You are on page 1of 2

BALAGTASAN Pat V.

Villafuerte Puno, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila Ang Kahulugan ng Balagtasan Itinuturing na sining ang balagtasan dahil hindi lamang sining ng pagbigkas angnabibigyang-pansin ng mga manonood sa mga nagtatalo kundi maging ang kanilangmasining na kumpas ng mga kamay at ekspresyon ng mukha. Maging ang paraang kanilang ginagawa habang nagpapalitan ng matuwid ay kakikitaan ng sining. Isang pagtatalo na ginagamitan ng pamamaraang patula. Ito ang maikling pagpapakahulugan sa balagtasan. Dahil pagtatalo, ang balagtasan ay nangangailanganng paksang pagtatalunan. Ang Pinagmulan ng Salitang Balagtasan Nagsimula ang salitang balagtasan sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, angBalagtas dahil nabuo ito sa panahong ipagdiriwang ang anibersaryo ng kanyangkapanganakan. Kung may Bukanegan ang mga Ilocano na hango sa apelyido ni Pedro Bukaneg, ang kilalang makata ng Iloko/Ilocano; at may Crissotan, ang mga Capampangan na hango sa apelyido ni Juan Crisostomo Soto, ang makata ng Capampangan, higit na nauna ang salitang Balagtasan sa dalawang salitang nabanggit. Ang Maikling Kasaysayan ng Balagtasan Isang maikli ngunit makabuluhan at makasaysayan ang pinagmulan ng balagtasan. Nabuo ang balagtasan dahil sa isang pagpupulong ng ilang piling manunulat noong Marso 28, 1924 sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres. Pinag-uusapan nila noon ang gagawin nilang programa bilang pagpupugay sa anibersaryo ng kaarawan ni Balagtas sa Abril 2. Noong Abril 6, 1924 apat na araw pagkatapos ng Araw ni Balagtas ay ginanap ang kauna-unahang balagtasan. Isang pagtatalong may iskrip na inihanda ng bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang magtatalo. Ito ay nasa paraang patula. Pagkatapos mabuo ang iskrip ay ipinabigkas ito sa ilang piling mambibigkas ng tula. Lubusang hinangaan ng mga tagapakinig sina Jose Corazon de Jesus ng lalong kilala sa tawag na Huseng Batute at Florentino Collantes na mas kilala sa bansag na Kuntil-Butil.

Dahil isa lamang sa kanila ang dapat hiranging Hari ng Balagtasan, napagpasyahan ngkomite na nagtatag ng balagtasan na magdaos ng isa pang pagtatalong patula nangwalang iskrip. Ginanap ito noong Oktubre 18, 1925 sa Maynila. Dahil sa kahusayang humabi ng mga salita, bumigkas nang may hagod at aliw-iw, at pagpili ng mga salitang may sukat at tugma ay napagpasyahang si Jose Corazon de Jesus ang itinanghal nakauna-unahang Hari ng Balagtasan. Ang Layunin ng Balagtasan Ang pangunahing layunin ng balagtasan ay makapagbahagi ng kaisipan at makapagbigay-aliw sa mga tagapakinig / manonood.Malimit na gumagamit ng ilang katawa-tawang salita o pahayag ang mgamambibigkas ng balagtasan. Magkagayunman ay hindi nawawala ang kasiningan atkahusayan nila sa pagbigkas kasabay ng talas ng kanilang diwa at maagap na pagtugon sa paraang patula. Ang Paksa ng Balagtasan Ang mga paksang nauukol sa buhay gaya ng pamilya, pag-ibig, lipunan at politikaang madalas maging paksa ng balagtasan. Ang dalawang bagay na malimit na pagtalunan sa balagtasan ay ang (1) tahanan o paaralan, (2) ina o ama, (3) dunong o yaman, (4) pangaral o parusa, (5) bitay o habambuhay na pagkabilanggo, (6) guro o sundalo, atb. Ang Bumubuo ng Balagtasan Ang balagtasan ay binubuo ng isang Lakandiwa at dalawang mambibigkas napagtatalunan ang isang paksa. Ang Pamamaraan ng Pagtatanghal ng Balagtasan Bukod sa Lakandiwa at dalawang mambibigkas ang paksang pagtatalunan ay napakahalaga sa pagtatanghal ng balagtasan. Dahil dito, napapanahon at mahalagang paksa lamang ang dapat taglayin ng balagtasan. Ang Lakandiwa ang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang magtatalo. Siya rin (1) ang unang magasasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood, (2) ang pormal na magbubukas ng balagtasan, (3) ang magpapakilala sa dalawang magtatalo, (4) ang magbibigay ng desisyon kung sino sa dalawang nagtatalo ang nagwagi, at (5) ang magpipinid ng balagtasan.

You might also like