You are on page 1of 36

Makasaysayng Pangyayari /

Pook sa Lalawigan ng
Batangas
Aralin 3 Day 3
Naisasalaysayang kuwento
ng mga makasaysayang pook
o pangyayari na nagpapakilala sa
lalawigan ng Batangas
2016 2017 2018 2019
Alamat ng Batangas
Kung saan nagmula ang pangalan ng
mayamang lalawigang Batangan na
ngayo’y lalongkilala sa tawag na
Batanggas, ay siyang inihahayag ng
maikling alamat na ito.
Matagal nang panahon
ang nakalilipas, nang ang
isang pangkat ng mga Kastila
ay maglibot sa isa sa mga lalawigan sa
may timog sa Gitnang Luzon. Nang
mga panahong iyon ay wala pang mga
sasakyang kagaya ng awto
tulad ngayon, kaya ang nagsisipaglibot
na pangkat ng mga Kastilang iyon ay
nagsisipaglakad lamang. Naka ratig sila
sa mga pook na naggu-gubat sa sari-
saring halaman at sa kapatagang
tinutubuan ng iba’t-ibang punongkahoy
Doon sila nakakita ng mga puno ng
kape, kakaw, abokado, suba, dalandan,
dayap at kalamansi. Tangi sa
kagandahan ng kailikasang iyan, ang
mga Kastilang iyon ay nakarating pa rin
sa isang
malinaw na batis na may
kaaya-ayang ugos ng tubig. Kaya’t
libang na libang sila sa magagandang
tanawin na kanilang namamasdan
hanggang sa makarating sila sa isang
pook na napakadalang ang bahay.
Sa kababaan ng paglalakbay, ang
pulutong na mga Kastila yaon ay inabot
ng matinding gutom. Sa gayon ay
nagpatuloy pa sila sa paglalakad,
sapagka’t hangad nilang makasumpong
ng taong mahihingian nila ng kahit
kaunting pagkain.
Lugar ng kapanganakan at minamana
tahanan ng Philippine ni bayaning si
Jose Rizal Protacio. José Protacio
Mercado Rizal at Alonzo Realonda
(Hunyo 19, 1861 - Disyembre 30,
1896),
Hindi naman natagalan at sa kakalakad
nila ay nakarating sila sa isang pook na
may ilang taong gumagawa ng batalan ng
isang bahay. Hindi nalalaman ng mga
Kastila na ang nagsigawa ng nasabing
batalan
ay pawing bataris lamang,
na ang ibig sabihin ay walang upa ang
nagsisigawang mga anluwage. Iyan ay
isang kaugalian ng mga Pilipino sa diwa
ng kusang pagtutulungan, na
maipagmamalaki sa Dulong Silangan.
Ang mga Kastila ay lumapit
sa mga taong yaon, na sa palagay nila
ay mababait at mapitagan. Hindi naming
nagakabula ang kanilang palagay,
sapagka’t nang mapansin ng mga iyon
na sila ay pagod at gutom
ay binigyan sila ng pagkain. Gayon na
lamang ang kanilang pasasalamat at
habang sila’y nagkakainan ay sila-sila
na rin ang nag-uusap tungkol sa
kagandahang loob ng mga Pilipino.
Nang ang mga Kastila ay makakain, bago
umalis at nagpaalam ay magalang na
nagtanong ang pinakapuno nila sa mga
tao:- “Como, se llama esta provincial?”
Bagama’t ang itinatanong ng punong
Kastila ay kung ano ang
pangalanng lalawigang iyon, sa dahilang
ang tanong ay binigkas sa wikang kastila,
ay hindi siya naunawaan ng mga tao. Ang
akala naman ng punong anluwage ang
itinatanong niyon ay kung ano ang
kanilang ginagawa, kaya siya ang
nangahas na sumagot:
- Batalan, senyor.
- Batalan? – ulit ng tanong ng
pinunong Kastila. Sabay-sabay na
tumango ang kaharap na mga tao kaya’t
ang akala ng
Pinuno ay iyon na ang ngalan ng
lalawigan. Hanggang sa umalis ay
inusal-usal ang salitang
BATALAN. Nang dumating sila sa
kanilang kuwartel, dahil sa kalituhan sa
kauusal sa salitang “batalan” ang naibigay
tuloy sa kanilang pinakamataas na puno
ay ang katagang BATANGAN.
At mula nga noon iyon na ang naging
pangalan ng nasabing lalawigan, na kaya
lamang napalitan ng BANTANGGAS ay
sa dahilan sa ating salitang BATANGAN
ay hindi mabigkas na mabuti ng mga
Kastila.
Mabini Shrine
Ang Mabini Shrine ay matatagpuan sa
Brgy. Talaga sa Tanauan, Batangas. Ang
lugar na ito ay itinayo para maipakita ang
mga importanteng kaganapan sa buhay ni
Apolinario Mabini.
Si Apolinario Mabini ay bayani ng ating
bansa. Tinagurian siyang “Dakilang
Lumpo” dahil kahit nagkaroon siya ng
malubhang sakit hindi ito naging hadlang
sa kanya upang ipaglaban ang kalayaan
ng Pilipinas.
Si Apolinario Mabini ay bayani ng ating
bansa. Tinagurian siyang “Dakilang
Lumpo” dahil kahit nagkaroon siya ng
malubhang sakit hindi ito naging hadlang
sa kanya upang ipaglaban ang kalayaan
ng Pilipinas.
May isang dambana na
nakatuon sa bayani na si Apolinario
Mabini sa Manila sa Malacañang Park
malapit sa Mabini (Nagtahan), ngunit ang
pangunahing Mabini Shrine ay
matatagpuan sa kanyang bayan ng
Tanauan City, Batangas.
Mabini ay tinatawag na
“talino ng Rebolusyon ng
Pilipinas” . Ang kanyang iba
pang mga palayaw ay “ang napakaganda
paralitiko” dahil siya ay paralisado mula
sa polio (isang katotohanan na lamang
napatunayan sa 1980’s).
Ang kanyang kapansanan
ay hindi humadlang sa kanya mula sa
naghahain ng kanyang bansaAng Mabini
Shrine ay isa lamang museo na nakatuon
sa buhay at mga gawa ng Mabini.
General Malvar Museum

Ang pagpasyal sa mga lugar na ginawang


pook pangkasaysayan o national landmark
tulad ng Malvar Museum and Library ay
magbibigay kaalaman
sa mga bumibisita dito ng
mga importanteng kaganapan
ng mga panahon na tayo ay sakop ng
ilang mga dayuhan. Isa na rito ay ang
Gen. Malvar Museum and Library na
isang national landmark.
Ito ay makikita sa Gov. Malvar St. Sto.
Tomas, General Malvar LibraryBatangas
sa tabi ng munisipyo ng bayan. Makikita
din sa lugar ang monumento ng heneral.
Sinasabing si Gen. Malvar ang huling
Pilipinong heneral
na sumuko sa mga tropa ng Amerikano
noong panahon na tayo ay sakop pa nila.
Ang lugar na ito ay ibinigay ng pamilya
ng heneral sa probinsiya.Sa kaliwang
bahagi ng monumento ay makikita ang
Gen. Miguel Malvar
Memorial Library. Dito maki
kita ang ilang mga personal na gamit,
kasuotan at libro ni Gen. Malvar.
Makikita rin dito ang ilan sa mga oil
paintings na isinali sa contest noong
Malvar Birth Centenary Celebration.
Marami ring mga libro ang
dito’y makikita na patungkol
sa kasaysayan ng Pilipinas na maaari ring
mabili ng mga bumibisita dito.

At katulad ni Gen. Miguel Malvar, huwag


nating sayangin ang mga
pagkakataon para mabisita at malaman
ang mga piraso ng kasaysayan.
Kasaysayang bumuo sa ating pagka-
Pilipino. Masarap isiping naging malaya
tayo dahil sa pagsasakripisyo ng isang
Heneral Miguel Malvar.
Pumili ng isang makasaysayang
pook/pangyayari sa Laguna at isalaysay
kung bakit ito naging makasaysayan sa
tatlo o apat na pangungusap.
Takda

Magsaliksik ng mga makasaysayang


pook/pangyayari sa Rizal.

You might also like