You are on page 1of 11

Leyte Normal University

College of Education
Integrated Laboratory School
Tacloban City

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8


September 20-23, 2021

Belle Merrill M. Cinco Bb. Camille N. Dumpang


Gurong Nagsasanay STE

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mag-aaral sa ika-8 na baitang ay
makatatamo ng may 85% na kawastuhan sa sumusunod:
a) Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat
F8PT-Id-f-20;
b) Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di-
makatotohanan ng mga puntong binibigyang-diin sa napakinggan
F8PN-Id-f-21; at
c) Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan
sa pagbuo ng alamat. F9WG-IIIf-55

II. Nilalaman

Paksang Aralin: Kabanata I; Aralin 2 pp. 26-50


Ang Pinagmulan ng Marinduque (Panitikan)
Pang-abay na Pamanahon, Panlunan, at Iba Pang Uri ng Pang-abay
(Gramatika)
Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation, mga larawan, at bidyu
Sanggunian: Gabay sa Paggamit ng Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
o
Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino 8
Pinagyamang Pluma (Ikalawang Edisyon) Baitang 8 pp. 26-50

III. Pamamaraan (4A’s)


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pagganyak (F8PT-Id-f-20)

Magandang Umaga sa inyong lahat! -Magandang Umaga po ma’am!

Narito kami ngayon upang, ang inyong


magiging guro para sa araw na ito.
Kumusta naman kayo?
-Okay lang naman po ma’am.
Mabuti naman kung ganoon.
Bago natin simulan ang ating talakayan
ay manalangin muna tayo.

Sino ang nakatalagang mamuno para sa


panalangin ngayon?
-Si Annabelle po ma’am.
Okay Annabelle, maaari ka nang
magsimula.
Ngayong araw na ito, inaasahan ko
ang inyong pakikiisa at pakikinig dahil
mahigit isang oras lang naman tayong
magkakaroon ng talakayan. Inaasahan ko
rin na kung maaari, ang lahat ay
nakabukas ang mga camera at naka-mute
ang mikropono. Maaari lamang itong i-
unmute kung tinawag o tinatanong. Kung
mayroon naman mga katanungan,
magtaas lamang ng kamay o sa chatbox
na lamang ilagay.
Inaaasahan ko ring nasa tabi na ninyo ang
inyong libro, kwaderno at ballpen, dahil
palaging ito ang ipinapaalala ng mga
naunang guro ninyo bago sa akin.

Paki-type nga ang OK kung


naintindihan.

Sa ngayon naman ay magkakaroon tayo


ng isang laro. Tatawagin natin itong,
“Sagot mo, Puntos mo!”

Sa larong ito, ibibigay niyo ang kahulugan


ng matalinghagang pahayag na ginamit
sa binasang alamat na nakasulat nang
madiin sa pangungusap. Piliin ang iyong
sagot mula sa mga pahayag na nakatala
sa kahon. Titik lamang ang isulat sa

A. dahil sa magandang pangyayari


B. di masusukat na lakas
C. mabuting kalooban o maayos na
pagkatao
D. nagkaisang magdesisyong gawin
ang isang bagay
E. nagpasiyang magtanan o
tumakas (Mga Tamang kasagutan na makikita sa
F. nakaramdam nang matinding Chatbox)
pagkapahiya

chatbox.
1: F.
1. Umalis ang binatang ang mukha
ay nasa talampakan dahil sa
masasakit na salitang kanyang
natanggap mula sa datu.
2. Dulot ng di- matingkalang 2: B.
kapangyarihan ng pag-ibig, ang
dalaga ay boung tapang na
binagtas ang kaparangan para
hanapin ang kasintahan.
3. Sa kabutihang-palad ay nailigtas 3: A.
ng binata ang kasintahan sa tiyak
na kapahamakan.
4. Sa kabila ng abang kalagayan sa 4: C.
buhay ng binata ay labis pa rin
siyang minahal ng dalaga dahil sa
pagkakaroon niya ng banal na 5: E.
kaluluwa.
5. Binuo ng magkasintahan ang
kanilang sarili na sila ay hindi
pabibihag nang buhay sa mga
taong nais humahabol sa kanila.

B. Pagsusuri

Sa bahaging ito, ating aalamin ang


kaligiran ng kwentong bayan. Kung handa
na ang lahat na ako’y samahan i-type sa - magta-type ng #HANDANAPO sa
ating comment section ang chatbox
#HANDANAPO.

Bago ang lahat ano ang kwentong-bayan?


At magbigay ng isang halimbawa nito. - sasagot si Elmer.
Klas, kung sino ang gustong sumagot ay - sasagot din si Emily.
buksan lamang ang mikropono. - ang panhuling sasagot ay si Justin.

Mahusay! Ang lahat ng sagot niyo ay


tama. Maraming Salamat sa magaganda
niyong kasagutan.

Nakikita niyo ba ang screen?

Ang Kwentong-bayan - isang tuluyang - Opo Ma’am


kuwentong nagsasalaysay ng mga
tradisyong Pilipino. Ito rin ay naglalarawan
ng kababalaghan at kapani-paniwalang
mga pangyayari at marami sa mga ito ang
nagbibigay ng aral.

Mga akdang kabilang sa kuwentong


bayan:

Ang salitang Alamat o legend sa Ingles ay


mula sa salitang Latin ng legendus, na
nangangahulugang ‘upang mabasa’.
Isang mahalagang bahagi ng kulturang
Pilipino ang mga alamat.

Halimbawa:
Ang Alamat ng Tandang
Ang Alamat ng Paru-Paro
Ang Alamat ng Bulkang Mayon

Ang Epiko ay uri ng panitikang


tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway. Ito rin ay
ipinapahayag ng pasalita, patula, o paawit
(sa mga iba’t ibang estilo) maaring
sinasaliwan ng ilang mga instrumentong
pangmusika o minsan nama’y wala.

Halimbawa:
Epiko ng mga Iloko: Lam-ang
Epiko ng mga Merenew: Bantugan
Epiko ng Magindanaw: Indarapatra
at Sulayman
Banghay at Elemento ng Kuwentong-
Bayan

1. Simula – dito nakikita ang dalawang


sangkap o elemento, ang tauhan na
ipinapakilala ayon sa kaanyuan at papel
na gagampanan o katayuang sikolohikal,
kung sino ang bida at kontrabida. Ang
ikalawa ay tagpuan, o ang pangyayarihan
ng aksiyon o mga eksenang
nagpapahayag ng panahon, kung tag-init,
tag-ulan; ng oras at ng lugar.

2. Gitna – makikita ang banghay o ang


maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang
pinakamahalagang bahagi ng kwentong-
bayan – walang iba kundi ang diyalogo.
Ang diyalogo ay ang usapan ng mga
tauhan. Kailangan sa diyalogo ay
magawang natural at hindi artipisyal.
Saglit na kasiglahan, magpapakita ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa problema; ang
tunggalian na tahasan ng magpapakita
ng labanan o pakikibaka ng tanging
tauhang inilalahat. At ang panghuli ay ang
kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi
ng kuwento kung saan iikot ang
kahinatnan ng pangunahing tauhan, kung
ito ay kasawian o tagumpay.

3. Wakas – matatagpuan ang kakalasan


at ang wakas nito. Sa kakalasan unti-
unting bababa ang takbo ng kuwento. Dito
rin mababatid ang kamalian o kawastuhan
ng mga ‘di inaasahang naganap na
pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid
naman ang magiging resolusyon na
maaaring na masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo. - Magta-type ng #Opo ang mga bata.

Ngayon naman ay ipapakita ko sa inyo


ang video ng epikong tatalakayin natin sa
araw na ito. Manood kayong mabuti at
maging mapanuri lalo na sa mga salitang
ginamit sa akda. Nandiyan pa ba kayo?
Type #Opo kung gising pa kayo diyan.
- Opo Ma’am
(Ipapakita ng guro ang bidyu ng ‘Ang
Pinagmulan ng Marinduque’).

Nanood ba kayo nang mabuti?

C. Paghahalaw

Sa dakong ito ay magkakaroon ulit tayo ng


isang laro, at tatawagin natin itong i-LKSM
na ‘yan! (Larawan Ko, Sagot Mo). Madali
lang ang mekaniks ng larong ito, mayroon
akong ipapakita na mga larawan sa inyo
na makikita sa “Ang Pinagmulan ng
Marinduque”. Ang inyong isasagot ay
hango o di-hango sa kwento. Ang unang
makapagbibigay ng sagot ay tatawagin ko
at tatanungin ang dahilan ng kanyang
kasagutan. Ang makapagbibigay ng
tamang kasagutan ay magkakaroon ng
karagdagang puntos.
Opo Ma’am!
Naunawaan ba?
Kung ganoon ay magsimula na tayo!

Mga Larawan:

Unang Larawan:

Mag-aaral 1: Di-hango, sapagkat ang mga


bangka po na ginagamit/ginamit ng mga
Datu at mga sinaunang tao ay gawa
lamang sa kawayan at mga matitibay na
kahoy.

Pangalawang Larawan:

Mag-aaral 2: Hango, dahil ang ginamit ni


Marin upang makababa ng tore ay ang
lubid na kanyang ginawa gamit ang
kanyang mga damit na pinagbuhol-buhol.

Ikatlong Larawan:

Mag-aaral 3: Hango, sapagkat siya ang


iniibig ni Mutya Marin.

Ika-apat na Larawan:

Mag-aaral 4: Hango, siya si Datu


Batumbakal, ang ama ni Marin at Datu ng
Batangan at mga karatig na balangay.
Ikalimang Larawan: Mag-aaral 5: Di-hango, sapagkat ang
magkasintahan na sina Marin at Garduque
ay namatay sa ilalim ng karagatan, at ang
isang namutawi na isang malaking pulo ay
tinawag na lamang na MARINDUQUE,
upang maalala ang ganda ni Marin at
dakilang mang-aawit na si Garduque.

D. Paglalapat

Maayos pa ba kayo? Nakikinig pa ba


ang lahat? Sige nga, kung narito pa
kayo mag komento ng walo na numero
sa ating chat box, upang malaman ko
kung nakikinig pa ang lahat.

Ngayon naman ay tatalakayin natin kung


paano magagamit ang pang-abay na
pamanahon, panlunan at pang-abay na
pamamaraan sa pagbuo ng alamat.

Bigyang-pansin natin ang mga


sumusunod na pahayag:

• Ang isang pang-abay o


“Adverb” sa Ingles ay bahagi ng
ating pananalita na palagi nating
ginagamit. Pero, kadalasan,
hindi natin nalalaman na
ginagamit na pala natin ang mga
ito.
• Ito ay nagbibigay turing o
naglalarawan sa pang-uri,
pandiwa, o maging sa kapwa
nitong mga pang-abay.
• Pandiwa – salitang kilos o gawa. Mayroon itong tatlong uri:

Pang-abay na Pamanahon • May pananda - nang, sa, noon,


- ito ay nagsasaaad kung kailan kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
naganap, gaganapin at magaganap umpisa, at hanggang.
ang kilos na taglay ng pandiwa sa
pangungusap. Ito’y sumasagot sa Halimbawa: "Kailangan mo bang
tanong na KAILAN. pumasok nang araw-araw?"

Ilan sa mga halimbawang salita nito ay; • Walang pananda - kahapon,


kanina, ngayon, mamaya, bukas,
• kahapon sandali, at iba pa
• kanina
• araw-araw Halimbawa: "Manonood kami bukas ng
• kagabi pambansang pagtatanghal ng dulang
• bukas Pilipino."
• ngayon
• mamaya • Nagsasaad ng dalas - araw-araw,
• noon tuwing umaga, taun-taon, at iba pa
• tuwing umaga, tanghali, hapon o
gabi Halimbawa: "Tuwing buwan ng Mayo ay
• taun-taon nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan."
Halimbawa:
Sa paglipas ng panahon nahinuha ng ama Kailan nahinuha ng ama ang malaking
ang malaking pagkakamali sa anak. pagkakamali sa anak? Sa paglipas ng
panahon.
Ilan pa sa mga halimbawang
pangungusap ay:
Kailan nagpunta sina mama at papa
1. Pumunta kahapon sina mama at galing cavite? Kahapon
papa galing Cavite.
2. Si tatay ay pumunta kanina sa Kailan pumunta si tatay sa lungsod
lungsod para mamalengke. para mamalengke? Kanina
3. Araw-araw nagbabasa ng mga
aklat si Ana. Kailan nagbabasa ng aklat si Ana?
4. Nanood si Nina kagabi ng paborito Araw-araw
niyang Korean Drama.
Kailan nanood si Nina ng paborito
niyang Korean Drama? Kagabi
Pang-abay na Panlunan
- ang pang-abay na panlunan ay
tumutukoy sa pook na pinangyarihan
o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa. Karaniwan ginagamit ang
pariralang sa, kanya o kina. Ito’y
sumasagot sa tanong na SAAN.

Halimbawa:
Sa lalawigan ng Bohol may naninirahang
ubod ng yaman na byudang babae
kasama ang anak na si Silena.

Ilan pa sa mga halimbawang


pangungusap ay:
Saan nagpaluto si Maria ng masarap na
1. Nagpaluto si Maria kina Aling mamon para sa kaarawan ng kanyang
Inggay ng masarap na mamon para Inay? kina Aling Inggay
sa kaarawan ng kanyang Inay.
2. Mangyayari ang kaarawan sa Saan mangyayari ang kaarawan? sa
tahanan ni Amy. tahanan ni Amy
3. Ang mga bata ay sumasayaw sa Saan sumasayaw ang mga bata? sa
entablado. entablado.
4. Sa gilid ng bundok nagtanim ng Saan nagtanim ng mga gulay ang mga
mga gulay ang mga magsasaka. magsasaka? Sa gilid ng bundok

Pang-abay na Pamamaraan
- ang pang-abay na pamamaraan ay
naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap o magaganap ang kilos
na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit sa panandang nang o
na/ng. Ito’y sumasagot sa tanong na
PAANO.

Halimbawa:
Masaya ang ama nang pinagmasdan ang Paano naging masaya ang ama? Nang
mga taong nasa laylayan. pinagmasdan ang mga taong nasa
laylayan.
Ilan pa sa mga halimbawang
pangungusap ay;
1. Sinakal ni Juan si Pedro nang Paano ni Juan sinakal si Pedro? Nang
mahigpit. mahigpit.
2. Natulog siya nang patagilid. Paano siya natulog? nang patagilid.
3. Si Julia ay umalis na umiiyak. Paano umalis si Julia? ay na umiiyak.
Naunawaan ba mga bata kung ano ang
pang-abay at mga uri nito? - Opo Ma’am, naunawaan po!

Ayan… magagaling! Ngayon, sa tingin ko


ay handang-handa na kayo upang
makapagbigay ng ilan sa mga halimbawa - Opo!
pang-abay, tama?

Sige nga, subukan natin. Volunteer?


Mayroon bang mag-vo-volunteer?
Magbigay ng halimbawa ng pangungusap
na gumagamit ng pang-abay na
pamanahon. Kahit isa lang.
Meron? O sige, dahil walang nagvo-
volunteer, babase tayo sa “Wheel of
Names” ayan.
James: Tuwing umaga ay
Oh, mayroon nang napili, si James. Ayan ipinaghahanda kami ni Nanay ng
James sige nga magbigay ng isang makakain. (Pamanahon)
halimbawa ng pang-abay na pamanahon.

Maaari mong buksan ang iyong mikropono


o ‘di naman kaya’y itype sa comment
section ang sagot.

Ayan! Magaling! Ginamit ni James sa


pangungusap ang susing salita na
“Tuwing umaga” na kung saan ay
nagpapahayag kung kailan naganap ang
isang pangyayari.

Ngayon naman, magbigay ng halimbawa


ng pangungusap na gumagamit ng pang- Jamaica: Sa lungsod ng Cavite
abay na panlunan. ipinanganak ang aking matalik na
kaibigan. (Panlunan)
Ayan, may nakita akong nag “raise hand.”
Sige nga Jamaica.

Mahusay! Ginamit ni Bb. Jamaica ang


susing salita na “sa lungsod ng Cavite” na
kung saan ay tumutukoy sa kung saang
lugar. Magaling, mukhang talagang
naunawaan ninyo nang husto ang uri ng
pang-abay.

Sige nga, magbigay naman ng halimbawa Eric: Ako po Ma’am!


para sa pang-abay na pamaraan. Thalia: Ako Ma’am!

Sige, na una si Eric, magbigay ng


halimbawa ng pangungusap na
gumagamit ng pang-abay na Eric: Naluluha siya nang magpasalamat.
pamamaraan. (Pamaraan)

Aba! Tunay ngang inyong lubos na


naunawaan ang mga uri ng pang-abay.

Ginamit naman ni Eric ang susing salita na


“magpasalamat” upang ipahayag kung
paano naganap ang sinasabi ng pandiwa.
Mahusay!

Ang gagaling naman talaga ng mga


estudyante dito. Batid kong inyong lubos
na naunawaan ang ating tinalakay
ngayong araw dahil sa inyong ipinakitang
kagalingan at aktibong partisipasyon.
Mahuhusay! Bigyan naman natin ng virtual
clap ang ating mga sarili.

Recap lang tayo ng kaunti.


Tinalakay natin ang Alamat na ‘Ang
Pinagmulan ng Marinduque’ na
pinangunahan ng mga tauhan na sina
Mutya Marin, Garduque, at Si Datu
Batumbakal. Ang nais iparating ng
kwento ay ipaalam sa atin na walang
makahahadlang sa mga pusong tunay na
nagmamahalan. Maraming pagsubok
man ang dumating, handa itong harapin
makasama lamang ang taong gustong
makapiling. Tinalakay din natin ang
tungkol sa mga akdang kabilang sa
kuwentong bayan, mga pamamaraan at
mga elemento nito. Ang panghuli naman
ay ang pang-abay na pamanahon na
sumasagot sa tanong na KAILAN
naganap ang pangyayari, sa panlunan na
SAAN nangyari ang kaganapan, at pang-
abay na pamaraan na PAANO naganap
ang pangyayari na makatutulong sa
pagbuo ng isang alamat.

Naintindihan ba ninyo ang ating tinalakay


sa araw na ito? - Opo, Ma’am!

Parang handa na nga kayo para sa ating


maikling pagsusulit.

Maaari na kayong tumungo sa inyong


LMS at makikita ang inyong pagsusulit
para sa araw na ito, pumunta lamang sa
Tile na Kabanata 1 - Aralin 2.

May dalawang uri ng quiz tayo,


siguraduhing masasagutan ang dalawang
test. Bukas lamang ang ating quiz
hanggang sa sabado ng alas-5 ng hapon.
Para naman sa inyong takdang-aralin,
basahin at magsaliksik sa hanguang
elektroniko ang tungkol sa Epiko ng
Mindanao na pinamagatang “Bantugan”.
Ito ay bilang paghahanda para sa susunod
na inyong magiging talakayan.

Iyan lamang para sa araw na ito! Sana’y


may natutuhan kayo mula sa akin lalong-
lalo na sa amin na inyong mga naging
guro sa araw na ito. Pero bago tayo
lumisan dito sa ating classroom, maaari
bang mag picture taking muna tayo? Para
sa documentation class. Okay, maaari na
kayong magbukas ng inyong kamera.
Ayan ang gwapo at ang gaganda naman,
keep smiling. Okay 1,2,3. Okay na,
maraming salamat class. Paalam!

IV. Pagtataya
Test I. Piliin ang tamang sagot sa pahayag.
1. Siya ang Datu ng Batangan; mayaman at makapangyarihan.
a. Datu Bagal c. Datu Batumbakal
b. Datu Kawili d. Datu Sagwil

2. Ito ay ipinapakilala ayon sa kaanyuan at papel na gagampanan kung sino ang


bida at kontrabida.
a. Tauhan c. Tunggalian
b. Tagpuan d. Diyalogo

3. Ito ang lugar na pinamumunuan ni Datu Batumbakal.


a. Batangan c. Kamarines
b. Mindoro d. Laguna

4. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng kuwentong bayan.


a. Simula c. Gitna
b. Diyalogo d. Wakas

5. Ito’y isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Ito rin
ay naglalarawan ng kababalaghan at kapani-paniwalang mga pangyayari at
marami sa mga ito ang nagbibigay ng aral.
a. Alamat c. Maikling Kwento
b. Epiko d. Kwentong bayan

6. Siya ang anak ng Datu Batumbakal; maganda, mahinhin at halos lahat ng


katangian ay nasa kanya na.
a. Mutya Malin c. Mutya Marin
b. Mutya Makiling d. Mutya Mahin

7. Ito ay nagsasaaad kung kailan naganap, gaganapin at magaganap ang kilos na


taglay ng pandiwa sa pangungusap.
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Panulad
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Pamanahon

8. Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na


ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa panandang nang o na/ng. Ito’y
sumasagot sa tanong na paano.
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Panulad
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Pamanahon
9. Ito ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa. Karaniwan ginagamit ang pariralang sa, kanya o kina. Ito’y sumsagot
sa tanong na saan.
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Panulad
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Pamanahon

10. Ito’y legend sa Ingles na mula sa salitang latin na legendus.


a. Epiko c. Maikling Kwento
b. Alamat d. Kwentong bayan
Test II. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang
pahayag ay mali.

___ 1. Sa simula makikita ang dalawang sangkap o elemento; ang tauhan at tagpuan.
___ 2. Si Datu Batumbakal ang datu ng Batangan.
___ 3. Ang ikatlong palaro na sinalihan ni Mutya Marin ay pagbinit ng palaso.
___ 4. Si Garduque ang dukha nga taga-Taal.
___ 5. Ang kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang
kahinatnan ng pangunahing tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
___ 6. Ang tunggalian ang magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa problema.
___ 7. Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaaad kung kailan naganap, gaganapin at
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa sa pangungusap.
___ 8. Ang mga kawal ang nagsumbong kay Datu Batumbakal sa pagtakas ni Mutya
Marin.
___ 9. Ang ilog pansipit ang nakakatakot na lugar.
___ 10. Ang pinakamahalagang bahagi ng kwentong bayan ay walang iba kundi ang
diyalogo.

V. Kasunduan
Basahin at magsaliksik sa hanguang elektroniko ng tungkol sa Epiko ng Mindanao
na pinamagatang “Bantugan”. Ito ay bilang paghahanda para sa susunod na inyong
magiging talakayan.

You might also like