You are on page 1of 6

RIZAL TALAMBUHAY : KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

A. Pagsulat

1. Dula sa pista ng Paete


2. Tula
a. Sa aking mga Kabata (sinulat sa edad na pitong taong gulang)
b. A La Juventud Filipina
c. A Mi Madre
d. Mi Ritiro
e. Ultimo Adios

3. Nobela
a. Noli Me Tangere
b. El Filibusterismo
c. Makamisa (di-natapos)

A. Barcelona
1. Sinulat ang sanaysay (Amor Patrio)
2. Inilathala ang Diariong Tagalog
3. Laong-laan ang sagisag ni Rizal
4. Nag-aral ng Pilosopiya at Medisina sa Unibersidad
Central de Madrid

B. France at Germany

1. Ang Matsing at Pagong, iginuhit sa Paris


2. A Las Flores de Heidelberg, isinulat sa Germany

Leonora Rivera - unang minahal ni Rizal


Josephen Branken - huling inibig ni Rizal

A. Petsa: Disyembre 30, 1896


B. Bagumbayan
C. Pinagtibay ni Gobernador Heneral Camilio G. Polavieja
Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal. Magdadalawampu't
apat na taon pa lamang siya nang isulat niya Ito. Ayon kay Dr. Blumentritt, ang Noli Me
Tangere ay isinulat sa dugot ng puso.

Ayon sa natatala sa manuskrito ay natapos ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin,


Germany noong ika-21 ng Pebrero, 1887.

Sa Imprenta Lette sa Berlin, ipinalimbag ang Noli Me Tangere at 2000 sipi ang ipinayari.
Ang nobela ay natapos malimbag noong Marso 1887.

Dr. Maximo Viola- nagpahiram kay Rizal ng perang gagamitin sa pagpapalimbag (300.00)

Nang dahil sa pagkagipit at pagtitipid ni Rizal, inalis niya ang isang kabanata sa Noli. Inalis
niya ang "Elias at Salome"

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Vicente Blasco Ibañez- isang bantog na manunulat, ang kanyang serbisyo bilang tagapayo
at tagabasa ng nobela ni Rizal bago ito maimprenta.

March 21, 1887- Inilabas na sa publiko ang nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Dr. Viola- ibinigay rito ni Rizal ang orihinal na manuskrito at ang plumang ginamit sa
pagsusulat
ng nobela.

Sa kasalukuyan ang aklat ay nasa pag-iingat ng The National Library.


Inang bayan- pinaghandugan ng aklat bilang sagisag ng pag-ibig sa tinubuang lupa.

Ang El Filibusterismo na siyang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere ay ipinalimbag


naman sa Ghent, Belgium , noong 1891.

La Liga Filipina (Ika-8 ng Hulyo 1892)- Isang samahan na itinatag ni Rizal na layuning
mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas.

La Solidaridad- pahayagan na kanilang ginawa.

Agosto 5, 1887- muling bumalik si Rizal sa Pilipinas.

Pebrero 3, 1888- Nilisan niyang muli noon ang Pilipinas sapagkat umiiwas siya sa
matinding galit sa kanya ng mga Espanyol dahil sa nobela niyang Noli Me Tangere.

Hunyo 26, 1889- muli siyang bumalik sa Pilipinas.

Alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892, ay


ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo noong taong ding iyon dahil sa
bintang na siyaý may kinalaman sa kilusang ukol sa paghihimagsik.

Ipiniit si Dr. Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap siya sa hukumang
Militar at litisin, ay hinatulan siya ng kamatayan. Isinulat ni Dr. Rizal ang “Mi Ultimo
Adios” (Huling Paalam) bago siya barilin sa Bagumbayan (Rizal Park o Luneta ngayon)
noong ika-30 ng Disyembre, 1896 sa oras na 7:03 ng umaga.

Mga Inspirasyon o Ideya ng Pagsulat sa Noli Me Tangere

The Wandering Jew - Ang aklat na ito ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus
habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad
sa buong mundo nang walang tigil.
Uncle Tom’s Cabin - Tungkol ito sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga
Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa
pagkamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.

Ang pamagat na Noli Me Tangere (Touch Me Not) ay mula sa salitanglatin na ang ibig
sabihin sa wikang Filipino ay "huwag mo akong salingin". Ebanghelya ni Juan

"Huwag mo akong salingin "- Juan 20:17

Batas Rizal - Inaprubahan ni dating Pangulo Ramon Magsaysay ang Republic Act No.
1425 o Batas Rizal noong Hunyo 12, 1956 bilang pagdiriwang na rin ng kasarinlan ng
Pilipinas mula sa mga mananakop.

MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

Juan Crisostomo Magsalin Ibarra

Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng


paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan
ng San Diego.

Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara.

Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na


may maunlad at makabagong kaisipan.

Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan.

Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yaman na


kanyang tinataglay. Dahil dito siya ay pinaratangang erehe ng
pamahalaan.

Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa


kapwa.
Don Saturnino Ibarra

Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilam


ng pagkasawi ng nuno ni Elias

Maria Clara delos Santos

Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na


kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa
kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa
doktrina ng relihiyon.

Siya ay maganda, relihiyosa, masunuring, matapat,


mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.

Don Santiago "Kapitan Tiago " delos Santos

Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na


asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara.

Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin


sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang
pinapanginoon kundi salapi.

Donya Pia Alba delos Santos

Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na


taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na
si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak.

Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.

Tiya Isabel

Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-


alaga kay Maria Clara simula nang siya ay

sanggol pa lamang.

You might also like