You are on page 1of 26

KABANATA II

KONTEKSTO NG PAG-AARAL
Ang Tagpuan ng Ritwal ng Padugo

Ang Distrito II ng Lungsod ng Caloocan, Metro Manila

Ang lungsod ng Caloocan ang ika-apat na pinaka-mataong lungsod sa

buong Pilipinas. Ito ay isa sa labing-anim na lungsod na bumubuo sa National

Capital Region (NCR) ng Metropolitan Manila. (Philippine Statistics Authority,

2015)

Kasaysayan

Pinagmulan ng Pangalang Caloocan

Maraming kwento at paniniwala ang naisalin sa paglipas ng maraming

taon kung paano nakuha ng lungsod ng Caloocan ang kaniyang pangalan. May

ilang nagsasabi na ang Caloocan ay nagmula sa salitang Tagalog na look dahil

sa bahagi ng Caloocan ang Dagat-dagatan, isang maliit na sapang naghihiwalay

sa Navotas at look ng Maynila.1 (Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen de la

Nieva at Poong San Roque, 1966) Pinaniniwalaan naman ng iba na ang ang

salitang look ay nangangahulugang sulok. Dati matatagpuan ang Caloocan sa

sulok kung saan nagtatagpo ang mga lumang baryo ng Tondo at Tambobong o

Malabon ngayon. (Serrano, 1960) (Fider & Joaquin, 1977)

Ang unang pangalan ng Caloocan noong ito pa ay isang Sitio Politico ng

bayan ng Tondo ay Aromahan2 o Espina3 kung tawagin ng mga Espaol.

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 12


Matatagpuan ang ito sa mababang bahagi na kung tawagin ay libis. Kaya mas

kilala ang lugar na ito sa pangalang Libis Espina. (Serrano, 1960)

Ang naging opisyal na batayan ng salitang Caloocan ay kinuha sa

Diccionario Geografico Historico de las Islas Pilipinas inilimbag sa Madrid

noong 1850. Ang salitang Caloocan ay matatagpuan sa pahina 31, nakasaad;

Caloocan. Pueblo con cura y gobernadorcillo en la isla de Luzon, prov. De Tondo

dioc. del arz. de Manila.

Ang Caloocan noong Sinaunang Panahon

Ang Caloocan noong ito ay isang Sitio Politico ng bayan ng Tondo ay

isang maliit na pook na binubuo lamang ng isang lagay na lupang-dalampasigan,

wala pang sariling pamahalaan at nasasakupan lamang ng isang Kabesa de

Barangay na hinirang ng Parokya ng Simbahan ng Tondo. Siya ang tagapaningil

ng buwis sa ilang mangingisdang doon naninirahan. (Dakilang Kapistahan ng

Mahal na Birhen de la Nieva at Poong San Roque, 1966)

Hinati ang dalampasigang ito sa ibat -ibang pangalan upang makilala ang

mga mamamayan at mapadali ang paniningil ng buwis. Ang pook na malapit sa

Vitas (Navotas ngayon) ay tinawag na Sitio de Umbuyan, ito ang pook na tuyuan

ng isda, tinapahan at daingan ng mga nahuhuli sa dagat-Maynila. Karamihan ng

mga taong nakatira noon dito ay mga Sangley4 , (Dumugho, 1971) mestizos at

mga Tagalog. Ang dalampasigan na ngayoy Gagalangin ay tinawag na Sitio de

Asinan, pahilaga buhat sa dalampasigan ng Maypajo hanggang kabayanan ay

tinawag na Sitio de Espinas. Makalagpas dito ay ang dulo o Sitio de Talisay at

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 13


ang panghuli hanggang sa hanganan ng Malabon o Tambobong ay ang Sitio de

Balong-bato at Sasahan. (Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen de la Nieva

at Poong San Roque, 1966)

Larawan 1: Mapa ng Sinaunang Maynila, mula sa Malacaang Library

Ang Dalampasigang ito hanggang sa mga ahunan sa pinakapaltok ay

sakop ng mga Paring Hesuitas at tinawag na Hacienda de Maysilo. Galing sa

Tondo ang mga unang nanirahan rito. Naghanap sila ng mapagtitirhan sa matinik

na dalampasigan ng Dagat-dagatan. (Serrano, 1960) Ang lupa ay hindi mataba

dahil sa alat ng tubig kayat walang gaanong naaani. Nang lumaon ay umakyat

ang mga ito sa burol upang maghanap ng lupang maaring taniman. (Fider &

Joaquin, 1977)

Pagkatapos ng ika-18 siglo, ang mga magigisda ng Aromahan ay umakyat

sa mga burol upang magtayo ng matitirhan, dahil maaring taniman ang mga

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 14


burol ang dating mga magigisda ay naging mga magsasaka. Noon na lamang

1815, nang ipasyan ng pamahalaan na ang mga Sito de Asinan, Espina, Talisay,

Sasahan o Bakawanan ay ihiwalay sa Tondo at isama sa bagong tatag na

Gobierno Provincial de Morong. Ang original na sakop ng teritoryo ng Caloocan

ay hanggang sa paanan ng Marikina, San Mateo at Montalban sa silangangan;

Ilog ng Tinejeros, Tanza at Tala sa Hilaga; Sampalok, Sta. Cruz at Tondo sa

Timog; Dagat-dagatan o Aromahan sa kanluran. (Dakilang Kapistahan ng Mahal

na Birhen de la Nieva at Poong San Roque, 1966)

Ang lokasyon ng Caloocan ay malapit sa Look ng Maynila, isa sa

pinakamahalagang daungan (Bacus, 2004). Ang daungang ito ay hindi lamang

luklukan ng lokal ng kultura at kabihasnan, kung hindi luklukan rin ng kultura ng

ibang bansa na kasali sa pakikipagkalakalan, dahil sa pakikipagugnayan at

pakikipag alyado ng sinaunang pamahalaan sa ibang bansa. Ang

pakikipagkalakan ay hindi lamang nakaapekto sa kultura at kabihasnan ito rin ay

mayroong malaking epekto sa relihiyon. Habang ang Tondo naman ay ang

kinalabasan ng lokal na kultura, kabihasnan, pamahalaan relihiyon malawak ang

sakop ng kaharian ng Tondo, ang buong Katagalugan, kung saan animismo ang

pangunahing relihiyon at kung saan naobserbahan ni Plasencia ang ritwal ng

Pag-anito (Plasencia, 1979) na hinihinuha ng mananaliksik na pinamulan ng

ritwal ng padugo na ngayon ay ginagawa at matatagpuan pa sa lungsod ng

Caloocan.

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 15


Ang Caloocan noong Panahon ng Pananakop ng mga Kastila

Ang Caloocan ay tinaguriang makasaysayang lungsod, nasaksihan noong

Himagsikang Pilipino ng 1869 (Fider & Joaquin, 1977). Nalaman nila ang mga

titulo ng lupa na kanilang tinaniman at tinirhan ay nasa ilalim ng Hacienda de

Maysilo. Dito nagsimula ang pag-aaklas laban sa mga may-ari ng lupa at

tumagal ito ng daan-daang taon hanggang sa sila ay pamunuan ni Andres

Bonifacio. (Serrano, 1960) Sila ang naging mga kasapi ng Katataastaasang

Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKKAnB). Sumapit ang

araw ng Agosto 30, 1899, sa Balintawak. Ang pwersa ng pangkat ng mga

rebolusyonaryo sa Caloocan ay masigasig na nakiisa sa pagsalakay sa

Intramuros na pinalibutan nang pwersa ng mga sundalong Kastila sa Maynila

hanggang sa kanilang pagsuko sa mga Amerikano noong Agosto 13, 1898.

(Serrano, 1960)

Ang Caloocan noong Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano

Noong Enero 11, 1899 ang lungsod ay nakakita ng mabigat na labanan

noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Maging sa una at ikalawang labanan sa

Caloocan. (Fider & Joaquin, 1977)

Noong 1901, sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano, naging isa sa

mga bayan sa probinsya ng Rizal. Dahil sa pagsasama-sama ng ilang

munisipalidad, ang Novaliches ay naging bahagi ng Caloocan ayon sa Act 942

na inamiendahan ng Act 984 at 1008 ng Philippine Commission. Sa parehong

taon, ayon sa Commonwealth Act 502, na nagtatalaga sa lungsod ng Quezon

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 16


bilang kabisera ng Pilipinas, dahil dito inalis sa sakop ng teritoryo ng Caloocan

ang mga sumusunod na barrio; Baesa, Bagbag, Bahay Toro, Banlat, Novalichez,

Pasong tamo, San Bartolome at Talipapa. Ito ang dahilan kung bakit ang lungsod

ng Caloocan ay mayroong dalawang magkahiwalay na teritoryo. Ang Distrito I at

Distrito II. Noong 1961, mula sa pagiging makasaysayang bayan, pignagtibay na

ito ay gawing lungsod sa pamamagitan ng isang plebesito na ginawa batay sa

House Bill 6038, na pinasa at inaprubahan ng Kongreso. Nagbigay daan ito sa

pagpirma ng Republic Act 3278 na nag deklara sa Caloocan bilang lungsod

noong Pebrero 16,1962 ng dating Pangulong Diosdado Macapagal. (Fider &

Joaquin, 1977)

Heograpiya

Noong ika-18 siglo inilarawan ang heograpiya ng Caloocan bilang isang

dalampasigan na malapit sa isang burol. (Dakilang Kapistahan ng Mahal na

Birhen de la Nieva at Poong San Roque, 1966)Hanggang ngayon ay makikita

ang dalampasigan sa gawing bahagi ng lungsod ng Navotas. Makikita naman sa

matatarik at matataas na barangay sa kasalukuyan na ang lupain na ito ay dating

burol. Matatagpuan ang lungsod 1.5 kilometro mula sa Look ng Maynila, at sa

hilagang-kanlurang bahagi ng Metro Manila (Office of the City Mayor of

Caloocan, 2016) Napapalibutan din ng mga Ilog ang Caloocan ang mga ilog na

nakapalibot dito ay Tinajeros, Tanza at Tala. (Dumugho, 1971) Nahahati sa

dalawang Distrito ang lungsod ng Caloocan. Ang Distrito II o ang Timog

Caloocan ay nasa hilaga ng Maynila at panigigitnaan ng Malabon at Valenzuela

sa hilaga at kanluran, Navotas sa Kanluran habang Quezon City naman sa

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 17


Silangan. Ito ay nahahati sa 16 na Sona at 188 na Barangay. (Office of the City

Mayor of Caloocan, 2016) Sakop ng Distrito I ang Sona 15 hanggang 16 at mga

Barangay bilang 165 hanggang 188. Sakop naman ng Distrito II ang Sona 1

hanggang 14 at mga Barangay bilang 1 hangang 164. (Office of the City Mayor

of Caloocan, 2016)

Klima

Tropikal ang klima ng Caloocan katulad ng malaking bahagi ng bansa.

Nakararanas ng tag-init simula sa buwan ng Nobyembre hanggang Abril at tag-

ulan naman mula Hunyo hanggang Setyembre. Ang kanilang tinatayang taunang

pag-ulan sa distrito II ay 16.8 mm habang ang average relative humidity naman

nito ay 74%. (Office of the City Mayor of Caloocan, 2016)

Land Area

May lawak na 55.8 Sq. Km. ang kabuuang sakop ng teritoryo Caloocan.

Ang distrito II ng lungsod ng Caloocan ay may lawak na 13.625 Sq. Km. Ang

sakop na lupain ng distrito II ay mas maliit kumpara sa distrito I. Ang

pangunahing pinaglaanan ng mga lupaing ito ay residensyal, komersyal na

establisyimento, mga pasilidad ng ibat-ibang institusyon at mga parke. (Office of

the City Mayor of Caloocan, 2016)

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 18


Larawan 2: Mapa na nagpapakita kung paano hinati-hati ang lupa ng Caloocan

Uri ng Lupa

Ayon sa Soil survey and Classification ng Bureau of Soils and Water

Management (BSWM)noong 1987. Ang uri ng lupa na matatagpuan sa Caloocan

ay loam, fine sandy loam at clay loam. Ang ganitong uri ng lupa ay pumapailaim

sa tinatawag na Obando series at Prensa series, nag papakita ang mga ito ng

katangian ng lupa na makikita sa lugar na malapit sa karagatan at paanan ng

mga bundok. Ang fine sandy loam ay may mahirap hulmahin at ang clay loam

naman ay buhaghag at mabato. (Bureau of Soils and Water Management, 1987)

Populasyon

Mula sa 33 na mga Highly Urbanized Cities (HUCs) sa bansa. Nasa pang-

apat na puwesto ang Caloocan batay sa laki ng populasyon. Ang kabuuang

populasyon ng Caloocan ay bumubuo sa 12.3% ng kabuuang populasyon ng


KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 19
National Capital Region (NCR) noong 2015. (Philippine Statistics Authority,

2015)

Ang naitalang kabuuang populasyon ng Caloocan ay 1,583,978 habang

ang kabuuang populasyon naman ng Distrito II ay 583,019 noong Agosto 1,

2015, ayon sa 2015 Census of Population (Philippine Statistics Authority, 2015)

.Ekonomiya

Ang lungsod ng Caloocan ay mabilis na umuunlad dahil sa urbanisasyon.

Maraming komersyal at industriyal na establisyimento sa Caloocan sila ang

pangunahing nagbibigay ng opportunidad para magtrabaho. Dahil nasa

Caloocan ang Dulong terminal ng Light Rail Transit 1 (LRT 1) isa sa mga mass

transport system sa Metro Manila. Nag-usbungan nag mga sinehan, shopping

malls, supermarkets, banko at mga restaurant dito. (Irarum, Caloocan:

Motorcycle Trading Capital of the Philippnes, 2016)

Ngunit ang pangunahin at pinakamalagong industriya sa distrito II ng

Caloocan ay ang industriya ng mototsiklo na matatagpuan sa kahabaan ng 10 th

Avenue. (Irarum, Caloocan: Motorcycle Trading Capital of the Philippnes, 2016)

Sa kasalukuyang datos ng Caloocan Business Permit and Licensing

Office, umabot na sa mahigit 341 o 41.49% ang establisyenmentong may

kinalaman sa pagnenegosyo ng motorsiklo sa lungsod. Dahilan upang maging

isa ito sa mga pangunahing revenue sources na nakatutulong sa pag-asenso ng

Caloocan. (Irarum, Caloocan: Motorcycle Trading Capital of the Philippnes,

2016)

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 20


Isa pa sa mga malagong industriya sa Caloocan ang industriya ng

tsinelas. 1950s nang mag-umpisa ang industriyang ito. Sinimulan ito ng mga

migranteng mula sa Nueva Ecija na piniling manirahan at mabuhay sa Caloocan.

Makalipas nag mahigit 60 taon, naging sentro ng industriya ng tsinelas sa

Caloocan ang Barangay 132 Bagong Barrio kung saan mahigit 30 kabahayan

ang gumagawa ng tsinelas bilang hanapbuhay. Pang ikatlong henerasyon na ng

mga pamilyang gumagawa ng tsinelas ngayon. (Irarum, Malayo ang mararating

sa Tsinelas ng Caloocan, 2016)

Humigit kumulang 70-100 na pares ng tsinelas nag nagagawa sa bawat

bahay araw-araw. Inilalako ito sa buong Metro Manila o hinahango ng mga nag

nenegosyo ng tsinelas sa mga kalapit probinsya tulad ng Pampanga at Bulacan.

(Irarum, Malayo ang mararating sa Tsinelas ng Caloocan, 2016)

Relihiyon

Katolisismo ang nangungunang relihiyon sa Caloocan sa kasalukuyan

ngunit mayroon ding presensya ang kapilya ng Iglesia ni Cristo at iba pang

simbahang protestante.

Mga Pista at Pagdiriwang

Malaki ang inambag ng simbahang katoliko sa kasaysayan ng Caloocan

kung kayat mababakas sa kanilang mga pista ang lakas ng Katolisismo.

Mapapasin na kahit isang lungsod lamang ang Caloocan sapagkat magkakaiba

ang araw ng pista sa bawat lugar sa Caloocan dahil nakabatay ito sa sakop na

mga barangay ng ibat ibang parokya.

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 21


Talaan 1: Mga Petsa ng Pista sa Distrito II ng Lungsod ng Caloocan 5

Barangay Petsa Pista

Brgy. 1-25 ika- 3 na linggo ng Pebrero Pista ng San Roque


Brgy. 26-31 ika- 4 na linggo ng Mayo Pista ng Ma. Auxilladora
Brgy. 32-33 ika- 1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 34-35 ika- 3 na linggo ng Mayo (hindi nabanggit)
Brgy. 36-42 ika- 2 na linggo ng Mayo Pista ng Sagrada Familla
Brgy. 43-44 ika- 4 na linggo ng Mayo Pista ng Ma. Auxilladora
Brgy. 45-48 ika- 2 na linggo ng Mayo Pista ng Sagrada Familla
Brgy. 49 ika- 8 ng Disyembre Pista ng Immaculate Conception
Brgy. 50 ika- 3 na linggo ng Hunyo Pista ng Sacred Heart of Jesus
Brgy. 51-56 ika- 2 na linggo ng Mayo Pista ng Sagrada Familla
Brgy. 57-60 ika- 3 na linggo ng Hunyo Pista ng Sacred Heart of Jesus
Brgy. 61-62 ika-1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 63-66 ika- 3 na linggo ng Pebrero Pista ng San Roque
Brgy. 67-68 ika-1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 69 ika- 3 na linggo ng Pebrero Pista ng San Roque
Brgy. 70-75 ika-1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 76-80 ika- 3 na linggo ng Oktubre Pista ni San Gabriel
Brgy. 81-85 tuwing huling linggo ng Hunyo Pista ni San Pedro/Jose
Brgy. 86-99 ika-1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 100 ika-1 at 2 ng Mayo (hindi nabanggit)
Brgy. 101-104 ika-1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 105 ika- 2 na linggo ng Enero (hindi nabanggit)
Brgy. 106-112 ika-1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 113-116 ika- 2 na linggo ng Enero (hindi nabanggit)
Brgy. 117-118 ika- 8 ng Disyembre Pista ng Immaculate Conception
Brgy. 119-120 tuwing huling linggo ng Nobyembre (hindi nabanggit)
Brgy. 121-129 ika-2 na linggo ng Enero (hindi nabanggit)
Brgy. 130-131 ika- 1 na linggo ng Mayo Pista ng Our Lady of Grace
Brgy. 132-147 ika- 4 na linggo ng Mayo Pista ni Sta. Teresa de Avila
Brgy. 148-153 ika- 2 na linggo ng Pebrero (hindi nabanggit)
Brgy. 154-155 ika- 2 na linggo ng Mayo Pista ni Sto. Pancratius
Brgy. 156-162 ika- 3 na linggo ng Mayo (hindi nabanggit)
Brgy. 163-164 ika-22 ng Mayo (hindi nabanggit)

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 22


Caloocan Foundation day

Ipinagdiriwang ng Caloocan ang anibersaryo nag kaniyang pagkakatagtag

bilang isang lungsod tuwing Pebrero 16 alinsunod sa Republic Act 3278.

Ipinagdiwag ng Caloocan ang kaniyang ika-54 na Anibersaryo noong nakaraang

taon. Dito isinasagawa ang Miss Caloocan 2016 kung saan naglalaban-laban

ang pinakamamagandang dilag mula sa ibat-ibang barangay ng lungsod. Sila

ang nagsisilbing Ambasadors of Goodwill ng mga programa at proyekto ng local

na pamahalaan. (Irarum, Kultura at Turismo, Buhay na Buhay sa Caloocan,

2016)

Motorcycle Festival

Dahil patuloy na paglago ng industriya ng motorsiklo sa Caloocan, ninais

ni Mayor Oscar Oca Malapitan, kasalukuyang Mayor na mabansagang

Motorcycle Trading Capital of the Philippines ang lungsod. (Irarum, Caloocan:

Motorcycle Trading Capital of the Philippnes, 2016)

Sa kasalukuyang datos ng Caloocan Business Permit and Licensing

Office, umabot na sa mahigit 341 o 41.49% ang establisyenmentong may

kinalaman sa pagnenegosyo ng motorsiklo sa lungsod. Dahilan upang maging

isa ito sa mga pangunahing revenue sources na nakatutulong sap ag-asenso ng

Caloocan. (Irarum, Caloocan: Motorcycle Trading Capital of the Philippnes,

2016)

Upang mapagtibay ang titulong Motorcycle Trading Capital of the

Philippines, inorganisa ni Mayor Malapitan ang kauna-unahang National

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 23


Motorcycle Festival sa Caloocan na ginanap noong Oktubre 21-22, 2016.

(Irarum, Caloocan: Motorcycle Trading Capital of the Philippnes, 2016)

Nagkaroon ng mga motorcycle parade,motor cycle drag race, custom

bikes show at competition. Inanunsyo ni Mayor Malapitan ang mas malaking

pagdiriwang ng National Motorcycle Festival sa susunod na taon upang ganap

nang kilalanin ang lungsod na Motorcycle Trading capital of the Philippines.

(Irarum, Caloocan: Motorcycle Trading Capital of the Philippnes, 2016)

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 24


Ang Ritwal ng Padugo sa Konteksto ng Pilipinas

Ang Relihiyon ng Sinaunang Pilipino bilang paunang pagtalakay sa Ritwal

ng Padugo

Matutuklasan ang diwa ng ritwal ng Padugo sa pamamagitan ng

paghanap ng pinagmulan ng konsepto nito noong sinaunang panahon. Ang ritwal

ay manepestasyon ng relihiyon ayon kay Covar (Covar, 1998) Ang relihiyon ng

mga sinaunang Pilipino ay animismo. Ito ay pinaigting sa pagdating mga

Indonesian at mga Malay na animismo rin ang relihiyon. (Alarcon, Filipino

Building Beliefs, 1989) Ayon rin kay Norma Alarcon sa kaniyang artikulong

Filipino Building Beliefs mayroong dalawang uri ng espiritu ang mabuti: anito

at masama: mangales. (Alarcon, Filipino Building Beliefs, 1989) Piniling

pagtuunang pansin ng mananaliksik ang katagalugan sapagkat kabilang dito ang

lungsod ng Caloocan.

Ayon naman sa pagsusuri ni Jean Paul Potet sa kaniyang Ancient Belief

and Customs of the Tagalogs, ang mga anto ay maaaring hatiin sa tatlong

pangkat. Una na sa mga ito ay mga anto na ipinadala ng tagalikha ng sanlibutan

na si Bathl patungo sa daigdig upang mangasiwa sa ibat ibang aspekto ng

buhay ng tao at pati na sa mga kaganapan sa kapaligiran tulad ng mga sakuna.

Kanya itong tinawag na mga delegado (delegate). Ilan sa mga halimbawa ay

sina Amng-Siny, anto ng mga mangingisda; Lakapti, anto ng mga

kabukiran; at Lakambkod, anito ng mga bakod (fence). (Potet, 2004)Naririyan

din ang pangalawang pangkat ng mga anto na pinaniniwalaang namamahay sa

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 25


kapaligiran na tinawag naman ni Potet na mga residenteng ispiritu (resident

spirit). Kadalasang tinatawag na nn o nono ang mga ito ng mga Tagalog.

(Potet, 2004) Bagamat walang mga tiyak na pangalan, ang pangalawang uri ng

mga anto na ito ay lubos na ginagalang. Masasalamin ito di umano sa

pagsambit ng mga Tagalog ng To p at Tb p bago dumaan sa mga lugar

na pinaniniwalaang may naninirahang mga nn. (Potet, 2004)Ang pangatlong

pangkat ay binubuo naman ng mga kluluw (soul) ng mga namatay na kamag-

anak na siyang pinaniniwalaang naging mga anto. (Potet, 2004)

Ang Ritwal ng Pag-anito bilang unang Ritwal ng Padugo

Ayon kay Potet kadalasang bahagi ng mga ritwal ng Pag-anito ang pag-

aalay ng buhay, partikular na ng mga hayop tulad ng baboy at manok na

tinatawag na bngoy. Maaari ring ialay ang knin (cooked rice), bngag-khoy

(fruit), bsi (sugar cane wine), tub (palm wine), at iba pa. Maririnig din sa mga

seremonya at ritwal ng mga Tagalog ang mga tugtg (music) tulad ng mga dalt

at pilayly, at mga dasal na tinatawag na mga bkong at mantal (incantation).

Walang mga templo o permanenteng istruktura na itinatayo ang mga

sinaunang Pilipino para pagdausan ng mga sakripisyo, o pagsamba sa mga

spirito at mga dios at diosa. (Plasencia, 1979) Ang mga sinaunang tagalog ay

mayroong salitang simabahan o sambahan ito ang nasasabi o nagtatakda ng

lugar ng pagsamba. Kung mga etnograpikong datos ang pagbabatayan, maaring

ang mga salitang ito ay tumutukoy sa pansamantalang mga istruktura na tinatayo

lang kapag mayroong espesyal na okasyon tulad ng pagpatay at pag-aalay ng

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 26


mga hayup sa mga ritwal na may kinalaman sa pang-gagamot ng may sakit ang

karaniwan na tawag sa ritwal na ito ay nag-aanito. (Peralta & Salazar, 1993)

Ang buong komunidad ay lumalahok sa ritwal na ito hindi lamang dahil sa

itong mga pagtitipon na ganito ay itinuturing bilang isang aktibidad kung saan

nakikisalamuha sa kapwa, ngunit dahil maaring ang kabuuan nag komunidad ay

malayong mag-kakamaganak at bilang magkakadugo ay kanilang

responsibilidad na makilahok sa mga pagtitipong pang pamilya. (Peralta &

Salazar, 1993)

Ang paraan ng pag-aalay ay ang sa pamamagitan ng pagsasagawa pista

at pag-aalay ng hayup sa mga dios, diosa o mga anito. Pinaghahati-hatian din ng

mga dumalo ang pagkain, kadalasan ang buong komunidad ay sumasali sa

ritwal. Ang pag-aalay ay ginagawa sa harap ng mga imahen ng mga dios at

diosa. Nilalagyan ng pabango na nag mula sa mga bulaklak, halaman at kahoy.

Ang mga ito ay pinupuri sa pamamagitan ng orasyon at awit ng catalonan. Ang

dahilan ng mga pag-aalay, sakripisyo, pagsamba at pagpupuri ay kahit na anong

personal na suliranin o adhikain tulad ng paggaling ng may sakit, ligtas na

paglalakbay para sa mga puputa sa karagatan, masaganang ani, maayos na

panganganak o masayang buhay mag-asawa. (Plasencia, 1979) (Peralta &

Salazar, 1993)

Ang istruktura ng pag-anito na mula sa paglalarawan ni Pade Plasencia

ay maihahalintulad sa Umpo-an ng mga Mandaya; Pag-diwata ng mga

Tagbanua; Kanyaw ng mga Ifugao at ng iba pang mga etnolingwistikong

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 27


pangakat sa buong Pilipinas, na mayroong mga sakrpisyong na kadalasan ay

binubuo ng pag-patay at pag-aalay ng hayup, pag-aalay ng alak at pagkain na

kadalasan ay ginagawa ng isa o higit pang mga babaylan/catalonan na

sinasabayan ng pagbigkas ng piling bahagi ng mga epiko o pag-awit ng mga

orasyon. (Peralta & Salazar, 1993)

Maliban sa mga katunayan mula sa mga sulat ng mga unang

misyonerong Kastila sa kung anong nadatnan nila dito sa Pilipinas. Mayroon ding

material na patunay 500 taon bago ang pagdating ng mga Kastila sa Maynila.

(Bacus, 2004) Isang kominudad (ang matatagpuan sa tabi ng Ilog Pasig) na

tinatawag na Sapa nina Leandro at Cecilia Locsin (Locsin & Locsin, 2008) ang

matatagpuan sa ngayon ay Santa Ana, Manila. Ang mga nahukay dito ay

itinuturing na pinakaunang ebidensiya ng kabihasnan sa Maynila humigit

kumulang isang libong taon bago nanirahan ng tuluyan ang mga Kastila dito.

(Fox, 2008) Sa simbahan ng Sta. Ana, natagpuan ng mga arkeologo ang tumpok

ng Chinese ceramics, buto ng baboy, usa, at kalabaw katabi ng mga libingan.

(Bacus, 2004)

Ang mga libingan na ito ay humigit kumulang tatlong daan na

matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng Sta. Ana. (Bacus, 2004) Ang pinakaunang

datos na nadiskurbre ay nirekord ni Otley H. Beyer at Sofronic G. Calderon sa

kanilang pinagsamang paghuhukay noong 1926. Ang mayoong libingan na

maaring naroon na bago pa ang 1570. Ito ay inilarawan bilang:

In in the old native pagan style in which glazed porcelains, jewellery,


and other objects are buried with the dead. There were also pieces of
bones identified to be that of deer and interpreted as sacrifices for the

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 28


graves. Huge bones that may be that of rhinoceros and elephants were
also found. The glazed celadons found in site are dated to be Ming
ceramics, circa 1368 1644. (Beyer, 2008)

Ang mga nahukay sa Sta. Ana ay materyal na patunay na ginagawa noon

ang mga ritwal na nagsasagawa ng pag-alay ng buhay ng hayup, ang

paglalarawan Beyer ay tumutugma sa paglalarawan ni Plasencia sa ritwal ng

Pag-anito, sumasalamin sa relihiyon ng sinaunang Tagalog, Animismo.

Naniniwala rin ang mga Pilipino sa mga lamang-lupa at mga engkanto

tulad ng mga aswang, kapre, tiyanak, duwende at manananggal. Naniniwala rin

sila sa kapangyarihan ng mga talisman o agimat. Ang mga paniniwalang ito ang

gumabay sa kanilang pamumuhay. Gamit ang mga paniniwalang ito gumagawa

ang mga Pilipino ng paraan o mga hakbang upang baliktarin ang mga

masasamang pangyayari na maaring maranasan nila sa hinaharap. (Alarcon,

Filipino Building Beliefs, 1989)

Ang pag-uugali ng mga Pilipino sa ganitong mga paniniwala ay lumilitaw

sa kanilang arkitektura. Ang paggawa ng bahay ay matinding naimpluwensyahan

ng ibat ibang paniniwala upang magkaroon ng magandang kalusugan ang

buhay pamilya, pati na rin ang proteksyon mula sa masasamang ispiritu .

Naapektuhan nito ang pag-pili ng lugar na pagtitirikan ng bahay, ang buwan,

araw at panahon na nararapat sa pagtatayo ng bahay, mga ritwal bago

magsimula ng konstruksyon ng bahay at marami pang ibang mga paniniwala.

(Alarcon, Filipino Building Beliefs, 1989)

Ang ritwal ng Padugo ay isa sa mga paniniwalang ay ritwal na lumitaw sa

arkitekturang Pilipino na kakikitaan ng ugat sa paniniwala at relihiyon ng mga

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 29


sinaunang Pilipino. Ayon sa depenisyon ni Ernesto Zarate sa kanyang aklat na

Oro, Plata, Mata! Filipino Building Beliefs. Ang Padugo Isang ritwal na

pangkonstruksyon na ginagagawa bago magsimulang buuin ang bahay, kung

saan isang puting native na manok ay gigilitan sa leeg at ang dugo nito ay

patutuluin sa lugar kung saan ititirik ang bahay at sa palibot ng mga poste

kasabay ng pagbigkas ng mga orasyon, upang maiwasan nag disgrasya sa

lugar. Nakadepende sa kung saan nagmula ang mga trabahador ang uri ng

hayop na iniaalay. Ito ay maaring mapalitan ng itim na aso o kambing. Isang

praktikal na gamit ng seremonya ng padugo ay upang pagsama-samahin ang

mga trabahador at mga propesyonal na kasali sa proyekto para sa isang

impormal na pagsasalo-salo dahil ang inalay na hayup pagkatapos ng ritwal ay

niluluto at pinagsasaluhan ng mga trabahador. (Zarate, 2000)

Ayon naman sa Encyclopedia of Folk Customs and Beliefs ni Fr.

Francisco Demetrio ang depenisyon sa padugo ay isang custom na kung saan

pumapatay ang mga tao ng baboy at ikinakalat ang dugo nito sa lote na

pagtitirikan ng bahay. Sinasabing kapag ito ay ginawa sa panahon ng pagtatayo

ng bahay hindi magagalit ang mga espiritung naninirahan rito sapagkat nirespeto

nila at kinilala ang mga ispirito sa pamamagitan ng paggawa ng ritwal na ito. Ang

baboy ay niluluto at kinakain ng mga karpintero at may-ari ng bahay sa lugar

kung saan itatayo ang bahay. Ito ay ginagawa bago mahukay ang pagtitirikan ng

mga poste.

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 30


Ang Ritwal ng Padugo ng ibat-ibang Etnolingwistikong Pangkat sa

Pilipinas.

Ayon kay Peralta at Salazar ang istruktura ng ritwal ng Pag-anito ay

maihahalintulad sa ibat-ibang ritwal ng ibat-ibang etnolingwistikong pangkat sa

Pilipinas. (Peralta & Salazar, 1993) Sisimulan ang pagtalakay sa mga baryasyon

ng Padugo sa mga etnolingwistikong pangkat sa hilagang Luzon, sumunod sa

Visayas at panghuli ang sa Mindanao.

Sa ibabang bahagi ng Kalinga, ang tawag nila sa Padugo ay sakyat ang

namumuno sa ritwal na ito ay ang kanilang babaylan, isisnasagawa nila ang

ritwal sa loob at labas ng itatayong bahay. Isang baboy o manok ang pinapatay

at inaalay. Ito ay ginagawa nila upang anyayahan ang mga espiritung

nakapalibot sa lugar na pagtatayuan ng bahay na pagpalain ito. (Construction

Rites, 1989)

Sa itaas na bahagi ng Kalinga hindi nabangit ang pangalan ng ritwal, ito

ay pinamumunuan rin ang kanilang babaylan at ginagawa ang ritwal na ito bago

simulan ang paggawa ng bahay. Ito ay isinasagawa sa ibat-ibang bahagi ng

bahay. Habang ginagawa ng ritwal ang babaylan na namumuno rito ay nag-

oorasyon habang isinasaboy ang dugo ng baboy sa ibat ibang bahagi ng bahay.

Ito ay para kilalanin at anyayahan ang kanilang dios na si Kabunyian 6 na

pagpalain ang mag nakatira sa bahay. (Construction Rites, 1989)

Para naman sa mga Bontoc ang tawag sa kanilang padugo ay sangfo.

Ang ritwal na ito ay mayroong dalawang bahagi; ang unang bahagi ay

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 31


isinasagawa pagkatapos maitayo ang mga pader at mailagay nag bubong ng

bahay. Ang pangalawang bahagi naman ay ginagawa pagkatapos ng tatlong

araw mula noong tirahan na ang bahay. Sa unang bahagi ng ritwal ay nag-aalay

ng manok at baboy habang sa pangalawang bahagi naman ng ritwal ay pinapalo

nila isang manok hanggang sa ito ay mamatay bilang isang alay. Ito ay ginagawa

upang makipagkasudo at kilalanin ang mga ispirito ng kanilang ninuno na

ingatan ang bahay at ilayo ito sa sunog at iba pang mga sakuna.

Para sa mga Ifugao ng Mayaoyao ang ritwal ay ginagawa bago sumulan

ang paggawa ng bahay. Ang manok ay pinapatay at iniaalay, bago ito ialay ay

inoobserbahan at pinag- aaralan muna ang katangian ng apdo nito. Pagkatapos,

ay inaawit ang epiko nina Bugan at Wigan. Ginagawa ito upang kilalanin at

yayain ang mga ispiritu na nag-iiwas sa kapahamakan. (Construction Rites,

1989) Sa Cordillera naman ang mga nakatatanda sa tribu ang gumagawa ng

ritwal. Isinasagawa ito bago ibaon ang mga pundasyon ng bahay. Ang dugo ng

sakripisyal na hayup ay isinasaboy at ikinakalat sa lupang pagtatayuan ng

bahay. Kinakatay ang hayup at ang mga nakatatanda sa tribu ang nag tatakda

ng bilang ng iaalay na hayup. Ito ay ginagawa upang itboy ang mga

masasamang ispiritu na maaring naninirahan sa lugar na pagtatayuan ng bahay.

Kapag magdadala ng kahoy para sa pag-gawa ng bagong bahay o kapag

puputol ng puno ang mga taga Kalinga ay kumakatay ng baboy at

sinasabuhyang ang lahat ng mga kinuhang kahoy o isa sa mga ito kapag ito ay

nanggaling lamang sa iisang puno. Ang mangangahoy bago magputol ng puno

ay dapat pumatay muna ng manok at suriin ang apdo nito, kapag malusog at

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 32


maganda ng apdo maaring magpatuloy sa pagputol ng puno, kapag hindi dapat

ipagpaliban muna nag pagputol ng puno. Ito ay ginagawa upang

makipagkasundo sa mga masasamang ispiritu.

Sa mga tribu sa kabundukan sa Negros Occidental, nagkakatay sila ang

manok at agamit nag dugo ng kinatay na hayup ay guguhit sila ng krus sa apat

na poste ng kanilang bahay. Pinaniniwalaan nila na ito ay nagtataboy ng

masamang ispiritu. (Malay, 1955)

Sa mga Manobo ang pagtatatayo ng bahay ay pianagungunahan ng

ritwal. Pagkilala sa dios at diosa ng pamilya at alay sa uri ang nga-nga at kinatay

na manok ay isinasagawa. Ang dugo ng manok ay ibinubuhos sa paanan ng

unang poste, sa bubong at sa sahig. Nagsasawaga pa ang ito ng pangalawang

ritwal upang humungi ng proteksyon mula sa mga mas mataas dios at diosa na

sinasampalatayanan ng pamilya. Sila mismo nag namimili ng kulay ng manok na

iaalay. Pinipili nila ng kulay na sa tingin nila ay nakakatuwa para sa mga dios at

diosa. Ang dugo ay ibinubuhos sa itinakdang posisyon ng pintuan. (Alarcon,

Filipino Building Beliefs, 1989) (Alarcon, Rituals before Starting Construction,

1998)

Ipinapakita na naipasa ang konsepto na ating nahinuha noong sinuri ang

ugat ng ritwal hangang sa pagsusuri natin ng mga ritwal na ginagawa ng mga

nabanggit na pangkat sa itaas. Ang pakikipaguganayan, pakikipagkaisa, at

pagpapakita ng respeto sa mga espiritu na makikita sa lugar na paglalakan ng

bahay. Ito pa rin ang pangunahing dahilan ng pagsasagawa ng padugo, nag

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 33


panghingi ng proteksyon at pagpapala mula sa mabubuting ispirito at

pakikipagkasundo o kaya man ay pagtataboy sa masamang ispiritu. Mapapnsin

ang masidhing kagustuhan na magkaroon ng harmony sa kapaligiran lalu na sa

lugar na tutuluyan o titirahan nila sa matagal na panahon.

Pinamumunuan parin ng mga mumbaki, katalonan, babaylan at

nakatatanda ng tribu ang pagsasagawa ng ritwal. Sila parin ang nagsisilbing

tagapamagitan ng mga tao sa mundo ng mga ispiritu. Sila ang nagpapanatili ang

magandang ugnayan ng mga ispiritu at tao.

Ang Kasalukuyang Ritwal ng Padugo sa Pilipinas

Hanggang ngayon ay isinasagawa parin ang Padugo sa ibat ibang

bahagi ng Pilipinas maaring makakaiba na ang paraan at proseso ngunit naroon

parin ang pag-aalay ng dugo hayup at pagbuhos o pagsaboy ng dugo nito sa

bahagi ng mga bahay.

Pulang manok ang pinipili ng mga Ilokano na alay kapag ginagawa ang

Padugo. Matapos gilitan ang leeg ng manok ito ay hinahayaang mangisay at

mamatay sa gitna ng lupang pagtatayuan ng bahay. Sa kanyang pangingisay,

masusing inoobserbahan ang tuka ng manok. Sa oras na tuluyan ng mamatay

ang manok at huminto na ito sa pangingisay at ang tuka nito ay nakaturo sa

silangan sigurado na ang kasaganahan para sa pamilya na titira sa bahay. Ang

ibang direksyon ay hindi naman masama maliban sa kanluran. Kung sa kanluran

tumuro ang tuka ng manok, magkakaroon ng karagdagang ritwal o ang

pagsisimula ng konstruksyon ay ipagpapaliban muna hanggang sa susunod na

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 34


siklo ng buwan. (Zarate, 2000)Puting manok o mga manok depende sa laki ng

bahay o gusali ang pinipili ng mga Tagalog sa kasalukuyan. Ginigilitan ang leeg

nito at isinasaboy ang dugo nito sa palibot ng lugar lalu na sa palibot at sa loob

ng butas na pagtitirikan ng mga poste na magsisilbing pundasyon ng bahay o

gusali. (Zarate, 2000) Ito ay sinasabayan ng orasyon. Sa kasalukuyan hindi

isang katalonan, o babaylan nag gumagawa ng ritwal kundi isa sa mga

trabahador/ karpintero. Ang pagsasagawa ng ritwal ay hinihiling ng

nagpapagawa ng bahay o suhestyon ng isang medium o psychic. Minsan rin ay

hindi na ito sinasabayan ng orasyon. Pagkatapos ng ritwal ang mga manok ay

kinakain ng mga trabahador, hindi ito maaring iuwi sa bahay ito ay dapat na

kaninin lamang ng mga may-ari at gumagawa ng gusali o bahay. Isinasagawa

nila ito upang magkaroon ang magandang samahan mga trabahador, makaiwas

sa anumang aksidente sa trabaho at upang masiguro na ang tumigas ng mabuti

ang semento.

Ginagawa ang Padugo ng mga Samareo kapag tapos na ang

konstruksyon ng bahay. Hinihiwa rin ang leeg ng manok at pinaduduguan ang

palibot ng bahay, ngunit magtitira sila ng dugo at isasalin sa isang maliit na bote

kasama ang isang kutsara ng kamangyan (isang uri ng lokal na insenso).

Isasabit nila ito sa biga ng kanilang bahay kapag natapos na ito. (Zarate, 2000)

Sa Misamis Oriental isinagawa ang Padug-an kapag natapos na ang paggawa

sa bahay. Baboy nag kanilang iniaalay. Ito ay para maiwasa nag pagkakasakit

ng mga niyembro ng pamilyang titira sa bahay at pari hindi pumasok ang

masasamang ispirito sa bahay. (Dementrio, 1991) Sa Romblon, pagkatapos

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 35


hukayin nag butas na pagtitirikan ng mga poste isinasahgawa ng padugo.

Isinasaboy dito nag dugo ng kinatay na baboy. Pagkatapos ng ritwal ay iluluto ito

at kakainin ng mga may-ari at trabahador doon mismo sa lugar na pag-tatayuan

ng bahay. Ito ay upang hindi magalit ang mga ispiritung nakatira sa lupa na

pagtatayuan ng bahay sapagkat sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ritwal

kinilala at nirespeto ang kanilang presensya. (Dementrio, 1991)

Mga Tala

1. Ayon sa kasaysayan ng Caloocan at ng simbahang Katoliko ng Caloocan na


nakasulat sa Pang-alaalang Palatuntunan ng Dakilang Kapistahan ng Mahal
na Birhen de la Nieva at Poong San Roque noong Pebrero 26-27, 1966.
Ang bayan ng Tundo, May tatlong daang taon ang nakaraan ay may
hangganan sa dakong hilaga. Ang pinakamalaking bahaging puno ng
mamamayan at pugad ng kaniyang kabihasnan ay humahangga lamang sa
malaking ilog na tinawag na Canal de la Reyna Ang Daloy ng tubig ng Canal
de la Reyna ay ibinubuhos sa isang malaking dagat-dagatan na nakahiwalay sa
Dagat Maynila o Bahia de Manila sa pamamagitan ng isang butas sa hilagang
kanluran ng Tundo na tinatawag na butas, o Bukana de Vitas. Nag dagat-
dagatang ito ay nakakulong ng lupa, at sa tangos ng Tambobong (Malabon
ngayon) ay may isang lusutan upang ang tubig ay magbalik sa dagat na Malaki
sa pamamagitan ng isang butas din, ito ang tinatawag nilang Kinabutasan at
ngayon ay Navotas.

2. Ayon sa kasaysayan ng Caloocan at ng simbahang Katoliko ng Caloocan na


nakasulat sa Pang-alaalang Palatuntunan ng Dakilang Kapistahan ng Mahal
na Birhen de la Nieva at Poong San Roque noong Pebrero 26-27, 1966.
tinawag itong Sitio de Espinas, dahil sa pamamayani doon ng matinik
na aroma

3. Ang direktang salin ng salitang espina sa wikang Espaol ay tinik

4. Ayon sa nakasulat sa History of Caloocan in a Capsule ni Eleuterio C.


Dumogho inilarawan ni Padre Zuiga ang mga sangley bilang;
Father Zuiga described them as dull-colored, thin beared, flat nosed
and balck eyed. In their customs, ingenuity likes the rest of the nation.
Nakuha ang artikulong ito sa Local History Section ng Caloocan City Public
Library.

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 36


5. Nakuha ang listahan ng petsa ng pista sa bawat barangay ng distrito II ng
Lungsod ng Caloocan sa Local history Section ng Caloocan City Public Library.

6. The Ifugaos, like the rest of the ethnic groups in the Mountain Province, called
their chief deity, Kabunian. This deity dwelt in the fifth region of the universe.
Incidentally, the Ifugao world had a region above the skyworld where the
important deities lived. These deities
however recognized Kabunian as the highest ranking deity among them.
(Jocano)

KABANATA II: KONTEKSTO NG PAG-AARAL | 37

You might also like