You are on page 1of 4

Ang Kasaysayang Pinagmulan ng Pangalang Malolos

Aguelo, Carl Gabriel


Caballero, Jennifer
Cartago, Ernest John
Natividad, Venice Clarice
Opeña, Jeremy Marco
Tila, Junel

Abstrak

Sa papel na ito makikita at maiintindihan ang Kasaysayan ng Malolos na kung saan ito ay
puno ng mga mahahalagang pangyayari noon hanggang sa kasalukuyan. Ang siyudad na ito ay
kilala dahil sa mga kasaysayan at istorya noong panahon ng mga kastila. Tatalakayin din ang
pinagmulan ng salitang malolos at kung bakit ito tinawag sa pangalan na iyon. Maisisiwalat sa
papel na ito ang kayamanan sa kasaysayan ng bayang ito at ang kung paano ito tinawag sa
pangalang ginagamit ngayon, ang Malolos. Lubhang mahalaga para sa Malolenyo ang
kasaysayan ng kanilang minamahal na Lungsod sapagkat naniniwala ang mga mamamayan nito
na hindi lamang ito mayaman sa kasaysayan kundi pati na rin kultura at kasipagan dahil isa rin sa
tumulong sa Malolos upang ito’y maging mas kilala ay ang mismong mamamayan nito.

Mga susing salita: Malolos, Kasaysayan, Kayamanan, Pinagmulan, Paluslos, Salita

Ang Malolos ay isa sa mga lugar na ipinagmamalaki ng Bulacan dahil sa puno ito ng
kasaysayan na siyang mahalaga sa bawat Pilipino. Hindi lamang ang mga Malolenyo ang
nakakakita sa kagandahan nito kundi ang buong Pilipinas.

Ang bayan ng Malolos ay nakilala sa pagtatag ng kauna-unahang Republika ng Pilipinas


sa ilalim ng panunungkulan ng dating pangulong Emilio Aguinaldo noong 1898 sa santuwaryo
ng Simbahan ng Barasoain at sinundan naman ng pagtatalaga sa Katedral ng Malolos bilang
Palacio Presidencial nang panahong iyon na lalong mas nagpatibay sa Malolos bilang pagiging
kabisera ng panandaliang unang Republika ng Pilipinas. Mas napagyabong din nito ang
katayuan ng bayan ng Malolos bilang isa sa mga bayang may pinakamaraming naiambag sa
kasaysayan ng Pilipinas kung kaya’t masasabing ang Malolos ang nagsilang ng unang
demokratiko sa Asya.

Masasabi ngang tumatak na sa isip ng sambayanan ang naging ambag sa kasaysayan ng


Malolos sa bansa. Subalit iilan lamang ang tunay na nakakaalam kung saan nga ba nagmula ang
pangalang "Malolos" at ano nga ba ang tunay nitong kahulugan. Ayon kila Blair at Robertson,
ang katawagang Malolos ay nanggaling sa sinaunang pangalang Tsino na "Li Han" na kung saan
pinagmulan ng tawag sa mga pinuno ng lugar na tinawag na " Gat Salihan " na naging
Gatchalian noong taong 1225 na sinuportahan ng tala ni Chao Ju nang nabanggit ang " Li Han sa
bansang Mai (Pilipinas)" sa kaniyang talaang pinamagatang Chu-Fan-Chi na nangangahulugang
mga taong barbariko o banyaga.

Pinagmulan ng salitang "malolos"

Mahalaga ang pinagmulan ng isang lugar dahil ito ay bumubuo sa bansang Pilipinas. Ang
kasaysayan ang repleksyon ng mga tao kung paano nila nakikita ang kahalagahan ng isang bagay
o lugar. Katulad ng nabanggit sa itaas ang Malolos ay sinasabing nagmula sa salitang "paluslos"
na ang ibig sabihin ay ang pagdaloy ng tubig paibaba at dahil sa baluktot na pananalita ng mga
Pilipino noon, ang paluslos ay naging "malulos" at ng lumaon ito ay tinawag na Malolos. Sa
aklat na sinulat ni Don Antonio Bautista “Ang Malulos sa mga dahon ng kasaysayan”
pinagmulan ng pangalan ng bayang ito ay mula sa pag luslos ng tubig, sapagkat mataas ang pook
na ito kaysa Hagonoy, dito dumadaan ang pagluslos ng tubig mula sa mga matataas na bayan sa
lalawigan, kaya ito ay tinawag na Malulos na sa kalaunan ay naging Malolos.

Ayon sa Salaysalakbay (2014), ang pangalang Malolos ay nagmula sa salitang tagalog na


"Paluslos" na halaw din sa salitang kampampangan na "Luslos" na nangangahulugang pagdaloy
o pag-agos ng tubig "pababa". Nagbuhat ang agos ng tubig sa ilog patungo sa mga kalapit bayan
ng Plaridel (Quingua) at Calumpit.

Ayon sa naman sa alamat na inilathala ng Probinsya ng Bulacan (2007), nagmula ang


pangalang "Malolos" bunga nang hindi pagkakaunawaan ng mga misyonaryong kastila. Nang
matuklasan nila noong 1580 ang lugar na tinatawag na Li han na may namamalaging mga
katutubo sa may tabing-ilog na hindi pa nabibinyagan. Noong panahon ng Kastila naghahanap
ang mga misyonaryo nang hindi mataong lugar sa gawing ilog ng Calumpit, nasumpungan nila
ang mga katutubong naninirahan. At ayon sa kwento, tinanong ng mga misyonaryo ang mga
katutubong kanilang nadatnan kung ano ang tawag sa pook na iyon subalit dahil sa banyagang
pagbigkas ng mga misyonaryo hindi ito naintindihan ng maayos ng mga katutubo. At nang dahil
sa hindi pagkaka-unawaan, ang kanilang naging sagot sa katanungan ng mga misyonaryo ay
"paluslos" na nangangahulugang pagdaloy ng tubig sa ilog pababa, sa pag-aakalang iyon ang
itinutukoy ng mga misyonaryo. Sa pagiging banyaga ng mga misyonaryo at baluktot na
pananalita ng wikang filipino, nabigkas nila ang "Paluslos" nang "Malulos". At sa paglipas ng
panahon at sa pagsalin-salin ng mga salita ang salitang "Malulos" na tawag sa pook na iyon ay
naging "Malolos" makaulanan at ginawang opisyal na pangalan ng lugar.

Kasaysayan at Kayamanan

Ang lungsod ng Malolos ay isang 3rd urban component city ng Republika ng Pilipinas at
ito ay ang pang-isandaan at labinlimang lungsod sa ating bansa. Karamihan sa mga Malolenyo
ay may kakayahang makapagsalita ng tagalog ngunit mayroon din namang nakapagsasalita ng
kapampangan, Bisaya, Muslim at iba pang wika. Sa Malolos din naitatag na ang wikang
Espanyol ang tanging opisyal na lenggwahe ng unang konstitusyon.

Ang mga kadakilaan ng mga bayani sa kasaysayan ay ating maiuuhnay sa Malolos na


naging kabisera ng panandalian ungang Republika ng Pilipinas. Ang mga pangalan ng mga
kilalang bayani ay nakaukit na sa kasaysayan ng Pilipinas at lahat sila ay may iisang naging
kaugnayan sa kasaysayan ng Malolos.

Ang yaman ng Malolos ay hindi lamang nakasalalay sa malalaking ektarya ng kabukiran


at mahigit na dalawang libong ektarya ng palaisdaan kundi maging sa kultura ng mismong
mamamayan nito na kakikitaan ding pagsusumikap at angking katalinuhan. Ang Malolos ay isa
rin sa mga sentro ng edukasyon sa Gitnang luzon, mamatagpuan dito ang mga pangunahing
unibersidad tulad ng Bulacan State University, La Consolacion University Philippines at Cento
Escolar University na may madaming estudyante at marahil may iba’ibang wika na ginagamit sa
kanilang pag aaral o pang araw araw na buhay.
Mga Sanggunian
Efren Alcantara (2018) Ang Malolos sa likod ng mga Kasaysayan ng lahing Pilipino.
http://rondabalita.news/ang-malolos-sa-likod-ng-mga-kasaysayan-ng-lahing-pilipino

Provincial Government of Bulacan, Philippines (2007). Experience Bulacan: Malolos


City. https://www.bulacan.gov.ph/malolos/history.php

Raymundo, Danny (2009). Ako ay Bulakenyo: Pangalan ng mga Bayan sa Bulakan at


Munting Kasaysayan.
https://www.flickr.com/groups/1168937@N21/discuss/72157621377318960/

Salaysalakbay (2014). DO-IT-YOURSELF HERITAGE TOUR IN


MALOLOS.http://salaysalakbay.blogspot.com/2014/06/do-it-yourself-heritage-tour-in-
malolos.html?m=1

The Renaissance City of Malolos (2013). Ang Maikling Kasaysayan ng Lungsod ng


Malolos.
https://m.facebook.com/TheRenaissanceCityOfMalolos/photos/a.541342789257537/5439
04672334682/?type=3

You might also like