You are on page 1of 2

Jalac, Casandra Lynda L.

MWF 1:00 2:00

BS Geology

12 13 14

NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO

A. Tungkol sa akda.
Ang NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO ay nobelang parehas na sinulat ni Jose Rizal noong
nasa Espaa siya. Nasa wikang kastila ang orihinal na mga salita na ginamit dito. Parehas na nagpapakita
ng pag-aabuso ng mga Espaol sa mga Pilipino.
Ang NOLI ME TANGERE ay naisulat noong 1887. Ito ay nilimbag at ginastusan ni Maximo Viola.
Sina Pascual Hicaro Poblete at Virgilio Senadren Almario ang nagsalin nito sa wikang Filipino. Ang
ibigsabihin nito ay huwag mo akong salingin. Sinundan naman ito ng EL FILIBUSTERISMO na naisulat
noong 1891 at ang naglimbag nito ay F. Meyer van Press ni Ghent.

B. Nilalaman ng akda.
NOLI ME TANGERE

Ito ay umiikot sa buhay ni Crisostomo


Ibarra pagkatapos niyang mag-aral sa
Europa ng 7 taon na bumalik sa San Diego
para tulungan ang kanyang mga
kababayan. May inihandang hapunan si
Kapitan Tiago na dinaluhan ng maraming
tao sinabi ni Tenyente Guevarra sa kanya
kung paano namatay ang kanyang ama
na si Don Rafael Ibarra.Inilalarawan dito
ang katiwalaan at kasamaan ng mga
paring Kastila na sina Padre Damaso at
iba pa. Pinapakita dito ang kagustuhan ni
Rizal na palaganapin ang edukasyon sa
maraming tao.

EL FILIBUSTERISMO

Nagsimulal ito sa paglalakbay ng bapor sa


pagitan ng Maynila at Laguna nang umuwi
sa Basilio sa San Diego kasabay siya si
Simoun. Umuwi si Simoun para pahinain
ang pamahalaan para maging sanhi ng
himagsikan. Ang unang plano niya ay kunin
si Maria Clara sa kumbento ng Sta Clara
ngunit hindi siya nagtagumpay dahil
namatay si Maria Clara sa hapon noong
araw na iyon. Ang pangalawang plano
naman ay dumalo sa kasal at magregalo ng
lampara na may granada pero naudlot
nanaman ito dahil nalaman ito ni Isagani at
itinapon ay lampara sa ilog. Nagwakas ito
nang namundok sa Simoun dala ang mga
alahas at nangumpisal kay Padre
Florentino at pinatawad naman ng pari.
Uminom si Simoun ng lason upang hindi
mahuli ng mga guardia sibil at itinapon ng
pari ang alahas sa dagat.

C. Kaisipan/Layunin ng akda.

NOLI ME TANGERE

Ang pangunahing layunin ni Rizal kung


bakit niya ito isinulat ay maipahatid ang
kalagayang panlipunan, uri ng
pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon
ng pananakop ng mga Espaol.
Maipahayag ang maling paggamit ng
relihiyon na ginagawang dahilan sa
pagnakaw sa lipunan. At mailarawan ang
kamalian, masasamang hilig, kapintasan
at kahirapan sa buhay.

EL FILIBUSTERISMO

Sinulat naman ito ni Rizal para maimulat


ang mga Pilipino sa mga katiwaliang
ginagawa ng mga Kastila. At upang ipakita
kung gaano kalupit ang mga Kastila at kung
gaano kahirap ang pamumuhay ng mga
Pilipino noon. Ito din ay nobelang
pampulitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpagising pang lalo
sa maalab na hangaring makapagtamo ng
kalayaan at karapatan ng bayan.

D. Impluwensya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa Panitikang Pilipino.


Ang impluwensya ng NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO na sinulat ni Rizal ay para
wakasan ang katiwalian sa llipunan. At maimulat ang mga Pilipino sa mga maling ginawaga ng mga
Kastila. Ang dalawang talawang nobelang ito ay naglalahad ng sakit ng lipunan, maling pamamalakad ng
pamahalaan at simbahan, depekto sa edukasyon at kapuluan. Ito ay nasa anyong tuluyan nabinubuo ng
maraming kabanata.

You might also like