You are on page 1of 8

1

Kabanata 1

PAINMULA

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na

bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2015,

tinatayang 365,500 ang populasyon nito. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, ito

ay maituturing na isang pamayanan at industriyal na lungsod at isa ito sa may

pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan. Mayroon itong kabuuang lawak

na 15.714 na kilometro kwadrado.

Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na

tinaguriang CAMANAVA. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod ng CAloocan,

MAlabon, NAvotas, at Lungsod ng VAlenzuela. Napaliligiran ang Malabon ng

Caloocan sa timog at silangan, Navotas sa kanluran, at Valenzuela sa hilaga.

Nasa hilagang-kanluran naman ng hangganan nito ang Obando, isang bayan ng

lalawigan ng Bulacan. Ang Northern Manila District o CAMANAVA ay ikatlo sa

bahagi ng distrito ng National Capital Region (NCR).

Layunin ng Pagaaral

Mangangalap ang mga mananaliksik ng impormasyon sa pamamagitan

ng internet upang makuha ang pagkakakilanlan at upang makakuha ng tiyak na

impormasyon hinggil sa kasaysayan tungkol sa lungsod ng Malabon. Tatalakayin

Lungsod ng Malabon
2

ng mga mananaliksik ang mga nakalap nilang impormasyon sa lungsod ng

Malabon at aalamin ng mga mananaliksik ito, upang maipabahagi ang

kagandahan at kahalagahan sa lungsod ng Malabon sa pamamagitan ng mga

sumusunod na salik:

1. Kasaysayan o Historikal tungkol sa lungsod ng Malabon.

2. Panitikan o maikling kwento tungkol sa lungsod ng Malabon.

3. Pamumuhay o pangunahing produkto ng mga taga Malabon.

4. Okasyon sa lungsod ng Malabon.

5. Para palawakin ang kaalaman sa kasaysayan tungkol sa lungsod ng

Malabon.

Historikal

Ang salitang Malabon, ayon sa alamat, ay galing sa salitang “maraming

labong” o bamboo sa ingles. Una itong tinawag na bayan ng Tambobong, binuo

ang Malabon bilang bisita ng Tondo ng mga Agustino noong May 21, 1559 at

nanatili sa pamamahala ng Lalawigan ng Tondo mula 1627 hanggang 1688.

Lungsod ng Malabon
2

Nagkaroon ng mahalagang papel ang Malabon sa ekonomiya sa huling

bahagi ng ika-19 dantaon, na pinagtibay ng pagkakatatag ng La Princesa

Tabacalera noong 1851 at ng Malabon Sugar Company noong 1878. Ang

pahayagang La Independencia ay unang inilimbag sa Asilo de Huérfanos, kung

saan dinala ang mga ulila ng magkaroon ng peste noong 1882.

Ganap na naging isang bayan ang Malabon nang mabuo ang bagong

lalawigan ng Rizal noong Hunyo 11, 1901 sa bisa ng Philippine Commission Act

No. 137. Nang ipahayag ang Batas Blg. 942, pinagsama ang lungsod ng

Malabon at lungsod Navotas sa ilalim ng iisang pamahalaan. Noong ika-16

Enero 1906, ang Batas Blg. 1441 ay nagpahayag ng paghihiwalay ng Malabon at

Navotas upang maging dalawang bayan ng lalawigan ng Rizal. Ang unang

Punong lungsod ng Malabon ay si Don Agustin Salamante, isang mestisong

Kastila na tubong Caviite.

Naaging bayan ng lalawigan ng Rizal ang Malabon sa loob ng 70 taon,

hanggang noong Nobyembre 7, 1975, sa bisa ng Kautusan ng Pangulo Blg. 824,

nang isama ang Malabon sa Kalakhang Maynila o ang Pambansang Punong

Rehiyon. Naging lungsod ang Malabon noong Abril 21, 2001, sa ilaim ng Batas

Republika Blg 9019, 407 taon makalipas ang pagkakatag dito.

Lungsod ng Malabon
2

Panitikan

Ang Kalakhang Maynila ay ang kabisera ng Pilipinas, na ang opisyal na

pangalan ay Pambansang Punong Rehiyon (National Capital Region) (NCR).

Makikita rin dito ang ilan sa ating dakilang mga manunulat tulad nila Andres

Bonifacio, Emilio Jacinto, Jose Dela Cruz, Cecilio Apostol, Faustino Aguilar at

madami pang iba.

Makikita din sa lungsod ng Malabon ang isa sa mga kilala na manunulat

sa henerasyon ngayon, gaya ni Fanny A. Garcian ipinanganak noong Pebrero

26, 1949. Siya ay isang guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag-salin.

Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Si Fanny A. Garcia ay isa

ring premyadong manunulat sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature

sa mga kategoryang maikling kwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata.

May labindalawa na siyang libro kasama na ang bersyong Ingles na "Journeys

with My Autistic Son (2009)." naipublish na din niya ang kanyan kauna-unahang

piksiyon na pinamagatang, “Sandaang damit at iba pang maikling kuwento”

noong 1994. Sumunod rito ang “Apartment 3-A Mariposa St.”, sa taon din na

1994. Nagkaroon ulit ng panibagong aklat na patungkol sa talambuhay si Fanny

Garcia na pinamagatan naman niyang, “Erick slumbook: paglalakbay kasama

ang anak kong autistic” at naipublish ito sa taong 2004. matapos nito, ay

nagkaroon ulit ng panibagong bersyon ang kanyang piksyon na “Sandaang

damit: 16 na maikling kuwento” na naipublish noong 2007 at sa panibagong

Lungsod ng Malabon
2

bersyon ng kanyang aklat na paglalakbay kasama ang anak kong autistic na

ngayon ay isinalin sa wikang ingles sa pamagat na, “Journeys with My Autistic

Son” na naipublish sa taong 2009. Nakapagturo na rin siya noon sa Philippine

Science High School. Taong 2012, nagsimulang magtuturo Dr. Fanny Garcia sa

De La Salle University-Manila at sa University of the Philippines-Diliman.

Pasyalan

Makikita sa lungsod ng Malabon ang isa sa mga pinupuntahan ng mga

turista gaya ng San Bartolome Church, ang kauna-unahang parokya na itinayo

ng mga paring Agustino sa lungsod ng Malabon taong-1614.

Artes de Paseo Art Gallery ng Malabon na kung saan dinadayo din ito ng

karamihan dahil sa angkin kagandahan ng ilang portrait na gawa ng mga artist.

Ang Malabon Zoo and Aquarium naman ay nagtatampok ng maraming

nakahawlang hayop, na may kasamang mga hayop na makikita sa karagatan. Ito

rin ay isa sa mga pinupuntahan ng mga dayuhan upang pasyalan kasama ang

pamilya.

Ang Pagoda-Caracol ay isa pagdiriwang ng pista ng Our Lady of

Immaculate Concepcion. Ito ay ginaganap tuwing ika-8 ng Disyembre. Ang pag

diriwang na ito ay sinasabayan ng pagsa-sayaw sa kalsada o street dance sa

Lungsod ng Malabon
2

ingles. Nagsisimula ito sa lungsod ng Malabon at nagta-tapos hanggang sa ilog

ng Navotas.

Isa pa sa mga pinupuntahan ng mga turista ay ang Rizal Shrine. Ang

Rizal Shrine ay matatagpuan sa E. Rodriguez Plaza, sa pamayanan ng San

Agustin. Ito ay itinayo upang bigyang karangalan ang Pambansang Bayani ng

Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

Hanap-buhay o Produkto

Isa sa mga hanap buhay karamihan sa mga taga malabon ang

pangingisda dahil sa kalapit nilang lungsod ng Navotas dahil mayroon itong

katabing dagat. Minsan ding ginagawang hintuan ng mga barko o ferry sa ingles

ang lungsod ng Malabon.

Kilala din ang lungsod ng Malabon sa pag gawa o pagluto ng pancit. Ang

pancit Malabon ay sinasabing may pinaka-masarap na pancit sa ating bansa.

Dahil sa hindi pangkaraniwang pampalasa at sangkap na nilalagay nila dito.

Dahil ang lungsod ng Malabon ay isang sentro ng pangingisda para sa

Maynila, ang lungsod ay kilala sa paggawa nitong "bagoong" (fish paste) sa

ingles.

Lungsod ng Malabon
2

Bayani

Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol, mamamahayag,

mananalaysay (historian), musikero, pintor, kritiko, manunulat, pilosopo

("philosopher") at masugid na kolektor ng mga antique. Isinilang siya sa bayan

ng Malabon noong 7 Abril 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na

si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay

tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon

ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy

siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa

Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga

gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas

na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa

Unibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman.

Kilala si Epifanio de los Santos bilang ang unang pang akademikong Pilipino,

mahusay sa mga mahusay na iskolar ng Pilipino, isang tao ng maraming talento.

Namatay si Epifanio de los Santos noong 18 Abril 1928. Bilang paggalang

sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog

sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida

Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.

Reperensiya

Lungsod ng Malabon
2

 https://malabon.gov.ph/history/

 https://philippinescities.com/malabon-city/

 https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1060/today-in-philippine-

history-april-7-1871-epifanio-de-los-santos-was-born-in-malabon

Lungsod ng Malabon

You might also like