You are on page 1of 7

Leyte Normal University

Lungsod ng Tacloban

College of Education

NCR REGION: NATIONAL CAPITAL REGION

(KALAKHANG MAYNILA)

Ipinasa ni:

Egos, Jyll Denver C.

Beed 3-1

Ipinasa kay:

Ms. Anne Dominique C. Duque


Mapa ng Rehiyong NCR

(14°40' H 121°3 S)

Sukat: 636 km2

Populasyon: 12,877,253 (2015)

Lalawigan: 16

Ang Kalakhang Maynila o mas kilala sa tawag na NCR (National Capital Region) ay
isang kalakhang rehiyon na binubuo ng Maynila kasama ang mga karatig lungsod
ng Caloocan, LasPinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parana
que, Pasay, Pasig, Lungsod ng Quezon, San Juan, Taguig, at Valenzuela kasama ang bayan
ng Pateros. Itinatag ito noong Nobyembre 7, 1975 sa ilalim ng Presidential Decree No. 824.
Naihiwalay ang mga kasalukuyang bumubuo ng mga lungsod at bayan sa Metro Manila mula sa
lalawigan ng Rizal. Ang topograpiya nito ay may kapatagan na higit na mababa kaysa pantay-
dagat. Ang mga pangunahaing produkto na makikita sa NCR ay palay, mais, mangga, saging,
niyog, at kape. Laganap din ang touriso rito at mga muwebles. Ang klima rito ay tag-ulan mula
Hunyo hanggang Nobyembre at tag-init naman mula Disyembre hanggang Mayo. Ang rehiyon
na ito ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas.

Lungsod ng Pateros

Ang Pateros ay isang bayan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kilala ang bayan na ito
sa industriya ng pagpapalaki ng mga bibe at lalo na ang paggawa ng balut , isang Filipinong
pagkain na pinakuluang itlog ng bibe. Napapaligiran ang Pateros ng Lungsod ng Pasig sa hilaga,
Lungsodng Makati sa kanluran, at Lungsod ng Taguig sa timog.Pinakamaliit na bayan ang
Pateros sa mga lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila pareho sa populasyon at lawak
ng lupain, ngunit ito ang ikalawang makapal ang popuplasyon namayroong mga 27 katao sa
bawat kilometro kuadrado pagkatapos ngMaynila. ito rin ang nag-iisang bayan sa buong
Kalakhang Maynila.

Lungsod ng Quezon

Ang Lungsod Quezon ay dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas.


Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na
binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod
kay Manuel L. Quezon, ang dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng
lungsod at isinulong upang palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa. Ang siyudad ay
nakapwesto sa itaas ng Talampas ng Guadalupe na isang medyo mataas na talampas sa hilagang-
silangang bahagi ng siyudad - sa pagitan ng mga mababang lupain ng Maynila sa timog-kanluran
at sa Lambak ng Marikina sa silangan. Sa katimugag bahagi matatagpuan ang makitid na Ilog
San Juan at ang mga tributaryo nito sa Ilog Pasig, habang sa hilaga naman ng siyudad
matatagpuan ang makitid ring Tullahan River.

Lungsod ng Caloocan
Ang Caloocan ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kanugnog
ito ng Maynila sa hilaga. Ito ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa bansa na may populasyong
umaabot sa 1,489,040, ayon sa senso ng 2010. Ito lamang ang tanging lungsod sa Pilipinas na
nahati sa dalawang magkalayong lugar. Ang Timog Kalookan City ay malapit sa Malabon City,
Valenzuela City, Navotas, Quezon City. Ang Hilagang Kalookan naman ay malapit sa San jose
del Monte City, at Marilao, Bulacan.
Lungsod ng Las Piňas
Ang Lungsod ng Las Piñas (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod sa Kalakhang
Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng Lungsod ng Parañaque;
sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa timog ng Munisipalidad ng Imus,
Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran
ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential) ang kalahati ng nasasakupan ng lupain
samantalang pangkalakalan (commercial), industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati.
Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal
Margin at Guadalupe Plateau.

Lungsod ng Makati
Ang Makati, opisyal na Lungsod ng Makati, ay isang lungsod sa Pilipinas, at isa sa labing-
anim na mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ito ang sentro ng kalakalan,
pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang karamihan ng mga malalaking
kompanyang banyaga pati na rin ang mga tanggapan ng mga malalaking lokal na korporasyon ng
bansa. Ang mga pangunahing mga bangko, korporasyon, pamilihan, at mga embahada ay
matatagpuan din sa lungsod. Ito ay matatagpuan sa loob ng bilog na 14′40″ °north at 121′3″ °E
right sa gitna ng Kalakhang Maynila. Ang karatig ng lungsod sa hilaga ay ang Ilog Pasig at
nakaharap sa lungsod ng Mandaluyong, sa hilagang-silangan naman ay ang Pasig, sa timog-
silangan ang munisipalidad ng Pateros at lungsod ng Taguig, sa hilagang-kanluran ang Maynila,
at sa timog-kanluran ay Pasay. Ang lungsod ng Makati ay may kabuuang lawak na 27.36
kilometro kwadrado.
IBA’T-IBANG ATRAKSYONG MATATGPUAN SA NCR

Ang Liwasang Rizal o mas kilala sa Luneta Park


o Rizal Park ay isa sa mga makakasaysang pook-
pasyalan na makikita sa NCR. Dati itong tinatawag
na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong
kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng
mga Kastila, at tinawag na Luneta pagkalaunan.
Matatagpuan ito sa may Bulebar Roxas, katabi ng
lumang napapaderang lungsod ng Intramuros at
ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita. Ito
ay isa sa mga pinakamalaking lunsuring liwasan sa
Asya. Pinupuntahan din ito bilang lugar ng
paglilibang, lalo na sa mga Linggo at mga pista opisyal. Isa ito sa mga pangunahing
atraksyong panturista ng Maynila.

Ang Intramuros (Latin: "nagsasanggalang na pader"


o "sa loob ng pader"), ay ang makasaysayang
napapaderang lungsod at pinakamatandang distrito
ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas at may lawak
itong 67 ektarya. Ito ay tanyag dahil nagsisilbing
distrito sa Maynila kung saan makikita pa rin ang
maraming impluwensyang iniwan ng mga Kastila. Ito
ay sikat sa mga tourista dahil sa pagbigay ng
pakiramdam na parang bumalik ka sa mga panahong
nasasakop pa tayo ng Kastila.

Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal


na repositoryong itinatag noong 1901
bilang museong pangkasaysayang natural at pang-
etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan
sa tabi ng Liwasang Rizal malapit
sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang
arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong
1918. Isa din itong tanyag na pasyalan sa NCR dahil
makikitarito ang iba,t-ibang makasaysayang mga
sining at agham kabilang sa mga pag-aaring yaman
nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.
MGA AKTIBIDAD
Gawain I.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanongan , isulat sa kalahating papel.

1. Saan Matatagpoan ang NCR?


2. Anong Bahagi ng Bansa ito naka tukoy?
3. Ano ang acronym ng NCR?
4. Bakit ito tinawag na NCR?
5. Anong mga attraction ang makikita Rehiyon? Mag bigay ng 3.
Gawain II.
Panuto: ipaliwanag ang sumusunod.
1. Anong mga uri ng pamumuhay ang ginagagwa sa NCR?
Gawain III
Panuto: iguhit ang mga kalakip na lugar sa NCR sa pamamagitan ng Mapa.

You might also like