You are on page 1of 4

MGA PAG-AALSANG POLITIKAL, PANRELIHIYON AT EKONOMIKO

PAG-AALSANG POLITIKAL
1574 Pag-aalsa ni Lakandula
Hindi pagtupad sa ipinangako ng gobernadora Heneral Miguel Lopez De Legaspi
na malibre sa pagbabayad ng buwis at polo ng mga kaanak ni Lakandula ang huling hari
ng Maynila Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo.
1587- 1588 – Pag-aalsa ng mga Datu sa Tondo (Pagsasabwatan sa Tondo) 
Ninanais ng mga Datu sa pangunguna ni Martin Pangan, Juan Banal at Pedro
Balingit –na mabawing muli ang kanilang Kalayaan at karangalan.

PAG-AALSANG PANRELIHIYON
1601 – Pag-aalsa ng mga Igorot 
• Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng Hilagang Luzon sa Kristiyanismo alinsunod
sa utos ni Gobernador Heneral Francisco de Tello de Guzman
• Hindi matagumpay ang mga Espanyol na ipasailalim ang mga Igorot.
1621 – Pag-aalsa ni Bancao 
• Pinamumunuan ni Bancao ng Carigara na lumaban sa Simbahang Katoliko ng Leyte.
• Katuwang ang babaylan na si Pagali ay nagtayo ng mga dambana para sa mga anito at
hinikayat ang ilang bayan na sumapi sa kanila at makilahok sa pag-aalsa. Nasupil ang
kanilang rebelyon at pinugutan ng ulo si Bancao.
1621-1622 – Pag-aalsa ni Tamblot  
Pagtutol ng mga Boholano sa Kristiyanismo sa pamumuno ng dating babaylan na
si Tamblot. Isinagawa ito pagsapit ng kapistahan ng St. Francis Xavier. Nasupil ang pag-
aalsa pagsapit ng Bagong Taon 1622.
1625-1627 – Pag-aalsa ng mga Itneg 
Pinamumunuan nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao.
Pinugutan ang ng ulo ang dalwang misyonerong Domincan at hinikayat ang mga Itneg na
magnakaw, dumumi sa mga imahen ng santo at sunugin ang mga lokal na simbahan
bilang protesta sa sapilitang pagbibinyag sa kanila sa Kristiyanismo. Nasupil
noong 1627 sa utos ni Gobernador Fernando de Silva.

1663 – Pag-aalsa ni Tapar sa Panay 


Pinamumunuan ni Tapar ng Iloilo na naghahangad na magtayo ng bagong sangay
ng Kristiyanismo sa bayan ng Oton kung saan ay kikilalanin siya bilang “Diyos na
Makapangyarihann.” Agad na nasupil at pinatay ang mga lumahok sa rebelyon.

1718 – Pag-aalsa ng mga Magtangaga ng Cagayan


Pinamunuan ni Francisco Rivera na ninais na matawag na “Papa Rey” (Papa o
‘pope’, at hari). Pinigilan niya ang mga katutubo ng Tugegarao na ipagpatuloy ang
pagtangkilik sa Kristiyanismo at hinimok ang pagsasauli sa mga prayle ng ibinigay nilang
mga rosary at iksapularyo. Marami sa mga kasapi ang tumalikod sa marahas na
pamumuno ni Rivera, at agad ding nasupil ang rebelyon ng mga sundalong Espanyol.

1744-1829 – Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol 


Nagalit si Dagohoy, isang dating cabeza de barangay, dahil sa pagtutol ng Kura na
bigyan ng marangal na libing ang kaniyang konstableng kapatid.

1840-1841 Pag-aalsa ni Apolinario Dela Cruz sa Tayabas 


Nagalit si Apolinario Dela Cruz o Hermano Pule dahil tinaggihan siyang maging
pari at kilalanin ang kanyang samahang Confradia de San Jose Dinakip at pinatawan ng
kamatayan.
PAG-AALSANG EKONOMIKO

1596 – Pag-aalsa ni Magalat 


Kasama ang kanyang kapatid, tinutulan ni Magalat, isang rebelde mula sa Cagayan
ang di makatuwirang paninigil ng buwis ng mga Espanyol. Ipinapatay ng mga Espanyol
ang mga Indio na nakilahok sa pag-aalsa ni Magalat.

1643 – Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos Bulacan 


Pinamumunuan ni Pedro Ladia-isang Moro na taga Borneo na naniniwalang mula
siya sa lahi ni Lakandula. Kinumpiska ang kaniyang ari-arian ng mga Espanyol na
nagtulak sa kaniya na mag-alsa laban sa mga mananakop Dinakip at dinala sa Maynila
kung saan siya sinentensiyahan ng kamatayan.

1649-1650 – Pag-aalsa ni Sumuroy  


Pinamumunuan ng Waray na si Agustin Sumuroy ang pag-aaklas laban sa Polo y
Servicio sa Samar. Taliwas sa patakaran ng polo ang mga Waray ay ipinadala sa mga
pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa kanilang tirahan. Sumiklab ang pag-aalsa sa
Cavite at umabot sa Mindanao,Bicol, Cebu, Masbate,Camiguin, Zambaoanga at Hilagang
Mindanao. Humina ang [ag-aalsa hagggang sa tuluyang nasupil ng madakip at ipapatay
ng mga Espanyol si Sumuroy at iba pang lumahok sap ag-aalsa.

1660-1661 – Pag-aalsa ni Maniago 


Pinamumunuan ni Francisco Maniago ng Mexico Pampanga. Pagtutol sa mga
Kapampangan sa sapilitang paggawa sa mga galyon sa hindi pagbabayad ng pamahalaan
sa mga biniling palay mula sa mga magsasaka. Nasupil ni Gobernador Heneral Sabiniano
Manique de Lara gamit ang “divide and rule policy.

1660-1661 – Pag-aalsa ni Malong Sa San Carlos Pangasinan 


Pinamumunuan ni Andres Malong. Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng
kaukulang sahod sa libo-libong katutubong nagtratrabaho sa pagawaan ng barko.
Kinalaban ang mga opisyal na Espanyol at hindi ang mga pari o ang simbahan. Agad
nasupil ng mga Espanyol.
1661 – Pag-aalsa ni Almazan sa San Nicolas Laoag Ilocos Norte 
Pinamumunuan nina Don Pedro Almazan- isang mayamang pinun ng Laoag na
kinoronahan noong 1660 bilang hari ng Ilocos at Juan Magsanop- pinuno ng Baccarra
Nagsagawa ng pag-aalsa bilang pagsuporta sa ipinaglalaban ni Malong ng Pangasinan.
Matapos niyang ipapugot ang ulo ng mga prayleng Dominican na si Jose Santa Maria at
Augustinian na si Jose Arias. Nadakip si Almazan, ibinigti sa plaza at tuluyang natigil ang
rebelyon.
1745-1746 – Pag-aalsang Agrarayo sa Katagalugan 
Malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka ng rehiyo ng Katagalugan sa
pangunguna ng ng mga lalawigan ng Batangas, Laguna at Cavite dulot ng
pangangamkam ng mga prayle sa kanilang mga lupa. Hindi nagging matagumapay
bagkus walang lupang naibalik sa mga magsasaka.

1762-1763 – Panyayari Taon Sanhi at Bunga Pag-aalsa ni Diego Silang at Gabriela


Silang  
Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis at pagnanais na palayasin ang mga Espanyol.
Pinatay ang kanyang kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang
ipinaglalaban ng asawa. Nahuli si Gabriela at binitay.

1807 – Pag-aalsang Basi 


Pinamumunuang ni Pedro Ambaristo sakasalukuyang Piddig, Ilocos Norte. Nag-
ugat sa paghigpit ng mga Espnayol sa produksiyon at pagbebenta ng basi-isang uri ng
alak na mula sa tubo. Ipinagbawal ang pribadong produksiyon ng alak. Dahil ditto
napilitan ang mga Ilocano na bumili ng basi ng mas mataas na halaga. Makalipas ng ilang
Linggo sa pag-aalsa ay nasupil din ito agad.

You might also like