You are on page 1of 31

2

Mother Tongue
Ikatlong Markahan – Modyul 1.1:
Pag-unawa sa Binasa
Mother Tongue - Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pag-unawa sa Binasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mark Gaylord C. Bumagat
Editor: Robina M. Danga, Donna S. Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Czarmaine B. Ledina
Tagalapat: Jethro M. Nocom
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Milagros M. Peñaflor, PhD
Edgar E. Garcia, MITE
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon III


Department of Education – Region III
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Mother Tongue
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pag-unawa sa Binasa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito naglalayong mapaunlad ang kasanayan
sa pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita at pakikinig. Ninanais din
ng modyul na itong mapukaw ang kawilihan ng mag-aaral
upang lalong umunlad ang kanyang pag-unawa sa mga talata,
tula at kuwentong nakapaloob sa modyul na ito.
Ang mga sumusunod na layunin ay inaasahang makamit
pagkatapos maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito:
1. natutukoy ang tauhan, tagpuan at pangyayari sa binasang
talata, tula at kuwento; (MT2C-IIIa. -I-2.3. a.)
2. nasasagot ang mahahalagang tanong ayon sa binasa;(MT2C-
IIIa. -I-2.3. b.)
3. nababasa nang may pang-unawa ang mga seleksyon;
4. nakapagsasalaysay ng isang kuwento ayon sa layunin,
tagapakinig at paksa; (MT2OL-III-I-I-11.1); at
5. nakasusulat ng maikling talata ayon sa binasang aralin na
ginagamit ang wastong pamantayan; (MT2C-IIIa. -I-2.3)

1
Aralin

3 Pagkilala sa Pangyayari

Ang mga pangyayari sa isang seleksyon, maikling


kuwento, pabula, salaysay o isang alamat ay may mga
suliraning dapat malutas ng mga tauhang gumaganap
dito.
Bawat pangyayari ay may mga aral na nararapat
matututuhan ng mga mambabasa.

Balikan

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang at isulat


ang letra ng sagot sa sagutang papel.

A B C
tao ng D sd En ng
batang E

1. Alin ang nagpapakita ng takot?


2. Alin ang nagpapakita ng saya?
3. Alin ang nagpapakita ng pangamba?
4. Alin ang nagpapakita ng lungkot?
5. Alin ang nagpapakita ng pagkasabik?

2
Mga Tala para sa Guro
Ang mga gawain sa araling ito ay
nangangailangan ng patnubay upang malubos
ang pag-unawa ng mga mag-aaral. Tiyaking
maisagawa ang bawat bahagi ng aralin. Gabayan
ang mga bata sa pagbabasa, pagsasalita at
pagsusulat upang matasa ang kakayahan.
Maaaring ipaulit ang aralin kung kinakailangan
hanggang sa lubos na maunawaan ito.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang komik strips sa ibaba. Sagutin ang


mga tanong at isulat sa sagutang papel.
Mababang Marka
ni Mark Gaylord C. Bumagat

Macky, matulog ka na. May pagsusulit ka pa yata


bukas. Hindi ko man lang nakitang nagbuklat ka
ng libro at kuwaderno para mag-aral.
Alas kuwatro na ng madaling araw
nang matulog si Macky.

3
Naku! Anong oras na!
Mahuhuli na ako sa
Kinaumagahan… klase. May pagsusulit Dali-daling nagbihis si Macky at
nga pala kami kay Gng. pumasok sa paaralan.
Cruz.
Huli na ako ng
limang minuto.
Sana hindi pa sila
nagsisimula sa
pagsusulit.

Pagpasok sa loob ng silid aralan… Pagbalik ng papel ni Macky…

Ang hirap!
Kaunti pa lang
nasasagot ko.

Sa susunod ay
makikinig na ako
kay Nanay at
mag-aaral nang
Tapos na ang oras!
mabuti.
Palitan na ng papel.
Isa, dalawa, tatlo.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


a. Macky b. Marky c. Mike d. Michael
2. Saan nangyari ang kuwento?
a. sa palaruan c. sa paaralan
b. sa simbahan d. sa ospital
3. Bakit napuyat si Macky?
a. Nag-aral siya ng kaniyang aralin.
b. Naglaro siya sa kompyuter.
c. Hindi siya makatulog.
d. Nanood siya ng paborito niyang palabas.

4
4. Bakit mababa ang nakuhang marka ni Macky sa
pagsusulit?
a. Hindi siya nag-aral ng kanyang aralin.
b. Natulog siya nang maaga.
c. Naglinis siya ng bahay.
d. Maaga siyang nagising.
5. Bilang isang mag-aaral, ano ang maipapayo mo kay
Macky upang hindi na siya makakuha ng mababang
marka?
a. Ipagpatuloy ang paglalaro sa kompyuter.
b. Huwag makinig sa utos ng magulang.
c. Bumawi na lang sa susunod na pagsusulit.
d. Makikinig sa magulang at mag-aaral ng leksiyon
kapag may pagsusulit.

Suriin

Ang pangyayari ay mahalagang elemento sa isang


salaysay. Sa elementong ito umiikot ang mga kilos ng
tauhan. Ang pangyayari ay binubuo ng suliranin at
kalutasan.
Ang suliranin ay ang problema sa isang kuwento, ang
kalutasan naman ay ang solusyon o sagot sa suliranin.
Kadalasang may aral na nakapaloob sa mga
pangyayari. Ito ang bahaging pumupukaw sa damdamin
ng mambabasa. Ang pangyayari ay maaaring magdulot
ng saya, lungkot, takot, gulat, at pananabik.

5
Pagyamanin

Panuto: Suriin ang larawan sa Hanay A at piliin ang


wastong kalutasan sa Hanay B. Isulat ang letra ng sagot
sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. A. Kukuha ng panungkit
upang makakuha ng
bunga ng mangga.

2. B. Magtatanim ng puno
sa mga kabundukan.

6
3. C. Matutulog nang
maaga upang maagang
magising.

4. D. Kakain ng masusustansyang
pagkain.

5. E. Magtatapon ng
basura sa tamang
lalagyan.

7
Isaisip

Ngayon naman ay tuturuan kita ng isang awitin upang


mas lalo mong matandaan ang aralin natin.
Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon upang mabuo ang awitin.
Kapag nabuo na, isaliw sa himig ng “Ang mga Ibon.”

Pangyayari kalutasan suliranin

Pangyayari
ni Mark Gaylord C. Bumagat

Ang ____________ ay problema


Sa salaysay at mga kuwento
May _____________ na siyang sagot
Sa suliranin ng isang kuwento
____________ ang tawag dito.

8
Isagawa

Kailangang malagpasan ang mga istasyon upang


marating ang susunod na gawain.
Panuto: Basahin ang talata sa bawat istasyon at tukuyin
ang pangyayari dito. Piliin ang sagot sa larawan at isulat
ang letra ng sagot sa sagutang papel.
ISTASYON 1
Mahilig kumain ng tsokolate at
kendi si Marky. Isang hapon ISTASYON 2
dinala siya ng kanyang nanay sa Si Marie ay mahilig
dentista. Bakit kaya siya dinala sa maglaro ng kanyang
klinika ng dentista? mga laruan sa kanilang
ISTASYON 3 sala. Isang umaga ay
Habang nagmamadali si natapakan ng
Angel sa paglalakad ay kaniyang nanay ang
natapakan niya ang balat mga laruan at siya ay
ng saging at siya ay nasaktan. Bakit kaya
nadulas. Bakit siya nadulas? nasaktan ang kanyang
nanay?

ISTASYON 4
Habang naglalaro sina Ben at kanyang mga kaibigan ay
biglang napaupo si Ben dahil siya ay nadapa at
nagkasugat. Huminto sa paglalaro ang magkakaibigan.
Bakit kaya sila huminto sa paglalaro?

A B C D

9
Tayahin

Panuto: Basahin ang kalagayan sa bawat bilang.


Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Walang baon ang kaklase ni Ben na si Lito. Gutom na


gutom na si Lito. May sobrang isang tinapay si Ben at
ibinigay niya ito kay Lito. Anong pangyayari ang
nagtulak kay Ben para magbigay ng pagkain kay Lito?
a. Walang baon at gutom na gutom si Lito.
b. Umiiyak si Lito.
c. Nanghingi ng pagkain si Lito.
d. Tahimik lang si Lito.
2. Nagkaingay ang iyong mga kaklase. Tumayo ka sa
harap at pinagsabihan mo sila na tumahimik na
lamang. Anong pangyayari ang nagtulak sa iyo upang
pagbawalan ang iyong mga kaklase?
a. Tumahimik ang iyong mga kaklase.
b. Nanood ng nakatatakot ang iyong mga
kaklase.
c. Naglista ka ng maingay.
d. Nagkaingay ang iyong mga kaklase.
3. Binilinan ka ng inyong guro na maglinis kaya tinawag
mo ang iyong mga kagrupo dahil nakita mo na
maraming kalat sa loob ng inyong silid-aralan. Anong
pangyayari ang naging dahilan kung bakit kayo
naglinis ng inyong silid-aralan?
a. Maraming kalat sa loob ng inyong silid-aralan.

10
b. Naglaro ang iyong mga kaklase sa loob ng silid-
aralan.
c. Sumayaw ang iyong mga kaklase sa loob ng silid-
aralan.
d. Kumain sa loob ng silid-aralan ang iyong mga
kaklase.
4. Nawawala ang pitaka ng kaibigan mo. Tinulungan mo
siyang maghanap ng kanyang pitaka dahil naroon
ang baon niya. Anong pangyayari ang naging dahilan
kung bakit mo tinulungan ang iyong kaibigan?
a. Bibili siya ng bagong pares na sapatos.
b. Ililibre ka niya ng meryenda.
c. Nawawala ang pitaka niya.
d. Ikaw ang nakawala ng pitaka niya.
5. Nagtaas ng kamay si Kara at sinabi sa kanyang guro
na hindi niya naintindihan ang kanyang itinuro.
Ipinaliwanag ulit ito ng kanyang guro at nagbigay ng
iba pang halimbawa. Anong pangyayari ang nagtulak
kay Kara para magtaas ng kamay?
a. Upang magpaalam na siya ay pupunta sa CR.
b. Upang ipaalam niya na hindi niya naintindihan
ang aralin.
c. Upang sumagot sa tanong ng kanyang guro.
d. Upang bumili ng pagkain sa kantina.

Nakakabilib kang tunay. Napagtagumpayan mo ang


mga pagsasanay sa araling ito!

11
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang sumusunod na suliranin at piliin ang
tamang kalutasanan sa loob ng kahon. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. Itapon ang basura sa tamang lalagyan at maglinis


ng kanal isang beses sa isang linggo.
b. Kumain ng masusustansyang pagkain.
c. Mag-aaral ng aralin tuwing may pagsusulit.
d. Huwag itapon ang langis sa karagatan na maaaring
makalason sa mga isda.
e. Magtanim ng mga puno sa kabundukan.

1. Maraming nalalasong isda sa karagatan dahil sa


pagtatapon ng langis na galing sa mga pabrika.
2. Laging bumabaha sa Barangay Sta. Inez dahil sa
mga basurang bumabara sa mga kanal.
3. Gumuho ang lupa sa bundok dahil wala ng mga
punong nakatanim doon.
4. Pumayat si Bentong dahil puro kendi at junk foods
ang kanyang kinakain.
5. Bumaba ang marka ni Benjie dahil hindi siya nag-
aaral ng kaniyang aralin tuwing may pagsusulit.
Tunay kang magaling! Natapos mo na ang araling ito.
Hanggang sa susunod nating aralin. Hanggang sa muli!

12
Aralin

4 Pag-unawa sa Kuwento

Malalaman mo sa araling ito kung papaano


sasagutin ang mga tanong batay sa binasa mong
maikling kuwento, pabula, tula, salaysay o alamat.
Kailangan ding unawain ang binasa upang masagot
ng wasto ang katanungan.

Balikan

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat


ang sagot sa papel.
1. Nag-ehersisyo si Apollo sa labas ng kanilang bahay.
Sino ang nag-ehersisyo sa labas ng bahay?
2. Pumunta si Celia sa palengke upang mamili ng
gulay. Saan pumunta si Celia?
3. Magluluto ng sopas si Yolanda bukas ng umaga.
Kailan magluluto ng sopas si Yolanda?
4. Umiiyak si Yenyen dahil siya ay nadapa.
Bakit umiiyak si Yenyen?
5. Masaya si Mac-Mac dahil kaarawan niya.
Bakit masaya si Mac-Mac?

13
Mga Tala para sa Guro
Sa pagbabasa ng maikling kuwento, talata, tula, at
pabula, dapat ay maunawaan natin ang nilalaman
nito upang madaling masagot ang mga
katanungan pagkatapos magbasa. Gabayan ang
mga bata sa pagbabasa. Gamitin ang
imahinasyon upang mas madaling maunawaan at
matandaan ang mga pangyayari sa kuwento.

Tuklasin
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang
katanungan. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.
Sina Julio at Julia
ni Mark Gaylord C. Bumagat

14
Biyernes ng hapon, habang naglalakad sa
kagubatan sina Julio at Julia pauwi sa kanilang bahay ay
nakaramdam ng pagkagutom si Julia.
Sa kanilang paglalakad nakakita sila ng isang
punong mangga na maraming bunga. Dali-daling
umakyat si Julio sa puno ng mangga at kumuha ng
maraming bunga para mayroon silang makain.
Nagpasalamat si Julia kay Julio dahil nakahanap sila
ng makakain.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. sina Mario at Maria c. sina Lito at Lita
b. sina Julio at Julia d. sina Ronie at Rona
2. Saan nangyari ang kuwento?
a. sa kagubatan c. sa paaralan
b. sa pamilihan d. sa palaruan
3. Kailan nangyari ang kuwento?
a. Lunes b. Biyernes c. Sabado d. Martes
4. Ano ang suliranin sa kuwento?
a. Nakaramdam ng takot si Julia.
b. Nakaramdam ng tuwa si Julia.
c. Nakaramdam ng pagkasabik si Julia.
d. Nakaramdam ng gutom si Julia.
5. Paano nila nalutas ang kanilang suliranin?
a. Inakyat ni Julia ang punong mangga.
b. Nanungkit si Julia ng bunga ng mangga.
c. Umakyat si Julio sa punong manga na nakita nila.
d. Binato ni Julio at Julia ang bunga ng mangga.

15
Suriin

Upang lubos na maunawaan ang binasa, nararapat


lamang na sagutin ang mga katanungan. Ang mga
sumusunod ay ang mga katanungan na dapat mong
masagot pagkatpos mong sagutin ang isang salysay.

1. Sino - ito ay tumutukoy sa tauhang nagsiganap sa


kuwento.
2. Saan - ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan
ng kuwento.
3. Kailan - ito ay tumutukoy sa oras o panahon na
nangyari ang kuwento.
4. Ano - ito ay tumutukoy sa mga pangyayari at
suliranin sa kuwento.
5. Paano - ito ay tumutukoy kung paano magkakaroon
ng solusyon ang suliranin.

16
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang maikling pabula. Sagutin ang mga


tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
Si Dodong Daga
ni Mark Gaylord C. Bumagat

Sa isang malawak na bukirin ay may nakatirang


daga na nagngangalang Dodong Daga.
Isang gabi, habang pauwi sa kanilang lungga ay
biglang may bumalot na lambat sa kaniyang katawan.
Dali-dali niya itong kinagat nang kinagat at makalipas
ang ilang minuto ay nakalusot na ito sa butas na kanyang
nagawa.
Simula noon ay hindi na nagpagabi ng uwi si
Dodong Daga upang hindi na muling maranasan ang
nangyari sa kaniya noong isang gabi.

Mga Tanong:

1. Sino ang tauhan sa pabula?


2. Saan nalambat si Dodong Daga?
3. Kailan siya nalambat?
4. Ano ang suliranin sa pabula?
5. Paano nakawala si Dodong Daga sa
pagkakalambat?

17
A B

Isang gabi Si Dodong Daga

C D

Kinagat niya nang


Nabalot ng lambat kinagat ang
ang kanyang lambat at
katawan nakalusot sa butas

Sa isang malawak
na bukirin

18
Isaisip

1. Ang mga salitang sino, saan, kailan, ano at paano


ay ang mga tanong na dapat sagutin upang
matasa kung naunawaan ng mambabasa ang
seleksyong kanyang binasa.

2. Masasagot ng wasto ang mga tanong kung lubos na


uunawin ang mga binasang seleksyon gaya ng
maikling kuwento, pabula, tula, salaysay, kathang-
isip o alamat.

3. Ang bawat kuwento ay may aral na dapat


matutuhan na pupukaw sa damdamin ng
mambabasa.

Isagawa

Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa susunod na


pahina at palitan ang mga larawan ng salita gamit ang
legend sa ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob
ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

19
Ang Alagang Aso ni Marta
ni Mark Gaylord C. Bumagat

Si ay may alagang . Ang pangalan

nito ay Princess. Isang Sabado, nakawala si

sa kaniyang . Hinanap ito ni sa labas

ng kanilang bahay. Nakita ni si sa isang

kanto malapit sa kanilang bahay. Naiwan pa lang

nakabukas ni ang pinto ng ni

kaya ito nakawala.

Marta
Legend:
Princess
kulungan

20
a. isang Sabado
b. nakawala si Princess sa kaniyang kulungan
c. Sina Marta at Princess
d. hinanap ni Marta si Princess sa labas ng
kanilang bahay
e. sa labas ng kanilang bahay

Mga Tanong:
_____1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
_____2. Saan nangyari ang kuwento?
_____3. Kailan nangyari ang kuwento?
_____4. Ano ang suliranin sa kuwento?

Tayahin

_____5. Paano natagpuan ni Marta si Princess?

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang


katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Nagkasakit
ni Mark Gaylord C. Bumagat

Araw ng Lunes, unang araw ng pasukan. Masayang-


masayang nagkukuwentuhan ang mga mag-aaral sa
Grade 2- Matiyaga. Habang abala ang mga bata sa

21
kanilang paligid, si Mario ay tahimik lamang na nakaupo
sa kanyang upuan sa loob ng kanilang silid-aralan.
Matamlay siya. Napansin ito ng kaniyang guro. Siya pala
ay may lagnat. Dali-dali siyang dinala ng guro sa klinika
ng paaralan.

1. Sino ang may sakit sa kuwento?


a. Marty
b. Maki
c. Mario
d. Marcio
2. Saan nakaupo si Mario?
a. sa kanyang upuan sa loob ng silid-aralan
b. sa klinika ng kanilang paaralan
c. sa kanilang bahay
d. sa silid-aklatan
3. Kailan nangyari ang kuwento?
a. Martes
b. Lunes
c. Linggo
d. Sabado
4. Ano ang dahilan at tahimik lamang na nakaupo si
Mario sa kanyang upuan?
a. Mayroon siyang lagnat.
b. Masakit ang kanyang ngipin
c. Masakit ang kanyang paa.
d. Mayroon siyang pilay.

22
5. Paano nalutas ang suliranin?
a. Dali-dali siyang dinala sa ospital.
b. Dali-dali siyang dinala sa silid-akalatan.
c. Dali-dal siyang dinala sa simbahan.
d. Dali-dali siyang dinala sa klinika ng paaralan.

Mahusay! Pinahanga mo akong sadya.


Napagtagumpayan mo ang lahat ng gawain sa araling
ito.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang maikling salaysay na “Ang Paborito


Kong Laruan”. Sagutin ang mga katanungan at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Ang Paborito Kong Laruan


Ako ay si Jun-Jun. Ako ay may paboritong laruan. Ito
ay isang robot. Kasama ko ang aking kaibigang si Ron-
Ron sa paglalaro sa aming bahay. Masaya kaming
naglalaro tuwing araw ng Sabado.
Isang araw ay nasira ko ang aking laruan. Ako at si
Ron-Ron ay nakaramdam ng lungkot.
Kinabukasan, nakita ko ang aking laruan sa ibabaw
ng mesa. Buo na ito. Kinumpuni pala ni Tatay.
Nagpasalamat ako kay Tatay.

23
1. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento?
a. Jun-Jun b. Ron-Ron c. Tatay d. Robot
2. Saan naglalaro sina Jun-Jun at Ron-Ron?
a. sa bakuran c. sa kalye
b. sa palaruan d. sa bahay
3. Kailan sila naglalaro?
a. tuwing Linggo c. tuwing Sabado
b. tuwing Martes d. tuwing Lunes
4. Ano ang naging suliranin sa salaysay?
a. Nasira ang laruan ni Jun-Jun.
b. Hindi nakapunta si Ron-Ron sa bahay nina
Jun- Jun.
c. Nasira ni Ron-Ron ang robot ni Jun-Jun.
d. Tinago ng tatay ni Jun-Jun ang laruan niya.
5. Paano nalutas ang suliranin?
a. Bumili ng bagong laruan ang nanay ni Jun-Jun.
b. Kinumpuni ng tatay ni Jun-Jun ang kaniyang
laruan.
c. Niregaluhan ni Ron-Ron si Jun-Jun ng bagong
laruan.
d. Kinumpuni ni Jun-Jun ang kaniyang laruan.
Sadya kang kahanga-hanga! Natapos mo na ang modyul
na ito!

24
25
Balikan Tuklasin Pagyamanin Isagawa Tayahin Karagdagang
Gawain
1. Apollo 1. b 1. b 1. c 1. c
1. a
2. sa palengke 2. a 2. e 2. e 2. a
2. d
3. bukas 3. b 3. a 3. a 3. b
3. c
4. siya ay nadapa 4. d 4. c 4. b 4. a
4. a
5. kaarawan niya 5. c 5. d 5. d 5. d
5. b
Aralin 4
Isaisip
Balikan Tuklasin Pagyamanin Isagawa Tayahin Karagdagang
1. suliranin Gawain
1. e 1. a 1. c 1. b 1. a
2. kalutasan 1. d
2. a 2. c 2. d 2. c 2. d
3. pangyayari 2. a
3.c 3. b 3. a 3. d 3. a
3. e
4. b 4. a 4. e 4. a 4. c
4. b
5. d 5. d 5. b 5. b
5. c
Aralin 3
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
2016. K to 12 Curriculum Guide. Mother Tongue.
Department of Education.

Bamba N. D., et al. “Kagamitan ng Mag-aaral: Mother


Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong
Baitang. Unang Edisyon. Inilimbag sa Republika ng
Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon, 2014.

Bamba N. D., et al. “Teacher’s Guide: Mother Tongue-


Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang.
Unang Edisyon. Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Urbien-Salvatus, Grace et. al., 2013. Mother Tongue Based


Multilingual Education 2. (Kagamitan ng Mag-aaral).
Department of Education.

Urbien-Salvatus, Grace et. al., 2013. Mother Tongue Based


Multilingual Education 2. (Patnubay ng Guro).
Department of Education.

MELC for MTB Quarter 3

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

27

You might also like