Professional Documents
Culture Documents
Saja
4285- Panitikang Panrehiyon
SORSOGON
Isa sa pinakamasaysayang lugar sa Pilipinas. Dito kauna-unahang misa sa pulo ng Luzon.
Idinaos sa Otabu, bayan ng Bulan, Hibalong sa Magallanes na kung saan ay unang tinigilan
ng mga Kastila.
Sa Sorsogon, unang dumaong ang mga Kastila noong 1567 at sa unang dokumento nila ay
nabanggit ang ilog Bicol. Tinawag din ang Bicol na “Los Camarines” ng mga Kastila. Dito
natayo ang unang Katoliko sa pamamahala ni Padre Alonzo Jimenez noong 1567. Dating
bahagi ng Albay ang Sorsogon, isa sa pinakabatang isla sa Luzon na ang dating pangalan ay
Ibalon. At sinakop ito ng mga Kastila at ginawang kabisera noong 1649.
Sorsogon ang kapitolyo, walang lungsod ngunit binubuo ng 17 munisipalidad.
Bicol na may halong Bisaya ang wikang ginagamit dito.
Hanapbuhay: pangingisda, pagsasaka, pagtotroso at paghahayupan
Produkto: abaka, pili, niyog at kopra
Yamang mineral: asin, bato at bakal
Mga magagandang tanawin:
Bulkang Bulusan, Rizal Beach, Bucal-bucalan Spring, Resort Bolos Spring
MASBATE
Hugis-sensil ang Masbate.
Binubuo ng tatlong pulo na nakahimlay sa Hilaga ng mga pulo sa Visaya at ng Hilagang
Kanluran ng Bicol Peninsula.
Ang lupain nito ay may 4, 048 km2, walang lungsod subalit binubuo ng 21 bayan o
munisipalidad. Pinakamalaki at siyang pang-11 sa pinakamalaking pulo sa kapuluan.
Pinakamataas na bahagi ng lalawigan ang Mt. Engano na matatagpuan sa Burias na may
taas na 427.63 metro.
Hanapbuhay: pagsasaka, pag-aalaga ng baka, pangingisda, pagmimina, at pagtotroso
Produkto: mais, niyog, saging, bigas, at mga yamang mineral na ginto, pilak, aksido at
manganese.
Wika: Bicol, Tagalog, Cebuano at Waray
Mga magagandang tanawin:
Dacu Beach Resort, Espinosa Beach Resort Valencia Beach Resort, Tinago Beach Resort,
Matang Tubig Springs
CATANDUANES
Bantog ito sa taguring “Pulo ng Dagat-Silanangan at Lupain ng Hinihinalang mga Pakpak”.
Pinakamaliit na lupain sa buong Bicol
Ang Virac ang pinaka-kapitolyo at binubuo ng 11 sa bayan.
Mga magagandang tanawin:
Bato-Balombong Falls, Binahawan Falls sa Cabugao, Radar Station sa Buenavista,
Igang Beach
Kaugalian sa Panliligaw
a. Lagpitao o palaktaw-laktaw – unang pagpapakita sa pamamagitan ng isang
tagapamagitan.
b. Pasanco – pagsusuri ng bawat isa sa prospektibong kapareha.
c. Pag-agad – paninilbihan sa Tagalog. Ang panunuyo ng lalaki sa pamilya ng babae ay may
negosasyon din bago ikasal (dowry) o dote sa katagalugan.
d. llinakad – ekstrang bayad pag ang babaing ikakasal ay siyang pinakamatanda sa pamilya.
e. Sayod (drawings) ng kasunduan sa pagpapakasal – ang dalawang panig ay
nagsasagawa ng “tronco” (panunusog ng lahi/ pinagmulang angkan para maiwasan ang
pagsasama ng magkamag-anak).
f. Pagcaya – sa wakas ang pagsaksi sa kasal.
g. Pururan o Hurulungan – ang pagbibigay ng mga regalo.
h. Pastoras – kaugalian kung Kapaskuhan. Ang mga sayaw at awitin nito’y pinananatili at
ipinapandong ng pamilya at kamag-anak ng “parabulo” o tagapagsanay.
Panitikang Suanoy (ancient)
Dula
Nagsimula ang paglikha ng dula ng mga katutubong Bikolano nang ipakilala sa Naga at
Legazpi ang Sarsuwela kung kaya’t ang mga unang anyo ng dula ay mula sa anyo ng
Sarswela (Ang sarsuwela o zarzuela ay impluwensiya ng mga Kastila ito ay isang dulang may
kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata. Ito’y nagpakita ng mga
sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.). Ang
mga unang dula karaniwang itinatanghal sa Bikol ay hango mula sa isinaling dula sa Kastila.
Ilan sa mga dulang naisulat sa Bikol:
Pagkamoot sa Banwag Tinoboan ni Asisclo Jimenez
Langanan an Sadiri ni Jose Figueroa
An Matamyangon na Agom ni Jose Figueroa
Angelina ni Valeriano Zuniga
An Pagmaowt nin Cayamanan
Maikling Kwento
Ang maikling Kwento ay tinatayang nagsimula noong 1929 sa pangunguna ni Nicolasa Ponte de
Perfecto kung saan nailimbag sa Kalendaryong Bikol ang kanyang apat na Kwento bagama't
sinasabing nag-ugat sa lore ang maikling kwento. Ang mga panulat ni Perfecto ay nag
pasimula ng mga panibagong tema at paksain na sinundan ng ibang mahusay na
manunulat sa Bikol.
Ilan sa mga maikling kwentong naisulat sa Bikol:
Binayaan ni Nicolasa Ponte de Perfecto
An Maimon
Reimpos Cantahan ni Juan Nicolas
Mga Tolong Magturogang ni Aniceto Gonzales
Literature ng Bikol
a) Epiko
Isa sa mga tanyag at maipagmamalaking epiko ng mga taga-bikol ay ang “Epiko ng Ibalon” (Ang epiko ng
Ibalon ay ang matandang Kasaysayan ng Ibalon. Ang panahong nasasaklaw ng matandang kasaysayan ng
kabikulan ay nagsimula noong sinauna hanggang sa pagdating ng mga kastila na si Juan Salcedo noong
1573. Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito naunang nakilala
ang lupain ng mga sinaunang Bikolano. At ang epikong ito ay binubuo ng sampung saknong na may apat na
taludtod ang bawat saknong. Ang sukat ay ladindalawang pantig ang bawat taludtod. Ito ay isinalin ni Fr.
Jose Castano sa kastila.)
b) Osipon/Oripon
Isang uri ng salaysay na pinakamadaling hubuging anyo maaaring dagli, maikling kuwento, salayasy o
sanaysay. Isa sa mga lumaganap na anyo sa Bikol bunga ng paglaganap ng mga diyaryong Bikolano.
Ginagamit ng mga nanunulat upang magbunyag ng palalong ugali at magpalaganap ng aral o leksiyon.
c) Alamat
Ang alamat ay ang mga haka-hakang kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bayan.
(Alamat ng Bulkang Mayon. Ang Bulkang Mayon ay tungkol sa magkasintahan. Pumanaw dahil sa kanilang
pag-iibigan.)
Alamat ng Albay, Si Irago at ang Binata, Ang Alamat ng Buhi, Ang Alamat ng Birheng Penafrancia, Ang Ang
Alamat ng Iriga at marami pang iba.
d) Tigsik
Ang tigsik ay isang uri ng panitikan mula sa mga Bicolano. Ito ay maihahalintulad sa isang talumpating
binibigkas sa mga kapistahan at iba pang pagdiriwang.
e) Ranga
sulat ng Bikol
f) Rawitdawit
Tulang Bikolano
Mga manunulat ng Rehiyon V
Aguilar Celedonio V
Ipinanganak sa Camalig, Albay noong Marso 6, 1923
Isang manunulat ng tula sa Weekly Women’s Magazine noong 1950
Shaken Shadows noong 1966 at This Season and Night
Alejandra, Clemente
Ipinanganak sa Bulocon-canaman, Camarines Sur noong Nobyembre 23, 1985
Isa siyang poet at playwright
Isa rin siyang manunulat ng Samahang Bikol
Darorroaggoyog (Just Hum to Yourself) 1927
Madaling Isip (In Short)
Siya rin ang sumulat ng dulang Prinsipe Lizardo at Prinsipe Femando
Panalo noong 1926 sa pagsasalit ng Mi Ultimo Adios ni Rizal
Perfecto, Mariano
Ipinanganak sa Ligao, Albay noong 1850
An Parabareta (Newspaper)
Almanaque Bikolnon (Bicol Alamanac)
“An Pagguiao can mga Pastores can Pagcamondag ni Jesu Duman sa Protal sa Belen” (The
awakening of the Shepherds during the Birth of Jesus in the Manger)
Manalang-Gloria, Angela
Nagsimula siyang magsulat ng mga pansanay na sulatin sa silid-aralan. Sa gulang na labing- anim,
nakapaglathala na siya ng kanyang mga tula sa Women’s Outlook. Naimpluwensiyahan siya ng kanyang
guro sa Ingles, C.V. Wickers, na siyang pumatnubay sa kanya sa pagiging makata. Nakilala ang pangalan
niya sa pagiging makata sa kolehiyo nang magwagi siya sa Literary Contest at nalathala ang kanyang tula sa
Sunday Tribune. Philippine Collegian, Literary Apprentice at herald Mid-Week Magazine.