aalsa ng mga insular, sa pamumunò
ni Novales, ang dinulot ng isang utos mula Espanya na nagsasaad ng
mas matataas na ranggo ng mga peninsular kaysa insular. Ipinatápon ng
pamahalaang kolonyal sina Novales at ilang insular. Kasáma sa ipinatápon
si Varela. Sinundan ito ng tinaguriang Sabwatang Palmero ng mga criollo
na nagdulot ng pagpalit ng mga peninsular sa mga insular na opisyal na Si Juan Crisostomo Ibarra ng Noli me tangere
tulad ng mga gobernador ng lalawigan. Guhit ni Alfredo D. Esquillo Jr.

Dahil naman sa paghinà ng kapangyarihan ng mga prayle sa Espanya, Si Juan Crisostomo Ibarra, mula sa nobelang Noli me tangere ni Jose
pumunta ang marami sa Filipinas at nagsimulang palitan sa puwesto ang Rizal, ang pinakatanyag na insular sa panitikan ng Filipinas. Tinalakay
mga paring insular, mestiso, at Indio. Nagprotesta dito si Pelaez, isang ng Pambansang Alagad ng Sining na si Nick Joaquin (nagsusulat bilang
criollo na nagsusulong ng sekularisasyon ng kaparian. Namatay sa isang Quijano de Manila) ang lugar ng insulares sa kasaysayan ng bansa sa
lindol si Pelaez. Ipinagpatuloy ng kaniyang disipulong si Jose Burgos, kaniyang sanaysay na “Why was the Rizal Hero a Creole?: In Ibarra &
sangkatlo ng martir na Gomburza, ang labang ito. Simoun Flash the Two Phases of the Other, Earlier Philippine Revolution.”
(PKJ)
Mena Pecson Crisologo
(11 Nobyembre 1844-5 Hulyo 1927)
Si Mena Pecson Crisologo (Mé·na Pek·són Kri·só·lo·gó) ay isang bantog
na manunulat sa wikang Iluko at naglingkod na gobernador. Isa siyá sa
mga pinakatanyag na anak ng rehiyong Ilocos.

Sa larang ng politika, kinatawan ni Crisologo ang Ilocos Sur sa Kongresong


Malolos noong 1898 at isa sa mga lumagda sa saligang-batas. Sa panahon
ng Amerikano, siyá ang nagsilbing unang gobernador ng Ilocos Sur noong
1901. Kabilang siyá sa mga gobernador na ipinadalá ng pamahalaan sa
International Exposition sa St. Louis, Missouri noong 1904.

Sa larang ng panitikan, sinulat ni Crisologo ang Mining wenno Ayat ti


Kararwa, na inihahambing ng ilan sa Noli me Tangere ni Jose Rizal;
ang Nagtacneng a Panagsalisal, na inihahambing naman sa Florante
at Laura ni Francisco Balagtas; isang salin sa Iluko ng Don Quixote; at
isang sarsuwelang pinamagatang Codigo Municipal. Ang kaniyang mga
tula, komedya, at sarsuwela ay itinatanghal noon sa mga pista sa Vigan.
Pagkatapos manungkulan bilang gobernador, malaki ang iniambag niya
sa paglago ng wika at panitikang Iluko. Sinimulan niya ang bersiyong
Iluko ng balagtasan, at nag-organisa ng mga orkestra at bánda sa kaniyang
lalawigan.

Isinilang siyá noong 11 Nobyembre 1844 sa Vigan, Ilocos Sur kina


Januario Crisologo at Eusebia Pecson. Nagkamit siyá ng digri sa batas sibil
at kanon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagkaroon siyá ng isang anak
sa asawang si Felipa Florentino, na siyáng kapatid ng makatang si Leona
Florentino. Pumanaw siyá noong 5 Hulyo 1927. Sa kaniya nakapangalan
ang makasaysayang Calle Crisologo sa Vigan, isang antigong daan na
pinaliligiran ng mga gusali mula pa sa panahon ng Espanyol at ngayon ay
tanyag sa mga turista. (PKJ)
Valente Cristobal
(21 Mayo 1875-1 Nobyembre 1945)
Si Valente Cristobal (Va·lén·te Kris·tó·bal) ay isang mandudula at politiko
sa Iloilo. Isa siyáng Tagalog ngunit nagtagumpay na manunulat at director
ng sarsuwelang Ilonggo.
Isinilang siyá noong 21 Mayo 1875 sa Polo, Bulacan kina Timoteo
Cristobal, isang barbero, at Gregoria Perez, isang manghahabi. Nang siyá
ay edad 12, nagpunta siyá ng Maynila sa paniwalang ang isang kaibigan
ng pamilya na sumagot sa kaniyang pamasahe ay papag-aralin siyá. Sa
kasamaang palad, nauwi siyá bilang kasambahay ng naturang pamilya.
Matapos ang dalawang taóng paninilbihan, umalis siyá at sumubok ng
iba’t ibang trabaho: tagapintura, karpintero, sastre, at iba pa. Lumipat siyá
sa Iloilo at napangasawa si Micaela Hormigon. Namasukan siyá doon sa
Hoskyn and Company, ang pinakamalaking department store sa lugar.
Naging tahor din siyá ng sabungan nang tatlong taón. Nagsilbi siya nang
dalawang termino bilang konsehal ng Iloilo.
Nakasulat siya ng 32 dula. Naging matagumpay ang kaniyang unang dulang
Ang Capitan noong 1903, tungkol sa isang babaeng piniling pakasalan ang
isang kapitan kaysa isang Tsino. Sinundan ito ng serye ng mga dula: Ang
mga Viciohan, tungkol sa mga sugarol at manginginom na nakulong; si
Platon (1904), tungkol sa amang gumagamit ng opyo na minamanipula
ng utusan; Madaya (1904), tungkol kay Martin na nagpanggap bilang si
Vicente para mapakasalan ang nobya nitó; Calipay Sang Panday (1906),
tungkol sa búhay at simpleng kaligayahan ng isang karpintero pagkatapos
ng trabaho; Juan Te (1907), tungkol sa panaghoy ng isang may-ari ng
isang tindahan dahil ang mga kapitbahay niya ay bumibili sa mga tindahan
ng mga Tsino sa halip na sa kaniya; Nating (1908), ang pinakapopular Pagtatanghal ng Kolintas nga Bulawan noong 1935
niyang sarsuwela tungkol sa isang babae na dinukot ng isang bandido na
ama pala nitó; Maimon nga Amay (1908), tungkol sa tatlong manliligaw ni isang drayber na nawawalan ng trabaho tuwing tumutulong siyá sa mga
Antonina na nagpanggap bilang kasambahay, tagaluto, at guro ng musika táong nangangailangan, at nagantimpalaan sa bandáng huli; Ma, Pa, Ta
upang maiwasan ang estrikto at selosong ama niya; Ang Lalang ni Tarcila (1927), tungkol sa isang estudyante na inutusang umuwi na lámang sa
(1910), tungkol sa plano ni Tarcila na makakuha ng pamasahe mula sa kanila dahil siya ay Ma, Pa, Ta: malalison, palahigda, at tahor; at Kolintas
kaniyang tatlong manliligaw; Asawa Balaye (1910), tungkol sa nagpakasal nga Bulawan (1930), tungkol sa isang lalaki na inakusahan ang kaniyang
na biyuda at biyudo na itinatago ang sari-sariling anak sa isa’t isa; Ang asawa ng impidelidad.
Tuburan sang Himaya (1911), tungkol sa isang babaeng minamaltrato
ng asawa at ng isang inang minamaltrato naman ng kaniyang anak; Si Siyá ang naging direktor at prodyuser ng kaniyang mga dula. Itinanghal
Salvador (1912), tungkol sa pag-ibig at karahasan sa mga kargador, ang mga ito sa iba’t ibang tanghalan sa Iloilo at Negros gaya ng Teatro
pasahero at tindero sa daungan ng Iloilo; Bulac nga Guinlimot (1918), Ilongo, Teatro Oriental, Teatro Malhabour, Iloilo Opera House, Teatro
tungkol sa paghihiganti ng isang babae; Mainaua-on (1922), tungkol sa Laurente. Yumao si Valente noong 1 Nobyembre 1945. (KLL)
Lourdes J. Cruz
(19 Mayo 1942—)
Pambansang Alagad ng Agham, si Lourdes J. Cruz (Lúr·des Jey Kruz) ang
natatanging dalubhasa ng Filipinas sa pag-aaral ng nakalalasong peptides
mula sa mga susông dagat. Ang kaniyang pananaliksik ay nagbunga sa
pagkakatuklas ng 50 bagong uri ng peptides ng susong Conus geographus
na matatagpuan sa karagatan ng Filipinas. Pinangunahan niya ang
pagpapaunlad ng conotoxins na ginagamit ngayon bilang biyokemikal na
instrumento sa pagsusuri ng utak. Malaki din ang naging kontribusyon ni
Cruz sa pag-aaral ng epekto ng nakapaparalisang lason mula sa tahong at
ang paggamit ng mga organismo sa dagat upang labanan ang tuberkulosis.
Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong Nobyembre
2006.

Nagsimulang pag-aralan ni Cruz ang kamandag ng susong Conus


geographus noong kalagitnaan ng dekada 1970. Natuklasan ni Cruz na
ang kamandag ng susô ay nagtataglay ng maraming uri ng peptides na
nagdudulot ng sari-saring epekto sa kilos ng utak. Napapakinabangan
ngayon ang mga natuklasan ni Cruz sa medisina lalo na sa larangan ng
neuromedicine. Hindi siyá nakontento sa apat na sulok ng laboratoryo.
Noong 2001, itinatag niya ang Rural Livelihood Incubator (Rural LINC)
sa Morong, Bataan. Nilalayon ng kaniyang organisasyon na masawata
ang laganap na kahirapan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagbibigay
ng edukasyon, kabuhayan, at pangangalaga ng kalikasan. Nagbigay siyá
ng pagsasanay sa mga komunidad ng katutubong Ita upang maiangat ang
kalidad ng kanilang pamumuhay. Maningning na halimbawa si Cruz ng
isang siyentistang may malaking malasakit sa kapuwa.

Isinilang si Cruz noong 19 Mayo 1942 sa Tanza, Cavite. Nagtapos siyá ng


Batsilyer sa Agham ng Kemistri noong 1962 sa Unibersidad ng Pilipinas sa
Diliman. Nagtungo siyá Estados Unidos upang magpatuloy ng pag-aaral at
natapos niya ang master sa agham (1966) at doktorado sa biyokimika (1968)
sa University of Iowa. Nagsilbing mananaliksik si Cruz sa International
Rice Research Institute at propesor sa biyokimika. Pinamunuan niya ang
Departamento ng Biyokimika at Biolohiyang Molekular ng UP. Siyá
ay hinirang na Outstanding Young Scientist noong 1981 at Outstanding
ASEAN Scientist and Technologist noong 2001. (SMP) (ed VSA)
Ernani Joson Cuenco
(10 Mayo 1936-11 Hunyo 1988)
Si Ernani Joson Cuenco (Er·ná·ni Hó·son Ku·wéng·ko) ay kinilalang
Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1999. Isa siyang kompositor
at propesor ng musika, at naging tanyag at premyado sa kaniyang mga
komposisyon para sa pelikula.

Bahagi na ng kasaysayan ng musikang Filipino at ng popular at


kolektibong kamalayan ang marami sa kaniyang mga piyesa. Kabilang
dito ang “Bato sa Buhangin” (1976); “Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw
na Lupa” (1975); “Ang Bakya Mo Neneng” (1977); “Ang Babaeng
Pinagtaksilan ng Panahon” (1980), “Gaano Ko ikaw Kamahal” (1979).
Ang mga awiting ito ay kinilala ng mga samahang pampelikula gaya ng
Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) at ng Urian.

Napatanyag din si Cuenco sa daigdig ng pelikula. Ang unang gawad na


nakamit niya para sa musical scoring sa pelikulang El Vibora noong 1972
ay nasundan ng marami pang pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival,
FAMAS, Urian, at Aliw. Batikang manunugtog din si Cuenco. Mula
1960 hanggang 1968 ay naging biyolonselista siya ng Manila Symphony
Orchestra sa baton ni Dr. Herbert Zipper, at mula 1966 hanggang 1970, ng
Manila Chamber Soloist na inorganisa nina Prop. Oscar Yatco at Basilio
Manalo. Nagtanghal din siya sa mga konsiyerto sa Estados Unidos at Japan.

Ang kaniyang mga magulang na sina Felix Cuenco ng Calumpit, Bulacan


at si Maria Joson ng Tikay, Malolos, Bulacan ay kapuwa mga guro sa
pampublikong paaralan. Maagang nalantad si Cuenco sa musika dahil
isang mahusay na biyolinista ang kaniyang ama. Nagsimula siyang mag-
aral ng musika noong anim na taong gulang pa lamang siya. Pumasok siya
sa Konserbatoryo ng Musika ng Unibersidad ng Santo Tomas at nagtapos
ng Batsilyer sa Musika (1956), medyor sa piyano at biyolin. Nakamit niya
ang digring masteral sa edukasyon sa musika sa Kolehiyo ng Santa Isabel.
Nakilala niya sa UST si Magdalena Marcial, isa ring musiko, na kaniyang
naging kabiyak. Biniyayaan sila ng dalawang anak.

Nanatiling propesor sa Konserbatoryo ng Musika ng UST si Cuenco nang natanggap na gawad ay ang CCP Centennial Honors for the Arts, 1999;
may tatlong dekada hanggang bawian siya ng buhay noong 1988. Habang Gawad Siglo ng Aliw, mula sa Aliw Awards Foundation, Inc; Ika-12 Aliw
siya ay nagtuturo sa UST, naging direktor siya para sa musika sa kolehiyo Awards, Gallery of Distinction, 1988; Outstanding Thomasian Awardee,
ng Santa Isabel, Holy Spirit, at San Beda. Kabilang sa kaniyang mga 1986; at Outstanding Bulakenyo Award, 1980. (RVR) (ed GSZ)

You might also like