You are on page 1of 3

Lektyur 1 sa Araling Panlipunan 3

Ikalawang Markahan

ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA


AT NG METRO MANILA (NCR)
 Ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, na ngayon ay nasa Fort Santiago
sa Pamumuno ni rajah Soliman (huling hari) . Nang dumating ang mga Espanyol napilitan ang hari na isuko ang
Maynila kung saan itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila. Ito rin ang naging
kabisera ng mga Espanyol na tumutukoy sa sa loob lamang ng Intramuros. Nang dumating ang mga Amerikano,
isinama na nila sa Maynila ang labas ng Intramuros.
 Dahil maliit ang Maynila, ninais ni Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki kabiserang lungsod
na nakapangalan sa kanya kaya naging kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni
Pangulong Marcos noong 1976.
 Binuo ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o
MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga
bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang
pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.
 Si Imelda Marcos ang naging gobernador ng MMC na may hawak ng 15 % ng pambansang budget at nag nais na
ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya lumaki ang populasyon nito.
 Ang Metropolitan Manila/NCR ngayon na binubuo ng 16 lungsod at isang munisipalidad. Ang Las Pinas, Makati,
Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, San Juan, Valenzuela,
Caloocan, Pasay, Quezon City, Taguig at Pateros.

Katangian ng NCR
 Pinakamaliit na rehiyon ngunit may pinakamalaking populasyon.
 Isa sa pinkamaunlad na rehiyon sa bansa.
 Sentro ng pamhalaan, edukasyon, kultura, sining, relihiyon, industriya at libangan.

Ang kasaysayan ng lungsod ng Las Piñas

Pinagmulan ng Pangalan ng Lungsod ng Las Piñas


Ang kwento tungkol sa tunay na pinagmulan ng pangalan ng pangalan ng lungsod ng Las
Pinas ay nagkakaiba-iba:

a. Unang Kwento
Ang pangalan ng Las Piñas ay nagmula sa mga mangangalakal mula sa Cavite at Batangas
na nagdadla dito ng mga produktong pinya (pineapples bago dalhin sa iba’t ibang palengke o
pamilihan.

b. Ikalawang kwento
Ang Las Piñas ay galing sa mga salitang “ Las Penas” na makikita sa mga malalaking bato at
adobe na hinuhukay at ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali at tulay.

c. Ikatlong kwento
Ang Las Piñas ay nagmula sa dalawang pinuno na namahala dito noong unang panahon.

d. Ikaapat na kwento
Ang Las Piñas ay natagpuang nakaukit sa lumang kampana (bell) sa loob ng museo ng
simbahan ng Las Piñas , na kahit noong panahon ni Fr. Diego Cera ( Ang unang Paroko ng
Las Piñas) ang lungsod ay tinatawag ng “ Las Penas” ngunit sa katagalan ay nabago ang
pagbabaybay nito at naging Las Piñas
Kasaysayan ng Las Pinas

 Isa sa pinaka-unang pangisdaan sa baybayin ng Manila Bay.


 1797- Naitalaga si Fr. Diego Cera bilang paring Augustinian sa Las Pinas. Ang kanyang
pagdating sa Las Pinas na isang baryo pa lamang ng Paranaque ang simula ng pag-unlad ng
lungsod.
 1819- pagtatayo ng Las Piñas Simbahan (Saint Joseph Parish Church) sa pamamagitan ni Fr.
Diego Cera. Ito ang nagsilbing isa sa pangkultural at sosyal na pagkakakilanlan mula noon
hanggang ngayon sa Las Pinas. Nang panahong ito rin nagsimulang itayo o ipagawa ang mga
kalsada at tulay. Gayundin ang pagsisimula ng industriya ng asin, mga produktong gawa sa
kamay at dye making.
 1880-Madilim na kahapon sa kasaysayan ng Las Pinas. Madalas lusubin ng mga bandido ang
lugsod ng Las Pinas na nagdudulot ng pagkasira ng mga ari-arian at pagkasawi ng ilan. Sa
panahong ito rin lumaganap ang kolera at tigdas.
 1896- Isa sa mga pangunahing lugar na ginamit at inokupa nina Gen. Emilio Aguinaldo at
kanyang mga tauhan panahon ng Philippine Revolution laban sa mga Espanyol.
 1901- taong humiwalay ang Las Pinas sa Cavite at taong pinagsama ang munisipalidad ng
Las Piñas at ang bagong probinsya ng Rizal ayon sa Philippine Commission Act no. 137.
 1903- Matapos ang dalawang taon ay pinagsama naman ang mga lungsod ng Paranaque at
Las Piñas.
 Marso 27, 1907 sa bisa ng Philippine Commission Act no. 1625 naging bayan ang Las
Pinas sa probinsya ng Rizal at humiwalay sa munisipalidad ng Parañaque.
 1976- Naging munisipalidad na bumubuo sa Metro Manila.
 Pebrero 12, 1997- pinirmahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang bill (Republic Act No.
8251) na nagdedeklara na ang Las Piñas ay bagong lungsod na.

Lokal na Pamunuan ng Lungsod ng Las Pinas


Sa kabuuan ang lungsod ay pinamumunuan ng
Mayor- Imelda Aguilar
Vice-Mayor-
Kasama ang 12 konsehal ng bayan
Ang lungsod ng las Pinas ay nahahati sa 20 barangay.
Mga barangay sa District 1 Mga barangay sa District 2
1. CAA-B.F. International 1. Almanza Uno
2. Daniel Fajardo (Poblacion) 2.Almanza Dos
3. Elias Aldana 3.Pamplona Dos
4. Ilaya 4.Pilar Village
5. Manuyo Uno 5.Talon Uno
6. Manuyo Dos 6.Talon Dos
7. Pamplona Uno 7.Talon Tres
8. Pamplona Tres 8.Talon Kwatro
9. Pulanglupa Uno 9.Talon Singko
10. Pulanglupa Dos
11. Zapote

Kultura ng Lungsod
Mga Kapistahan
Mga kapistahan ng bayan ng Las Pinas ay ipinagdiriwang tuwing sasapit ang unang Linggo ng
Mayo bilang parangal sa santong patron na si San Jose (St. Joseph) na nakaluklok sa simbahan ng
St. Joseph parish Church sa lumang bayan ng Las Pinas, Brgy. Daniel Fajardo-Padre Diego Cera
Avenue.

Iba pang Pagdiriwang


 International Bamboo Organ Festival- isang music Festival na ginaganap kung buwan ng
Pebrero, ipinagdiriwang nito ang kakaibang tunog ng Organong Kawayan na kasama ang
mga local at dahuyang kalsikong manunugtog.
 Waterlily Festival-ipinagdiriwang tuwing ika-27 ng Hulyo.
 Parol (Lantern) Festival-Ipinagdiriwang tuwing panahon ng kapaskuhan.

You might also like