You are on page 1of 6

BALAGTASAN: Ang Bayan ng Isang Makata.

Members:
Merida, Rose Mae

Calajatan, Jobelle

Ramos, Christ Jayson

De Asis, Richmar

Borlongan, Christian X

Abstrak

Sa pamagat na ito ay aalamin natin ang Balagtasan at kung ano ang nilalaman nito. Ang
Balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o
mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli. Ito
ay hinango sa pangalan ng isang Makata na si Fransisco Balagtas. Ito ay kadalasang binubuo ng
mga magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang
tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado
na siyang maghuhugas kung sino sa dalawa ang mananalo. Patalinuhan ng pagpapahayag ng mga
patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan,
anghang ng pang-aasar pambihirang talas ng isip, at mala-teatrikong at dramatikong
pagpapahayag. Ano nga ba ang nagpapasigla sa Balagtasan na uri ng pampanitikan na
nagtataglay ng mga elemento ng komedya? Ngayon, ay tatalakayin naman kung mayroon pa
bang nagba-Balagtasan sa panahon natin.

Mga Susing Salita: Balagtasan,Fliptop,Wika ,Alituntunin sa Balagtasan,Modernong Balagtasan


I. Pinagmulan ng Salitang Balagtasan

Ang pinag mulan ng salitang Balagtasan ay nanggaling sa orihinal na apelyido ni Francisco


Balagtas o kilala rin sa boung pangalan niya na si Francisco Baltazar y de la Cruz o Francisco
Baltazar at Sumilang ang Balagtasan noong Abril 2, 1925, kaugnay ng pagdiriwang ng kaarawan
ni Balagtas. at nagsimula ito noong panahon ng mga amerikano batay sa lumang tradisyon ng
makatang pag tatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang Balagtasan ay nabuo
dahil sa pagpupulong ng mga ilang piling manunulat noong Marso 28, 1924 sa tanggapan ni
Rose Sevilla sa Instituto de Mujere at Noong Abril 6, 1924 ito ay ang kauna unahang balagtasan
na ginanap sa Instituto de Mujeres, may tatlong grupo ng mambabalagtas na sina De Jesus at
Collantes , sina Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez; at sina Rafael Olay at Tomas L.
de Jesus. Sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at Florentino
Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng pinakasiglang tugon
mula sa madla. "Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan" ang pamagat ng kanilang paksang kanilang
pinagtalunan na sinulat nilang pareho. Silang dalawa ay nanomina sa panglawang paghaharap.

Samantala, naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas, Dahil sa kasikatan ng Balagtasan ay


nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibang wika mula sa Pilipinas katulad ng
Ilokano at Kampampangan kung sa Katagalugan ay naging popular ang Balagtasan, sa mga
Ilokano naman ay naging tanyag ang ganitong uri ng pagtatalo sa tawag na Bukanegan na hango
sa makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg.

Sa mga Kapampangan naman ay mayroon din silang Crissotan na hango sa makatang


Kapampangan na si Juan Crisostomo na ang ginagamit na sagisag ay Crissot. Samantalang
mayroon pa ring isang uri ng Balagtasan sa kasalukuyan  ang Batutian na hango kay Huseng
Batute na sagisag ni Jose Corazon de Jesus. Talagang naging popular ang balagtasan sa ibat
ibang lugar dito sa Pilipinas dahil narin naeengganyo ang mga manunuod sa mga nakikita nila at
naririnig sa mga mambabalagtas. Mula sa entablado o tanghalan, ang Balagtasan ay narinig na
rin sa radio o himpapawid at maging sa tanghalan ng mga paaralan sa kasalukuyan. Ang unang
naging tagatangkilik sa radio ay ang Elizalde & Company, isang makawikang bahay-kalakal. Sa
Balagtasan ay karaniwan, mga simpleng paksa ang pinagtatalunan sa balagtasan: katulad nalang
ng ginto o bakal, babae o lalaki, mataba o payat, baso at tabo, sabong o kabaret, palayok o
kawali. Pero ng tumagal tagal naging madalas pagtalunan ang mga makabuluhang panlipunang
isyu tulad ng welgista at eskirol, manggagawa at makina, wikang Ingles o wikang Espanyol.

II. Ang Bahagi ng Balagtasan.

Sa Bahagi ng Balagtasan dito pinapakita kung paano nagsisimula ang balagtasan at kung sino
ang mga kalahok, ito ay kailangan malaman ng mga nakakarami lalo na sa mga magsasagawa ng
balagtasan upang mabigyan sila ng ideya sakanilang pag tatanghal sa entablado.Mayroong
limang bahagi ang pakikipag balagtasan, ang unang bahagi ng balagtasan ay ang pagbubukas
dito ay Nagsisimulang tumula ang Lakandiwa dito niya ipinapakilala ang mga mambabalagtas at
o ang paksang pagtatalunan para mag karoon ng ideya agad ang mga manonood . Ang
pangalawang bahagi ay ang Pagpupugay o Pagpapakilala, Nagpapakilala o nagbibigay-pugay
paggalang ang mga kalahok na mambabalagtas. Ang sumunod ay ang ikatatlong bahagi ito ang
Pagtanggap o Transisyon Ito ang muling pagtula ng Lakandiwa upang tanggapin ang mga
mambabalagtas. Ito ang nagpapahayag ng pagsisimula ng Balagtasan. Ang Ika-apat ay ang
Tindig Ito ang isahang pagtula ng mga mambalagtas upang ipahayag ang kanilang mga panig
tungkol sa paksang pinagtatalunan. Ang pang huli ay ang Pagpipinid o Pagpapahatol, ang bahagi
ng Lakandiwa kung saan ibinubuod niya ang sabi ng mga mambabalagtas o kung hindi naman ay
binigyan niya ng responsibilidad ang mga manonood na bumubuo ng desisyon kung saang
panigang mas lamang sa pakikipag balagtasan at kung sino ang may maayos na nakapag bigay
ng ideya sa isang paksa marahil marami ang magaling sa mga mambabalagtas pero isa lang ang
mag wawagi sa ganitong pagtatanghal.

III. Alituntunin sa Larangan ng Balagtasan


May mga Alituntunin pag dating sa larangan ng Balagtasan para maging maayos at wasto ang
kalalabasan ng pagtatanghal ng dalawang mambabalagtas sa harap ng mga manonood Una

dito ay pinapakita kung sino ang mga kalahok sa balagtasan at ito ay binubuo ng isang
Lankandiwa o Lakambini at dalawang mambabalagtas na pagtatalunan ang isang paksang napili.
Ang lakandiwa o Lakambini ang siyang tagapamagitan sa dalawang magtatalo. Siya ang unang

magsasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood. Siya din ang magbibigay ng desisyon
kung sino ang magwawagi. Minsan may mga hurado rin na huhusga kung sinong pangkat ang

mananalo. Ang mambabalagtas ay isang makata, lumilikha ng tula. Nakikipagtalo siya sa anyong
patula.

At ang importante sa lahat ay ang paksang pinagtatalunan o nagpapalitan ng ideya sa paksang


sinabi. Ang mga kalahok ay dapat magaling sapag alala ng mga tula na mahahaba. Ang tula sa
balagtasan ay may sukat, tugma at talinghaga. Inihahahanda ng mga mambabalagtas ang iskrip

bago ang tunggalian. Nagkakaroon din ng mga improbisadong linya sa mismong oras balagtasan.
Ang tono ng kanilang pagbigkas ay laging ayon sa mensahe ng kanilang sinabi. Kapag masaya
ito ay dapat tunog masaya at kung galit dapat ay tunog pagalit.

Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig. Inaasahan ang panitikang ito
na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay
libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at
mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.

IV. Ang Makabagong Balagtasan

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang


pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga
mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng
tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-
talastasan ng bawat mamamayan. Ang pakikipagtalastasan ay isang uri ng komunikasyon kung
saan nagpapalitan ng ideya at koro koro ang mga taong nagtatalakayan. Mahalaga ito dahil
malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang iniisip na maykinalaman sa paksang
tinatalakay.Ang wikang filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.

Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng
ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o
ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isangsalita o tumatayo ilang kapalit ng salita.

Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ngmga arkayk na salita, sa pamamagitan nito


pinapalitan ng mga makabagong salita angmga salita na ginagamit noong unang panahon upang
mas madaling gamitin at masmagandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon

ngayon ay angpaggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika
nakaraniwang ginagamit ng mga kabataan (Mangyao 2016). Ang fliptop battles ay ang

modernong parody ng balagtasan noon. Ang fliptop ay inilalarawan na rap battle o tagisan ng
mga taong mahusay makipag-asaran sa pamamagitan ng rap. Ito rin ay itinuturing na modernong
balagtasan ng mga kabataan sa mababang antas ng wika.May mga pagkakapareho ang dalawa
dahil ang dalawa ay parehong nagpapalitan ng mga ideya sa loob ng itinakdang oras. Pareho ding
paramihan ng boto mula sa mga hurado ang paraan kung paano nalalaman ang panalo.. Ang
dalawa rin ay magkahawig base sa lakandiwa o referee at sa mga lakan o lakambini, kung saan
dalawa ang nagpapalabas ng kanilang sariling opinyon tungkol sa isang paksang pag-uusapan,
ngunit ang FlipTop ay makabago at hindi limitado sa isang paksa lamang. Sa Kabisayaan,
nahahalintulad ang balagtasan sa mga katutubong anyong balitaw, banggianay atismayling.Sa
isang kakaibang panahon at daigdig sumibol ang Fliptop, na nakatuntong sa kulturang hip-hop.
Bilang mga emcee at rapper, ang mga baguhan at bihasang kalahok sa paligsahan ay kumakatha
ng berso bilang literal na liriko
MGA SANGGUNIAN:

PCDSPO | GOVPH (2015). Paano Ba Mag-Balagtasan? nasa http://malacanang.gov.ph/75539-


paano-ba-mag-balagtasan/, http://presidential608.rssing.com/browser.php?
indx=6745883&item=69/

Monumento, M. (2012), Balagtasismo Versus Fliptop Mismo?nasa


https://www.pinoyweekly.org/2012/02/balagtasismo-versus-fliptop-mismo/

Evelyn, M. (2012) Balagtasan nasa https://www.slideshare.net/eves121/ppt-balagtasan/

Hermogenes, W. (2013) Makabagong Balagtasan nasa https://prezi.com/cdv0ykudzyol/fliptop/?


fbclid=IwAR1pz5KDbKmFXLiVtW-jXJKn-nisEhUSDUjOs3TUMqaQ1Ia31ObSGimI2zM

(2015) Balagtasan nasa https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18248960488

You might also like