You are on page 1of 42

A. B. C. D. E. F. G.

Jose Abad Alejandro G. Abadilla abakáda abakús


Pédro Abád Sántos
SantosJuan Abad
ABAKÁ

abaníko Bonifacio Abdon


abalóryo ábay Vicente Alvarez alampáy Aklátang amor propio
Báyan
ambáhan amihan

Artes y reglas de la lengua tagala Manuel Abella Marcelo Q. Adonay alpahór Aníto
Napoleon V. Abueva abokádoadélpa Macario G. Adriatico
Abunnawas Acta de Tejeros adóbe Adwána adárna
adóboActa de la proclamación de independencia del pueblo Filipino ádat
Acta de la proclamación de independencia
del pueblo Filipino
• Ang Acta de la proclamación de independencia
del pueblo Filipino (ák·ta de la prok·la·mas·yon de
in·de·pen·dén·si·yá del pu·wé·blo Fi·li·pí·no) ay ang
kasulatang binása sa araw ng deklarasyon ng kasarin-
lan at kalayaan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 sa
bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
Sa panulat sa Espanyol ni Ambrosio Rianzares
Bautista, kilalá bilang Don Bosyong, sinulat ang
proklamasyon mula Mayo hanggang Hunyo 1898 at
nilagdaan ng 98 tao. Nilalaman ng proklamasyon ang
pagmimithi ng kalayaan ng bansa mula sa
kolonisasyon ng Espanya.
• Sa kasalukuyan, ang dokumento ng deklarasyon sa
Cavite ay nakatago sa Aklatang Pambansa ng
Filipinas.
Aklátang Báyan
• Isang malaki’t pangunahing kapisanan ng mga manunulat ang Aklátang Báyan na
naitatag sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano noong 1910 sa Tondo,
Maynila. Naging pangulong tagapagtatag si Rosauro Almario samantalang naging
kalihim naman si Gerardo Chanco. Sinundan ni Precioso Palma si Almario bilang
pangulo, at pagkatapos, ni Julian Cruz Balmaceda na naging pangulo noong 1920
hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1947. Maraming sumulpot na samahang
pangmanunulat sa Filipinas, lalo na sa Kamaynilaan, sa panahong iyon. Ngunit sa
Aklátang Báyan natipon ang mga unang haligi ng panitikang Tagalog na gaya nina
Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Faustino Aguilar, Severino Reyes, Iñigo Ed.
Regalado, Hermenegildo Cruz, Patricio Mariano, at marami pa.
ambáhan
• Nabanggit ni Fray Ignacio Francico Alcina (1668) ang
ambáhan bilang isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga
Bisaya

• Ang ambáhan ay isang katutubong anyo ng pagtula ng mga


Hanunoo Mangyan at may sukat na pipituhin ang bawat
taludtod. Regular ding may tugma ang bawat dalawang
magkasunod na taludtod, bagaman walang tiyak na bilang ng
taludtod ang bawat magkakatugmang mga taludtod. Wala ding
tiyak na bilang ng mga taludtod. May ambáhang tatlo lámang
taludtod ngunit may ambáhang umaabot sa 20 taludtod.
Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon, mula sa
ganitong halimbawa sa mapagbirong pag-aalaga ng batà:
Kaw danga maglumi Huwag ka ngang umiyak
Kita madnugan kuti Bakâ magising ang pusa
Kuti gin sa siyangi Pusang mula pa sa siyangi
Mag-ingaw magyangyangi Ngumiyaw at mag-ingay
Kita ud may ibawi Wala kitang pambugaw
Kantam bangkaw nabari Sibat natin ay nabali
Kita utak nalumbi. Itak natin ay nabingaw.
• Hanggang pangingibig, pagtatrabaho, at paglalarawan ng kanilang daigdig. Hitik ito sa
talinghaga, gaya ng sumusunod:
Tigday na nawa naw-an Ang tabak kung bago pa
Tigdayan sa daramgan Ikiskis sa hasaan
Bag-o tigday sa kaywan Itaga sa kakahuyan
Siyan nga panmanlangan At sakâ ito subukan
Sa kiling sa kawayan. Sa pagkayas ng kawayan.
• Tula ito hinggil sa edukasyon ng kabataan. Inihambing sa tabak ang mga karanasang
kailangang matutuhan at pagdaanan ng kabataan upang higit na maging kapaki-pakinabang sa
lipunan. (VSA)
Artes y reglas de la lengua tagala
• Ang Artes y reglas de la lengua tagala (ár·tes i rég·las de la
léng·gwa ta·gá·la) ang unang nalathalang pag-aaral sa katangian
at gramatika ng isang wikang katutubo. Inilathala ito noong
1610, isinulat ni Fray Francisco Blancas de San Jose, isang
misyonerong Dominiko at inilimbag ni Tomas Pinpin sa
imprentang Dominiko sa Abucay, Bataan. Nagkaroon pa ng
dalawang limbag ang libro noong 1752 at 1832.
• Tulad ng iba pang unang libro sa gramatika ng ibang wika sa
Filipinas, inihanda ni Fray San Jose ang Arte y reglas para sa
susunod na mga kapuwa misyonero upang higit siláng mabilis
matuto ng wika ng katutubo. Naging patakaran ng mga
misyonero sa Filipinas na silá ang mag-aral ng wika sa pook ng
kanilang destino sa halip na sapilitan niláng ituro ang Espanyol
sa mga Indio. Dahil dito, mga misyonero ang unang nag-aral at
sumulat ng gramatika ng mga wikang katutubo na
pinagpalaganapan nilá ng Kristiyanismo. Napakahalaga nitó sa
naganap na preserbasyon ng mga wikang katutubo sa Filipinas
sa kabilâ ng tatlong dantaon ng kolonyalismong Espanyol.
balagtásan
• Ang balagtásan ay isang debate o labanan ng katwiran sa paraang
patula. Karaniwang tinatampukan ito ng tatlong makata: dalawang
mambabalagtas na nagtatalo sa isang paksa at isang lakandiwa na
nagpapadaloy ng palitan ng katwiran.
• Isinilang ang balagtasan sa isang pulong ng Kapulungang Balagtas
noong 28 Marso 1924. Iminungkahi ni Lope K. Santos ang
pagdaraos ng makabagong duplo bílang pag-aalaala sa kaarawan ni
Balagtas. Subalit pinansing di-angkop sa pagdiriwang ang duplo
kayâ bumuo sila ng bagong anyo na tinawag nilang “balagtasan.”
• Itinanghal ang kauna-unahang balagtasan sa Instituto de Mujeres
noong 6 Abril 1924. Naglaban dito sina Jose Corazon de Jesus
bilang Paruparo, at Florentino T. Collantes bilang Bubuyog. Si Lope
K. Santos naman ang naging Lakandiwa. May iba pang mga makata
na naglaban sa naturang balagtasan ngunit sina de Jesus at
Collantes ang naging paborito ng madla.
Francisco “Balagtas” Baltazar
(2 Abril 1788-20 Pebrero 1862)
Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar (Fran·sís·ko Ba·lag·tás
Bal·ta·zár) na “Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra
maestra na Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga
pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga Espanyol.

Hinangaan nina Rizal at Bonifacio ang halimbawa ni Balagtas ng


mahusay at makinis na pagtula sa Florante at Laura. Hinangaan din
nila at ng iba pang mga makata sa ika-20 siglo ang mga
mapanghimagsik na ideang pampolitika at panlipunan ni Balagtas.
Ngunit marami pang ibang nasulat si Balagtas na awit at komedya.
Nakalulungkot na nasunog ang mga ito nang masunog ang kaniyang
bahay sa Bataan. Isang natira ang saynete na La india elegante y el
negrito amante, na tumatalakay sa komikong paraan sa
pagkakapantay ng tao anuman ang lahi. Natagpuan naman
kamakailan ang manuskrito ng komedyang Orosman at Zafira na
nagpapatunay sa husay niya bilang mandudula at sa kaniyang mataas
na paninging pampolitika.
baybáyin
• Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Espanyol at
maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na
nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng
ispeling.
• Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa 14
katinig. Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang pinakaunang
aklat na nalathala sa Filipinas na isinulat ng mga misyonerong Espanyol.
• Sinasabing lahat ng mga katutubo ay marunong magbasá at magsulat sa baybayin. Balát ng
punongkahoy at kawayan ang karaniwang gamit na sulatan ng mga sinaunang Tagalog at iniuukit
dito ang mga titik sa pamamagitan ng matulis na bagay. May inilalagay na gitling o tuldok sa
ibabaw ng katinig bilang tanda sa tunog ng “e” o “i” at sa ilalim naman bilang tanda sa tunog ng
“o” o “u” na kasáma ng katinig.
binúkot
Ang binúkot ay isang babae na itinago at ikinulong sa isang
madilim na silid ng bahay. Hindi ito pinapaarawan, at hindi rin
pinapatapak sa lupa dahil tinuturing itong sagrado, at halos
mistikal. Sa mga pag-aaral at panananliksik ni Dr. Alica Magos,
napag-alaman na ang binukot ay bahagi ng kultura at kaugalian
ng mga Panay Sulodnon, Panayanon-Sulod o Panay Bukidnon,
isang pangkating kultural sa kabundukan ng Panay, sa Tapaz,
Calinog, at Lambunao sa Iloilo at Capiz. Ang katagang ‘binukot’
ay nanggaling sa salitâng na “bukot” na ang ibig sabihin ay
“itago o ikubli.”
Boxer Codex
Ang Boxer Codex (bák∙ser kó∙dex) ay isang 307-pahinang
manuskritong isinulat noong siglo 16 na naglalaman ng mga
paglalarawan sa mga tradisyon at paniniwala ng sinaunang
Filipino at sinaunang tao sa ibang karatig bansa na gaya ng New
Guinea, Vietnam, Taiwan, Cambodia, Thailand, at iba pa. Bukod
sa mga paglalarawang pisikal, mayroon itong 75 na ilustrasyong
may kulay ng mga naninirahan sa iba’t ibang rehiyon suot ang
kanilang sariling pananamit. Sa mga ito, 15 ang larawan ng mga
Tagalog, Bisaya, Cagayanon, at Negrito.
Federico Caballero
Ipinagkaloob kay Federico Caballero (Fe•de•rí•ko Ka•bal•yé•ro)
ng Calinog, Iloilo ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong taong
2000 dahil sa kaniyang pagsusumikap na mapanatili ang mga
paniniwala, tradisyon, at panitikang Panay-Bukidnon sa
pamamagitan ng paghimok sa mga mananaliksik at tagapagtaguyod
ng kultura na isulat ang mga ito upang maituro sa mga
nakababatang miyembro ng kanilang komunidad.

Sampu ang pangunahing epikong-bayan ng Gitnang Panay na


tinatangkang isalba ni Caballero. Kabilang dito ang Humadapnon
at Labaw Dunggon na binibigkas sa wikang Ligboc, ang
lengguwaheng nalalapit sa Kinaray-a ngunit hindi na ginagamit.
Ang mga epikong-bayan ang nagsilbing pampatulog nilang
magkakapatid habang lumalaki. Tuwing gabi, inaawit ng kanilang
ina o ng kanilang lola sa talampakan na si Anggoy Omil ang mga
epiko ng kanilang mga ninuno. Sa kanilang magkakapatid, tanging
siya ang nagpatuloy sa pagpapalaganap ng kanilang panitikan.
Benedicto R. Cabrera (Bencab)
(10 Abril 1942—)
Itinanghal si Benedicto R. Cabrera (be•ne•dík•to ka•bré•ra) na Pambansang
Alagad ng Sining sa Pintura noong 2006. Mas kilala siya bilang Bencab na
siya ring lumilitaw na lagda sa kaniyang mga pintura.

Natatangi ang kaniyang sining sa larangang ng pinturang Filipino dahil sa


pagbibigay niya ng diin sa pagguhit kaysa kulay. Kinakatawan ng mga pintor
na sina Leonardo da Vinci at Michelangelo ng Italya ang ganitong estilo ng
pagpipinta. Ang Filipino, noon at ngayon, gamit ang iba’t ibang hulagway,
ang pinakatampok na paksa sa mga obra ni Bencab. Sinasabing ang
kakulangan ng kulay sa kaniyang mga obra ay napupunuan ng karakter ng
kaniyang mga paksa.
Carlos Palanca Awards
Ang buong pangalan ng timpalak pampanitikang ito ay Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature na binuksan noong 1950 bilang pag-
alaala ng mga tagapagmana ni Don Carlos Palanda Sr. May layunin itong
tumulong sa pagpapaunlad ng panitikan ng Filipinas sa pamamagitan ng
pagbibigay ng premyo sa mga manunulat para sa pagpapahusay nilá ng
kanilang mga akda; at maging tagapag-ingat ng mga hiyas pampanitikan
ng Filipinas at tumulong sa pagpapalaganap ng mga ito, lalo na sa hanay
ng mga mag-aaral.

Nagsimula ang timpalak para sa maikling katha sa mga wikang Ingles at


Filipino na iginawad noong 1951. Naging matagumpay ang timpalak,
kayâ nagdagdag ito ng mga kategorya: dulang may isang yugto noong
1953, tula noong 1963, sanaysay noong 1979, nobela noong 1980,
maikling kuwentong pambatà noong 1989, dulang pantelebisyon noong
1990 iskrip pampelikula noong 1994
Levi Celerio
(30 Abril 1910-2 Abril 2002)
Isang pambihirang manunulat ng lirika ng mga awit, tula, at
palindromo si Levi Celerio (Lé·vi Se·lér·yo) kayâ tinaguriang
“makata ng musikang Filipino.” Ang kaniyang mahigit sa 4,000
obra na pumapaksa sa halos lahat ng aspekto ng buhay ng Filipino
ay patunay sa kaniyang sining at kahusayan bilang isang
premyadong lyricist. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng
Sining sa Panitikan at Musika noong 1997.

Ang isa sa pinakapopular na likha ni Celerio at bahagi na ng


tradisyong Filipino ay ang “Ang Pasko ay Sumapit” (ang musika ay
sa isang di nakilalang Sebwanong kompositor). Bukod sa mga lirika
para sa orihinal na komposisyon, may mga isinalin at naisulat rin si
Celerio na para sa maraming katutubong himig. May nailathala ring
dalawang libro si Celerio, ang Filipino Palindromes, kalipunan ng mga
salita o parirala na pabalik mang basahin ang mga titik ay nanatili
ang ispeling, at Take it from Levi, koleksiyon ng kaniyang mga tula.
dállot
Bahagi ng tradisyong oral ng mga Ilokano ang dállot, isang uri ng
paawit na sagutan. Sa ilang bayan, binabaybay itong dal-lot o kayâ
dalot. Maaaring dalawa o higit pang mannallot ang maging bahagi ng
isang dallot. Isinasagawa ang dallot upang magkaroon ng mas masaya
at nakalilibang na sandal ang mga nagsisipagtipon. Karaniwang paksa
ng dallot ang pag-ibig ng dalawang tao, karanasan ng táong hindi
nasuklian ang pag-ibig na ibinibigay sa kaniyang kasintahan o kayâ’y
pag-ibig na hinding-hindi maabot. Sinisimulan ang bawat dallot sa mga
linyang
A, ta, dumadallot
A, ta dallot, duminidallang
at sinusundan na ng panimulang pagbati ng mannallot bago niya
ipakilála ang paksa.
Death March
• Ang Death March (det marts) ay tumutukoy sa sapilitang pagpapalakad sa humigit-
kumulang na 76,000 na bihag na sundalong Filipino at Amerikano ng halos 100
kilometro mulang Bataan patungong Capas, Tarlac. Ang mga nasabing kawal ang mga
tagapagtanggol ng Bataan na sumuko sa mga Hapon noong 9 Abril 1942.

• Pinamartsa ang mga bilanggo ng ilang araw nang walang pagkain o tubig hábang sila
ay tumatanggap ng pang-aabuso sa kamay ng mga sundalong Hapon. Lampas
diumano sa 10,000 Filipino at 1,200 Amerikano ang nasawi sa gútom, sakít, at
pahirap kung kayâ’t itinawag ang insidente na Martsa ng Kamatayan na kinikilala
bilang isa sa pinakakarumal-dumal na halimbawa ng pagmamalupit noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Pagdating ng San Fernando, isinakay sa mga tren ang mga
natirang nagmartsa hanggang makarating sila sa Kampo O’Donnell sa Tarlac upang
doon ibilanggo.
delikadésa
Tumutukoy ito sa wastong pag-iingat ng dangal at pangalan sa
pamamagitan ng kilos at pasiya na hindi sumusuway sa
kagandahang-asal at mahusay na pakikipagkapuwa-tao.
Pinakamababaw na mukha nitó ang pagpilì ng angkop na
kasuotan para sa isang okasyon. Sinasabi ring may delikadésa
ang marunong makisáma sa lipunan. Ang táong may delikadésa
ay hindi mahalay kumilos at magsalitâ sa harapan, marunong
magtimpi ng gálit at gútom, at hindi kailangang pagbawalan.
Diariong Tagalog
• Makabayang peryodiko ang Diariong Tagalog
(Di•yár•yong Ta•gá•log) na itinatag ni Marcelo H. del
Pilar at ni Don Francisco Calvo, isang mayamang
Espanyol na may liberal na kaisipan. Bilingguwal ito
dahil naglalathala ng mga artikulo sa wikang Tagalog at
sa wikang Espanyol.

• Lumabas ito noong 1882 ngunit may nagsasabing


unang lumabas noong Marso 1882 at may ulat namang
Agosto 1882 ang unang isyu. Tatlong buwan lámang ang
naging búhay ng diyaryong ito. Sa isyung Agosto 1882
magkasabay na nalathala ang sanaysay na “Amor Patrio”
ni Rizal at ang salin nitó sa Tagalog ni M.H. del Pilar.
El Heraldo de la Revolucion
Ang El Heraldo de la Revolucion ay ang opisyal
na pahayagan ng re¬bolusyonaryong pamahalaan
ng Republikang Malolos, ang Unang Re¬publika
ng Filipinas. Unang lumabas noong 29 Setyembre
1898, ang El Heraldo de la Revolucion ay
nagkaroon ng iba’t ibang pangalan—mula
Heraldo Filipino, naging Indice Oficial, at naging
Gaceta de Filipinos. Ito ay ipinalimbag sa Casa
Real ng Malolos.
engkantáda
Ang engkantáda ay salitang Espanyol at katibayan na nagmula sa
Eu¬ropa ang naturang paghaka ng pantastikong nilikha. Sa
katunayan, kahit ang tradisyonal na paglalarawan sa engkantada
ay malinaw na hiniram sa imahinasyong Kanluranin. Ang
tinatawag na “Reyna Engkantada” ay isang maputîng babae na
nagtataglay ng kagandahang Kanluranin, may suot na damit ng
diyosang Griyego, may hawak na mahiwagang baton, at malimit
na may pakpak na katulad ng pakpak ng tutubi. May angkin itong
engkánto, na sa Espanyol ay nangangahulugan din ng
mahiwagang kapangyarihan upang bumighani at magpasunod sa
sinuman o magdulot ng hindi karaniwang pagpapapalà o sumpa.
entresuwélo
Ang entresuwélo ay isang munti at singit na palapag sa isang
bahay o gusali na nása pagitan ng regular na dalawang palapag.
Mula ito sa Es¬panyol na entresuelo at literal na
nangangahulugang “sa pagitan ng mga sahig o palapag.”
Tinatawag din itong entresol o mezzanine. Karaniwang inilalagay
ito sa pagitan ng silong at ng sahig ng bahay. Nauso ito sa mga
lungsod upang higit na pakinabangan ang espasyo ng mga
lumang gusali na may tradisyonal na mataas na súkat ng pagitan
ng sahig at bubong ng bawat palapag. Sa Maynila, naging
katawagan ang entresuwelo para sa gayong paggamit ng espasyo
upang matirahan ng maralitang pamilya o ng mga umuupang
estudyante mulang probinsiya.
Export Processing Zone
Ang isang Export Processing Zone (EPZ) ay
tumutukoy sa isang yunit ng pamahalaan na
nakatuon sa promosyon ng pag-angkat bilang
bahagi ng pagpapalakas ng ekonomiya. Sa
pandaigdigang antas, karaniwang bu¬mubuo ng
EPZ para sa pagpapalago ng mga pilìng industriya,
panghihi¬kayat ng mga dayuhang mamumuhunan,
pagkontrol sa mga pinagkukunan ng mga dayuhang
salapi, at paghahasa ng teknolohiya at kakayahan sa
paggawa.
fátek
Katutubong tatô (tattoo sa Ingles) sa Kordilyera: fátek sa
Bontok, bátek sa Kalinga, at fátok sa Ibaloy. Lahat ng salitâng ito
ay mula sa tunog ng pagtiktik ng patpat sa instrumentong
ginagamit sa pagtatatô na karaniwang yari sa sungay ng kalabaw
na may mga tinik o karayom sa isang dulo. Mabusising trabaho
ang pagtatatô. Maaari itong tumagal mula isang araw hanggang
isang linggo depende sa disenyo. Karaniwang nilalagyan ng tatô
ang kamay, bisig, dibdib, binti, at paa.

Laganap sa Filipinas noong bago dumating ang mga Espanyol,


buháy hanggang ngayon ang sinaunang kaugaliang ito sa mga
lalawigan ng Kordilyera, lalo na sa Kalinga. Dito matatagpuan
ang pinakamaraming manfátek (eksperto sa pagtatatô) at ang
pinakakomplikadong mga tatô na kamamalasan ng heometrikong
disenyo, at ng mga makahulugang motif tulad ng butiki at mga
markang-x na kung tawagin ay lin-lingao.
FAMAS
Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ang
pinakamatandang tagagawad ng parangal sa mga pinakamahusay na aspekto ng
pelikulang Filipino, at isa sa pinakamatanda sa buong Asia. Itinatag ito noong
1952 at binubuo ng mga premyadong manunulat at kolumnistang pampelikula.

Ang FAMAS ang nagtataguyod ng taunang FAMAS Awards at itinuturing na


tugatog na parangal ng isang tagaindustriya ng pelikula. Ipinadron ito sa
Oscars sa Estados Unidos. Mula 1952 hanggang 1976, ang FAMAS ang nag-
iisang tagagawad ng parangal sa industriya ng pelikulang Filipino. Sa
kasalukuyan, kinikilála ang FAMAS Awards bilang isa sa pinakamahahalagang
premyo sa industriya, kasáma ng Luna Awards ng Film Academy of the
Philippines, Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, at ang Star
Awards for Movies and Television ng Philippine Movie Press Club.
Julian Felipe
(28 Enero 1861-2 Oktubre 1944)
• Si Julian Felipe (Hul•yán Fe•lí•pe) ay kinikilála bilang kompositor
ng musika ng Pambansang Awit ng Filipinas, ang Marcha Nacional
Magdalo na ngayon ay kilala bilang Lupang Hinirang.
• Ilan sa mga unang komposisyon ni Felipe ay ang Mateti el
Santisimo, Cintas y Flores Rigodones, Amorita Danza, at Reina de
Cavite. Nagwagi siyá sa Exposicion Regional na ginanap sa Maynila
noong 1895, at inanyayahang maging kasapi ng Sociedad Musical de
Santa Cecilia.
• Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896, sumanib siyá sa kilusan at
nadakip ng mga Espanyol.
• Pagkalaya, kinuha siyá ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang piyanista
at kompositor ng kilusan.
• Hinirang siyáng direktor ng Pambansang Banda ng Unang
Republika ng Filipinas. Nanilbihan siyáng konsehal ng Lungsod
Cavite noong 1902.
Filipíno
Filipíno (fi-li-pí-no) ang tawag sa pambansang wika ng Filipinas,
ayon sa 1987 Konstitusyon, at kasalukuyang pambansang lingua
franca. Alinsunod sa tadhana ng Artikulo XIV, seksiyong 6 ng
1987 Konstitusyon:
Ang pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Hábang ito ay
nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika
sa Filipinas at iba pang wika.
Nakabatay ito sa wikang Tagalog na siyáng napilìng batayan ng
wikang pambansa noong 1937. Mula Tagalog, pinalawak ang
konsepto ng wikang Filipino bilang wikang nakabukás na
tumatanggap at umuunlad mula sa lahat ng mga wikang katutubo
ng bansa pati na ang mga wikang banyaga. Larawan ang Filipino
ng makulay at sari-saring pambansang kultura at karanasan. Mula
ditto, maaaring itawag ang “Filipino” sa mga mamamayan at
kabuuang kultura ng Filipinas.
Filipino First Policy
• Layon ng Filipino First Policy (Fi•li•pí•no First Pá•li•sí) o
“Patakarang Filipino Muna” na itaguyod ang mga negosyo
at produktong Filipino upang tangkilikin ito sa bansa at
bawasan ang lubhang pagsandal ng Filipinas sa produkto
at ekonomiya ng ibang bansa bukod sa bawasan ang
kontrol ng mga banyaga sa pambansang ekonomiya.

• Sa pamamagitan ng Resolution No. 204 ng National


Economic Council, ang tagapagpayo sa Pangulo hinggil sa
mga planong pang-ekonomiya para sa bansa, nailatag ang
patakarang Filipino First noong Agosto 1958. Ito ang
naging islogan ng administrasyon ni Carlos P. Garcia.
Magdaléna Gamáyoc
• Mahigit pitóng dekada nang naghahabi ng tela si Magdaléna
Gamáyo ng Pinili, Ilocos Norte, nanlalabo na ang kaniyang
paningin, ngunit itinuturing pa rin siyáng pinakanatatanging
manghahabi sa abel ngayon. Dahil dito, ibinigay sa kaniya
nitóng 2012 ang Gawad Manlilikha ng Bayan (GAMABA).

• Dalubhasa si Magdalena sa mga tradisyonal na padron ng


binakól, inuritan, at kusikos. Ngunit higit siyáng kahanga-
hanga sa padron ng inuban nga sabong. Hinangaan ang
kaniyang mga inabel dahil sa maselang mga padron at makinis
na hábi.
Gaddanan
Si Gaddanan umano ang mandirigmang pinuno ng tribung Gaddang na
nagtanggol sa kaniyang nasasakupan at siyang pinagmulan ng pangalan
ng bayang Angadanan bilang pagkilala sa kaniyang kabayanihan. Ang
Gaddáng ay pangkating etniko na matatagpuan sa pusod ng Cagayan
Valley at Silangang bahagi ng Cordillera. Sa sinaunang panahon, umakyat
umano ang tribung Gaddang sa mga bulubundukin sa hilaga sa
pamamagitan ng pamamaybay sa bunganga ng Ilog Cagayan. Marunong
na umano silá ng pagkakaingin, subalit ang engkuwentro nilá sa mga
Ifugaw ang nagturo sa kanila ng pagtatanim sa mga payaw.

May barangay rin sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Isabela na


matatagpuan din sa Cagayan Valley.
Gáwad Pambansâng Alagád ng Aghám
Gimokúdan
• Para sa mga katutubong Bagobo ng Mindanao, isang mundo
sa ilalim ng lupa ang Gimokúdan. Itinuturing itong tirahan ng
kaluluwa ng mga yumao. Matatagpuan daw rito ang isang
mahiwagang punò ng dayap na ang bawat pagyugyog ay
katumbas ng isang táong mamamatay sa lupa at patutungo sa
Gimokudan.

• Dito umano nananahan si Mebuyan, ang diwatang nagtataglay


ng napakaraming súso sa buo niyang katawan. Pinasusúso niya
ang kaluluwa ng mga sanggol at batàng namatay bago pa man
maawat sa gatas hanggang sa marating nila ang edad na maaari
na silang kumain ng kanin. Sa gayon ay maililipat na sila sa
bahagi ng Gimokudan kung saan nila makakapiling ang
kaluluwa ng kanilang mga yumaong kaanak.

You might also like